CHAPTER 14

Ilang araw akong naging busy sa school works dahil sobrang hirap na din ng subjects namin especially ang PHYSICS. Minsan ay gusto ko nalang talagang mag give up sa pagiging STEM student ko pero wala e, nandito na. I was thinking na if mag give up ako edi ako ang talo.
Dadalawin nga pala namin si Leo ngayon sa hospital dahil ngayon palang kami nagkaroon ng time because we are all busy. Bumalik na rin ang mga kapatid ni daddy sa United Kingdom. 
"Pumasok na kayo sa loob, hintayin niyo na lang ako." Saad ni mommy sa amin.
Paalis na kami papunta sa Hospital, si mommy ang magmamaneho for us. 
"Wala na ba tayong naiwan?" Tanong ni ate.
"I think wala na." Sagot ni mommy.
We're listening to If I Were a Boy by Beyoncé habang nasa daan pa kami, medyo traffic din kasi.
"I used to sing this song sa daddy niyo before..." Panimula ni mommy. 
I am low-key vibing the song lang, I'm not singing it loud because I don't want to. Alangan namang pilitin ko?
"Akala ko kasi he doesn't like me, he just wanted to feel some touch lang. I misunderstood him at first." 
Unti-unti na rin kaming nakakarecover. Hindi na kami palaging umiiyak at nagkululong sa mga kwarto namin. We focused na on what we have and started to stand for our family. We are not completely happy without dad pero we are trying because we know na ayaw ni daddy na nalulungkot kami.
"We heard that story mom for so many times." Ate Luxainne chuckles.
Well, ate is right naman. Minsan talaga paulit-ulit lang ang kwento ni mommy ganoon din si daddy noong nabubuhay pa siya. I don't pero hobby din nila na ikuwento sa amin ang love story nila over and over again.
"Nasabi ko na pala." Nakangiting wika ni mommy.
Hindi nalang ako sumali sa usapan nila dahil tinatamad ako makipag-usap. Hanggang ngayon talaga iniisip ko pa rin kung paano ko maiintindihan ng maayos ang physics subject namin. Well, naiintindihan ko naman siya but it requires a lot of time and effort before I fully understand that subject.
Hindi naman na miss ang lugar na ito, medyo lang. Wala namang nagbago sa lugar na ito, ganoon pa rin. Unang hinanap ng mga mata ko ang lalaking hindi ko na nakitang muli simula noong umaalis kami dito sa Hospital pero hindi ko makita. 
"Excuse me nurse, saan po dito ang room ni Napoleon Dela Cruz?" Tanong ni mommy.
"Tamang-tama po ma'am, may ihahatid akong gamot sa kaniya, sundan niyo nalang po ako. This way po." Tugon ng nurse
"Thank you." Mommy replied.
Naglakad-lakad lang kami hanggang sa makarating kami sa elevator. Then naglakad ulit papunta sa kwarto ni Leo.
"Good morning sir, may bisita po kayo." Panimula ng nurse.
"Sino?" 
"Sila po." Pagkasabi ni ate nurse non ay pumasok na kami nila mommy.
"Ah sir maiwan ko na po kayo, ito po pala yung vitamin niyo." Saad ng nurse atsaka umalis.
"Leo, kamusta ka?" Tanong ni mama sa kanya.
"I'm fine po, medyo lumala ang kondisyon ko noong isang araw pero nabawi ko naman na rin ngayon." Tugon ni Leo.
"Naku! Nabanggit sa amin ni Luna na tumakas ka daw para pumunta sa cemetery."
Hala! Bakit sinabi ni mommy? Baka isipin ni Leo na marites ako.
"Miss ko na po kasi si mommy tita Liliana."
"Hindi ka ba napagalitan?" 
"Napagalitan po tita, pero okay naman na rin po at least pinuntahan ako dito ni daddy. Madalas na rin niya akong dinadalaw."
"Nabanggit nga sa amin ni Luna kung anong pinagkakaabalahan ng daddy mo." Saad ni mommy. 
Goshhh! Mommy!
"Ah Leo, gusto mo ba ng saging? Dinalhan ka namin. Ipinagluto ka din namin ng pang lunch mo." Nakangiting wika ni ate Luxainne. 
"Nag-abala pa po kayo pero salamat paki abot na rin po ng saging diyan." Pilyong saad ni Leo na ikinatuwa nila ate. 
Nakaupo lang ako dito sa sofa habang nakikinig sa usapan nila. Ayaw ko makisali sa usapan nila atsaka isa pa may gusto akong makita kaya kanina pa ako umiikot ang paningin ko baka sakaling masilayan ko.
"Luna, okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik." Tanong sa akin ni Leo.
"Ayos lang." Tipid kong sagot.
"Hayaan mo na si Luna, stressed pa rin siguro siya sa Physics nila." Saad ni Ate.
"Anong grade kana?" Natulala ako saglit nang magtanong si Leo, hindi ko kasi na gets kaagad na para sa akin iyong tanong niya.
"Grade 12."
"Ah, STEM?" Tanong niya pa ulit
"Yes Leo." Sagot ko.
"STEM student din ako Luna, pero mukhang hindi ako makakapag-aral ngayong school year." 
Sinuklian ko lang siya ng ngiti dahil hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko. Wala talaga siguro ako sa mood para makipag-usap.
"Lalabas po muna ako." Paalam ko kina mommy. 
"Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni ate habang kumakain ng saging.
"Sa cafeteria, gusto ko ng cookies."
"Dalhan mo rin kami." Rinig kong saad ni ate bago ko pa tuluyang maisara ang pinto.
Hindi na ako gumamit ng elevator para makababa, naglakad nalang ako dahil umaasa ako na makikita ko ang lalaking hinahanap ko. Hindi ko naman siya gusto, I mean naka move on na ako. Hindi naman malalim iyong feelings ko for him pero may gusto akong itanong sa kanya.
Nakarating ako sa cafeteria nang hindi ko man lang siya nakita sa pathway. Pagkapasok ko ay bumili ako ng cookies para sa sarili ko at para kina ate. Nag kape rin ako kahit na I'm already nervous. 
Kaunti lang ang tao rito pero ang nakaagaw sa pansin ko ay ang dalawang babaeng nagtatawanan kasama ang isang lalaking nakasuot ng puting hospital gown. Nakatitig lang siya sa isang magandang dalaga na nakikipag-usap sa kasama nito.
Saglit ko silang pinagmasdan dahil natutuwa ako para kay Aster, ngayon ko lang siya nakitang ganiyan kalawak ang kanyang ngiti sa labi. He looks so genuine and sweet. Umupo ako sa table na malapit sa kanila sa pag-aakalang mapapansin ako ni Aster ka agad pero mukhang hindi. Ilang minuto akong naghintay na mapansin niya ako pero wala e, nakaubos na nga ako ng dalawang cookies. 
I look at them again at nakikita ko kung paano hinahaplos ni Aster ang buhok ng dalaga, how sweet pero mukhang hindi siya nakikita nito.
Pagkatapos ng ilang sandali ay finally lumingon na si Aster. Nagtama ang aming mga paningin at sama sumilay ang mga ngiti sa aming labi. He waved at me atsaka itinuro ang upuan sa harap ko. Sa tingin ko ay tinatanong niya sa akin kung may nakaupo ba doon or may kasama ako kaya umiling ako. 
"Kamusta ka Luna? Bakit ka nandito?" Tanong niya sa akin nang makalapit siya sa aking pwesto. 
Nag thumbs up lang ako sa kanya. Duh! Ayaw ko mapahiya dahil sa pagsagot-sagot sa kanya katulad noong una ko siyang nakita.
"Type mo nalang Luna." 
'Tara sa garden para makapag-usao tayo. May gusto akong itanong sa iyo.'
"Sorry Luna, ayaw kong iwan sila Aurora dito." Sabay turo sa babaeng nakaupo sa harap ko. 
'Gising na pala siya, ang ganda niya.' Nakangiti ako habang pinipindot ang bawat letra sa aking keyboard hanggang sa tuluyan ko itong ma typed.
"Syempre, baka girlfriend ko iyan. Nagising siya after ng dalawang araw na paglisan niyo rito. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakatulog, naaawa nga ako sa kanya. Pinipigilan niya talaga ang sarili niyang makatulog dahil baka ilang taon na naman daw siya bago magising."
'Nagkakausap kayo?' 
"Hindi Luna, hindi niya ako nakikita." 
"Ano nga pala iyong itatanong mo?" 
'Gusto kong itanong kung sa iyo kung nakikita mo ba si daddy? Miss ko na kasi siya atsaka hindi siya nagpaparamdam sa akin kahit sa panaginip man lang.' 
"Hindi e. Siguro nasa heaven na iyon. Ang nakakabalik lang naman dito ay lahat ng may naiwan at gustong tapusin pati iyong mga taong hindi pa na satisfied sa buhay nila, iyong mga taong may hinahanap-hanap pa."
'Okay.'
"Iyon lang ba ang ipinunta mo here? Para itanong iyan sa akin?" 
'No. May dinalaw kami nila ate.'
"Sino?"
'Si Leo.'
"Napoleon Dela Cruz?"
Nagulat ako ng bigla niyang banggitin ang buong pangalan ni Leo kaya mabilis akong nag type sa cellphone ko at ipinabasa iyon sa kanya. 
'Kilala mo?'
"Halos lahat ng pasyente dito, kilala ko na Luna." 
'Okay.' 
"Sige na Luna, maiwan na kita. Mukhang babalik na sila Aurora, mag-iingat ka." 
I just nod and smiled at him. Pinagmasdan ko sila hanggang sa tuluyan na silang makaalis. Pagkatapos noon ay tumayo na ako para bumalik sa kwarto ni Leo.  
PS: LAHAT NG NAKASAAD SA CHAPTER NA ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG. HUWAG NIYO SANANG MASAMAIN AT PAG-ISIPAN NG MASAMA ANG MGA NAKASULAT DITO. WALA AKONG IDEYA SA KUNG ANO BA TALAGA ANG MANGYAYARI SA ATING BUHAY KAPAG TAYO AY NAMAALAM NA SUBALIT INILIKHA KO ANG IMAGINATION NA NABUO KO SA AKING ISIPAN. 

Book Comment (278)

  • avatar
    Princess Jane Arradaza

    I love this story subra nagagandahan ako diko nanga namalayan na madaling araw na HSHS plsss po sa next chapter I wanna read again Ang ganda² talaga Ng story my line din na ranas ko like sa daddy nya pro Yung ghost and Leo ackkk nakaka exciting pa talaga sa next chapter.

    25/08/2023

      0
  • avatar
    ۦۦ Clea

    His story is so beautiful, I can see myself in what I read since I've been a bts fan since grade 7 and everything he mentioned in the story almost matches my situation back then

    23/08/2023

      0
  • avatar
    Ashlie Kyle Purog

    complete naba talaga to huhu wla syang naging jowa eme huhu pero ang sakit mo aster pero move na forda go ....nice story

    21/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters