CHAPTER 15

"Ito na cookies niyo." Direkta kong saad nang makapasok ako sa loob ng room ni Leo. Inabot ko iyong isang balot ng cookies kay ate, siya na ang bahala kung paano niya hahatian ang mga kasama niya.
"Nasaan si mommy?" Tanong ko.
"Umalis, kailangan daw siya sa office. Thank you nga pala sa cookies pero bakit walang kape?" 
"Naubos ko na ang kape." Saad ko sa kanya. 
Napatingin ako kay Leo na mukhang kanina pa nakatingin sa akin, gumuhit din ang ngiti sa kanyang itsura nang magtama ang mga mata naming dalawa. 
Hindi na ako nag-abalang ngumiti sa kanya at umupo na ako sa sofa kasabay nang pagsaksak ko ng earphones sa aking tenga. We're not close rin naman e atsaka hindi ko talaga ugaling pansinin ang mga taong hindi gaanong malapit sa puso ko. Minsan nga ay kahit close ko pa iyan kung hindi siya ang unang papansin sa akin ay wala akong pakialam diyan. Taas ng pride ko! Hindi ko maibaba, pakiramdam ko kasi ay inaapakan ko ang pagkatao ko. 
"Ate, anong oras tayo uuwi?" 
"Mamaya pa naman siguro, susunduin nalang daw tayo ni mommy, she didn't leave us money." Rinig kong tugon niya bago ko tuluyang pindutin ang video sa YouTube.
Kasalukuyan akong nanonood ng ASMR video mukbang sa YouTube. Nagugutom na nga rin ako dito pero okay lang. Hobby ko nga rin pala manood ng mukbang at iba pang Vlog kapag wala akong ginagawa pero kadalasan ay K-pop videos ang pinapanood ko. Ang sarap din kasing pagmasdan ng red sauce nila sa mga sea food na kinakain nila, nakakamiss! 
We tried that too noong nasa boracay kami nila dad. We did mukbang and eat a lot of sea food there. Ang sarap talaga super because malaki at malaman din iyong mga sea food. Nakakamiss talaga, sana maulit pa iyon kahit wala na si daddy. I'm naman na magiging happy for us si dad kapag ginawa namin iyong mga bonding namin noon kasama siya. 
I stopped watching ASMR videos na dahil inaantok lang ako. I opened my Spotify nalang to play a music. Fool by frankie Cosmos ang pinatugtog ko and then inopen ko ang facebook account ko. 
Nakita ko rin ang friend request ni Leo sa akin kaya saglit akong napatingin sa kanya. Nag-uusap pa rin sila ni ate, mukhang na miss talaga nila ang isa't isa. Close na close talaga sila dahil naging boyfriend ni ate ang pinsan niyang si Sean pero hindi nag work ang relationship nila. Naaalala ko pa nga dati, pumupunta kami sa bahay nila Leo para bisitahin si Kuya Sean at ang pamilya nila noon. Tapos doon, si ate Luxainne at si Leo ang palaging nag-uusap. Ayon nga sa mother ni Leo ay gusto talaga ni Leo magkaroon ng sister kaya malapit ang loob niya sa mga babae.
'Back when I was a child...'
Bigla akong natigilan nang marinig ko ang unang linya sa lyrics ng kanta. 
'Before life removed all the innocence
My father would lift me high
And dance with my mother and me and then
Spin me around till I fell asleep
Then up the stairs he would carry me
And I knew for sure I was loved'
Aww! I miss my daddy na naman. I didn't knew na one day ay magiging para sa akin na rin ang kantang ito. 
'If I could get another chance
Another walk, another dance with him
I'd play a song that would never ever end
How I'd love, love, love to dance with my father again,'
Pangarap ko pa namang maisayaw si daddy sa 18th birthday ko but I know it will never happen na. Sayang! Sayang talaga, hindi ko man lang maeexperienced ang debut ko with a complete family. 
'When I and my mother would disagree
To get my way I would run from her to him
He'd make me laugh just to comfort me, yeah, yeah
Then finally make me do just what my momma said
Later that night when I was asleep
He left a dollar under my sheet
Never dreamed that he would be gone from me'
Ipinikit ko ang aking mga mata para damdamin ang kanta. Grabe talaga, ramdam na ramdam mo talaga ang emosyon ng kumakanta kapag ikaw na ang tinutukoy sa lyrics. Proud din talaga ako sa mga singers at songwriters dahil nabibigyan nila ng hustisya ang bawat salita sa kantang ibinabahagi nila sa atin.
"Hey! Luna! Luna wake up." Naramdaman ko ang pagyugyog sa akin ng dalawang kamay habang sinasabi ang mga salitang iyon. 
Hayst! Nakatulog na pala ako, hindi ko na namalayan.
"Luna!"
Tumama sa aking pagmumukha ang pillow na ibinato sa akin ni ate. Gigisingin na nga lang ako, babatuhin pa.
"Uuwi na tayo Luna kaya gumising kana diyan." Mahinahong saad ni mommy.
"M-mommy, nandito na po pala kayo." Inaantok kong wika.
"Kanina pa baby, tatlong oras ka na ngang natutulog." 
What? Really? 
Binuksan ko ang cellphone kong mukhang nasa spotify pa rin. Hindi man lang nag stop ang music for sure malaking mb na ang nagastos ko. It's already 3 pm na pala, hindi pa ako nakapag lunch. Gutom so much!
Tumayo na ako at dumeretso sa comfort room ng kwarto ni Leo para maghilamos. Pagkatapos ay humingi ako ng tissue sa kanya pang punas ng basa kong pagmumukha atsaka inayos ang aking itsura. Nag-apply din ako ng powder tsaka lip balm sa akinh labi para naman hindi gaanong plain ang aking itsura.
"Leo, uuwi na kami. Dadalawin ka nalang namin ulit kapag may oras kami." Saad ni mommy sa kanya.
"Sige po tita." Mahina niyang tugon.
"Pagaling ka Leo. Aalis na kami." Paalam naman ni ate sa kanya atsaka siya ay niyakap. 
Ngumiti lang ako kay Leo bago lumabas sa pintuan at ganoon din naman ang ginawa niya. Lumabas na rin sila ate sa room niya kaya naglakad na kami papalayo doon. Nakita ko rin si Aster sa pathway bago ako tuluyang makapasok sa elevator, galing siguro siya sa kwarto ni Aurora.
"Ah mommy, baka naman po gusto niyo mag kfc tayo, hindi po kasi ako nakapaglunch e."
"Bakit ka kasi natulog?" Sarcastic na tanong sa akin ni ate. 
"Pag-iisipan ko pa."
"Mommy naman, huwag mo nang pag-isipan deserve ko naman po." 
"Anong ginawa mo para maging deserve mo ang kfc ngayong araw Luna? Natulog ka lang naman e." 
"Natulog ka lang naman e." Pag imitate ko sa voice niya.
"Nakalimutan mo na ba ate Luxainne na dinalhan ko kayo ng cookies kanina?"
Tsk! Pera ko pinambili ko non.
"Okay fine! Huwag na kayong magtalo. Kfc tayo gutom na rin ako e." Saad ni mommy. 
"See!" Malakas na wika ko kay sa kanilang dalawa.
"Anyway, nakapag-asawa na daw pala si Sean mommy." 
"Oh really? Good for him." 
"Yeah."
"Don't tell me naghihinayang ka ate? Or maybel your jealous?" Nakangising saad ko sa kanila. Sana kahit dito man lang ay makabawi ako sa pang-aasar niya sa akin. 
"Luna, I'm not a kid anymore. I understand things na more than you do. There are something talaga na not meant for me." She said calmy.
Hayst! Hindi man lang siya napikon sa akin. Grabe naman ka matured. Ano pa nga ba ang ineexpect ko sa 24 years old woman?
"Sino nga pala ang napangasawa niya?" Tanong ni mommy.
"Japanese daw mommy, si Nahhido ba iyon...Basta her name starts with Na." 
"Oh! I see. Sana ay healthy ang relationship nila."
Sana nga. Healthy din naman ang sila ni ate noon e, pero they choose career over love that time. I can see Kuya Sean pa naman as a perfect guy for ate. There's something talaga na kahit gaano kabagay sa atin ay hindi meant for us and there are things to that doesn't work according to our plan. 
Pagdating namin sa KFC ay as usual, inorder ko lahat ng gusto ko. Kapag sa pagkain naman ay okay lang kahit hindi na kami magtipid kung gusto talaga naman as long as hindi siya nasasayang. Super gutom talaga ako kaya lahat ng gusto kong kainin inorder ko. If ever na hindi ko maubos, edi take out. I can eat it again naman sa bahay. 

Book Comment (278)

  • avatar
    Princess Jane Arradaza

    I love this story subra nagagandahan ako diko nanga namalayan na madaling araw na HSHS plsss po sa next chapter I wanna read again Ang ganda² talaga Ng story my line din na ranas ko like sa daddy nya pro Yung ghost and Leo ackkk nakaka exciting pa talaga sa next chapter.

    25/08/2023

      0
  • avatar
    ۦۦ Clea

    His story is so beautiful, I can see myself in what I read since I've been a bts fan since grade 7 and everything he mentioned in the story almost matches my situation back then

    23/08/2023

      0
  • avatar
    Ashlie Kyle Purog

    complete naba talaga to huhu wla syang naging jowa eme huhu pero ang sakit mo aster pero move na forda go ....nice story

    21/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters