Homepage/The lost Heiress/
Chapter 14
Althea Sandrigal point of view
"MAGSUSUMBONG AKO SA DEAN!.. IPAPATANGGAL KO ANG DEMONYONG GAYA MO DITO!" sigaw ko sa umaalis na hari ng mga mokong.
Napapadyak nalang ako sa inis at mariing tiningnan ng tingin mokong. Naputol lang ang pagtingin ko ng meroong nagflash na camera. Lahat ng mga students dito sa first floor ay may hawak na camera. Shit gusto kong manapak sa sobrang inis!
Inis akong umakyat sa second floor at nagtungo sa room namin. Pinagpagan ko ang mga duming kumapit sa damit at palda ko!..
Papahirapan pa 'kong maglaba ng hari ng mokong na'yun!.. bwisit s'ya!
"O?.. BAKIT GANYAN ANG MUKA MO?!" natatawang sabi sakin ni denden ng umupo nako sa upuan ko. Tinarayan ko lang s'ya at inis na pinagpagan naman ang puting medyas ko..
"PA'NO BA NAMAN KASE!.. MAY NAKASALUBONG AKONG MALAS!" inis na sabi ko. Masasalita pa sana si denden ng pumasok na si maam sa room. Our Computer teacher.
Nagsimula ang klase na lipad ang isip ko, hindi ko maiwasang maiinis sa tuwing naiisip kong gumaganti na sakin si mokong. Hindi ko alam kung bakit n'ya yun ginawa.
Pero dalawang rason lang ang naiisip kong dahilan kung bakit n'ya ako tinakid kanina. Una, yung patungkol sa sagutan namin sa canteen nung nakaraang linggo.. Pangalawa, baka dahil sa kaibigan ko ang taong kinaiinisan nya. Si diane.
Umiling nalang ako't pilit winawaksik ang mga walang kwentang bagay na naglalaro saking isipan. Kung ano man ang dahilan nya kung bakit nya yun ginawa, wala akong pakialam.
Takid pala ha?!.. humanda ka sakin!.
***
Natapos na ang ilang klase't lunch time na. Katulad ng nakasanayan, nandito ulit kaming tatlo sa garden kung saan nakasilong kami sa tambayan kung saan meroong batong bubong na ang desenyo ay mushroom.
Masarap ang ulam namin ngayon. Menudo at lumpia.. pero wala akong gana. Nagiisip ako ng paraan kung papaano gagantihan ang hari ng mga mokong!.
Hmmm.. papaano nga ba?!
Naputol lang ang pagiisip ko ng sikuhin ako ni denden. "HOY THEANG!.. 'YUNG PAGKAIN MO HINDI MO GINAGALAW!, KAININ KO 'YAN SIGE KA!" katyaw ni denden. Tiningnan ko lang sya ng walang emosyon at tinulak ng bahagya ang tray ng pagkain ko.
"SAYO NA!.. WALA AKONG GANA" sabi ko. Kinapa ng loko kong kaibigan ang leeg ko.. tila nakikiramdam kung meroon akong lagnat. "WALA KA NAMANG SAKIT AH?!"
Hinampas ko lang ang kamay nyang nasa leeg ko. Natawa naman si diane sabay inom ng juice.
"WALA KANG GANA BECAUSE OF RYLE RIGHT?!"
Agad akong napalingon dahil sa tanong ni diane. Paano nya nalaman?
"NAKITA KO KANINA ANG SAGUTAN NYO SA LABAS NG FIRST FLOOR. NANDUN AKO'T PINAPANOOD KAYO" ani ni diane habang seryoso ang muka.
Napabuntong hininga nalang ako't umirap sa kawalan. Ayokong isipin ni diane na ginawa yun ni ryle sakin dahil kinakaibigan ko sya. Ayoko ring isipin ni denden na ginawa yun ni ryle sakin dahil gumaganti sya sa nangyaring pagkakatapon ng juice sa sapatos ni ryle.
Ayokong mag regret sila dahil lang sa pagkakatakid sakin ng bwisit na hari ng mga mokong.
Nilingon ko ang muka ni diane at denden. Halatang malungkot at gasumot ang kanilang mga ekspresyon.
"'WAG KAYONG MAGALALA, OKAY LANG AKO" sabi sabay tapik sa balikat nila. Umiling naman si diane at ngumiti sakin. "SORRY ALTHEA.. ALAM KONG TINAKID KA NI RYLE DAHIL SIGURO KAIBIGAN MO'KO.. DINADAMAY KA NYA SA GUSOT NAMING DALAWA" sinserong sabi ni diane. Magsasalita na sana ako pero inunahan nako ni denden
"SIGURO AKO ANG DAHILAN.. TINAKID KA PALA NI RYLE. SORRY, KUNG HINDI KO SIGURO NATAPUNAN NG JUICE YUNG SAPATOS NYA NUN EDI SANA HINDI KA NYA GINAGANTIHAN NGAYON" sinsero ring sabi ni denden
Pinagmasdan ko lang ang mga itsura nila. Hindi bagay sa magandang muka ni diane kapag malungkot s'ya. Samantalang naninibago naman ako kay denden kase ngayon lang s'ya naging ganyan kaseryoso.
Tumawa ako, hindi naman gaanong malakas. Pero sapat nayun para mangunot ang noo nina denden at diane. Natatawa ako kase totoo ko silang kaibigan
"ANO BA KAYONG DALAWA!.. ITIGIL NYO NGA 'YANG PAGDADRAMA NYO!.. AYOS LANG AKO NOH. TSAKA 'WAG KAYONG MAGALALA SAKIN. ISA AKONG AMAZONA!.. KAYA KAHIT ANONG GAWIN SAKIN NI RYLE NO EFFECT LANG YUN SAKIN. 'WAG NYONG SISIHIN ANG MGA SARILI NYO. SABI NGA NATIN DIBA, MAGKAKAIBIGAN TAYO KAYA WALANG DAHILAN PARA HINDI MAGTULUNGAN!.. KAYA KONG MATAKID NG ILANG BESES BASTA PARA SA INYO!"
Pagkasabi ko nun ay agad na tumabi sakin si denden at niyakap ako ng mahigpit. Nagulat ako si ginawa nya pero nasanay din ako. Natatawa akong niyakap din sya, lumapit narin samin si diane at niyakap kaming dalawa ni denden
Humanda ka sakin ryle.. subukan mo lang na idamay ang mga kaibigan ko... Makakatikim ka ng isang hagupit na hindi mo pa natitikman sa buong buhay mo!
Kumalas sa pagyakap ang dalawa.. nagkuwentuhan kami pagtapos nun. Pero syempre, dahil no.1 sa kadaldalan si denden ay sya ang maraming kuwento. Lahat ng detalye simula ng magkakilala kaming dalawa ni denden ay kinuwento nya. Wala syang pinalagpas.. pati yung nangyaring sigalot namin nina ryle sa canteen ay naikwento nya.
Alam na daw ni diane ang tungkol sa pangyayaring yun sa canteen.. itatanong ko sana kung sino yung nahsabi, naalala ko na ang paaralang ito ay punong puno ng mga tsismis.. hindi nako magtataka kung meroong magsasabi sa kanya.
Trending pa naman din ako dito sa school. Hahaah
Hindi rin nagtagal ay kinain ko na ang pagkain ko. Bukod sa nanghihinayang ako sa libre ay naisip kong wala namang kinalaman ang pagkain sa away namin ni ryle. Kaya kinain ko nalang at siniksik sa sikmura ko.
Hayss.. hindi talaga ako papayag na maulit yung pananakid mo sakin king of mokong!.. ipapatanggal kita sa paaralang ito!.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (1278)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
Nice beginning, cant wat to finish it reading. Keep writing 😊✨
21/04/2022
43ganda
21h
0nice
2d
0View All