Chapter 17

Althea Sandrigal point of view
"LOLA, ETONG MANSANAS BILI RIN TAYO!" si phatring na inaabot sa aleng tindera ang 7 na mansanas. Kaya minsan ayaw naming isama si phat sa pamamalengke eh. Hakot ng hakot ng mga lalamunin!
By the way, dapat ay 'laba day' kami ngayong linggo.. dapat din ay kahapon ang pamamalengke at hindi ngayon. Kaso sumakit ang balakang ni lola kahapon, dahil yun sa madalas nyang pagtatanim!. Kaya 'yun!.. nagpalit yung schedule ng laba at pamamalengke namin.
Sina tita selda at tita belen ay namamalengke rin para sa kani-kanilang pamilya,pero magkakaiba kami ng schedule.. kaya hindi kami magkakasabay mamalengke.
Meroon din kase silang kanikanilang trabaho na inaatupag. Kaya sa paglalaba lang kami minsan nagkakasabay-sabay.
"AY S'YA!.. PHATRING TALAGA OO!.. SIGE ATE PABILI DIN NIYANG 7 MANSANAS" natutuwang sabi ni lola. Napaismid nalang ako dahil sa katakawan nitong kapatid ko. Eh ako nga hindi nagrerequest ng mga ganyan pagnamamalengke kami ni lola!. Sumama pa kase ang phatring na'toh!.
Maarteng natawa nalang si phatring dahil nakuha nya ang gusto nya. Habang tinititigan nya ang mga mansanas na binabalot ay biglang tumunog ang cellphone nya. Agad na lumapad ang ngiti ng syonga at animo'y kinikilig. Malaman ko lang talaga ang pangalan ng kaharutan mo!.
Tinanong ako ni lola kung may gusto daw ba akong prutas o kakainin. Umiling lang ako't ngumiti kay lola. Ayoko ko talagang magsalita.
Dahil pagdinadatnan ako'y parang tamad na tamad akong umimik. Hindi ko alam kung bakit ganon ako pag may 'ano'.. pakiramdam ko'y napakabigat ng dila ko't tinatamad akong umimik.
***
Nandito na kami ngayon sa simbahan. Tahimik na nakikinig sa pangaral ng pari patungkol sa mga taong makasalanan. Panay din ang kanyang sambit sa mga bible verse na talaga namang damang dama mo.
Hindi ako mabuting tao.. pero pinapahalagahan ko ang pagmamahal ng diyos. Kung hindi dahil sa kanya sana'y hindi namin nakukuha ang aming mga pangangailangan. Salamat sa panginoon at hindi nya kami pinapabayaan.
Nawa'y panatilihing maayos ng panginoon ang lahat.
Tahimik akong nagdarasal ng saglit akong mapalingon sa kanan. Hindi ko akalain na mahahagip ng paningin ko ang isang babaeng kumakaway ng pasimple sakin. Si diane.
Pasimple rin akong kumaway sa kanya't masiglang ngumiti. Na-miss ko agad ang kaibigan ko.
Hindi rin nagtagal ay natapos na ang misa.. late narin kase ng dumating kami dito sa simbahan dahil nga namalengke pa kami. Unti unting nagsisiuwian ang mga tao.. ang iba'y hindi pa planong lumabas ng simbahan dahil meroon silang hawak na panyo't pinupunas sa mga santo. Iyun din ang gustong gawin ni lola.
Nilingon ko si diane at namataan ko sya kasama ata ang pamilya nya. Kumakaway pa ulit sakin si diane at simesenyasan akong lumapit sa kanya.
"LOLA.. PHAT, KAYO NALANG PO MUNA ANG PUMUNTA PARA PUMUNAS SA MGA SANTO. PUPUNTAHAN KO LANG PO YUNG KAIBIGAN KO. AYUN SYA!" sabi ko sabay turo kay diane. Kinawayan naman ni diane si lola at phat ng nagtagpo ang kanilang mga mata.
Pinayagan ako ni lola na.. pero si phat ay binulungan pa ako na baka daw jowa ko yung pupuntahan ko't hindi si diane. Napailing nalang ako't iniwan sila.
Naglakad ako papalapit kay diane. Sinalubong naman nya ako.
Nagyakap agad kami't nagkamustahan. Ganon namin na-miss ang isat isa kahit kahapon lang naman kami hindi nagkita. Hahaha
"HALIKA ALTHEA!.. IPAPAKILALA KITA KAY MOM AT DAD!" hindi nako nakaalma ng higitin ako ni diane patungo sa parents nya. Nahihiya ako put--ay nasa simbahan pala ako bawal magmura.
"MOM, DAD.. SHE'S MY BEST FRIEND. ALTHEA SANDRIGAL." pakilala ni diane sa kanyang mga magulang. Napa "HELLO PO" nalang ako dahil sa hiya. Mukang elegante ang pamilya ni diane.
Ngayon ko lang din napagtanto na sobrang ganda at elegante ni diane. She's wearing a plain white floral dress na talagang bumabagay sa maputi nyang kutis.
Hindi ko akalaing meroon akong kaibigang anghel.. inside and out pa!.
"HI IHA!.. NICE TO MEET YOU DEER" ang mama ni diane sabay tapik sa balikat ko. "IKAW PALA ANG KINUKWENTO SAKIN NG ANAK KO NA MABITING KAIBIGAN NYA. ABA'Y ANG GANDA MO PALA SA PERSONAL!.. BALITA KO'Y NAPAKABUTI MO RING KAIBIGAN"
Dahil sa sinabi ni mrs. Castro ay napakamot nalang ako sa sintido ko. Nahihiya talaga ako tapos pinuri nya pa ako!. "SA-SALAMAT PO MRS.CASTRO" nahihiya paring sambit ko.
Medyo natawa ang daddy ni diane sa sinabi ko. "ANO KABA IHA.. MASYADONG AWKWARD KUNG TATAWAGIN MO NG GANYAN ANG ASAWA KO. JUST CALL HER 'TITA'.. AND CALL ME 'TITO'". Napalunok nalang ako sabay tango sa kanila. Hinawakan naman ni diane ang kamay ko't hinigit ako sa medyo malayo sa mga magulang nya. Tumingin sya sa gawi nina lola at phatring na meroong dalang mga eco bag.. yun yung mga pinamili namin kanina para sa makakain namin sa loob ng isang linggo.
"PAMILYA MO BA SILA?!" masayang tanong sakin ni diane. Tumango lang ako bilang sagot sa kanyang tanong. Nagulat nalang ulit ako ng biglang tumayo ng tuwid sa harapan ko si diane at ngumiti na naman ng napakalapad. "PWEDE MO BA AKONG IPAKILALA SA KANILA?" tanong ni diane. Nginitian ko lang din sya at tinapik sa siko. "OO NAMAN NOH!"
Sabay kaming naglakad ng marahan ni diane paounta sa pwesto nina lola kung saan ipinapahid nya ang panyo sa katawan ng rebulto ni mama mary. Dahan dahan lang ang lakad namin dahil baka mabunggo namin ang mga taong tinatahak ang daan palabas.
Hindi rin nagtagal at napunta na kami sa harapan ni lola at phat. Si lola ay agad na ngumiti kay diane ng makita ito. Samantalang si phatring ay animo'y nakakita ng multo habang nakatingin ng todo kay diane.
Ang oa ng kapatid ko pagpasensyahan nyo na.
"LOLA.. SI DIANE PO PALA. BEST FRIEND KO!" agad na ibinulsa ni lola ang kanyang panyo sa kanyang bulsa. Lumapit sya kay diane at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. "ABA'Y KAY GANDANG BATA!.. KUNG HINDI MO NAITATANONG IHA AY GANYAN DIN AKO KAGANDA NG KABATAAN KO!" nagbibirong sabi ni lola dahilan para matawa kami maliban kay phat na animo'y pinoproseso pa sa utak nya na isang anghel nga ang nasa harapan nya.
"SI LOLA TALAGA!.. KAHIT HANGGANG NGAYON NAMAN AY MAGANDA PARIN KAYO!" si diane at talagang napaka sinsero ng pagkakasabi nya nun. Napatawa nalang si lola. Lumingon naman si diane kay phat. Mas laling nagulat si phatring ng inilahad ni diane ang kamay nito.
"NICE TO MEET YOU!.. ANONG PANGALAN MO?" mahinahong sabi ni diane na animo'y kinakausap ang kanyang nakakabatang kapatid. Napalunok nalang si phat sabay lahad din ng kanyang kamay. "A-AKO SI ANO.. SI PHATRICIA"
Nagkatinginan nalang kami ni lola at pasimpleng natawa dahil sa inaasta ni phat. Hindi naman artista si diane para kabahan sya diba?!.
Pagkatapos ni diane na kilalanin ang lola at kapatid ko'y inanyayahan ni diane ang dalawang kasama ko na ipapakilala daw nya sa parents nya.
Hindi naman na tumanggi si lola at wala ring nagawa si phat kundi sumunod lang sa mga gagawin namin.
"MOM AND DAD!.. THIS IS LOLA AMAYA, ALTHEA'S GRANDMA AND THAT CUTE GIRL IS PHATRICIA.. ALTHEA'S SISTER!"
Nagumpisa ang ganoon hanggang sa yakagin kami nina mr and mrs castro na kumain ng tanghalian.. nung unay tumanggi si lola dahil nakakahiya daw. Ganoon din ang naging reaksyon ko.
Pero mapilit si mrs.castro. Kaya pumayag na kami.
At ngayon.. nakasakay kami sa malaking kotse nila na talagang kumikinang sa ganda. Nakakahiya na ganito pala ang pamilya ni diane. Nanliit ako dahil sa kakaisip kung magkano kaya ang kotse na sinasakyan namin ngayon.
Sa byahe ay panay ang usap ni lola at mrs.castro about gardening. Nalaman kong mahilig din pala sa halaman si mrs.castro.. yun daw yung trabaho kase ng tatay noon ni mrs.castro. Dati lang din silang mahirap at hardenero ang tatay nya.
Marami pang napagkwentuhan si mrs.castro at lola. Syempre kami rin ni diane ay nagdadaldalan. Hanggang sa hindi na namin namalayan na nasa tapat na kami ng isang mamahaling restaurant!.
Shit dont tell me dito kami kakain!.
Inanyayahan ni mr.castro ang lahat na bumaba at sumunod sa kanya sa loob ng restaurant. Bumaba agad kami, iniwan muna namin sa kotse nina diane yung mga pinamili namin. Inalalayan ko si lola pababa ng kotse dahil medyo mataas.
Papasok na sana kami sa loob ng mahagip ng paningin ko si diane nakatingin somewhere at hindi makapaniwala sa nakikita.
Tiningnan ko ano ba yung tinitingnan nya. Napagtanto kong isang babae yun.. hindi nalalayo sa edad namin ni diane.
Matangkad at meroong sexy na pangangatawan, maputi rin sya talagang sumisigaw ang ganda. Sinubukan kung kilalanin kung sino yun. Pero hindi ko naman kilala.
Sabagay.. wala naman akong ibang kilalang mukung mayaman kundi si diane at yung hari ng mga mokong lang.
Lumapit ako kay diane at tinanong kung sino yung babaeng yun.
"SINO SYA?.. KILALA MO?" ako
"KILALANG KILALA KO S'YA. SYA LANG NAMAN ANG SUMIRA NG PAGKATAO KO!.. HAYOP KA KLEA.. ANG LAKAS NG LOOB MONG MAGPAKITA ULIT DITO SA PILIPINAS. DAPAT TUMIRA KA NALANG SA STATES AT 'WAG NG BUMALIK HABANG BUHAY!"
Nagulat ako hindi lang dahil sa sinabi nyang si klea pala 'yun. Nagulat ako ng sobra dahil ibang diane ang nakikita ko ngayon. Punong puno ng galit at poot ang mata nya.
Natatakot akong sumugod nalang sya basta kay klea nayun at mag iskandalo!..
Malaking gulo pag nagkataon...

Book Comment (1278)

  • avatar
    HeartsBlossom

    Nice beginning, cant wat to finish it reading. Keep writing 😊✨

    21/04/2022

      43
  • avatar
    Samontina Garay

    ganda

    17h

      0
  • avatar
    Chester Calma

    nice

    2d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters