Chapter 18

WARNING!: MEROONG AWAY NA MAGAGANAP!.. 'WAG GAGAYAHIN OKAY?!. BAKA MAMAYA MANGAWAY DIN KAYO!.. HAHAHA ✌️
Althea Sandrigal point of view
Sinubukan kong yayain papasok ng resto si diane, pero nagpumilit syang dito muna. Gusto daw nyang makausap si klea. Kakamustahin lang naman daw nya.
Medyo nawindang ako sa pagkakasabi nya ng "KAKAMUSTAHIN KO LANG ANG DATI KONG KAIBIGAN" para bang gigil na gigil sya habang binibigkas ang bawat salitang 'yun!.
"DIANE.. PLEASE, CALM DOWN!. NAKAKAHIYA KUNG MAGAAWAY KAYO NI KLEA DITO!" pamimilit ko pa kay diane. Umiling lang sya at bumuntong hininga. "USAP LANG ANG GAGAWIN NAMIN ALTHEA. NASASAKANYA NA'YUN KUNG AAWAYIN NYA KO?" sarkastikong sabi ni diane.
Napakamot nalang ako sa sintido ko't lumingon sa gawi ni klea. Ngayon ay nakatingin sya sa gawi namin at nakapamaywang pa!. Meroong medyo maedad na babae na hindi rin nalalayo sa edad ni mrs.castro, nasa likod sya ni klea at nakangising nakatingin kay diane.
Napasinghap nalang ako ng humakbang papalapit sa dereksyon namin ang dalawa. Hindi nato maganda. Baka magaway sila!.
Dahil sa taranta ko'y pumasok ako sa loob ng resto. Luminga linga ako sa loob para hanapin ang kinalalagyan nina mr and mrs.castro pati nina lola. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil nandoon sila nakapwesto sa bandang dulo ng resto.
Naglakad ako papunta doon habang nilalabanan ang mga tingin ng ibang customers na mukang bigtime at may masasabi sa buhay. Kung tingnan nila ako'y para bang isa akong basura na napunta sa isang gintong hawla.
Bawal ba ang mga gaya namin dito?!.
Nakarating nako sa tapat ng table nina mr and mrs.castro. Kasama nila si lola at si phatring.
Nginitian agad nila ako maliban sa kapatid kong hindi matanggal ang tingin sa menu ng mga pagkain.
"WHERE'S DIANE IHA?" tanong ni mr.castro
"MR,CAS--AY TITO PALA. KAILANGAN NYO PONG LUMABAS NGAYON DIN!, KAYO PO NI TITA!. NAGKITA PO SA LABAS SI KLEA AT DIANE!.. BAKA PO MAGAWAY SILA?!" ako na hindi maitago ang kaba!.
"WHAT!?.. KLEA?!!. NASA AMERICA SYA DIBA?!. PAPA--" hindi na naituloy ni mrs.castro ang sasabihin nya ng bigla ko itong putulin. "TITA NAKABALIK NAPO SYA DITO SA PILIPINAS!. AYUN NGA PO SYA AT BAKA AWAYIN SI DIANE!"
Pagkasabi ko noon ay agad na lumabas ng mabilis sina mr and mrs.castro. Sinabi ko kina lola at phatring na 'wag ng sumunod samin sa labas. Pero mapilit si lola at phat, kaya pinayagan ko narin sila.
Isang malakas na tawa agad ng mama ni klea ang narinig namin ng lumabas kami at lumapit sa pwesto nina diane at klea.
"OH!.. WOW!!. NANDITO RIN PALA ANG PARENTS MO DIANE?!" sarkastikong sabi ng mama ni klea. Hinigit lang ni mrs.castro patabi sa kanya si diane para ilayo sa maginang binabalot ng itim na presensya!. Ramdam na ramdam ko 'yun.
"YEAH CRISTINE.. IM HERE TO PROTECT MY DAUGHTER!.. LABAN SAYO AT SA DEMONYO MONG ANAK?" sarkastikong sabi din ni mrs.castro.
Medyo lumalakas ang tensyon dito!. Pagnagkataon ay first time kung makakakita ng literal na laban ng mga babae!.
Puro lalaki kase ang napapanood kong nagaaway, minsan ay ako ang nakikipaglaban sa lalake kaya sanay na ako. Pero paglaban ng babae sa babae. Hindi ako sanay.
"WAIT?!.. DEMONYO?!.. ME?!. HAHAHAHA. AKO PA TALAGA TITA BHETHANY?. EH DIBA YUNG ANAK MO ANG NANLALANDI NG KUNG SINO SINO. SINUNGALING PA NGA SYA EH.. SO SINO SAMIN NG ANAK MO ANG DEMONYO?!" angil ni klea. Maganda sana yung boses nya kase manipis at pangbabae talaga. Pero dahil maldita sya at maninira ng buhay, useless lahat ng panlabas na katangian nya.
"'WAG AKO ANG PARATANGAN MO NYAN KLEA. BAKA NAKAKALIMUTAN MO KUNG ANO AT SINO KA TALAGA?!. GUSTO MO IUMPOG KO ANG ULO MO SA PADER PARA MAALALA MO?" galit na sabi ni diane na sadyang nakapagpagulat sakin!. Shit!.. si diane ba'yan?!
Halata rin ang gulat sa muka ni klea at ng mommy nya. Siguro'y nasindak sa tapang na pinapakita ni diane. Napamahinang tawa nalang si klea at lumapit ng sobra kay diane.
"TUMATAPANG KANA PALA?!.. SABAGAY, GANYAN ANG MGA GUILTY" pangiinsulto pa lalo ni klea kay diane. Hinigit ulit ni mrs.castro ang anak nya sa impaktang si klea, dahil mukang ano mang segundo ay sasabog na si diane at talagang malilintikan ang sinumang tamaan ng pagsabog nito.
Napalingon ako sa likod ng meroong kumalabit sa likod ko. Si phatring.. hinila nya 'ko ng konti at meroong ibinulong. "A-ATE!.. S'YA BA TALAGA YUNG KLEA?!.. YUNG USAP-USAPAN SA SCHOOL GC!." mariing bulong sakin ni phat. Tumango lang ako't hinayaan na ang kapatid ko.
Ibinalik ko ang atensyon ko sa dalawang manok na nakahanda ng magsabong!
"HINDI AKO GUILTY KLEA.. WALA AKONG DAPAT ITAGO, WELL.. NAPASAMA NGA LANG ANG PANGALAN KO DAHIL DINUNGISAN MO.. PERO ALAM MO, HINDI NAKO NATATAKOT SA ISSUE NA DINULOT MO.. AT HIGIT SA LAHAT, HINDI NAKO MAGPAPATALO SA ISANG GAYA MO!" humakbang s'ya palapit kay klea, at ngayon si klea naman ang windang na napaatras.
Tumalikod nalang si diane at umalis. Sumunod na sa kanya ang parents nya.. pero nandito parin kami nina lola at ninanamnam ang tensyon na naganap kanina.
Akmang susunod narin kami nina lola kina diane pero narinig kong binigkas ng klea nayun ang buong pangalan ko.
"ALTHEA SANDRIGAL" mariin ang pagkakasabi nya. Nung una ay medyo nagulat ako, pero nung humarap ako sa kanya ay pinakita ko lang ang blangko kong ekspresyon. "O?" lang ang sabi ko.
Napaismid sya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Hindi naman marumi ang simple na pantalon at bulaklaking t-shirt ko, pero kung makatingin s'ya akala mo isa akong basura!.. 'Wag ako ang kalabanin mo gurl.
"IKAW YUNG FAMOUS SA SHARK INTEGRATED HIGH SCHOOL RIGHT?!.. BALITA KO NGA DAHIL SA KAGUSTUHAN MONG MAGING MAS SIKAT PA, EH KINUKUHA MO ANG ATENSYON NI RYLE BILLISH!. SABAGAY, HALATA NAMAN SA ITSURA MO!.. YOU'RE SUCH A MALANDI!." tumawa pa s'ya pagkatapos magsalita. Narinig kung napamura si lola kaya pinakalma ko na s'ya. Ayokong madamay ang lola ko. Baka atakihin ng high blood!.
"HINDI KO NAMAN KASALANAN KUNG SIKAT AKO SA SCHOOL BEH!.. TSAKA.. AKO?!, NAGPAPANSIN KAY RYLE?!!. BAKA NAMAN S'YA ANG NAGPAPAPANSIN SAKIN?" ginaya ko yung mga gestures at kaartehan nya sa pagsasalita. Nakikita ko ngayon ang namumula nyang muka at mukang naiinis.
"EXCUSE ME?!!.. IKAW?!. ISANG HAMAK NA BASURA HAHABULIN NI RYLE?!.. FREAKING NO WAY!" angil pa ni klea. Samantalang tinititigan lang kami ng masama ng mommy ni klea.
Napaismid nalang ako't napailing. Ang sarap pala pumatol sa kapwa mo babae!.. lalo na kung demonyita kagaya ng nasa harapan ko!.
"EDI WOW!.. TSAKA BAKIT KABA NAGAGALIT SAKIN?!.. DON'T TELL ME.. INSECURE KA?!" pangiinis ko pa. Nagkuyom ang palad ni klea at kunwareng nakangiti pa. Ngunit ang totoo'y kunting asar ko pa'y sasabog na s'ya!.. hahahaha
"HOY IHA!.. MAGDAHANDAHAN KA SA PAGSASALITA NG GANYAN SA ANAK KO!" mommy ni klea at dinuro ako.
"ABA'Y IKAW DIN!.. WALA KANG KARAPATAN NA DURUIN ANG APO KO!" gigil na sabi ni lola. Inalalayan ko si lola at niyakag na umalis nalang. Baka mapa'no pa si lola dahil sa mga bruha na nasa harapan ko!.
Narinig kung tinatawag pa kami ng dalawa at sinasabing duwag daw kami. Pero hindi namin sila pinansin at inalalayan ko lang si lola sa kaliwa at si phat naman sa kanan.
Pasalamat ka nandito si lola at ang kapatid ko!. Dahil kung hindee!... baka nasunto--sampal pala. Baka matanggal ang ngipin nun pag sinuntok ko eh.
Sa ngayon, pupunta muna kami sa loob ng resto. Ibubuhos ko ang inis ko sa libreng pagkain na galing sa castro family.
Hindi ko akalain na totoo pala ang sabi ni diane. Masama talaga ang ugali ng klea na'yun!.
Bagay sila ni ryle.

Book Comment (1278)

  • avatar
    HeartsBlossom

    Nice beginning, cant wat to finish it reading. Keep writing 😊✨

    21/04/2022

      43
  • avatar
    Samontina Garay

    ganda

    17h

      0
  • avatar
    Chester Calma

    nice

    2d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters