Homepage/The lost Heiress/
Chapter 19
Althea Sandrigal point of view
Nandito na kaming lahat ngayon sa loob ng resto. Humingi ng paumanhin si mr and mrs.castro dahil nadamay padaw kami sa away nila kanina.. sinabi kung ayos lang 'yun.
Dahil ang totoo'y involved nako. Simula ng makasagutan ko si ryle ng ilang beses ay patunay na'yun na involved nako sa sigalot nila. Pero okay lang 'yun, at least nandito ako para tulungan si diane na ilampaso ang klea na'yun!.
Habang kumakain kami'y naikwento ni diane sa parents nya ang patungkol sa unang pagkikita namin.. kinuwento n'ya rin na ako lang at si denden ang kaibigan nya sa school. Ang sabi nga ni mr.castro ay simula ng meroong kumalat na issue tungkol kay diane noon, ay wala ng nangangahas na makipagkaibigan kay diane.
Actually alam ko na'yun. Naikwento na sakin ni diane na ilang taon din syang lonely, madalas iwasan at sungitan. Kaya nagdecide noon ang parents niya na pagaralin si diane sa states para ilayo sa issue na idinulot ng klea na'yun.
Naging ayos naman daw ang ilang taon ni diane dun at nakakakilos sya ng normal. Meroon daw syang nagiging kaibigan, pero lumalayo daw sa kanya ang lahat sa hindi malamang kadahilanan.
Mga 30minutes kaming nag-lunch. Nabusog ako ng sobra doon!. Ang sarap ng mga seafood.. yun kase ang napagkasunduan naming kaining lahat. So yun.. ang sarap hehehe
Nagpaalam na kami sa kanila dahil kailangan na naming umuwi. Sinabi pa nga nilang ihahatid na daw nila kami, pero nakakahiya na kaya nagpumilit kaming magbabyahe nalang kami. Libre lunch na nga kami ihahatid pa!. Nakakahiya naman.
Bago kami magkahiwalay hiwalay ay meroon kaming napagusapan ni diane patungkol kay klea. Ipinaalala nya sakin na sa lunes ay papasok na school namin si klea. Napagusapan namin na kailangan naming magingat kay klea nayun. Nasa loob daw ang kulo nu'n at baka kung ano ang gawin samin pagnagkataon.
Sa nangyareng sagutan ba naman kanina eh paniguradong gaganti ang demonyita na'yun!
Habang nasa byahe kami nina lola pabalik ay panay ang habalin sakin ni lola na umiwas nadaw ako kay klea hanggat maaari, dahil gulo lang daw ang dala nun sa buhay ko.
Sinabi ko naman kay lola na gagawin ko ang makakaya ko para umiwas kay klea, pero kung sya na mismo ang lalapit sakin para awayin ako.. aba'y hindi ako magpapatalo sa kanya!
Lalo na 'pag inaway nya ang mga kaibigan ko. Malikintikan sya sakin!
Pagdating sa amin ay agad kaming nagmano sa mga tita namin. Wala ngayon sina tito at itay dahil meroon silang trabaho. Construction worker sila sa isang construction company doon sa bayan.
Pumasok na kami ni phatricia sa loob ng bahay namin, samantalang si lola ay nakikipag-kwentuhan pa kina tita belen at tita selda sa labas.
Pagapak palang namin sa kwarto'y panay ang tanong sakin ni phatring. Sinasagot ko lang sya sa mga tanong kaya kung sagutin.. kahit sya ay gulat na gulat sa mga sagot ko. Hindi daw nya akalaing totoo ang mga naririnig nyang issue sa school.
Pero syempre base sa mga naririnig nyang kwento ay masamang masama si diane. Pero wala naman silang alam sa mga nangyayare.
Pagkatapos naming magbihis ng damit pambahay ay tumungo na kami sa kusina. Isinaayos namin yung mga pinamili namin.
***
"ANG DAYA!!.. BAKIT HINDI NYO AKO SINAMA SA LUNCH NYO!!!!" chat sakin ni denden ng kinwento ko sa kanya ang nangyareng lunch namin kanina kasama ang pamilya ni diane.
Katulad ng inaasahan.. hindi rin sya makapaniwala ng nalaman nyang nagbalik na sa pinas si klea at naghahasik na ng lagim. 'Wag lang daw sya ang tatarayan ni klea at baka kalbuhin nya ang babeng 'yun.
Napapatawa nalang ako sa kalokohan ng kaibigan kong 'to.
Ilalapag ko na sana ang phone ko sa mini table namin dahil naisipan kung magreview sa math subject namin sa kadahilanang meroon kaming long quiz sa subject na'yun. Pero hindi ko naituloy ang balak ko ng meroon na namang nagchat sakin.
Napangisi nalang ako ng si mr.corny lang pala. Si Kenneth Montefalco, ang bwisit nato!.. ayaw pang sabihin kung sino s'ya!
Halos gabi-gabi nag chachat sakin 'to eh. Pagtinatanong ko kung sino sya.. ang sqasabihin lang nya. "MAKIKILALA MORIN AKO MS.BEAUTIFUL!.. NOT NOW BUT SOON😉"
Ganyan lagi sinasabi nya. With kindat emoji pa eh!. Ang corny talaga!.
Pagnalaman ko lang kung sino ka!, Papalunok ko sayo ang isang buong mais!.
Umabot ng maikling minuto ang asaran namin bago ako magpaalam sa kanya. Kailangan ko pang mag-aral eh.
Mahina pa naman ako sa math.. kaya kailangan kung pagtuunan ng pansin ang subject nayan!. Ewan ko, sa lahat ng subject, math lang ang medyo nahihirapan ako.
Pumunta nako sa mini-table namin kung saan nandun ang bag ko. Kinuha ko ang libro at notebook ko para sa gagawin kung pagre-review. Pero maguumpisa palang ako ng mapansin kung nakahiga na naman si phat at meroong kalandian sa phone nya.
Auto ngiti ang bruha eh!.
"HUYY PHATRING!.. SABIHIN MO NGA SAKIN. SINO BA YANG KAUSAP MO?" curious kung tanong. Ngayon ko lang naiisip na itanong kung sino ba'yang kausap nya.
Napalunok at napailing nalang ang bruha, hindi pa ata gustong magsabe?!.
Bahala sya. Basta malalaman ko rin yun. HihihiDownload Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (1278)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
Nice beginning, cant wat to finish it reading. Keep writing 😊✨
21/04/2022
43ganda
16h
0nice
2d
0View All