Homepage/The lost Heiress/
Chapter 21
Althea Sandrigal point of view
Okay... Monday na ulit, new day new kamalasan!.
"ATE DUN NA AKO SA BUILDING NAMIN AH?!.. MAGIINGAT KA DUN KAY KLEA AH?!, SALBAHE PALA 'YUN. SAYANG YUNG GANDA NYA DAPAT SAKIN NALANG NAPUNTA" ani ni phatring sabay irap sa kawalan. Natawa nalang ako sa sinabi nya.
"'WAG KANG MAINGGIT SA GANDA NUN PHAT!.. DAHIL TAYONG MGA SANDRIGAL, MAGANDA INSIDE AND OUT!. KAYA WALA YUNG PANAMA SA'TIN!" biro ko pa na sinangayunan naman ng kapatid kung bruha. Matapos ang saglit na kulitan namin ay nagpaalam na kami sa isat isa. Tinahak na namin ang aming magkaibang daan.
"UYY THEANG!.. NARINIG MO BA ANG TSISMIS NG MGA CHISMOKERS DYAN SA TABI TABI!!. NGAYON NA DAW PAPASOK SI KLEA SANCHEZ. GRABE TRENDING SYA EVERYWHERE!" salubong sakin ni denden pagkaupo ko palang sa upuan ko. Tumango lang ako sa kanya't sinabing alam ko na'yun. Hindi ako interesado.
Maaga akong nakapasok ngayon, himala nga na mas maaga pa sakin itong si denden, kadalasan ay s'ya ang huling pumasok.
Napaisip naman ako. Saan kayang section dadalhin si klea?, Imposible namang dito sa C?.. its either A or B siguro. Pero sana 'wag sa section B. Nandun kase si diane, baka magsabong ang dalawang 'yun!.
***
Natapos ang dalawang klase namin bago mag-recess. Pero bago kami palabasin ay inanunsyo ng adviser namin na sa July daw ay meroong event. Which is aquantance party.
Agad tumutol ang buong sistema ko dahil parang hindi bagay sakin ang ganun!.. well, sabi nina tita maganda naman daw ako't pwedeng maging queen of the night sa mga party-party na'yan. Aware naman ako dun.
Pero mahiyain akong tao pagdating sa mga ganyan eh!. Tas naka gown pa!. Hindi ako sanay.
Handa na sana akong sabihin na hindi ako sasali, pero agad na sinabi ni maam na dapat ay kasali. Walang hindi sasali.
Okay.. anong magagawa ko?!!.. grrrr
"BES THEANG!.. READY KANA SA PARTY?!" animo'y kinikilig na usal ng babaeng nakasabit sa braso ko. "HINDE!.. AYAW KO NGA SANA EH" walang buhay na sabi ko. Nangunot naman ang noo ni denden at pinitik ang noo ko!. Shit!.
"ANO BAH?!.. 'BAT KA NAMIMITIK?!" angil ko habang hinihimas ang noo ko. "BOBA KA GIRL?!.. SA GANDA MONG 'YAN AYAW MONG SUMALI?!" dinuro pa'ko ng magaling kong kaibigan!.
Ayern maganda daw ak-- no!.. pinitik nya ang noo ko!.
"MAY MAGAGAWA BA'KO?!.. BAWAL NGANG UMATRAS DIBA?!. KAYA KASALI PARIN AKO DON'T WORRY!" bulyaw ko sa pagmumuka nya. Ngumiti naman sya at may pa 'yes!' pa syang nalalaman.
"TARA NA NGA SA CANTEEN!" angil ko sabay labas ng room. Sumunod naman ang matakaw kung kaibigan. Basta pagkain ano?!.
"SA QUENN NA KASE YAN SNAKE GIRL!!"
"AY WORLD WAR 3 NA!"
"TEAM ANO KAYO GUYS?!.. SA PULA ANG LIPSTICK O SA PINK ANG LIPSTICK?.. HAHAHA"
Wtf?!!... May away sa loob ng canteen?. Quenn daw tas snake girl?!..
Diba si klea yung quenn daw dito?!.. Hindi kaya si diane at klea yung nagaaway?.
Nagkatinginan naman kami ni denden bago napagdesisyunang pumasok sa loob ng canteen. And... Yun na nga.. si diane at klea na nga ang issue!.
Si klea ay prenteng nakaupo sa table namin kasama ang tatlong babae na may itsura rin. Samantalang nakatayo naman si diane sa tapat ng table namin at nakatingin ng naiinis kay klea. Mukang masaya si klea na paglaruan ang diane namin.
Hindi nako nakatiis at sumingit ako sa mga kumpol na chismoso/chismosa at pinuntahan ang war zone.
"ANONG NANGYAYARE DITO?" seryosong sabi ko at tumabi sa kinatatayuan ni diane. Napatingin sakin si diane at si klea tsaka syempre yung mga chismokers.
"SEE?!.. ETO YUNG KASAMA KO SA TABLE NAYAN KLEA!.. KAYA UMALIS KA DYAN DAHIL HINDI SA INYO YAN!. KAMI ANG PALIGING NANDYAN NOON PA!" mariing pagpapaintindi ni diane. Humalakhak lang ang bruhang klea at nakipag apirr sa mga alalay nya!.
"SO WHAT?!.. KAMI NA ANG NANDITO NGAYON NOH!. KAYA KAYO ANG UMALIS DITO!.. TSUPEE!!" natatawang ani ni klea. Nagbungisngisan pa ang mga alalay ng malditang klea habang tinititigan kami ng masama.
Mukang tumama ang kutob ko kagabi, babawian nga kami ng malditang ito!. Pikon kase eh, ingud-ngud ko kaya muka nito sa toilet noh?!.. baka matauhan.
Nakangisi lang ngayon si klea sa harapan ng naiinis nasi diane. Kung titigan ang muka ng dalawang ito ay animo'y nakakita ka ng artista sa isang sikat na tv station. Parehong maganda at sexy. Ang kaibahan lang talaga nitong si klea ay ugali. Magaspang yung ugali.
"LUMIPAT NALANG KAYA TAYO NG TABLE?!.." bulong sakin ni denden na nasa likuran ko. Umiling lang ako bago tumingin kay diane, mukang narinig nya ang sinabi ni denden dahil umiling rin ito.
"NO DENDEN.. ATIN ANG TABLE NA'YAN. HINDI TAYO ANG MAGA-ADJUST!" mariing bigkas ni diane. Dahil doon ay umandar na naman ang mga bunganga ng mga chismokers sa paligid.
"PALABAN TALAGA YUNG SNAKE NOH?!"
"SA QUEEN NA NGA KASE ANG TABLE NA'YAN!"
"KUNG AKO SA INYO DUN NALANG KAYO SA CR KUMAIN!! HAHAHA"
Napangiwi nalang ako sa daldal ng mga chismokers!. Sarap tanggalan ng dila!.
Natigil lang ng konti ang bulungan ng humakbang papalapit si diane kay klea. Binuksan ni diane ang bottled water na hawak nya!.
Shit!!.
"ANO-- WHAT THE!!!!" bulas ni klea ng ibuhos ni diane sa ulo nya ang tubig!. Napatayo si klea at lumayo ng konti kay diane habang patuloy na nagmumura. Deserve!.
Gusto ko mang pigilan si diane pero hindi ko magawa. Meroong naguudyok sakin na pabayaan ko lang sila at panoorin na ilampaso ni diane ang bruhang klea!.
Sabagay, deserve naman ni klea na ipahiya?.. hahaha
"HOW DARE YOU?!!.. ANG KAPAL NG MUKA MONG GAWIN YUN SAKIN?!. HINDI KABA NATATAKOT NA BAKA MAPATAY KITA!" bulyaw ni klea nung natapos na syang dampian ng panyo ang muka nya.
Natawa nalang ako dahil kumalat yung make-up nya!. Hindi lang naman ako ang natawa eh. Yung mga chismokers din.
"MAPATAY?.. SABAGAY, HINDI MALABONG MAKAPATAY ANG ISANG TRAYDOR!" natatawang sabi ni diane at pinagkadiinan nya ang salitang 'traydor'. Mukang gumaganti ang bestie ko!.
"WHAT ARE YOU SAYING?!.. ME?!.. FREAKING NO!. WAG MO NGA AKONG BALIKTARIN NA AHAS KA!" gigil na sabi ni klea. Nagulat kami sa ginawa nyang hakbang dahil sinugod nya si diane. Nagsabunutan sila kasabay ng malakas na sigawan.
"GO QUEEN!!"
"ITUMBA MO NA'YANG AHAS NAYAN!!"
"SAKIN YUNG MATATALO DYAN!.. PUPULUTANIN KO SA GABEEE!"
"SIGE PA!.."
Tutulungan na sana namin si diane pero humarang sa harapan namin yung tatlong alalay ni klea.
"KAMI ANG HARAPIN NYO! MGA BASURA!" sabi nung isang matangkad sa tatlo sabay tulak sakin. Natumba ako sa sahig, buti nalang at naituon ko ang mga kamay ko para hindi tumama ang pwetan ko. Tinitigan ko ng matalim ang babaeng tumulak sakin. Putanginashit ka!.
Tutulungan na sana akong tumayo ni denden ng hilahin sya sa buhok ng isang pinakamaliit naman sa tatlo, sinusubukang tumakas ni denden sa sabunot sa kanya ng babaeng 'yun!.
"DON'T MIND YOUR FRIEND BASURA GIRL!.. ISIPIN MO ANG SARILI MO!. ISIPIN MO KUNG PAPAANO KA MAKAKALIGTAS SAMIN!" sigaw sakin ng babaeng tumulak sakin kanina. Katabi nya ang isa pang alalay ni klea.
Sumulyap ako sa gawi ni diane at klea na nasa gitna na ng mga studyanteng tuwang tuwa sa nakikita. Patuloy sila sa sabunutan.
Samantalang si denden naman ay nakatakas sa pagkakasabunot ng pandak na babae. Sinampal ng napakalakas ni denden yung babaeng yun dahilan para mapaatras ito.
At eto ako, dalawang babae ang nasa harapan ko. Dalawa sa tatlong alalay ni klea, ayoko sanang makapanakit ng kapwa ko babae. Pero kailangan eh... pasensya sa mapuruhan.
Sinugod ako ng isa, yung kasingtangkad ko lang. Umamba sya sakin ng sampal pero naiwasan ko, umabante pa sya palapit sakin at umamba ulit ng sampal sakin.. pero iniwasan ko Lang ulit sya.
Mukang naiinis yung dalawa sa harapan ko kaya sabay na nila akong sinugod. Pareho nila akong inambahan ng sampal, pero sinalo ko ang mga lintik na kamay nila.
Hinigpitan ko ang paghawak sa kaliwang kamay ng babaeng mas matangkad sakin, hinigpitan ko rin ang hawak sa kanang kamay ng babaeng kasingtangkad ko lang. It means, hawak ko ang mga lintik na kamay ng mga ito.
Bumwelo ako sabay hagis ng mga kamay nila sa kanilang mga pagmumuka, dahilan para masampal nila ang kanilang mga sarili.
Napaatras at napahiyaw ang dalawa dahil sa ginawa ko. Natawa nalang ako't napangisi, ako naman ngayon ang kikilos!.
Umabante ako sa harapan nung mas matangkad na babae, sinampal ko sya ng very hard dahilan para ma-out of balance sya at bumagsak sa sahig.
Tumingin naman ako sa gawi ng babaeng kasingtangkad ko lang. Akmang susugod nako sa kanya para sya naman ang sugudin ko pero isang malakas na tunog ng pito ang umalingawngaw sa buong canteen.
Automatic na natigil ang lahat at napatingin sa entrance ng canteen. Nandoon ang dalawang guard. Nasa likod nila ang walang emosyon na si ryle at ang dalawang kaibigan nya.
Napatitig ako sa blangkong ekspresyon ni ryle. Titig na titig.. sya sakin?!. Hindi ko mahulaan ang sinasabi ng muka nya.
Pero sigurado akong madilim 'yun. Pero.. bakit ka sakin nakatingin ng ganyan?!Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (1278)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
Nice beginning, cant wat to finish it reading. Keep writing 😊✨
21/04/2022
43ganda
16h
0nice
2d
0View All