Homepage/The lost Heiress/
Chapter 22
Althea Sandrigal point of view
Sama ng awra ni mokong. Galit ba'to sakin?!.
Lumapit yung dalawang guards sa gitna naming lahat, naghahanda sila kung sakaling mag away na naman kami dito.
Ang kaninang masiglang mga chismokers ay nagsiatrasan na. Mga takot din palang madamay!.
"SINO ANG NAGSIMULA NG GULONG ITO?!" tanong ng isang matangkad na guard, sa pagkakaalam ko'y sya yung guard sa back gate ng school na'to.
"THIS GIRL!.. SYA ANG NAGUMPISA NG LAHAT NG 'TO!" sabi ni klea na nagpapaawa pa sa guard. Best actress ang dating ng klea na'to!. Talagang natatakluban ang kasinungalingan kapag nilapatan ng kaartehan.
"WHAT?!.. IKAW ANG NAGUMPISA KLEA, AT ALAM MO'YAN!. HUWAG KANG SINUNGALING!" umalingawngaw ang galit na sigaw ni diane. Hinarangan sya nung isa pang guard dahil akmang susugod na naman sya.
"TAMA NA!. ANG MABUTI PA'Y SUMAMA KAYONG MGA NAGAWAY AWAY SA DEAN OFFICE. DUN NA LANG KAYO MAGUSAP-USAP!" sabi ng matangkad na guard dahilan para umalma si klea at ang mga alalay nya. Tinitigan nila kaming tatlo nina diane ng masama, natawa nalang ako dahil sa mga itsura nila ngayon.
Si klea na kalat ang make-up at buhaghag ang buhok, yung pinakamatangkad na nakaharap ko kanina ay wala namang gaanong issue ang katawan, yung nakalaban naman ni denden ay mapula yung muka at gulo rin ang muka. Pero yung isa pang alalay ni klea ang mas nakakatawa, sinampal ko lang naman kase kanina kaya ayun!.. sobrang pula ng muka!.
Sila ang unang sumunod sa mga guard papunta sa dean office, tapos ay kaming tatlo naman ang sumunod sa kanila.
"OKAY LANG KAYO?" pabulong kong tanong sa dalawa kung kasama. Si denden kase ay gulo rin ang buhok at inis na inis sa pagaalis ng buhol nito, samantalang si diane naman ay gulo rin ang buhok at may marka ng kalmot sa leeg!.
"DIANE!.. MAY KALMOT KA SA LEEG!" pabulong ko paring sabi dahil baka masita kami ng guard na nasa unahan namin at naglalakad.
"OKAY LANG AKO" walang emosyong sabi ni diane habang nakatingin ng deretso. Hindi nalang ulit ako umimik dahil baka maiinis yung dalawa kung kaibigan. Baka sabihin nila porket wala akong galos kahit konti eh nagdadaldal nako!.
***
"MS.SANCHEZ?.. KAKAPASOK MO PALANG GULO NA AGAD ANG DALA MO" mahinahong sabi ng dean. Napairap nalang sa kawalan ang bruha at inis na nilingon si diane.
"PERO DEAN!.. KUNG HINDI NYA AKO TINAPUNAN NG TUBIG EDI SANA WALANG GULO!.. ANG EPAL KASE NG BABAENG 'YAN!" angil ni klea dahilan para mapailing nalang ang dean. Bilib din ako sa babaeng ito, ganyan magsalita sa harap ng principal!.
"NAPANOOD KO ANG CCTV FOOTAGE!. KITANG KITA ROON NA IKAW AT ANG MGA KASAMA MO AY UMUPO SA TABLE NA HINDI NYO NAMAN PWESTO!. HINDI BA'T BINIGYAN KITA NG HANDBOOK MS.SANCHEZ?!.. NAKALAGAY DOON ANG TUNGKOL SA POLISIYANG IYAN!" pagpapaintindi ng dean kay klea. Napangisi nalang ako dahil mukang napahiya sya.
Tumagal ang katahimikan...
"SO.. MS.CASTRO. MAPAGBIBIGYAN MO BA ANG PANGYAYARING ITO?." pambabasag ni dean sa katahimikang nabubuo kanina. Napatingin ang lahat kay diane, except kay klea syempre. "BATID KO KUNG ANO ANG ISSUE NYO NOON, KAYA ALAM KUNG MAGKAAWAY PARIN ANG TURING NYO SA ISAT-ISA HANGGANG NGAYON. MALABONG MAGKAAYOS ANG DALAWANG PANIG NA MEROONG SARILING PADER NA GAWA SA PRIDE!. HINDI KO NA HIHILINGIN NA MAG-AYOS KAYO.. ANG SAKIN LANG, BAKA PWEDENG PALAMPASIN NYO MUNA ITO. AT PAPALAMPASIN KO RIN ITO, HINDI KO IPAPATAWAG ANG INYONG MGA MAGULANG" mahabang saad ng dean.
Napatango nalang ako, tama ang dean. Malabong magkaayos na ata ang dalawang ito. Siguro nga... palampasin muna... ngayon.
"OKAY DEAN. PAPALAMPASIN KO PO ITO NGAYON. PERO SA SUSUNOD NA GUMAWA NA NAMAN NG GULO ITONG SI KLEA!. PASENSYAHAN NAPO.. PERO BAKA MAGKASAKITAN PA NG SOBRA" mahinahon ngunit madiing sabi ni diane. Tumaas lang ang kilay ni klea at pasimpleng napaismid.
Sa itsura palang ni klea mukang hindi talaga sa maga-adjust.. maldita nga talaga.
Nagpatuloy ang usapan, may pagkakataong sumisingit at namimilosopo itong si klea, pero sa huli sya lagi ang nababara!.
"OKAY.. I HOPE NA NAGING MALINAW ANG USAPAN NATIN LADIES, PWEDE NA KAYONG UMALIS" si dean na bumuntong hininga pa bago kami pasadahan ng tingin. Ginawa namin ang dapat at umalis na kami sa dean office.
Lahat kami ngayon ay tinatahak na ang daan papunta sa building namin, at dahil nasa iisang building lang kaming lahat, wala kaming choice kundi ang maglakad ng sama-sama.
"IM NOT DONE TO YOU, DIANE. YOU'LL PAY FOR WHAT YOU'VE DONE TO ME!" mariing sabi ni klea na naglalakad sa unahan, nasa gitna lang ang tingin nya pati yung mga alalay nya.
Buti nalang at class hour time na. Wala ng pakalat kalat na chismokers na makikialam.
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa ugaling pinapakita ni klea. Nanggaling na kami sa office at napagsabihan, pero parang gusto pa nya ng panibagong gulo!.
"GAWIN MO ANG GUSTO MO KLEA, HINDI KITA UURUNGAN" bago ko pa mapigilan si diane ay lumabas na ang mga salitang 'yun sa kanyang bibig. Sana pala'y dinoble ko ang bilis ko para matakpan agad ang bibig ng kaibigan kong 'to!. Kakagaling lang sa gulo tapos ganito!.. gusto ba nila ng round two?!.
Huminto sa paglalakad si klea dahilan para mahinto kaming lahat. Hinarap nya si diane habang meroong ngisi, samantalang yung mga alalay naman nya'y pumunta sa kanyang likuran.
Oh lord.. not again!.
"TUMATAPANG KANA DIANE, PERO KULANG PA ANG TAPANG MO PARA HARAPIN AKO. DAHIL KILALA MO KUNG SINO AKO, ISA AKONG DRAGON.. AT IKAW?, UOD KALANG PARA SAKIN!.. ANG DALI MONG PISAIN!. KAYA PAGISIPAN MO MUNA KUNG LALABANAN MO'KO!.. DAHIL MASASAKTAN KA LANG PAG NAGKATAON!" sabi nya sabay alis sa harapan namin. Dumeretso na siya kasama ang mga alalay nya papunta sa room nila. Nandito na kase kami sa tapat ng building namin.
Napatingin kami ni denden kay diane, poker face lang sya. Mukang naiirita at nasasaktan talaga sya sa mga nangyayare.
Syempre, kahit papaano'y meroon ding pinagsamahan ang dalawa noon. Naikwento sakin ni diane kung papaano nya minahal bilang kaibigan noon si klea. Kapatid na nga daw ang turing nya kay klea.
Memories.. will never fade out.. easily..
"TARA NA SA MGA ROOM NATIN. SIGURO MAS MAGANDANG IPAGPALIPAS MUNA NATIN ANG GALIT NATIN SA KANILA. MAKAKASIRA LANG YUN SA FUCOS NATIN SA PAGAARAL.." suhestyon ni denden na agad kong sinangayunan. Meroon din palang magandang masasabi itong si denden!.
"SO.. UNA NA KAMI SA ROOM NAMIN,DIANE. KITA NA LANG TAYO SA LUNCH BREAK" sabi ko at napatango nalang si diane. Tinitigan nya kami ni denden, biglang kumirot ang puso ko ng makita kung meroong luha na nagbabadyang tumulo galing sa mga mata nya.
Agad iyung pinunasan ni diane at tumalikod samin para hindi ipahalata na naiiyak sya.
Nang humarap sya sa'min ay kinuha ko ang dalawang kamay nya. Hinawakan ko ito ng mahigpit at binigyan sya ng sinserong ngiti.
"TANDAAN MO DIANE, HINDI KA NAGIISA SA PROBLEMA MONG ITO. NANDITO AKO--KAMI NI DENDEN. KARAMAY MO KAMI SA LABAN MO. HINDI KA NAMIN IIWAN" pagkasabi ko ng mga linyang 'yun ay tuluyan ng bumagsak ang mga luha ni diane. Hindi na nya napigilang yakapin ako.. ng mahigpit.
Naawa ako para sa kaibigan kong ito. Kung meroon lang sana akong magagawa.
Hinaplos ko ang likuran ni diane, hinaplos naman ni denden ang buhok nito at animo'y naiiyak narin. Natawa nalang ako sa pangyayareng nagaganap ngayon saming tatlo. Buti't wala ang mga chismokers para sirain ang moment namin.
"TAMA SI ALTHEA, DIANE. NANDITO KAMI NOH!!.. HINDI KA NAMIN PABABAYAAN!" pagaalo pa ni denden kay diane na patuloy na sumisinghot sa balikat ko.
Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko para naman mas maramdaman ni diane ang pagagapay ko sa kanya.
Dahil sa nangyare ngayong araw, mas lalo naming napagtibay ang friendship namin. Napatunayan namin na sabay sabay kaming lalaban para isa't-isa.
Huwag kang magalala diane, tutulungan kita sa abot ng makakaya ko.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (1278)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
Nice beginning, cant wat to finish it reading. Keep writing 😊✨
21/04/2022
43ganda
16h
0nice
2d
0View All