Chapter 6

Althea Sandrigal point of view
2minutes nalang maguumpisa na ang first class..buti nakaabot pa'ko.
"HOY THEANG!, MUNTIKAN KA NG MA-LATE!" asik agad ni denden pagkaupo ko palang sa upuan."KAYA NGA EH, BUTI NAKAABOT" sabi ko sabay buntong hininga. Sa tingin ko'y hindi ako makakapag fucos sa mga aralin ngayong araw..sumasagi palang kase sa isip ko ang mga weird moves ng pamilya ko parang lulutang na'ko..hystt!
Napansin ko namang nakatitig lang sakin si denden, napakaseryoso ng muka at animo'y kinikilatis ako.
"ANG LALIM NAMAN NG BUNTONG HININGA MO, OK KALANG BA BES?" tanong ni denden sabay akmang kakapain ang leeg ko, umiwas naman ako at iniharang ang kamay ko sa pagitan namin. "OK LANG AKO DEN, WALA AKONG LAGNAT NOH!" sabi ko sabay pihit paunahan. "MERON LANG AKONG INIISIP" patuloy ko. Sinilip naman ni denden ang muka ko at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.
"INIISIP?! SINO NAMANG INIISIP MO?!!..AYIEE SI THEANG MAY JOWABELLS NA!" sinabi nya 'yun habang tinutusok tusok ang tagiliran ko dahilan para matawa ako. Pinigilan ko naman ang kamay nya at baka mamaya'y mapalakas ang tawa ko't maagaw pa namin ang atensyon ng mga classmates ko.
"ITIGIL MO 'YANG PANGINGILITI MO DENDEN AH..HINDI GANON ANG NASA ISIP KO OKAY?!..ABOUT MY FAMILY KASE" napahina yung pagkakasabi ko ng 'about my family'.. feeling ko may tumusok sa puso ko. Nasasaktan ako na nakikita ko silang nagkakaganon at tila meroong tinatagong problema..hindi naman dating ganoon ang pamilyang kinabibilangan ko. Pero bakit ngayon parang ang ilang nila sakin? May nagawa ba akong problema na ikinatatampo nila sakin?..aytt!!! Hindi ko sila maintindihan!.
"ANO BA'NG...ANO BA'NG TUNGKOL SA FAMILY MO?" biglang seryosong tanong sakin ni denden. Sasagutin ko na sana sya pero biglang dumating na ang adviser namin, si ms.olinares..our a.p teacher.
"OK CLASS BLAH BLAH BLAH"
Natapos na ang a.p at dumating naman ang adviser namin sa English nasi mrs.Gelera
"SO THE BLAH BLAH BLAH"
Natapos ang English at ayun recess na!!..Tulad ng inaasahan ko, wala nga akong naintindihan sa mga itinuro kanina, hindi ko nga alam kung may tama ba'ko kahit isa sa long quiz sa a.p at English..ayaw makisama ng isip ko eh.
"TARA NA SA CANTEEN" seryosong anyaya ko kay denden habang tinatago sa bag ang libro at English notebook ko."PERO...BAKA MAKITA NATIN DUN 'YUNG NAKASAGUTAN MO KAHAPON BES" worried na sabi nya sakin. Napabuntong hininga nalang ako bago isinara ang bag.
"ALAM MO DENDEN, TUNGKOL SA NANGYARE KAHAPON..WALA TAYONG KASALANAN DUN, TSAKA ANO NAMAN KUNG MAKITA NATIN SYA?!!.. DON'T WORRY BES, I GOT YOU!!" with action pang sabi ko. Natawa nalang si denden at napagdesisyonan naming dumeretso sa canteen.
***
Pumasok na kami sa canteen at naupo sa madalas naming pwesto, sa dulo. At hindi namin inaasahan na nakatuon na pala ang mata samin ng lahat, as in lahat ng nandito sa canteen!..ganon ba talaga tumatak sa isipan nila ang nangyare kahapon?!..
"BES!..ANG SAMA NG TINGIN SATIN NG IBA!" madiing bulong sakin ni denden..sinuyod ko ng tingin ang buong canteen. Tama nga si denden, some of them ay nakatingin samin ng masama. Ano bang nagawa naming masama sa mga 'yan?!
"DON'T MIND THEM DENDEN, D'YAN KA MUNA..OORDER MUNA AKO NG PAGKAIN NATIN." tumayo ako at hindi na tinanong ang gustong kainin ni denden, basta bibili nalang ako ng dalawang burger at dalawang c2..
Naglakad ako papunta sa counter at hindi pinansin ang mga matang nakatuon sakin.
"HINDI BA SILA NATATAKOT?!..TALAGANG PUMUNTA PA SILA DITO?!"
"SANA LANG HINDI SILA MAABUTAN NINA RYLE..DAHIL NAKO BESSY!!. AWAY NA NAMAN!"
Dalawa lang 'yan sa mga bulungan na naririnig ko. So tama nga ako, affected talaga sila sa nangyare kahapon..tsh!
Tsaka duh!!..bakit ako matatakot?!..eh si mr.mokong ang nagumpisa ng gulo!..s'ya ang matakot sakin 'pag nagalit ako. Tsh
Napaismid nalang ako at pumila sa linya, hindi naman gaanong kahabaan pero parang inip na inip na'ko. Nakakairita kase ang mga matang nakatuon sakin. Napaliyad ako sa gulat dahil meroong umakbay sakin. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang si diane lang pala ang umakbay sakin. Akala ko kung sino na!
"DI-DIANE, NAKAKAGULAT KA NAMAN." mahinanag sabi ko, nginitian lang naman ako ni diane at inalis ang kamay na nakaakbay sakin. "SORRY KUNG NAGULAT KITA ALTHEA, NA-MISS LANG KITA NOH..SABI MO KASE SAKIN KAHAPON SABAY TAYONG MAG-LUNCH PERO HINDI KA NAMAN NAGPAKITA SAKIN." kunyareng nalulungkot na na sabi ni diane.
Napaisip naman ako..lunch daw?, Niyay---ah oo!!..niyaya nya nga pala akong maglunch kahapon nung nakatambay kami sa gymnasium. Nakalimutan ko dahil sa mr.mokong na'yun!
"SORRY DIANE, NAKALIMUTAN KO" kamot ulo kong sabi.."DAHIL HINDI MO'KO SINABAYAN KAHAPON, SASAMAHAN MO NAMAN AKONG MAG-RECESS!" sabi ni diane.
Hindi na nya ako hinayaang magsalita pa dahil hinila na nya'ko. At nanlaki ang mata ko ng huminto kami sa isang table na meroong maraming pagkain!..
"KA-KANINONG PAGKAIN MGA 'YAN?" ilang na tanong ko. Pero sa halip na sagutin ako'y hinawakan nya ang dalawang balikat ko't pilit pinaupo, tiningnan ko naman sya ng may halong pagtataka..hindi ko talaga alam kung bakit napaka kampante nya sobra pagdating sa pakikipagkaibigan sakin.. hindi man lang ba sya nagdadalawang isip na kaibiganin nalang agad ako?!
"AMM..DIANE, SIGURADO KABANG GUSTO MO KONG MAKASAMA DITO SA TABLE MO?, ANG DAMING PAGKAIN..TAYO LANG BA KAKAIN NITO?, WALA KABANG IBANG FRIEND?" ilang kong tanong..pinagkatitigan ko ulit ang mga iba pang student na nasa canteen. Nasakin parin ang atensyon nila at ang pinagtataka ko'y parang hindi sila makapaniwala na kasama ko si Diane.
Baka iniisip nila na hindi kame pwedeng magsama ni Diane dahil maganda sya at ako...sakto lang?
Hindi ko nalang pinansin ang mga tao sa paligid at tumingin nalang ulit kay diane..nakita ko pa syang bumuntong hininga at umayos ng pagkakaupo bago tumingin ng deretso sa mga mata ko. Ang lungkot ng mga mata nya.
"HAYSTT.. ALTHEA, I DON'T HAVE ANY FRIENDS HERE IN OUR SCHOOL." sabi nya. What?!..wala daw?!!..sa ganda nyang 'yan tapos walang makikipagkaibigan?!.. unbelievable!
"HEHEHE..GANON BA DIANE, AMMM..OO NGA PALA MERON KASE AKONG KASAMA TALAGANG KUMAIN,SI DENDEN.. KAIBIGAN KO'YUN, PWEDE BANG..ISAMA NATIN SYA DITO?" naiilang ulit na tanong ko. Ngumiti naman sya at tumango tango na parang bata..natawa tuloy ako.
Nagpaalam muna ako sandali sa kaniya at lumapit sa table na pinagiwanan ko kanina kay denden..
"DENDEN..KASE ANO, GUSTO NI DIANE NA SAMAHAN KO SYANG MAG-RECESS..EH ANO SABI KO KASAMA KITA, SO 'YUN..KAIN NALANG TAYO KASAMA S'YA?" mahinang sabi ko. "DIANE PALA ANG PANGALAN NG BABAENG HUMILA SA'YO!.. FRIEND MO?" tanong ni denden, napabuntong hininga nalang ako at tumango.
"HA?.. KAIBIGAN MO, DIBA SABI MO AKO PALANG ANG KAIBIGAN MO DITO SA SCHOOL!" kunyareng nagtatampo na asik n'ya, natawa nalang ako. "TSAKA KO NA IPAPALIWANAG SA'YO DENDEN, ANO?!..PAPAYAG KABANG SUMABAY TAYO SA KANYA?" tanong ko. Sinilip naman nya ang kinatatayuan ni diane..at tulad ko, nagulat din s'ya ng makitang ang daming pagkain na nakahayin.
Im sure papayag 'to. Isa rin 'tong buwaya eh..hahaha
"SIGE NA NGA!" sabi nya at hinila na'ko, kakaiba talaga itong si denden..basta pagkain go na go!..
Huminto kami sa gawi ni diane, sinalubong naman nya kami ng napakalawak na ngiti. "HI!..SO IKAW PALA SI DENDEN?" tumayo s'ya at inilahad ang kamay kay denden. Pinigilan ko uling matawa dahil parang tanga si denden na nakanganga, sabagay, hindi ko s'ya masisi. Ganoon din ako ng unang beses kong makita si diane.
Siguro'y kong lalake ako'y naligawan ko na!..hahahaha
"HA?!.. HEHEHE...IM DENISSE SILVA, DENDEN FOR SHORT, HEHEHE" si denden habang nahihiyang nakikipagkamay kay diane. "NICE TO MEET YOU DENDEN..UPO NA KAYO"
Naupo na kami ni denden..ako'y hindi alam kung anong sunod na gagawin, kung makikipagkwentuhan muna ba kay diane o kakain na. Pero itong si denden ay parang agila na naghihintay ng go signal pagtapos ay susugod nalang sa pain!..siba noh?!
"LETS EAT!" pagkasabi ni diane nun ay ayun na nga...sumugod na ang agila sa mga pagkain na nakaaro!..natatawa nalang din tuloy si Diane.."SIGE KAIN LANG KAYO, MARAMI NAMAN 'TO.." natutuwang sabi ni diane.
Habang kumakain kami ay hindi talaga maiwasan ni denden ang dumaldal..panay ang kwento kay diane patungkol sa mga naging ex nya, minsan naman ay 'yung mga funny moments na nagiging dahilan ng madalas na pagtawa naming tatlo.
Pero habang nagkakatuwaan kami, ay hindi parin nawala ang paningin ng karamihan. Meroon pa nga akong naririnig na mga bulungan.
"SERIOUSLY?!..SUMASAMA SILA SA MALANDING DIANE NA'YAN?!"
"SABAGAY..BAGAY SILANG TATLO NA MAGSAMA SAMA..THEY ARE ALL CHEAP!!"
Nainis namin ako bigla, hindi ko alam kung bakit ganyan ang bulungan nila about diane!..mabait naman si diane ah!!..kakaiba talaga ang mga students dito.
Bumalik lang sa konsentrasyon ang diwa ko ng biglang hawakan ni diane ang kamay ko. "DON'T MIND THEM ALTHEA" napatingin ako sa kanya, nababasa ko sa mga mata nya ang malungkot na expression, naaawa ako sa kanya. Bakit ganon ang tingin sa kanya ng mga tao?!.
Para mawala ang awkwardness sa'ming tatlo ay bumanat na naman ng mga biro si denden. Hindi nga s'ya nabigo dahil napapatawa nya kami ni Diane.
Ryle Billish Point of view
"OK CLASS, SEE YOU TOMMOROW" maam cindy said then she left the room.
"TAPOS NARIN ANG KLASE!.. THANK GOD!, IM SO FUCKING HUNGRY!!" saad ni roger daldal at hinihimas himas pa ang tiyan..ang takaw ng potek!.."KELAN KABA NABUSOG DATU?" seryosong sabi ni marc..tinitigan naman sya ng matalim ni roger dahilan para matawa ako.
"LETS GO GUYS.." i said..umuna naman akong naglakad at sumunod ang dalawa. At kagaya ng dati, marami na namang nagtitilian habang dumadaan kami..tulad ng sinabi ko noon, ayoko talaga ng ganitong sigawan..ang sakit sa tenga. Kaya seryoso nalang akong naglalakad ganoon din si marc, pero si roger daldal ay panay ang pagkaway.
***
Papasok palang kami sa canteen at ganoon nalang ang pagtataka ko kung bakit ang tahimik..maging ang paglapit namin sa loob ay hindi nila napansin, ngayon lang nangyare ang ganito. Himalang walang nakapansin ng presence naming tatlo.
Nang nakapasok na kami ng tuluyan ay naagaw na namin ang atensyon ng karamihan, ang nakakapagtaka pa'y gulat na gulat silang makita kami..o nagulat sila dahil nakita ako?..
"OMYGASH!..MAKIKITA NI RYLE NA MAGKASAMA ANG TATLONG KINAIINISAN NYA!"
"ALA PATAY!!..BAKA MAGKAGULO ULIT!!"
"MAGANDA 'TO!!, WORLD WAR 3!!"
Narinig ko ang bulungan ng iba dahilan para magtinginan kaming tatlo nina roger at marc. "MAIINIS KADAW 'PAG NAKITA MO?!" tanong sakin ni roger. Nagkabitbalikat nalang ako at umabante sa paglalakad.. automatic na nahahawi ang mga studyante na nasa dadaanan namin. Napahinto ako.
At laking pagtataka ko ng makitang magkakasama sina Althea, yung bubwit na nakatapon ng juice sa sapatos ko...at si diane.
Natahimik ang lahat..as in tahimik at walang maririning na ingay..hindi rin nagtagal ay nahagip ako ng paningin ni diane, bakas ang pagkagulat at ilang sa mga mata n'ya. Napansin siguro nina Althea na meroong tinitingnan si diane kaya tiningnan rin nila ito. Nakatalikod sila ng kaibigan nyang bubwit sa gawi ko kaya hindi nila ako nakita. Inaakala kong magugulat din si althea girl pagnakita ako, pero pinaningkitan lang n'ya ako ng mata at nginisian. Hindi ko na talaga alam ang mararamdaman ko sa babaeng ito..kadalasa'y nangingiti ako pagnaalala s'ya..pero kumukulo naman ang dugo ko 'pag kaharap ko na ang pagmumuka n'ya.
At mas lalo pang kumukulo ang dugo ko ngayon dahil nakita ko syang kasama ang Diane na'yan. Si diane na manloloko at pinaikot ako!..damn it!!
- FLASHBACK -
1st anniversary namin ngayon ni diane, kaya naman naisipan kong gumawa ng plano. Gusto ko ayang surpresahin.
Sigurado akong magugustuhan nya ang surpresa ko. At ako na ang pinakamasayang nilalang sa mundo kung makikita ko ang prinsesa kong nakangiti.
Napailing nalang ako habang ngumingiti, at dahil sa matalino kong utak ay nakaisip ako ng plano.. something special at romantic!
***
8:22pm na, inilibot ko ang paningin sa paligid. Sobrang ganda at paniguradong magugustuhan ito ni diane!..im super excited.
Papaano ba naman kase ay naghanda ako ng napaka-romantic na dinner dito sa mismong rooftop ng kompanya namin, sa paligid ay napapalibutan ng mga color pink na ilaw, color pink na letter balloons na ang nakasulat ay 'happy 1st Anniversary babe', maging ang tables ay colorpink din, maging plates and spoons ay color pink..basta lahat ay pink!.. because my babe is pink lover.
"KUYA SKY!..ANG MUSIC DAPAT ROMANTIC AH!" sabi ko sa pinsan kong magaling mag violin,"ATE MIRASOL AT KUYA JAKE!..GANDAHAN NYO ANG PAGKANTA AH!" sabi ko rin sa mga pinsan kong magagaling pagdating sa pagkanta. Nginitian lang nila ako tsaka inilingan..
Siguro'y iniisip nilang ang corny ko...pero who cares?!..para naman ito sa taong mahal ko.
Napatingin ako sa mga nagkikinangang bituin sa taas..napakaganda ng mga ito, sigurado talaga ako na magugustuhan ni diane ang lahat ng inihanda namin..lalo na't nakikisama ang panahon..hindi uulan ngayon.
"ABAY EXCITED MUCH SI SIR!" katyaw ng maid naming si shyn.."NAKOW PANIGURADONG KINIKILIG IYANG SI SIR!!" biro din ng driver kong si mang tinoy.."BINATA NA NGA ITONG SI RYLE EH!..ABAY DATI'Y NATATANDAAN KO PA NA PALAGI KANG UMIIHI SA KUTSON! HAHAHA" biro din ng pinakamatagal na naming maid nasi aleng tising..s'ya rin ang nagalaga sakin simula ng 2 taong gulang palang ako.
"SA TINGIN NYO PO BA MATUTUWA SI DIANE DITO SA MGA INIHANDA NATIN?" kahit alam ko naman na ang sagot ay nagtatanong pa ako..gusto ko rin kaseng makuha ang opinyon ng iba. "OF COURSE SIR!!..PANIGURADONG MAGUGUSTUHAN 'YAN NI MS.DIANE!" animo'y kinikilig na sabi ni shyn.
"ABAY ANO PANG HINIHINTAY MO IHO!..SUNDUIN MO NA ANG IYONG 'BABE'!..HAHAHA" kinikilig din na sabi ni aleng tising..napailing nalang ako..kahit kase may edad nasi aleng tising ay napaka hyper parin!!
"SIGE PO..TARA NA MANG TINOY SUNDUIN NA NATIN SI DIANE" nag "ayiee" pa silang lahat maliban sa mga pinsan kong kj..nagpaalam nako sa kanilang lahat at bumaba na kami sa ground floor ni mang tinoy.
***
Nandito na kami sa harap ng hotel.. which is pagmamayari ng pamilya ni diane, dito sya tumitira. Ayaw daw nya sa kanila dahil palagi silang nagbabangayan ng kapatid nyang si Dion.
Actually hindi ko sinabi kay diane na susunduin ko s'ya ngayon..nagkunware kasi ako kanina na sobrang bc ko kaya hindi kami makakapag celebrate ng anniversary namin..pero ang totoo ay nagset-up nga kami ng dinner date sa rooftop.
Napabuntong hininga ako bago naisipang lumabas ng kotse..biniro biro pako ni mang tinoy bago ako tuluyang makalayo sa kotse. At unang hakbang ko palang sa hagdan papasok ng hotel ay nag-ring ang phone ko.
Si Klea ang tumatawag...
Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tawag.."HELLO?!" panimula ko.
"HI RYLE!!..HOW ARE YOU?!" malambing na sabi nya..
"IM FINE..KUNG WALA KA NAMANG IMPORTANT NA SASABIHIN IBABA KO NA 'TO" mahinahon kong sabi.. narinig ko naman syang tumuwa ng malakas sa kabilang linya..nailayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng tumuwa..
"STOP LAUGHING LIKE THAT KLEA!..ANG SAKIT SA TENGA!" asik ko..
"OK FINE..PAKITINGNGNAN MO NGA PLS YUNG MESSENGER MO..MERON AKONG SINEND NA PICTURE SAYO" sabi nya..nagtiim naman bigla ang panga ko. Ano bang problema ng babaeng ito at nangungulit ng wala sa oras!..
"KLEA..ANO NAMAN BANG KALOKOHAN ITO..IM BC OKA---"
"PERO MAHALAGA ANG SINEND KONG PICTURE SAYO RYLE...SIGURADO AKONG MAGUGUSTUHAN MO!"
"ANO BA KASING PICT---"
Pinatayan ako ng tawag..inis kong kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko at pumunta sa messenger..meroon ngang sinend na photo si klea..pinindot ko photo at nanlamig nalang ang buong katawan ko sa nakita ko.
Hindi. Hindi ito totoo!!
Sa inis ko'y tinawagan ko ulit si klea..gusto kong ipamuka sa kanya ang katangahan nya!..bakit nya kailangang siraan sakin si diane!?..
"KLEA!.. DAMN IT!!, ANONG PICTURES ANG MGA IPINASA MONG ITO!!..AKALA MOBA ISA AKONG TANGA NA MANINIWALA SA LITARATO MO!..HINDI MAGAGAWANG MAKIPAG-SEX NI DIANE SA IBA!" gigil kong sabi kay klea..wala na akong pakialam kung sino ang mga nakatingin sakin.. ginagalit talaga ako ng babaeng ito!..
"OWW REALLY RYLE?!..HINDI KA NANINIWALA?!!..PWES ALAMIN MO, UMAKYAT KA SA ROOM NI DIANE SA TAAS, IKAW MISMO ANG UMALAM!..GOOD LUCK NA LANG SA MAKIKITA MO!!..HAHAHAHA"
Yun lang at ibinaba nya ang linya ng tawag..nagkuyom ang mga palad ko, pilit kong pinapakalma ang sarili ko..hindi ako pwedeng magpadala sa mga litratong iyun..pero bakit meroong naguudyok sakin na umakyat ng tuluyan at tingnan kung totoo nga ang sinasabi ni klea?!..
Nang medyo kumalma ako'y lumapit ako sa elevator..nanginginig pa nga ako habang pinipindot ang botton ng floor ni diane..kinukutuban ako ng kakaiba, sana mali ka klea...mali ka klea.
'TING!'
Nagbukas ang elevator at lumabas ako, bawat hakbang ko'y may kaakibat na bigat sa dibdib ko..iniisip ko palang na totoo ang sinabi ni klea ay para na akong nababaliw, papaano pa kaya pagnagkatotoo?
Napailing nalang ako at namalayan ko nalang ang sarili kong nasa tapat ng pinto ng room ni diane..dahil alam ko ang password ay ako na ang nagbukas. Pumasok ako at nagulat ako sa sumalubong na view sakin, mga bra at underware ng lalake at babae ang nagkalat..huminto ako sa paglalakad, wala paman ay parang gusto ko ng umatras.. papaano kung totoo nga ang sinabi ni klea?!..
Hindi ko namalayan na sunod sunod ng pumapatak ang mga luha ko habang naglalakad ako papunta sa kwarto nya..sabaway daanan ko'y panay ang underwear at mga bra!..ang masakit pa'y meroon akong nakikitang mga brief.
Napakapit ako sa doorknob ng pinto, pakiramdam ko'y babagsak ako sa kinatatayuan ko 'pag hindi ako kumapit..hindi ko pa man nabubuksan ang loob ng kwarto ay bumibilis na ang tibok ng puso ko..panay tulo narin ng luha ko, sa buong buhay ko'y ngayon lang ako umiyak ng ganito.
Bumuntong hininga ako..hindi pwedeng umiyak ako ng ganito gayong wala pa namang patunay na totoo ang hinala ko..
Binuksan ko ang pinto...
At tuluyan na akong kinain ng sakit at galit dahil sa nakita ko...
Si james at diane...magkayakap habang hubo't hubad.
- END OF FLASHBACK -

Book Comment (1278)

  • avatar
    HeartsBlossom

    Nice beginning, cant wat to finish it reading. Keep writing 😊✨

    21/04/2022

      43
  • avatar
    Samontina Garay

    ganda

    1d

      0
  • avatar
    Chester Calma

    nice

    3d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters