49: First Sunset

23 ng umaga, umalis na si Mike. Siyempre kailangan niya nang umuwi sa pamilya niya para sa pasko. Wala din naman kaming plano noong araw na 'yun. Nag-grocery lang kami para sa Noche Buena.
Christmas Eve, busy ang lahat. Gusto tumulong ng mga bisita sa paghahanda, hindi nagpapapigil kaya hinayaan na ni kuya.
Sky will be spending Christmas with us, like how he used to. Navi's family will be spending Christmas out of the country, actually umalis na sila noong 22 pa. While, Xei, will be spending his Christmas with his mom in Cebu. 
I think I forgot to mention that Xei is Navi's half-brother. Pareho nang tatay, magkaiba nang nanay.
"Ken, taas mo ng konti sa kanan." 
Utos sa'kin ni Tasha. Kaming mga babae ang nag presinta mag decorate. 
"Okay na ba 'to?" 
"Ayan, okay na 'yan." 
Bumaba na ako sa sinsampahan kong upuan at lumapit sa kanila para tumulong pa sa kahit anong pwede gawin. 
Alfresco Dining ang peg namin mamayang gabi, kaya dito sa view deck kami nag-aayos. 
"Do you girls need any help?" 
Biglang sumulpot si Adrian. 
"Bakit, hindi ka na need doon?" 
Tanong ni Tasha. 
"Ayoko don, sa bawat tulong may kasamang sermon." 
Sumbong niya.
"Paanong sermon?" 
"Maghahalo ako ng pagkain 'Adrian, hindi hinahalo 'yan'. Maglilinis ako ng mga ginamit 'Gagamitin pa 'yan, bakit nilinis mo na?'. Kapag gusto ko tumulong 'Adrian, tabi ka muna'. Kaya bahala na sila do'n, dito na lang ako." 
Natatawa ako sa way ng pagkwento niya, parang maiiyak na ewan. Hinayaan na lang namin na dito siya tumulong, sa kaniya namin pinagawa 'yung mga pag-dikit at pag-sabit ng mga display. 
Around 1 PM, one of our visitors, which I never knew was invited, came. 
"Good after and advance Merry Christmas!" 
"Kuya." 
Salubong ni Aice sa kapatid niya. 
"He invited himself." 
Tumabi si kuya Kash sa akin at tiningnan ang magkapatid. 
"Close kayo? I thought he had beef with Kuya Tobi?" 
"Well, I can't say." 
Iniwan niya ako na puno ng tanong, at lumapit kay kuya Raze.
Natapos na rin kami mag-ayos at kumain na ng tanghalian na magkakasama. After lunch, tsaka lang ako nagkaroon ng pagkakataon kausapin si kuya Raze. 
"Kuya Raze, may tanong ako sa'yo." 
Approach ko sa kaniya. Nakasandal siya sa railings ng view deck.
"Bakit galit sa'kin mga pinsan mo noong huli tayong nagkita?" 
Gulat akong napatingin sa kaniya. 
"Wow, may lahi ka bang manghuhula?" 
Natawa siya sa sinabi ko. 
"Wala. Obvious lang talaga. You were the only person in that confrontation who looked so confused." 
Because I was. I was confused as hell. 
"To answer your question, it's because your cousin's wife was my ex-girlfriend. And they thought that she was cheating on Toby with me." 
I knew it. I knew it's connected. The way they treated Kuya Raze and the reason why Kuya Tobi's wedding photo wasn't hanging on our wall, it's all connected. 
"But is she?" 
I want him to say no because I don't want to find out how hurt my cousin must be feeling. But at the same time, I want him to say yes, so I can curse that woman as long as she's alive. 
"I don't know. All I know is that, whether she's cheating, it's not with me." 
Confident na sagot niya. Ang dami naman tanong na pumasok sa isip ko. 
"Are you sure?" 
"What the hell? Pati ba naman ikaw pagbibintangan din ako? Just to remind you, the last time that I ruined someone's family, I ruined mine too. So I will never do it again.." 
He has a point. He's from a broken family. And ilang taon siya humingi nang tawad sa kapatid niya dahil sa ginawa niya. 
"That b*tch, she's dead when I see her." 
Hindi pa confirmed kung nag-cheat nga, pero kumukulo na ang dugo ko. 
"Good luck with that, I heard she flew to another country." 
Gulat akong napatingin sa kaniya. 
"Are you sure you're not the kabet? Bakit alam mo?" 
May panghuhusga sa tanong ko. 
"I am not! Sa akin unang pumunta pinsan mo para siguraduhin na hindi ako ang kasama ng asawa niya na umalis ng bansa. Grabe maka-judge!" 
Offend na offend and itsura niya, may paghawak pa sa dibdib. 
"She flew before I can even get to her!" 
Inis na sabi ko. 
"I heard your other tita hired people to look for her abroad. Hindi 'yung tita na nanay nila Theodore ha." 
Lalo akong hindi makapaniwala. Alam din nila tita Mitch? So, alam nilang lahat kung ganon? 
"But why do I not know this? Why did they keep this from me?" 
"Because I told them so," 
Napatingin ako sa likod nang madinig ang boses ni kuya Kash. 
"Why?" 
Tanong ko ulit. Hindi lang talaga ako makapaniwala na ako lang sa pamilya ang hindi nakakaalam. 
"You have so much problem in your plate, Ken. I can't let you deal with another reason to be stressed about." 
Hindi ako makakontra dahil tama siya, this past few months masiyado akong na-stress at nagpakain sa stress. 
"Let them handle it. Kaya na nilang ayusin ang sarili nilang problema." 
Tama si kuya. Ang lungkot lang na ganon ang nangyare sa pinsan ko, at mas nakakalungkot isipin na wala akong magagawa. 
Masaya naman ang pagsalubong namin ng pasko. Medyo may kaunti pa rin na lungkot dahil hindi kami kumpleto. Wala si Navi, si Xei, si Papa at si Axton. 
"Sayang, dito rin sana kami magbabagong taon." 
Parang ayaw pa nila umalis, pero kailangan. Tapos na ang pasko at pinapauwi na sila ng mga pamilya nila. Mas okay na rin na kasama nila ang pamilya nila para salubungin ang bagong taon. 
"Salamat, Ken. Sa inyo rin po Kuya Kash at Ate Dyne." 
Nagpapaalam na sila. Ihahatid sila sa Marinduque ng driver namin, we offered them the helicopter but they declined. Okay na daw sila na mag-barko na lang. 
"Wala 'yun, thank you din sa inyo."
Yumakap sila sa aming tatlo bago sumakay ng sasakyan. Naiwan lang si Aice. 
"Thank you, Aice, for protecting my sister all this time. You can enjoy your vacation now." 
Nakipagkamay si Aice kay Kuya at yumakap kay ate. 
"Una na kami, see you in a few days." 
Paalam niya sa akin.
"See you." 
Tatalikod na sana siya pero pinigilan ko siya. 
"Aice, I just want to say sorry." 
He smiled at me. 
"It's okay. Like I told you I wasn't expecting anything in return." 
I know he's saying that and he looks okay but I have this unsettling feeling that I have to do something because I can't reciprocate whatever he's feeling for me. 
"Okay, ingat!"
"You too." 
Tuluyan na silang umalis. That same day, umalis din kami. Sa bahay nila kuya TJ kami magbabagong taon. Sama-sama kaming lahat, like how it always was. 
Throughout our stay there, hindi ko tinantanan si Kuya Tobi sa walang kasawaang tanong ko tungkol sa asawa niyang demonyita. 
Kung hindi lang siguro ako mahal nito, unang araw pa lang sinapak niya na ako. Ayaw niya kasi mag-salita, laging iniiwasan ang mga tanong ko. Dumating na kami sa punto na tinataguan niya ako o kaya umaalis siya kapag alam niyang papalapit ako. 
Pinagalitan na ako nila Kuya Tj dahil sa kakulitan ko. Hayaan ko na lang daw dahil hindi pa nakaka-move on. Huwag ko raw pilitin. 
Matapos ang bagong taon, umuwi na kami sa bahay. Pero si Mike, nag-aya lumabas kaya pinagbigyan ko na.
"Gara ng kotse ah!" 
Sinundo niya ako sa bahay gamit ang isang mamahalin na sasakyan. 
"Ano ka ba! Wala 'to, hindi naman sa'kin 'to." 
Natawa ako sa sagot niya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero excited ako. 
"Hindi ka pa naman la-lunch 'di ba?" 
Tanong niya habang nagda-drive. 
"Nope." 
"Good, kakain muna tayo." 
He continued driving. Medyo malayo yata ang restaurant na pupuntahan namin kaya halos abutin kami ng isang oras, idagdag pa ang traffic. 
"We're here, tara." 
Inalalayan niya ako makababa ng sasakyan. Sa isang unli seafood restaurant niya ako dinala, okay na rin para ma-solve ang gutom ko.
Iba't-ibang seafood ang kinuha namin. At nakailang balik kami sa buffet table bago kami matapos kumain. 
After kumain, naglibot lang muna kami sa SM Mall Of Asia. 
"May bibilhin ka ba?" 
Tanong niya sa'kin. 
"Meron, regalo ko sa'yo. Wala ako naibigay sa'yo noong pasko." 
"Uy, ako rin. Sino mauuna?" 
Nagbato-bato pick kami at natalo siya kaya ako ang mauuna. 
"Let's set a budget first, 5k lang kaya ko." 
"Malaki na 'yun." 
Hinala ko siya sa isang store. Bilihan ng mga camera. Vintage to modern. Namili na ako ng camera na kasya sa budget niya, gusto ko sana ng vintage pero hindi sobrang mahal. Kaya nag-stick na lang ako sa polaroid camera.
"Okay na sa'kin 'to." 
Pinakita ko sa kaniya ang gusto ko bilhin. 
"Sure ka? Baka may ganito ka na." 
"Nasira na eh." 
Kinuha niya na sa'kin at dinalasa counter para magbayad. 
Hindi nasira ang polaroid camera ko, kung hindi sinira. Sinira ko. Dahil mahilig sa ganon noon si Axton. Pero dahil gusto ko na mag-move on, ibabalik ko na ang hilig ko sa pag-iipon ng polaroid pictures. 
"Here, try mo." 
Hindi ko na pinalagay sa box at nilagyan agad ng film. 
"Tayong dalawa, dali." 
Hinila ko siya at inakbayan para yumuko siya at magkasya sa frame. 
"Awww, ang cute." 
Lumabas agad picture at pinakita ko sa kaniya. 
"Wow! Ang pogi ko naman diyan." 
Inagaw niya sa'kin at inadmire mabuti ang mukha niya. 
"Oh, ikaw naman. Ano gusto mo?" 
"Rolex." 
Pagbibiro niya. 
"Oh, sige. Tara." 
Hinila ko siya papunta sa shop ng Rolex. 
"Huy, hindi, joke lang." 
Hindi ko siya pinansin at tuloy lang ang pagtanggi niya.
"Stop. No."
Huminto siya sa paglalakad at dahil mas malakas siya sa'kin napatigil din ako. 
"I was joking, I swear. I don't even like watches. See? I'm not wearing one." 
Ipinakita niya sa'kin ang dalawang braso. 
"Fine. So, ano nga gusto mo? Saan ka mahilig?" 
"Accessories." 
Naglakad na siya papunta sa isang jewellery store, kaya sumunod ako. Humawak ako sa braso niya habang naglalakad kami. 
Lagi nga siya may suot ng accessories. Laging may sing-sing, bracelet, hikaw at kwintas. Minsan madami, minsan naman pa iba-iba.
"Dito na lang." 
Pumasok na kami sa napili niyang store. Nagtingin-tingin muna siya bago siya mamili. Tigdadalawa ang binili niya. Dalawang kwintas, dalawang bracelet, dalawang sing-sing at dalawang hikaw. 
"Okay, wala na tayong gagawin dito, saan na tayo?" 
"Sea side tayo? Hindi na naman masiyado mainit eh." 
Kaya tumambay muna sa sea side. Bumili na rin kami ng makakain at maiinom. Medyo napagod ang binti ko sa kalalakad namin kanina kaya kailangan ko muna magpahinga. 
"Nakwento sa'min nila Sky kung ano talaga nangyare kay Axton. Sorry kung ngayon ko lang 'to sasabihin, but I'm so sorry for your loss." 
Ngiti lang ang sinagot ko sa kaniya. Hindi dahil nagdadrama na naman ako, kundi dahil hindi ko alam kung ano isasagot ko. Parang ang weird naman kung mag-thank you ako. Dapat ba mag-thank you ako? 
"I can't imagine how hard that must be," 
"Yeah, but I'm trying my best to move forward now. So I will really appreciate it if we stop talking about what happened." 
Hindi naman sa ayaw ko siya pag-usapan, pero pakiramdam ko mas mahihirapan ako mag move on kung patuloy ko siyang iki-kwento. 
"Sorry," 
"He'll be forever in my heart and in my mind, but I do want to experience life again." 
Hopefully, love too. 
"Hey, it's our first sunset together. Let's take a picture." 
Kinuha niya sa'kin ang polaroid camera at siya ang kumuha ng litrato namin. 
"Sunsets are proof that saying goodbye can be beautiful too." 
He said. I was just staring at his face while the sun's shine is slowly disappearing. Giving his handsome face a dramatic lighting. 

Book Comment (69)

  • avatar
    Allen Almoroto

    oo dahil siya ang author

    11/08

      0
  • avatar
    SantosMayza de toledo

    muito bom

    18/07

      0
  • avatar
    Charish Anne Jordan Vinson

    Ang gandaaa

    13/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters