51: Last Sunset

Saturday. 
The day that Mike and I agreed to meet. Maaga pa lang nakaready na ako. Gano'n ako ka excited. Excited na makita siya. 
Oo na, aminado na talaga ako. At hindi ko na itatago 'yun.
"You want me to drive you off?" 
Napatingin ako sa pinto nang bahay at nakita ko si Aice na nakauniform pa habang nakasandal sa gilid ng pinto. 
"No need. Susundoin ako ni Mike." 
"Okay."
Ngumiti lang siya at lumabas na. Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko kay Mike dahil dumating agad siya.
"Wala si El sa bahay, kaya baka makatapos tayo nang maaga. Alam ko kasi na maya't-maya na naman ang chismis sa'yo nun." 
Kwento niya habang bumibiyahe kami papunta sa kanila. Tumawa lang naman ako.
Ilang beses na akong nakasakay sa kotse niya. Ilang beses ko na siyang nakasama na siya lang. Pero hindi ko maintindihan kung bakit sobrang kinakabahan ako ngayon. 
Mag-aaral lang naman kami. Gagawa ng thesis namin. So bakit sobrang excited ako na parang may date kami? 
"Pasok ka." 
Pinagbuksan niya ako nang pinto. Nakita ko naman agad ang laptop at mga papel niya sa center table ng living room nila. 
"Nagsimula ka na?" 
Tanong ko habang naglalakad papunta sa may table. 
"Ah, oo. Wala kasi akong ginagawa kanina bago ka sundoin kaya sinimulan ko na." 
Paliwanag niya. 
"Gusto mo juice? kape? o tubig?"
Muling tanong niya nang maka-upo ako.
"Kahit ano." 
Sagot ko habang nakangiti sa kaniya. Agad naman siyang pumunta sa kusina at naghanda ng maiinom. 
Sa sahig ako naupo at inayos ang side ng table kung saan ko balak pumwesto. Inilabas ko na rin ang laptop ko at ang mga papers na ni-research ko kagabi. 
"Here." 
Ibinaba niya ang tray na may pitchel at baso. Kumuha ako nang baso at nilagyan ng juice para sa'kin bago ako nagsimulang gumawa nang research ko. 
Habang busy kaming pareho, hindi ko maiwasan batuhin siya nang mga tingin. Alam ko naman na ito ang ipinunta ko rito sa bahay nila, pero hindi ko maiwasan mag-expect na baka may gawin siyang ikakikilig ko. 
Pero wala. 
Masiyado siyang busy sa laptop niya. Nakakadisappoint.
Pinilit ko na lang din magpaka-busy dahil hindi matatapos ang research na 'to kung landi ang uunahin ko. 
"Do you want to take a break?" 
Tanong niya. Hindi ko naman siya masagot dahil ang utak ko ay parang nasa best state nito. Feeling ko kapag inalis ko sa topic ang isip ko, mawawala lahat nang isusulat ko. 
"Ken?" 
Muling tanong niya. Sinenyasan ko naman siya nang saglit at mas binilisan ang pagta-type ko.
"Yes." 
Natawa siya bigla. Nagtaka naman ako.
"Why?" 
Tanong ko.
"Wala lang. First time kita makita na sobrang focused sa ginagawa mo." 
Ayun lang naman pala. 
"Kailangan 'no! Ayoko naman basta-bastahin ang thesis lalo na at requirement 'to sa graduation." 
Bahagya siyang lumapit sa'kin at kinurot nang mahina ang dulo ng ilong ko. Bumilis na naman tuloy ang tibok ng puso ko. 
Bad for the heart talaga 'tong lalaki na 'to! 
"Luto lang ako nang makakain. You can continue your part while waiting." 
Sabi niya bago tumayo at pumunta sa kusina. 
"Paano ko matutuloy, e nabaliw na sa'yo ang puso ko." 
Bulong ko sa sarili ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya 'yun ano. 
Matapos kong ayusin ang mga gamit ko, sumunod ako sa kaniya sa kusina. Nagsisimula na siyang maghiwa ng mga sangkap kaya hindi ko na siya inabala. Mas okay nga sa'kin kasi mas matititigan ko siya.
Naupo ako sa isang stool na nasa centre island ng kusina at nakapangalumbabang nakatingin sa kaniya.  
"Okay lang ba sa'yo ang maanghang?" 
"Okay lang, basta huwag lang 'yung luluha na ako sa anghang." 
Mahina siyang natawa sa sinabi ko. Sinilip ko naman ang niluluto niya at mukhang bicol express 'yun. 
Kaya pala nagtatanong tungkol sa anghang.
Habang pinapanood siya, hindi ko mapigilan isipin na ganito pa rin kaya ang trato niya sa'kin kung aamin ako? 
Ano kaya ang kalalabasan namin kung mangyari nga? 
Magiging kami kaya? O magiging katapusan na iyon nang pagkakaibigan namin? 
"Malapit na." 
Humarap siya sa'kin matapos isalang sa apoy ang luto niya.
Matamis siyang nakangiti at agad na nawala lahat ng negatibong pumapasok sa isip ko kanina. 
Patay. Mukhang mayroon na akong kailangan labanan sa loob ko. At 'yun ay ang huwag umamin sa kaniya. 
Bakit ba kasi kailangan ngumiti nang napakapogi? Ayan tuloy, parang gusto ko na umamin. Dahil gusto ko na siyang angkinin. Gusto ko sa akin niya na lang ipapakita ang ngiti na 'yun. 
Pero nakaya ko. Hanggang sa matapos kami kumain at magsimula muli na gumawa ng thesis, hindi ako umamin. Tinibayan ko ang loob ko.
"Gusto mo muna pumunta sa port? Walking distance lang dito 'yun. Medyo maaga pa naman." 
Anyaya niya sa'kin bago ako pumasok sa kotse niya. Dapat talaga ihahatid niya na ako pauwi. 
"Sure." 
Aba siyempre, gusto ko 'yan. 
Nagsimula na kaming maglakad at hindi ko maiwasan lalong sumaya dahil mas matagal kaming magkakasama. 
Nawala naman sa kaniya ang tingin ko nang makita ko na ang port na sinasabi niya. Sobrang ganda ng view. Medyo mataas pa ang araw pero malakas ang hangin dahil nga tabing dagat kaya hindi na masiyadong mainit.
Sa gilid kami pumwesto at tumitig lang sa dagat. 
Ano kaya iniisip ni Mike ngayon? 
Tumingin ako sa kaniya na nasa kanan ko. Kalmado siyang nakatingin sa dagat at bahagyang nakangiti. 
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. 
"Mike," 
Kuha ko sa atensyon niya.
"Yeah?" 
Lumaki ang ngiti niya nang tingnan ako. 
"I like you." 
Ayan na. Nasabi ko na. 
Hindi na magkaintindihan ang mga lamang loob ko. Sa palagay ko nagaaway na ang utak at puso ko. Pero ang puso ko hindi nagpapalo. 
Nakatitig lang saglit sa'kin si Mike bago ibalik ang tingin sa dagat. Na wala na ang ngiti. 
Automatic naman na nawala rin ang akin. 
Bigla siyang tumayo kaya sumunod ako. 
"Jo—" 
Balak ko na sana bawiin ang sinabi ko pero bigla siyang humarap sa'kin kaya nabigla ako. 
"It takes a strong person to love a broken someone,"
Paunang salita niya. Hinintay ko naman ang mga susunod niyang sasabihin.
"And I'm not strong enough to love you, Ken."
Doon pa lang parang tinutusok na ang puso ko. 
"You deserve someone who's ready to be your foundation, your strength, and your reasons to not give up. And it's not me. I'm sorry." 
He told me while looking directly into my eyes. I was trying my best to let a single tear drop.
"Lies," 
Napa-yuko siya sa sinabi ko.
"You do love me. What you're not ready for is to be my foundation, my strength,  and my reasons not to give up. You're afraid to commit because you know you can't fix me." 
"I'm sorry, Ken."
Natahimik ako at nakatitig lang sa kaniya.
"But... I don't need saving anymore, Mike." 
Pagpupumilit ko.
"Ken."
Parang defeated naman ang tono nang boses niya. Kaya mas lalo akong naiyak.
Gusto ko siyang sigawan. Gusto kong itanong sa kaniya kung bakit kailangan niya akong tratuhin ng ganon ka-espesyal kung hindi niya naman pala kayang panindigan. 
Pero hindi ko magawa. Kasi alam ko sa sarili kong may kasalanan din ako. I fell into his world, and I let my heart control me. 
Humugot ako ng malalim na buntong hininga at tumingin sa arko na nasa pinaka-dulo ng port.
The sky is painted with different colors. The sea is peaceful. The wind is slowly getting colder. The sun is slowly setting. 
Such a beautiful place now holds a painful memory.
Why the hell am I even in pain for? I came here to heal not to fall in love, for pete's sake. I'm so f*cking stupid. This feeling is so fu*cking stupid. 
All the people at the port, come and go. Some of them are laughing. My mind wants to think that they're laughing at me. Are they laughing at me? Are my pain, happiness for others? 
"Iuuwi na kita," 
Anyaya niya sa akin.
"Ano na tayo ngayon? Are we still friends? Or are we over?"
Humina ang boses ko ng banggitin ko ang huling linya. Just the thought of us ending everything because of my stupidity is killing me.
"Mahal kita, Ken. Alam kong alam mo 'yan," 
Hinawakan niya ang magka-bilang balikat ko at itinapat ang mukha niya sa mukha ko. Thousands of butterflies flew inside my stomach.
"Ayokong mawala ka sa tabi ko. Gustong gusto ko na nasa tabi lang kita. Pero hindi ko kayang mag-bigay ng dahilan para manatili ka sa tabi ko," 
Mangiyak-ngiyak niyang sambit.
"I can give you everything, but not the relationship you deserve. I'd rather see you happy with someone else, than miserable with me." 
Pagpapa-tuloy niya. 
"Is this it? Are we going to let each other go?" 
I forced a smiled.
"No. No one is letting go of anyone." 
"Then can you just stay? I won't ask for more, just please stay." 
Hindi ko na napigilan ang luha ko.
"I will forever be the one who never left."
I nodded in relief. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan niya akong hinila pa-alis doon. I can't help myself but stare at our hands and smile bitterly. I then stared at him.
"You are my perfect love, found in the wrong time."
Bulong ko sa sarili ko.
The sun is completely set and so is our relationship.

Book Comment (69)

  • avatar
    Allen Almoroto

    oo dahil siya ang author

    11/08

      0
  • avatar
    SantosMayza de toledo

    muito bom

    18/07

      0
  • avatar
    Charish Anne Jordan Vinson

    Ang gandaaa

    13/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters