logo text

Chapter 32 Please help her

Mga tatlong oras na rin akong nakaupo lang dito sa loob ng kwarto ni Reyn at umaasang magigising na siya. Binabantayan ko ang bawat paghinga niya kung normal lang ba ito o hindi. Sa tatlong oras na iyon, sa kanya lang nakatutok ang buong atensyon ko, inaalala ang mga masasayang araw na magkasama kaming dalawa. 
Napalingon ako nang pumasok si Tita na may malungkot na mga mata. "Keiron, hanggang ngayon hindi ka pa nakapaglunch, baka nagugutom ka na. Lumabas ka muna at sabayan mo kaming kumain doon." Pareho kaming nasa kanya ang tingin. "Malulungkot siya kapag hindi ka kumain." 
Wala akong gana kumain ngayon, mas gusto kong nasa kanya lang ang atensyon ko. Hindi ko kayang kumain sa ganitong sitwasyon, nakakawalang gana ang lahat. 
"Hindi na po tita," tumayo ako para harapin siya. "May pupuntahan pa po ako ngayon. Babalik ulit ako dito pag natapos ako sa gagawin ko." 
"No, hindi ka na babalik dito." Biglang pumasok ang bastardo with his authority look. Napakunot ang kilay ko. 
Pinigilan siya ni Tita na lapitan ako. "Keiron..." Nagdadalawang isip ito kung sasabihin ba niya ang nais sabihin. "Mas mabuti sigurong wag ka na muna pumunta rito." 
"What? But why tita?" Hindi ko maintindihan bakit hindi nila ako pinapayagang bumalik ulit rito. Mas lalo akong nasasaktan sa ginagawa nila. Parang tinatanggalan nila ako ng karapatan para sa anak nila, inaalis nila ang natitira kong lakas para sa anak nila. 
"Kinausap ako ni Reyn, 'yan ang gusto niya kaya sundin na lang natin. Noong gising pa siya pinakiusapan niya ako na mas mabuting wag kang papuntahin dito." Ang bastardo ang sumagot sa kalmado nitong boses pero maawtoridad. "Let's just respect her decision, Chavez."
Napatingin ako sa nakahiga nitong katawan. Naluluha, may mga katanungang sumasagi sa isip ko. Why are you doing this Reyn? You're torturing me. Do you loath me that way? That's why you're doing this. I want to hate her but I can't, I have so much love in her that I can't even hurt her, I would have preferred kill myself than seeing her in situation like this. 
Kahit napipilitan man ay napatango ako, kung yan ang gusto niya, kung ayaw na niya talaga akong makita o maramdaman manlang ang presensya ko sa tabi niya ay gagawin ko. Gagawin ko ang gusto niya kahit ikakasakit ko. 
"I'm sorry Keiron, ginagawa lang namin ang gusto ni Reyn." Nahahabag na nilapitan ako ni Tita at niyakap. Pinahid ko ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. Hindi ko mabasa kung anong nasa isip ng bastardo, sa akin siya nakatingin pero walang mabasang emosyon sa mga mata niya.
"I understand tita, this is what she wants and I'll give it." Tinapik tapik niya ang likod ko bago umalis sa pagkakayakap. 
"Magpaalam ka na muna sa kanya," saka sila naunang lumabas.
Lumapit ako kay Reyn at hinawakan ulit ang kamay niya, muli na namang umiiyak. "I don't think I can do this without you. You're my strength pero ayaw mong lumapit ako sa'yo. Kung wala ka, wala na rin ako. Pero heto ang gusto mo then I'll give it. Gumising ka lang please..." 
I miss your hug, my love. 
Lumapit ako sa mukha niya para halikan siya sa kanyang noo. I missed doing this to her. "I'm not bidding you farewell, my love. Instead, I'm professing my undying love for you and pledging to wait, even if you choose to push me away." Alam kong magigising ka Reyn. Looking at her angelic face while sleeping.
Labag man sa kalooban kong umatras para talikuran siya ay ginawa ko. Swallowing the lump on my throat, forcing my steps to walk away from her. Nasa pintuan na ako para buksan ito, gusto ko ulit siya lingunin pero hindi ko magawa dahil kapag ginawa ko ito hindi na ako makakaalis pa dito at hindi niya iyon magugustuhan.
Sighing, catching those pity and cold stare of them. Naunang lumapit sa akin si Tita. Nakaupo silang lahat sa couch na pa crescent habang ang bastardo ay nakatayo lang sa may gilid. 
"Mag ingat ka sa pag uwi, Keiron. Thank you for driving us here... for everything, sa pagpapasaya sa kanya." Maluha luha ang mga mata nibtita nang sabihin niya iyon sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kanilang lahat, tumango ako bilang sagot. Gusto ko mang magsalita ay wala akong lakas. Instead I hugged her tight as thank you. 
Lumabas ako nang hospital na sobrang bigat ang nararamdaman sa dibdib. Nang makapasok sa kotse ay doon ko na inilabas ang lahat ng sakit. Hindi ko alam kung may mas isasakit pa ba itong nararamdaman ko. Gusto kong maging manhid sa mga oras na 'to. 
Nagdrive ako ng mabilisan para dumiretso sa bahay ng Dad ko. Alam kong magigising pa si Reyn. He knows someone na may kagalingan sa pagpapagaling ng mga pasyenteng may sakit sa puso. Nabuhayan ako ng lakas nang maalala ang kwento niya sa amin na umuwi ang kanyang kaibigan na doctor dito sa Pilipinas. His friend is a professional cardiac surgeon at state. He can help, I will help.
Pagkarating ko doon sa bahay niya ay agad akong pumasok para hanapin siya. 
"Keiron, my son! Bumalik ka." Masayang bati sa akin ni mom at lumapit para yakapin.
"M-Mom... where is he?" Nag aalangang tanong ko.
"Who?" Takang tanong nito. 
"Him, my father!" Frustrated kong sagot. 
"He is inside of his office right now." Nagtataka man ay sinagot parin ito.
"I need to talk to him, mom." Saka ako naglakad paakyat para hanapin siya sa kanyang office. He once showed us his office noong unang punta ko rito kaya alam ko na ang daan papunta rito. 
Pagkarating ko doon ay walang katok ko itong binuksan at mabilis na pumasok. Puno ng pagtataka at pagkagulat ang tingin nito sa akin. 
"Keiron, what brings you here?" Tumayo siya para lapitan ako. Puno nang pagkakagulat ang kanyang mata nang lumuhod ako sa harapan niyang umiiyak. Yes, si Keiron na matapang ay lumuluhod ngayon at nagmamakaawa. "Keiron what are you doing? Stand up." Hindi makapaniwalang sabi nito at pinilit akong tumayo pero umayaw ako. 
"Keiron, anong ginagawa mo?" Biglang pumasok si Mom dito sa loob, hindi ko sila pinansin at humagulgol sa harapan nila. 
I may be look pathetic I don't care, I'm so desperate to do everything for her to wake up again. 
"D-Dad..." tiningnan ko siya mata sa mata. "Tanggapin ko ang decision niyo ni Mom, lahat ng sasabihin niyo gagawin ko. Mag aaral ako sa US if.. if that's what you want. Just please help her... please help Reyn. Y-You have this friend of yours Dad diba? He's a doctor right? Marami siyang napagaling yan ang sabi mo diba? diba dad... Please Reyn needs his help." Pagmamakaawa ko, alam kong may maitutulong siya. I am willing to sacrifice my future for her. Handa akong iwan siya basta magising lang siya, handa akong mag aral sa US kung kapalit non ang tulong para magising siya ulit. 
"Keiron son..." hinawakan niya ako sa balikat with this pitiful look. "Hindi mo kailangang lumuhod para hingin sa'min ng mom mo ang bagay na yan." 
"Mom please..." nilingon ko siya, nagmamakaawa. "Reyn's too young para hindi maranasan ang mga bagay na ipinagkait sa kanya. She's t-too young para wala sa mundong ito." Ngayon lang ako nagmakaawa sa kanya.Doon bumuhos ang mga luhang ngayon ko lang nakita mula sa kanya. Umiiyak siya na parang nagsisisi. Pero bakit? Nilapitan niya ako para damayan at yakapin. 
"Son, I'm so sorry. I am so sorry... sorry for everything I have done." Bakit parang iba ang pinaghuhugutan niya ng mga salitang iyon. May iba pa ba siyang tinutukoy bukod sa ginawa niya sa'kin noong bata ako? "I'm sorry, kasalanan ko 'to. Buong buhay kong pinagsisihan ang nangyaring 'yun." Hagulgol niya sa balikat ko. 
"M-Mom... what do you mean? What are you talking about?" Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan siya takang tingin habang naghihintay sa mga sasabihin niya. 
"Because of me... Reynielle died. Reyn's dad died because of me." Hagulgol ulit niya, sising sisi ang mga mata niya. Hindi ako makakuha ng mga sasabihin. Tulala ako sa kanya. Gulong gulo, ang daming thoughts na pumapasok sa isip ko. Paanong dahil sa kanya? Ano bang ginawa niya bakit namatay ang Dad no Reyn? 
"What... What did you do m-mom?" Garalgal ang boses ko. 
"Remember the night na dinala mo siya sa bahay? Masaya ako para sa'yo, son. Pero nang malaman kong she's related to Reynielle Santos, that he is her dad. Na guilty ako para sa kanya sa puntong hindi ko kayang harapin siya... because every time I look into her eyes naalala ko kung paano ko sinira ang pamilya nila. Nakikita ko si Bea na nasasaktan sa kanya. Reynielle's death keeps haunting me... Kung hindi ako pumunta sa bahay nila noong time na 'yun hindi sana sila aabot sa puntong ganon. Sinadya kong sirain ang nalalapit nilang kasal. Reynielle died because of a car accident, hindi sila okay ni Bea noon. Namatay siya without knowing na buntis si Bea sa pangalawa nilang anak.. and that's Reyn." Napapatakip siya sa kanyang bibig sa sobrang pag iyak. 
Hindi ko alam kung dapat ba ako g magalit sa kanya dahil sa mga sinabi niya. She ruined Reyn's family. Siya ang dahilan kung bakit napagkaitan ng pagmamahal ng isang ama si Reyn. Hindi man niya literal na pinatay ang Dad ni Reyn pero siya ang puno ng lahat kung bakit nasira ang pamilya nila. My innocent Reyn doesn't deserve all this. Siya ang nangungulila dahil sa ginawa ni Mom. Tapos hindi manlang niya mararanasan ang mabuhay ng matagal hanggang pagtanda dahil sa ipinagkait na masayang buhay sa kanya. 
"S-Son... I'm willing to help her. I'm willing to do everything just to pay what I've caused to their family, kahit... kahit hindi ko man maibalik ang nasira nilang pamilya, para kay Reyn na walang kamuwang muwang sa mga nangyari. Para kay Reynielle at Bea, hindi ko na hahayaang mawalan pa ulit sila ng isang kasayahan. Reyn doesn't deserve this, I was such an evil to their life." I can see the willingness and atonement in her eyes. "I am also sorry for everything I have done to you my son, for meddling your life since then." 
Alam kong pinagsisihan na niya ang lahat. Hindi pa naman huli ang lahat para pagisisihan iyon at humingi ng kapatawaran. Forgiveness didn't exist in my dictionary back then, until I met Reyn and she introduced me what is forgiving someone like. Hinila ko si Mom para sa isang yakap, heto 'yung yakap na matagal kong hinahanap hanap, yakap ng isang Ina at hindi yakap ng isang Inang sinasakal ka sa mga bagay na hindi mo gustong gawin. 
Inalalayan kong tumayo si Mom at binalik ang atensyon kay Dad na ngayon ay hindi makapaniwala sa mga nakikita niya. "Just like your Mom, I'm willing to help her, we will do everything as we can para magising siya. Don't worry, I'll ask Jim's help." 
Dahil sa mga narinig ko muli na naman akong nabuhayan ng loob. Medyo nagulat pa siya sa ginawa kong biglang pagyakap sa kanya pero sa huli ay niyakap rin niya ako pabalik. Pinahid ko ang mga luhang kumawala sa mga mata ko, at least ngayon alam kong may malaking chance pa na magising si Reyn. I trust Dad's friend. Kahit sa kwento ko palang siya nakikilala, I know he can do something about this. 
Nang maghapong iyon ay agad na pinagusapan nila Mom and Dad ang unang gagawin. Masaya ako sa parteng ito, heto ba 'yung pakiramdam na may matatawag kang pamilya? Heto ba 'yung pakiramdam na nakikiisa kayo sa isang usapan at may matatawag lang Mom at Dad? Kung heto man 'yun, masaya ako para maranasan ito.

Book Comment (218)

  • avatar
    Raya Baldemor

    i love this story

    20d

      0
  • avatar
    Mjoy0909

    thank

    24d

      0
  • avatar
    ShaKanmani

    good

    25/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters