logo text

Chapter 34 She's not

Tatlong araw bago ako makatanggap ng tawag galing kay Jay. Ginawa niya ang ipinagawa ko sa kanya. Nakita niya raw si Rhea na kasama ang bastardo sa labas ng bahay nila Reyn. Bumaba sila ng kotse nito ng sabay at pumasok sa bahay nila. Walang sinabi sa akin si Arjay kung saan sila nanggaling, tinanong ko ito kung ang isa ba sa kanila ay galing sa hospital pero ang sabi sa tatlong araw na pagmamanman ay hindi niya ito nakitang nagpunta sa hospital. Sinabihan ko si Arjay na wag aalis kung saan man siya nakapwesto ngayon dahil ako na mismo ang pupunta para malaman kung nasaan nga bang hospital si Reyn. 
Nagpaalam ako kila Dad at Mom na aalis na since three days rin akong nagstay doon sa bahay nila. Nagdrive ako at hindi rin katagalan ay nakarating ako sa harapan ng bahay nila. I saw Arjay waving at me hiding behind the bush. Tinanguan ko siya at binalik ulit ang tingin sa bahay nila Reyn. Nandoon na ang kotse nila na dala ng bastardo. Papasok na sana ako nang nakasalubong ko si Rhea na padabog na lumabas ng bahay. 
"Keiron? Anong ginagawa mo rito?" Para siyang nakakita ng multi nang makita ako. Napatingin pa siya sa kanyang likod kung may maaatrasan ba siya sakaling sugurin ko man siya, but I won't do that unless di niya sinabi sa akin kung nasaan si Reyn.
"Saan niyo dinala si Reyn? Lumipat raw siya ng hospital." Pinipigilan ko ang mga emosyon kong sinusubukang kumawala. 
Hindi siya nakasagot at titig na titig lang sa akin with this pitiful look. "H-Hindi ko alam." Sagot niyang napapaiwas ng tingin. 
Nilapitan ko siya hinawakan sa balikat para yugyugin, "Anong hindi mo alam? You were best friends at alam kong alam mo kung nasaan siya ngayon naka confine!" Hindi ko mapigilang maibuhos ang galit ko sa kanya. Nawawalan ako ng pasensya, kita ko ang takot sa kanyang mga mata. 
"Keiron... Wala akong karapatan para sabihin sa'yo ang alam ko! Kung may tao kang gustong tanungin si Z 'yun.. Sa kanya mo itanong. Anuba, bitawan mo nga ako!" Hindi ko pa siya nabibitawan ay agad kong naramdaman ang kamaong tumama sa pagmumukha ko. 
Fuck. Shit.
Napaupo ako sa sahig, sa pag angat ko ng tingin kita ko ang galit na galit na mukha ng bastardo. Nasa likod na niya so Rhea at pilit itinatago, pero ang kaninang naiinis na mukha nito ay napalitan ulit ng awa habang nakatingin sa akin. Hinahawakan nito ang braso ng bastardo para pigilan dahil susuntukin na naman sana ako nito. Agad akong may narinig na tumatakbong yapak papunta dito sa direksyon namin. I know it's Arjay. Agad niya akong tinulungan makatayo, habang ang tingin ng dalawa na nasa harapan ko ay nasa sa akin parin.
"What the hell are you doing here? Ang tigas talaga ng bungo mo Chavez." tiim bagang niyang sabi.
"Nasaang hospital niyo inilipat si Reyn? 'Yun lang naman ang gusto kong malaman." Puno ng hinanakit kong tanong.
Hindi sila nakasagot. Kita ko kung paano manubig ang mga mata ni Rhea. Gusto kong malaman pero may takot sa loob loob ko na hindi ko maintindihan. 
"Mas mabuting hindi mo na malaman pa." Sagot ng bastardo na napapaiwas ng tingin. 
May kakaiba sa kanilang ikinikilos, alam kong may itinatago sila sa akin. Ngayon ko lang rin narealize na wala rito si Tita. Nasaan siya? Magkasama ba sila ni Reyn sa hospital para bantayan ito?
"May karapatan rin akong malaman kasi girlfriend ko siya..." namamaos ang boses ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi nila hahayaang malaman ko kung nasaan siya. Si Reyn lang ang kasayahan ko pero bakit inilalayo pa nila sa akin. Siya ang lakas ko pero dahil sa ginagawa nila nawawalan na rin ako ng pag asa. "Just tell me kung nasaan siya, nag aalala rin ako sa kalagayan niya."
"Kapag ba sinabi ko ang lahat manahimik ka na? Hindi ka na manggugulo?" Galit ang mga mata ng bastardo pero kita rito ang sakit. Kahit anong tago niya halatang halata na nasasaktan siya pero pilit tinatayagan ang loob. 
Hindi agad ako nakasagot, handa nga ba akong malaman kung nasaan siya? 'Yung katotohanan, handa nga ba ako? Pero may takot sa loob loob ko na hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling, may parte sa akin na ayaw kong malaman. 
"Ano Chavez? Gusto mo parin bang malaman?" Hindi ko alam. Hindi ako handa. Iba ang ang kutob ko. "Sumagot ka! Gusto mo bang malaman? Ano?!" Nanginginig ako hindi dahil sa sigaw nito, dahil sa kahit wala pa siyang sinasabi kung nasaan si Reyn inuunahan ako ng takot ko. 
Hindi agad ako nalagalaw nang bigla niya akong nilapitan at kinuwelyohan para yugyugin. Pulang pula ang mga mata nito dahil sa galit na nararamdaman at sakit. "Si Reyn ba ang hinahanap mo? Wala na siya! Dahil sa'yo wala na siya... Dahil sa'yo nawala ang nag iisang prinsesa ko! Wala na! Sumuko na siyang mabuhay pa! Fuck you Chavez... dahil sa'yo hindi ko na makakasama pa ang kapatid ko! You killed my princess..." Umiiyak siya, umiiyak ang bastardo sa harapan ko. 
Nagpanting ang tainga ko sa mga salita niyang narinig ko. Hindi ma process ng utak ko, ayaw nitong mag sink in. Ayaw kong maniwala, ayaw ko. Parang nagkakarerang kabayo 'yung kabog nang kabog ang puso ko at maya maya ay biglang hihinto at parang ayaw na rin tumibok. Para itong pinupunit isa isa, gustong magawala ng sistema ko. 
Sunod sunod ang pag iling na ginawa ko, unti unting tumatatak ang salita ng bastardo sa utak ko. "No, she's not!" Pumiyok ang boses ko dahil sa nakabarang bato sa sa lalamunan ko. 
"I fucking wish she's not!" Saka ako nito patapong itinulak. Wala akong lakas para bumangon, kahit anong suntok siguro ang gawin sa akin wala itong sakit kumpara sa nararamdaman ko. 
Humagulgol si Rhea sa likod ng bastardo dahilan para harapin siya nito. Habang ako ay tulala parin sa kanila, hindi alintana kung kanina pa tumutulo ang walang katapusang luha kong ito. Hindi ako naniniwala, hangga't wala akong nakikitang katawan ni Reyn na walang buhay hindi ako maniniwala. 
"No! Tinatago niyo lang siya sa akin. 'Yun lang 'yun, gusto... gusto niyo lang akong tumigil, ayaw niyong manggulo ako kaya... kaya niyo 'to sinasabi." Kahit ang pagsasalita ko ay hindi na rin tuwiran. 
"Bakit ba ayaw mong maniwala, ha?!" Hinarap ulit ako ng bastardo at nilapitan para suntukin.
"Dahil hindi ako naniniwala! Buhay pa siya!" Buong tapang kong sigaw at saka siya sinapak pabalik. 
"Ano ba! Tama na kayong dalawa, hindi ba kayo napapagod kakasuntukan? Palagi na lang kayong ganyan! Kung nakikita man kayo ngayon ni Reyn ngayon, hindi niya ito magugustuhan, napaka isip bata niyong dalawa... Pwedeng pag usapan 'yan sa maayos na paraan at hindi sa pamamagitan ng suntukan." Si Rhea ang nagpatigil sa aming dalawa. "Ikaw Z, nagpapakakuya ka pero hindi sana sa ganyang way na idadaan na lang sa galit ang lahat, na kada isang masakit na salita isang suntok ang tatama... at ikaw naman Keiron, tama na... kami rin ang napapagod sa tuwing iniisip na wala na siya. Hindi natin lahat matanggap na wala na siya, pero may magagawa ba 'yun para maibalik siya? Ha? Wala diba?! So please tama na... gusto ni Reyn ng maayos na pahinga, na 'yung mga tao sa paligid niya ay hindi magulo." Pagkatapos ng mga sinabi niyang 'yun ay agad siyang napahagulgol at ang bastardo naman walang nagawa kung hindi ang pumasok pabalik sa loob ng bahay. 
Pinigilan ko si Rhea nang aalis na rin sana ito. "Rhea, please tell me... tell me that all of these are just a joke..." Pagmamakaawa ko sa kanya.
"Bakit ba... Bakit ba ayaw mong maniwala Keiron? Pagod na ako isiping hindi ko na makakasama ang best friend ko..." Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang braso. Nagmamakaawa parin. "Sasabihin ko ang lahat sa'yo... at Sana pagkatapos nito ay tumigil ka na. Tanggapin mo nalang." Hindi ako nakasagot at napayiko na lang. 
"I need an evidence para manahimik... doon lang ako titigil kakapangulit sa inyo." 'Yun lang ang hinihingi ko. 
"Inilipat siya ng hospital last week... pero Isang araw lang ang lumipas at sumuko na rin ang kanyang katawan. Walang nagawa ang mga doctor niya, they tried their best lalo na ang kaibigan ng dad mo pero si Reyn na rin mismo ang sumuko. Napaka fresh pa ng pangyayari sa akin." 
Pinipilit niyang pahiran ang mga luha niya pero tuloy tuloy parin ito sa pagtulo. Alam kong kagaya ko ay sobra rin siyang nasasaktan, they're best friends since pagkabata. Para na rin silang magkapatid, magkadugtong na ang bituka nilang dalawa. Saksi siya sa kung paano naghirap si Reyn sa kanyang sakit, saksi siya sa lahat, saksi siya sa buhay ni Reyn. 
"Kung alam ko lang na huling pagsasama na pala namin noong gabing tinawagan ako ni tita para puntahan siya. Sana nasabi ko ang lahat lahat sa kanya." Tiningnan niya ako ng masama. "Alam mo kagaya ni Z gusto rin kitang sisihin eh. Pero hindi ko magawa kung meron man 'yun si Z 'yun. Dahil sa plano niyang makipagdeal sa'yo, sa plano niyang ipakilala siya sa'yo. Nakakaputangina siya alam natin 'yun. Pero ayaw kong mangsisi ng ni isa sa inyo kasi hindi niyo rin naman kasalanan kung ganon ang sakit ni Reyn..."
I can still recall those times na nakioagdeal ang bastardo sa akin. Kapalit ng Astrix at kapatid niya. And there I was, not expecting to fall for the deal we agreed on. Nahulog ako sa kapatid niya, diring diri ako noon, halos isuka ko kung paano niya ako yakapin noong una naming pagkikita. Pero ngayon, Malabo nang masilayan ko ulit ang mga mata niyang nakangiti sa tuwing nakatingin ito sa akin. 'Yung mukha niyang inosente na puro katanungan ang ipinapakita ng mga mata. 
"She told us once na if ever... if ever mawala siya man siya sa mundong ito... huwag na huwag naming sasabihin sa iyo at sa kung kanino man." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, mas lalong pinupunit ang puso ko nang malaman iyon na ganon pala ang gusto niya. Inaalisan niya ako ng karapatang malaman ang lahat tungkol sa kanya. So unfair. 
"Pero sana bago mo i-judge 'yung decision niya pakinggan mo muna ang paliwanag niya kung bakit ganon ang gusto niya... Ang sabi niya gusto niyang mawala sa mundong ito nang kami lang ang nakakaalam na pamilya niya. Kapag may nagtanong kung nasaan siya, isipin na lang raw natin—sabihin naming nangibang bansa lang siya... na doon siya sa ibang bansa malayo sa atin, na mas gustong doon mamuhay kung saan walang nakakakilala sa kanya at maramdaman ang peaceful na buhay, malayo sa gulo." Ngumiti siya ng pilit, siguro iniisip na ganon nga. 'Yun lang ang ginawa ni Reyn. 
"Ayaw niyang malaman ng iba na wala na siya, ayaw niyang may taong masasaktan sa pagkawala niya. Ayaw niya ring ipaalam ang pag alis niya. Gusto niyang mamuhay tayo ng normal nang wala siya, na iniisip lang natin na nasa ibang bansa lang siya namumuhay rin doon ng tahimik." Pilit ang ngiting ibinigay niya sa akin. "Kaya... Kaya sana Keiron ganon na lang rin ang isipin mo. Isipin mong nagpakalayo lang siya para sa ikabubuti niya. Mahal ka niya alam natin 'yun. Hirap rin siyang iwan ka na ganon ang malalaman mo, pero ayaw ka niyang saktan. Alam niyang mas masasaktan ka—kami pag nakita natin siyang literal na nakahiga at namamahinga sa loob ng kabaong, na wala nang buhay. Ayaw niya ng ganon." 
Fuck. Reyn, may gusto ka pa bang mas masakit kesa sa dito. Kung sa tingin mo hindi kami masasaktan sa ganitong way ng pagkakawala ko, nagkakamali ka. Mas lalo lang akong nasasaktan. 
"Siguro nagtatanong ka kung nasaan ang katawan niya ngayon kung ganon nga ang nangyari. Kung hindi ka parin naniniwala, ikaw na ang pumunta kay Tita. Nasa kanya ang ashes ni Reyn... Wala siya rito ngayon sa bahay nila, nandoon siya sa bahay ng lolo at lola nila Z. Doon siya naghihinagpis, desisyon iyon ni Z. Alam naming mas lalo siyang masasaktan, mas ma de-depressed siya kapag nandito siya sa mismong bahay nila kung nasaan kahit saang area makikita ang alaala ni Reyn. Mas mahihirapan si tita na sa ganoong sitwasyon, kaya mas pinili ni Z na doon muna siya patuluyin." Malungkot ang mga mata niyang nakatingin sa akin, sa wakas ay tumahan na rin siya. 
"Hindi na kaya ni Tita ang sobrang sakit na nangyayari sa buhay niya. Marami na siyang pinagdaanan at ngayon si Reyn na naman ang nawala sa kanya. Ilang tao na ang nawala sa kanya, nag aalala kami sa mental health niya." Nalulungkot na napayiko siya sa isiping 'yun, pero tumingin rin siya ulit sa akin. "Puntahan mo siya kung gusto mo, ituturo ko ang daan." 
Hirap na hirap tanggapin ng sistema ko ang mga sinabi niya. Sapat na sa akin ang mga nalaman ko. Hindi ko na kayanin pa ang sakit kung pupunta ako doon kay Tita. Mas lalo ring masasaktan si tita kapag nakita niya ako, knowing ako ang isa sa mga rason sa pagkawala ni Reyn. May parte sa aking gustong pumunta para makita at mayakap lang ang ashes niya, kahit 'yun lang.
"Hindi na muna, ayaw kong mas lalong masakyan si tita." Tinapik tapik ko siya sa kanyang balikat. "Thank you sa pagsabi ng totoo, Rhea. Titigil na ako sa panggugulo rito. I'm sorry for everything I have caused." Pinahid ko ang mga luha ko. 
"Naiintindihan ko, Keiron. Don't be sorry, hindi mo 'yun ginusto, walang gumusto noon. Choice ni Reyn at kagustuhan niya 'yun. Maging maligaya na lang tayo para sa kanya kasi nakapagpahinga na rin siya ngayon." Niyakap niya ako ng hindi katagalan at tinapik tapik rin ang balikat. "Cheer yourself up Keiron. You should grow up for the relationship you have shared. Mahalin mo ang sarili mo kagaya ng pagmamahal mo kay Reyn dahil 'yan ang gusto niyang gawin mo. Be a grown-up man for her." Tipid na ngiti ang binigay sa akin. 
Tumango ako sa kanya. Hindi ko magawang ngumiti, sobra sobra ang mga nalaman ko ngayon. Gusto kong maging manhid sa mga oras na 'to. Hindi ko kayang isipin na wala na siya. Parang kailan lang kami nagkakilala, sa maliit na panahon minahal ko siya ng sobra. Tulala akong umalis sa harapan ng bahay nila sakay ng kotse ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon, gusto kong ilabas ang lahat ng sakit. Kita ko sa rearview mirror ko ang big bike dala ni Jay sa likod nakasunod. 
Dumiretso ako sa dagat kung saan dati kaming tumambay ni Reyn. Saktong palubog na ang araw kagaya noong oras na kasama ko siya. Naupo ako doon sa bunagin, may kaunting tao rin ang nasa paligid at may mga sariling mundo kagaya ko. Mga taong iba iba ang nararamdaman sa mga oras na 'to, they might be happy and in love while I'm here longing for her presence. The memories of us dancing in these sands keeps lingering on me. 
Napaangat ako ng tingin sa taong nag abot sa akin ng isang canned ng beer. Walang pasabing kinuha ko ito at binuksan para tunggain. I know it's Arjay. Naupo siya sa tabi ko at tahimik na nanood sa papalubog na araw kagaya ko. 

Book Comment (218)

  • avatar
    Raya Baldemor

    i love this story

    20d

      0
  • avatar
    Mjoy0909

    thank

    24d

      0
  • avatar
    ShaKanmani

    good

    25/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters