Chapter 25

Nang makapasok ako sa loob nang yate ay pagkamangha agad ang makikita mo saking mga mata. Inalalayan ako nitong pumunta doon sa may bandang harapan ng yate.
Hindi agad ako nakapagsalita dahil aking mga nakita. Nandito sila mama at papa pati na rin mga magulang niya. Nakita ko din ang mga nakangiting mga kaibigan namin doon sa may dulo.
Kumaway pa sa akin si Eddy kahit kailan puro kalokohan ang lalaking 'yon. Mabuti nga at may pumatol pa sa kaniya. Si Jomar naman ay may nililigawan daw pero hindi naman pinapakilala sa amin.
"What's this?" Takang nilingon ko ang lalaking nasa likuran ko nang makarating kami sa gitna malapit kila mama.
Napaiyak naman ako naman makita ko itong nakaluhod at may hawak na singsing.
"Huy! Ang galing mo ahh kababalik mo lang tapos maggaganyan ka?" Kunwaring inis ko ditong sabi.
"I'm sorry baby. I'll explain it later but right now can i can you to be my wife forever?" Halata ang kaba sa kaniyang mga mata nang maitanong niya iyon sa akin.
Sandali naman akong napatahimik at inilibot ang aking paningin bago idapo iyon sa kaniya ulit.
"Of course! I'll marry you bitch." Masayang sagot ko rito kaya naman naghiyawan ang mga taong nakakarinig sa amin.
"I love you. I love you, baby!" Hiyaw siya nang hiyaw dala nang kasiyahan niya.
Lumapit naman sila mama sa amin.
"Congrats mga anak." Bati ni mama saka ako niyakap.
Gano'n din ang ginawa ni tita at tito. Si papa naman ay seryoso lang na nakatingin sa amin. Nagcongrats din naman ito sa'min pero bakas ang pagiging seryoso nito.
"Zayden mag usap muna tayo." Matigas na saad ni papa sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata ko at takang tiningnan sila mama ngunit tinanguan lang ako ng mga ito saka iniwan at nagpunta sa kani kanilang lamesa.
Nang makaalis sila ni papa ay nilapitan ko nalang ang barkada.
"Grabe akala ko magiging matandang matanda kana!" Birong komento ni Jomar sa akin pagkalapit ko.
"Anong matandang matanda?" Litong tanong ni Lisa. Kaya nagsitawanan naman ang iba. Mga may sayad talaga.
"Matanda na kasi siya kaya matandang matanda." Tawang tawang sagot ni Jomar. Dahil doon ay nakatanggap siya nang batok mula sa mga katabi niya.
"Bobo. Matandang dalaga pa din 'yon!" Singhal ni Brandy
"Balik kana nga sa itlog ng tatay mo!" Asar naman nitong si Blue.
"Unique kasi ako! Masakit 'yong batok ahh." Reklamo naman ni Jomar sa kanila.
"Congrats girl! Hindi ko aakalaing ikaw agaw ang susunod sa'kin," bati ni Lisa sa akin. Nginitian ko naman ito bago sumagot.
"Tss. 'Di ko sin inaasahan 'to no. Nagulat nga lang ako kanina nasa bahay na 'yong lalaking 'yon eh," kamot kilay kong sabi. Gulat man ay natawa nalang sila sa akin.
Alam kong kasama sila sa plano na'to kaya  ganiyan lang ang mga reaksyon nila.
"Hehe sorry na Abo napag utusan lang." Peace pa ni Trisha sa akin. Iniripan ko lang naman ito kaya natawa naman sila sa akin.
"Pakinggan mo nalang ang paliwanag niya sure naman akong hindi mo 'yan matitiis." Saad ni Bluemont na nasa tabi ni Lisa.
"Letse kayo! Mga traydor." Reklamo ko habang tumatawa na din. Kumain nalang muna ako dito habang hinihintay matapos sila papa sa pag uusap.
Ilang minuto pa akong naghintay nang matapos sila Zayden sa pag uusap. Dinala naman ako nito sa taas ng yateng ito para doon kami mag usap.
"Ashiannie sorry talaga." Paghingi nito nang tawad.
"Magpaliwanag kana hindi naman ako galit. Nagtatampo lang ako sayo." Paglilinaw ko.
Tumikhim naman ito bago tumingin sa papalubog na araw. Kaya naman napatingin din ako doon.
Naramdaman ko ang pagyakap nito sa akin galing likod kaya naman napapikit nalang ako.
Namiss ko siya kahit anong tampong nararamdaman ko.
"Noong sabi ko na aalis ako for masteral hindi totoo 'yon." Pag uumpisa niya.
"Kaya nagmigrate sila mama doon upang hanapan ako ng kidney donor. Kaya sabi ko sa kanila na mauna na sila. Sumunod naman ako sa kanila dba. Gusto ko pa sanang makasama kang grumaduate kaso nanghihina na ako. Ayokong makita mong mahina ako Ash," dama ko ang luhang nanggaling sa kaniyang mga mata.
"Bakit hindi mo sinabi?" Iyon nalang ang tanging lumabas sa akin.
"Mas gugustuhin kong lumaban na mag isa kaysa kasama ka. Ayokong makita mo na iiwan kita, ayokong masaktan ka kapag hindi ko kinaya. Kalahating taon nang umpisahan na nilang ioperate ako. Kaya hindi mo ako macontact dahil pinatay ko ang cellphone ko. Iniisip ko lang na kailangan kitang balikan kaya lumaban ako. Nagmakaawa ako kanila mama na huwag sabihin sayo. Na coma ako ng almost five years. Pang limang buwan ko palang ngayon simula nang magising ako." Naiyak nalang ako sa mga katagang naririnig ko mula sa kaniya.
All this time his been fighting to for his life while i was bad mouthing him every night for not being by my side.
"Wala akong silbi Zayden. S-sana sinabi mo. Paano kung hindi ka nagising ha! P-paano kung iwan mo'ko! Hindi ko kaya 'yon." Hagulgol ko. Niyakap naman ako nito saka pinatahan sa pag iyak.
"Its okay now love. Hindi ako mawawala ulit hmm?" Bulong nito sa akin.
"Ang daya mo naman eh! D-dapat nando'n ako para naman naalagaan kita!" Inis kong sabi sa kaniya.
Ang daya niya. Sinarili niya 'yon para hindi ako masaktan pero hindi niya ba maiisip na mas masasaktan ako kung may hindi magandang nangyari sa kaniya.
Mas masasaktan ako kung ang babalik na sa akin na balita ay wala na siya! Kainis nitong lalaking 'to.
"Shhh sorry na nga eh. Saka andito na ako ohhh 'wag kana umiyak." Biro pa nito sa akin.
"Heh! Kainis ka! Tapos susulpot na may paganito 'to pa? Ang panget pa nangsuot ko sa engagement natin kainis." Natawa nalang siya sa mga naging reklamo ko.
"Hindi naman. Kaysa naman iyong suot mo kanina na kita likod mo no!" Anas niya pabalik.
"Fashion kasi 'yon. Palibhasa wala kang alam sa gano'n." Singhal ko.
"Its okay love. Your still beautiful even you're just wearing simple outfit." Pampalubag loob nito. Iniripan ko nalang ito saka tumalikod ulit sa kaniya upang magpahangin.
Niyakap nalang ulit ako nito saka isinubsob ang mukha sa leeg ko mula sa leeg.
~dbuiz_

Book Comment (192)

  • avatar
    SalesJosy

    Muito bom

    18d

      0
  • avatar
    LagmayJezelleann

    nice

    26d

      0
  • avatar
    IrdinaSiti Nurharisya

    bestt

    26/09

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters