Dead!

Someone's POV:
Tatanungin ba naman ako kung pano ako nakapunta dito, e may hagdanan kaya sa labas nitong bintana. Tatanga tanga ah.
Gumanit ako ng lubid para makababa. Naka mask ako kaya di nila ako makikilala.
Tinignan ko sila Kylie, ang dungis nila at parang di sila pinakain. Sunod naman akong tumingin kay Leon.
"Wag kang lalapit! Ipuputok ko to sayo!" sigaw nya, natatawa ako kasi para syang babae kung umasta. Umatras sya ng umatras hanggang sa makarating sya sa gilid ng malaking bintana na may butas at maaring magkasya ang tao
Bumukas ang pinto at iniluwa nun ang kanang kamay ni Leon na si Khen.
"Boss! May sumugod sa atin-" di nya na naituloy ang kanyang sasabihin ng makita nya ako.
"Anong tinatayo tayo mo dyan?! Tulungan mo ako, ilayo mo sa akin ang babaeng ito!" sigaw ni Leon pero di yun pinansin ni Khen, naglakad lang sya palalapit sa amin .
"Napaaga ka yata" tanging anas ni Khen sa akin.
"Mabagal ka lang talaga" sagot ko at mahina naman syang tumawa.
"Ano bang nangyayari?! Bakit di mo sya sinusugod?!" hiyaw ni Leon.
"Napakaingay mo naman, ang sakit sa tainga" ani ko, nakita kong lalong nagalit yung mukha nya at itinitok sa amin yung baril. Kinasa nya ito at pinidot pero walang lumabas ni isa kaya nagtawanan kaming dalawa ni Khen.
"Nakalimutan kong sabihin na wala palang bala yung binigay kong baril sa iyo at ang ibig sabihin lang nun ay... kataposan mo na" anas ni Khen.
"Bakit mo ginagawa lahat ng to? Ako ang dahilan kung bakit buhay ka pa hanggang ngayon at wala akong naaalala na atraso sayo-" di na nya natuloy ang sinasabi nya nang biglang mapagaputok ng baril si Khen sa itaas.
"WALA?!" tumatawang anas ni Khen ngunit ramdam ko parin yung galit sa mga mata nya.
"Nang dahil sayo maaga akong naulila! Nang dahil sayo di ko man lang nakasama yung kapatid ko" galit na sigaw ni Khen.
"W-wala akong alam sa mga sinasabi mo. Inosente ako!" nanginginig na anas ni Leon.
"Ako ang anak nila Doctor Ric at Mary Tam. Buntis si mama nung nagpadala ka ng mga tauhan mo sa bahay namin. Labing apat na taon palang ako nun, pero sa murang edad kong yun ay nangulila ako na ako" naiiyak na anas ni Khen at kita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Leon.
"Matalik mong kaibigan ang tatay ni Khen pero pinapatay mo sila para di makapagsumbong, dahil alam mong ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito, diba?" napatingin naman sya sa akin ng magsalita ako.
"H-hindi! H-hindi ko magagawa yang binibintang nyo sa akin. Malinis ang konsensya ko" pagdedepensa nya.
"Pero nagawa mo na, ikaw ang nagpadala ng mga tauhan mo para patayin sila Khen at ikaw din ang dahilan ng pagkamatay ni Tita. Tama ba?" anas ko habang nilalaro ang aking baril.
"H-hindi! Tumigil ka, wala kang alam sa mga nangyari kaya tumahimik ka" ani nya.
"Bakit? Tama naman ang sinabi ko ah. Ikaw ang dahilan ng pagkamatay ni Tita. Buhay pa sana sya hanggang ngayun pero nang dahil sayo ay napa-ikli ang buhay nya" ani ko sabay tingin sa kanya. Umiiling iling sya na para bang di sya makapaniwala.
"Ibang gamot ang itinuturok mo sa kanya. Yung gamot na lalong nagpapalala ng sakit nya. Pinatay mo ang tatay ni Khen dahil muntik na syang magsumbong sa mga pulis at para hindi ka makulong ay katahimikan nila habang buhay ang solusyon" ani ko.
"O-oo! Ako ang dahilan ng pagkamatay ni Sab k-kasi hindi ko matanggap at hinding hindi ko matatanggap na hindi ako ang pinili nya. Ako dapat ang pinili nya! Ako dapat ang ama ng mga anak nya ngayon pero ano?! Nagpabuntis at nagpakasal pa sya sa putanginang Mac na yan-" di na nya naituloy ang sasabihin nya nang may narinig kaming boses.
"Hayop ka! Ikaw ang dahilan kung bakit patay na si Sab?!" sigaw naman ni Tito Mac. sabay sugod kay Leon.
Parehas silang nahulog kaya agaran kaming tumakbo papalapit sa bintana. Nakita kong nakakapit si Tito Mac at Leon sa mga bakal. Dahan dahang gumalaw ai Leon papalapit kay Tito at kinakalas ang pakakapit nito.
"MAMATAY KA NA! INAGAW MO LANG SYA SA AKIN, KUNG DI KA DUMATING SA BUHAY NAMAN AY AKO ANG PIPILIIN NYA!" galit na sigaw ni Leon
"Tanggapin mo nalang na hindi ka nya kailan man lipiliin!" sigaw naman ni Tito mac.
Kahit na hindi maganda ang mga ginawa nila sa amin ay kailangan nilang pagbayarang ang kasalan nila sa kulungan.
"Leon, Tito Mac, hawakan nyo ang kamay ko" anas ko at tumingin naman sila sa akin. Nagulat nalang ako nang bigla syang bumitaw at sumalampak sa lupa.
"HINDI!" sigaw ko
*See you on the next chapter*
Hi mga Joyful! Kamusta yung 3 kong readers! Sana goods lang kayo! Sorry natagalan yung pag-update, nabusy kasi at pasensya na kong may mga ERROR.
Please pa-rate po ng 5 stars, pafollow na din ay pwede din kayong mag-iwan ng comment sa comment section(PLEASE! BE KIND!) Thank you and Luv u guys! Spread love not HATE!

Book Comment (574)

  • avatar
    Mariane Mae Millarpis Co

    I like the story

    07/09/2023

      0
  • avatar
    Maria Cristina Estil

    the story was all about her and his crush, who became her classmate

    09/08/2022

      5
  • avatar
    Lystra

    Wonderful story of two people

    08/08/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters