Chapter 75 .

- Makiling's POV -
"Yeah, thanks." sambit ko kay Ysabelle then nagpaalam na ako
Lumabas na ako ng bahay nila, sobrang ingay ng aso. Galit yata sa'kin (-_-)
Di ko aagawin amo niyo. Hmp!
"Maki!"
Nasa may gate na ako nang marinig ko ang tawag na 'yun ni Ysabelle, nilingon ko siya.
"FIGHTING! MAARTE 'YUN SI ZERO BUT DON'T GIVE UP ON HIM OKAY?"
Nataranta naman ako dahil isinigaw niya 'yun. Baka may ibang makarinig.
(-_-)
But whatever.
Tumango na lang ako tapos lumabas na rin ako ng gate nila.
"Yo!"
Bahagya akong napasigaw nang may bumati sa'kin sa may gilid tapos si Zero pa 'yun! Kakagulat talaga!
O______O
Si Zero!!!
Agad akong napaatras.
"Eeeeeh? Kanina ka pa d'yan?!" react ko
Umayos siya ng tayo niya, nakasandal kasi siya sa pader.
"Yeah, hinihintay kita."
Nagtaka ako sa expression niya. Ang seryoso niya.
"Mag-usap tayo." dagdag niya pa
Hinawakan niya ako sa braso ko tapos hinila niya ako palayo sa bahay nila.
Ang higpit ng pagkakahawak niya sa'kin.
"Zero!" saway ko sa kanya dahil nasasaktan ako
Kaso hindi niya ako pinakinggan. Hinihila niya lang ako palayo.
"Masakit Zero! Ano ba!" reklamo ko na sa kanya
Pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa braso ko. Huminto naman siya sa paghila sa'kin kaya huminto rin ako.
Nasa may waiting shed na kami.
"Ano ba ang problema mo?!" inis kong tanong sa kanya
"Tang***** Makiling! BAKIT MO SINABI KAY YSABELLE ANG NARARAMDAMAN KO SA KANYA!!!!"
Nagulat ako.
Nandu'n siya?! Narinig niya?!
"W-Wait, huminahon ka muna." sambit ko sa kanya
Nauunawaan ko na kung anong kinakagalit niya.
Galit siyang umupo sa sementadong ipuan sa waiting shed.
"Sasabog ako sa inis!" amin niya sa'kin
Nakikita ko nga sa mukha niya na 'yun ang nararamdaman niya.
Nagagalit siya dahil sinabi ko kay Ysabelle? Why? Hindi niya pa rin kayang aminin?! Apektado pa rin siya?!
"Mainis ka na pero hindi ko pinagsisisihan ang sinabi ko." sambit ko sa kanya
Tumingin siya sa'kin ng masama.
"Wala ka talagang kwentang kausap."
Bahagya kong naikuyom ang palad ko dahil sa sinabi niya. Hindi niya ba naiisip na masakit marinig 'yun lalo na kung seryoso niyang sinabi?!
"Wala ka rin naman kwenta dahil duwag ka! Hmp!" tapos tinalikuran ko na siya
Pero hinawakan niya ako sa braso ko para hindi ako makaalis.
"Nag-uusap pa tayo Makiling!" inis niyang sambit sa'kin
Pinalis ko ang kamay niya.
"Hindi kita gustong makausap! Ang self-centered mo!"
"Anak ng! Ako, self-centered?!"
Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya, hindi pa rin niya binibitawan ang braso ko kahit ano'ng hila ko.
"Oo, self-centered ka! Selfish! Makasarili! Wala kang ibang inisip kun'di nararamdaman mo lang! Selfish! Duwag! Isa kang duwag Zero!!!"
Napasinghap ako at natigilan sa lahat ng sinabi ko nang hindi siya magreact man lang. Nakatingin lang siya sa'kin. Hindi na masama ang tingin niya pero emotionless.
"Zero..."
Binitawan niya ang braso ko.
"Hindi ako makasarili Makiling!" mahina pero mariin niyang sambit
Syet! Bakit ko ba nasabi 'yun!!
"Dahil kung makasarili ako... matagal na akong umamin kay Ysabelle at inagaw ko na siya kay El! Tandaan mo 'yan!"
Tinalikuran niya ako. Balak na niyang umalis.
Pero ako naman ang pumigil sa kanya.
"Z-Zero... sorry." sambit ko
Hindi na naman siya nagsalita.
Bukod sa natatangahan ako sa sarili ko dahil sa sinabi ko. Natatangahan din ako sa sarili ko dahil naghahabol ako sa lalaking 'to! Ganito ba talaga 'yun?!
"I'm really sorry." sambit ko pa rin kahit na na-realized ko na, na ang tanga ko
"Hindi ako umamin kay Ysabelle dahil alam kong hindi siya maniniwala! On the spot Makiling, tumawa siya nu'ng sinabi mo sa kanya na gusto ko siya!!!"
Ack! Narinig niya talaga!!!! (><)
"I'M SORRY! GUSTO LANG NAMAN KITA!"
Err...
(°.°)? isinigaw ko ba 'yun?!
Agad akong tumingin sa paligid namin. May ilang tao rin.
Binitawan ko na si Zero.
"Syet! Tanga ko na naman!" bulong ko sa sarili ko
Nataranta na ako. Hindi ko na alam kung ano pa ang mas mainam gawin kaya umalis na ako. Iniwan ko na si Zero sa waiting shed.
Haaayst! Pambihira naman o!!! Ayoko na!! Huhuhu.
- EL's POV -
From: Unknown Number
We're coming Kiel.
-end-
Ang higpit ng pagkakakapit ko sa cellphone ko matapos kong mabasa ang mensahe na 'yun.
Hindi ko alam kung paano at kanino niya nakuha ang numero ko pero isang tao lang ang alam kong may kagagawan nito!
"Bermudo!" mariin kong sambit
Bumaba na ako sa motor ko at pumasok sa site kung saan ako nagtatrabaho noon.
Nabanggit sa'kin ni Ysabelle na magkakilala si Mam Vanessa at Bermudo kaya tatanungin ko siya.
"EL?"
"Yooo El."
Hindi ko pinansin ang mga bumati sa'kin, dumeretso ako sa office.
Doon ko nakita si Mam Vanessa na gulat sa pagdating ko.
"Izzy Kiel!" gulat niyang sambit
"May itatanong lang ako." seryoso kong sambit
Seryoso akong nakatingin kay Mam Vanessa.
"Woah, woah, look who's here."
Tiningnan ko 'yung nagsalita. Hindi ko agad siya napansin dahil si Mam Vanessa ang agad na hinanap ko.
"Bermudo!"
Tamang-tama na rin na na'ndito siya.
Agad ko siyang sinugod ng suntok na hindi niya napalagan.
Nakaupo siya sa isang bangko kanina pero ngayon ay nakahiga na siya sa sahig at nakaibabaw ako sa kanya.
Pinagsusuntok ko ang mukha niya.
Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya sa'kin noon sa kulungan at ang ginawa niya sa'kin sa parking lot ng underground!
"MAGALING KA LANG KAPAG MAY KASAMA KA BERMUDO!!!" singhal ko sa kanya
Hindi ko tinigilan ang kakasuntok sa mukha niya.
Higit na ikinagagalit ko ang isipin na siya ang nagturo sa tatay ko kung nasaan ako!
Anong 'we're coming, Kiel.' Hinding-hindi ako magpapakita sa kanya!!!
May dumudugo na sa mukha ni Bermudo pero bulag na ako sa galit ko sa kanya. Punong-puno na ako.
"Izzy Kiel, mapapatay mo si Philip!"
Tangkang aawat si Mam Vanessa sa'min pero tiningnan ko siya ng masama.
"Huwag kang mangialam kung ayaw mong madamay!" sambit ko kanya
Ginamit ni Bermudo ang pagkakataon na hindi ako nakatingin sa kanya, malakas niya akong naitulak palayo sa kanya.
Ngunit hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makabawi man lang. Hindi pa man siya nakakabangon ay binalikan ko na agad siya at muli ko siyang sinuntok.
"Punyeta ka!!!! Sinabi ko ng tigilan mo ako pero itinuro mo pa rin ako sa tatay ko ha!!!" singhal ko sa kanya
Kin'welyuhan ko siya. Malapit ko ng mabasag ang mukha niya.
Ngunit gayu'n pa man, nakuha niya pa rin ngumisi sa'kin.
Lalo lang akong nanggigigil sa mukha niya. Ang tagal ko siya pinagtimpian!
"Hindi kita titigilan hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko El." sambit niya tapos may lumabas na dugo mula sa bibig niya
Sinakal ko siya.
"Hindi mo makukuha sa'kin si Ysabelle! Wala kang makukuhang kahit ano mula kay Ysabelle!!!"
Umuubo na siya ng dugo dahil sa pananakal ko sa kanya.
Ngayon pa lang ay papatayin ko na siya.
"CAÑEDA!"
Ngunit biglang may dumating na mga kasamahan ni Bermudo na agad umawat sa'kin.
Biglang may nagposas sa dalawang kamay ko.
"Anak ng! Pakawalan niyo ako!" palalaban ko sa kanila
"Huli ka na sa akto Cañeda!" sambit nu'ng isang kasamahan ni Bermudo na naka-uniform pa
"Dalhin niyo 'yan sa kulungan!"
Putcha!
Hindi ko na gugustuhin pang bumalik du'n!
Nakaposas man ang mga kamay ko, lumaban pa rin ako sa kanila. Pinatumba ko sila gamit lang ang mga paa ko.
Hindi ako tinanghal na halimaw sa underground kung hindi ko kayang lumaban ng all around!
Nang mapagsak ko na silang lahat, tumakbo na ako palabas ng opisina na 'yun. Ngunit may sumalubong sa'kin na agad ibinalandar ang police ID niya sa mukha ko.
"I am the Chief of Police Israel Cañeda, don't try to run away Izzy Kiel Cañeda."
Nanlaki ang mga mata ko sa nasilayan ko.
SH*T! THIS IS SH*T!!!!!

Book Comment (448)

  • avatar
    INDAMALINDA

    good

    27/09

      0
  • avatar
    Robert Titong

    im injoy your games

    21/09

      0
  • avatar
    DouglasMaycon

    muito bom

    18/09

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters