Chapter 77 .

- Makiling's POV -
Mabilis akong tumakbo mula sa 3rd floor ng hospital papunta sa operation room.
Tumawag sa'kin si Zero na na'ndito sa hospital si Ysabelle at na sa critical condition.
"Zero!" tawag ko sa kanya nang matanawan ko siya habang sinusuntok niya ang pader ng hospital
Magkaaway kami kanina pero kakalimutan ko muna 'yun.
"Maki!" sambit niya nang makita niya ako
Nakalarawan sa mukha niya ang sakit at hirap.
Lumapit ako sa kanya.
"Ano na? Ano na ang nangyari?"
Umiling siya sa'kin, hindi niya magawang ipaliwanag ang sinabi ng doctor.
Niyakap ko siya.
"It's okay, everything will be okay." sambit ko sa kanya
Hindi ko na muna iisipin ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang importante ay makapag-isip ng maayos ang lahat para kay Ysabelle.
"Critical Maki!" sambit niya na parang maiiyak
Lumayo ako sa kanya ng konti.
"Ano ba ang nangyari? Bakit umabot sa critical?" tanong ko
Tiningnan ko ang pinto ng operation room. Base sa sign na nakalagay sa itaas, on going na ang operation.
"Nasaan pala si El? Sino ang nag-decide para sa operation?" tanong ko pa rin
Malapit na kamag-anak lang ang may rights para mag-decide sa operasyon.
"Hindi ko alam kung nasaan ang gag* na 'yun!!"
Syet! Bakit wala si El! Kailangan siya ni Ysabelle!
"Tatawagan ko siya."
Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan kong tawagan si El. Hinihintay ko siyang sumagot.
"Tinawagan ko na siya. Nakausap ko ang tatay niya."
Tatay niya? Magkasama sila ng tatay niya? Ang alam ko ay wala na siyang magulang.
"Papunta na daw ba siya? tanong ko
Hindi na sumagot si Zero. Hindi ko alam kung alam niya ba ang sagot o sadyang wala na siyang lakas na sumagot.
Tulala lang siya.
Malalim ang iniisip.
"Zero." tawag ko sa kanya
"YSABELLE! YSABELLE!!! YSABELLE!!!"
Sabay kaming napalingon sa ingay na 'yun. Tinatawag ang pangalan ni Ysabelle.
Si El.
"El----"
Hindi pa man gan'un nakukuha ang atensyon ni El, mabilis na sumugod si Zero kay El.
Sinuntok niya si El sa mukha.
"GAG* KA!! SAAN KA BA GALING!! BAKIT PINABAYAAN MO SI YSABELLE!!!!" singhal ni Zero kay El
Itinulak naman ni El palayo si Zero.
"HUWAG KANG HUMARANG SA'KIN! WALA KANG ALAM! NASAAN SI YSABELLE?! NASAAN ANG ASAWA KO?!"
Lumapit ako sa kanila para awatin sila.
"P-Please, huminahon kayo. Baka makaabala kayo sa operasyon." sambit ko sa kanila
Nilingon ako ni El.
"Anong operasyon?! Nasaan si Ysabelle Makiling?" sambit niya sa'kin
Hindi ko na maipaliwanag pa ang mga hitsura nila at ang emosyon na sumasalamin sa kanila.
Sobrang naguguluhan si El, tila hindi niya alam ang gagawin niya.
"El kumalma ka muna." pagpapahinahon ko sa kanya
Hindi siya makakausap ng maayos kapag ganitong hindi niya kontrolado ang sarili niya.
"Paano ako kakalma Makiling?! Nasaan ang asawa ko? Safe na ba sila ng anak ko?! Nasaan na? Pupuntahan ko na sila!"
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
Hindi ko alam ang eksaktong nangyari, pero ibang usapan kapag sinabing critical condition at nasa operation room.
Hindi ko man alam ang detalye, may ideya ako kung anong nangyayari sa loob ng OR.
"Kailangan pumili kay Ysabelle at kay Yechezkel."
Tumingin kami ni El kay Zero na nagsalita.
"Pinili ko si Yechezkel." dagdag pa ni Zero
Natutop ko ang bibig ko.
Ang baby ang nililigtas nila ngayon sa operation room?!
Bago pa ako makahanap ng salita na pwedeng sabihin kay El.
Mabilis na sinugod ni El si Zero at nagpang-abot sila ng suntukan sa loob mismo ng hospital.
Sumisigaw si El habang nagbubugbugan sila ni Zero.
Sobrang lakas ng sigaw at iyak na parang naririnig sa buong hospital.
Wala akong magawa.
Alam ko ang rules dito sa hospital pero wala akong magawa. Hindi ko siya magawang awatin.
"BAKEEEET! HINDI PWEDENG MAWALA SI YSABELLE! AYOKOOO!!!" sigaw pa rin ni El, "BAKIT? BAKIT HINDI SI YSABELLE ANG PINILI MO!!!" singhal niya kay Zero
Malakas siyang itinulak ni Zero palayo.
"TANGA KA BA! TINGIN MO MADALI PARA SA'KIN ANG PUMILI?! TINGIN MO HINDI MASAKIT PARA SA'KIN NA HINDI PILIIN SI YSABELLE!!!" sigaw rin ni Zero
Kahit ako ay umiiyak na dahil nakikita ko silang umiiyak at iniisip ko ang kahihinatnan ng lahat.
Ysabelle.
Kin'welyuhan ni El si Zero.
"KUNG GUSTO MO SI YSABELLE! SIYA DAPAT ANG PINILI MO!"
Nagulat ako sa sinabing 'yun ni El.
Mas gusto niyang iligtas si Ysabelle kaysa sa anak nila?
"Pwedeng tumahimik kayo?! Nakakaabala kayo sa operasyon!"
Lahat kami ay napalingon sa nagsalita. Isang nurse mula sa operation room.
Sa gulat ko ay mabilis na nakalapit so El sa nurse na 'yun.
Gusto niyang pumasok sa loob pero hinarang siya. Dahil hindi pwede.
"Asawa ko 'yung nasa loob, please, gusto ko siyang makita." pakiusap ni El
"Sir, hindi pwede! On going pa ang operation." ani Nurse
Nilapitan ko si El.
"El, please huwag mo ng ipilit. Kailangan nilang magtrabaho para iligtas ang baby niyo ni Ysabelle." sambit ko sa kanya
Pero parang walang naririnig ni El. Nagmakaawa pa rin siya sa nurse.
"Please, please, gusto kong makita si Ysabelle. Iligtas niyo si Ysabelle." ani El
"Sir? 'Yung baby po ang sinusubukan naming iligtas." ani Nurse
Umiling si El habang kin'welyuhan 'yung nurse.
"Si Ysabelle ang iligtas niyo, please. Si Ysabelle please." pakiusap ni El
Bigla ay hinila siya ni Zero palayo sa nurse. Pati ako ay napaupo na sa sahig dahil sa dahas na ginagamit nila sa isa't-isa.
"N-Nurse, ako na po ang bahala sa kanila." sambit ko sa kapwa ko nurse para bumalik na siya sa loob
Tumango naman siya sa'kin.
Hindi pa rin tumitigil 'yung dalawa sa pagtatalo at pagsusuntukan. Nagsisigawan pa rin sila. Nagtatalo sila tungkol kina Ysabelle.
Umayos ako ng pagkakaupo ko sa sahig at niyakap ko ang dalawang tuhod ko.
"Mag-aaway na lang ba kayong dalawa habang si Ysabelle ay nagsasakripisyo ng buhay niya para sa baby niya? Gan'yan ba kayo ka-walang kwenta?" sambit ko sa kanila
Tumingin sila pareho sa'kin.
"Imbis na mag-away kayo, bakit hindi kayo magdasal para kay Ysabelle at sa baby?" dagdag ko pa
Kita ko ang sama ng tingin sa'kin ni El. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
"Ano'ng sinabi mo, Makiling!"
Natakot ako nang susugudin niya ako.
Buti na lang at napigilan siya ni Zero.
"Huwag mo siyang idamay El, magkakapatayan na talaga tayo dito." ani Zero
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Pero agad ko rin in-ignore 'yun dahil hindi ito ang tamang oras para intindihin ko ang puso ko.
"Tama si Maki, manahimik na lang muna tayo." ani Zero
Naupo na rin siya sa sahig, ipinatong niya ang braso niya sa tubod niya at doon niya isinubsob ang mukha niya.
"Hindi mo nakita si Ysabelle kanina habang nakikiusap siya sa'kin na iligtas ang anak niyo, kaya hindi mo nauunawaan kung bakit pinili ko si Yechezkel." ani Zero habang nakasubsob pa rin sa braso at tuhod niya
Si El ay nanatiling nakatayo at umiiyak. Pero at least hindi na sila nag-aaway.
Isipin ko pa lang ang nangyayari, nanghihina na rin ako.
Hindi pa alam ni Pamela ang nangyari sa bestfriend niya. Siguradong bigla siya susugod dito kapag tinawagan ko siya.
Matiyaga kaming naghintay sa paglabas ng doctor mula sa operation room.
Kung sakali,
Isang premature baby ang isasalubong sa'min.
Tiningnan ko si El.
Sa lagay niya, hindi ko alam kung magagampanan niya ang responsibilidad niya bilang ama ng bata.
Lahat ay magluluksa.

Book Comment (448)

  • avatar
    INDAMALINDA

    good

    27/09

      0
  • avatar
    Robert Titong

    im injoy your games

    21/09

      0
  • avatar
    DouglasMaycon

    muito bom

    18/09

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters