Homepage/La Vita è Bella con te (Book 2)/
Chapter 80 .
- Ysabelle's POV -
Napapikit ako ng mariin habang hinahaplos ko ang tiyan ko.
Why? Why can't I feel my baby?
Malakas akong umiyak.
Para akong bata na iniwan sa gitna ng malaking mall at hindi malaman ang gagawin.
For the third time...
For the third time...
Naiwan na naman naman ako.
Nawalan na naman ako.
Nagluluksa na naman ako.
Why?! Why the heck is this happening again and again?!
Bakit hindi na lang ako 'yung nawala? Bakit hindi na lang ako 'yung pinagluluksaan?! Bakit ako 'yung kailangan laging magluksa!!
"WHYYYY!!!" malakas kong sigaw
Palagi na lang akong naiiwan kahit ilang beses ko ng hiniling na mamatay!
Hilingin ko man o hindi na mawala dito sa mundo, bakit patuloy pa rin akong nawawalan?
"Yechezkel..." tawag ko sa pangalan ng anak ko
Ramdam na ramdam ko ang pag-iisa ko dahil wala siya sa tiyan ko. Wala akong maramdaman.
Pinakamasakit na yata 'to para sa'kin dahil sa loob ng ilang buwan na nasa sinapupunan ko siya, sobrang nasanay ako na kasama ko siya.
"Anak, I'm sorry. Mommy was really sorry." sambit ko ng paulit-ulit
Naging pabaya ako. Hindi ako nag-ingat sa pagtawid. Wala akong kwentang ina.
Bumukas ang pinto. Nalingunan ko si Jamie.
"Ysabelle." tawag niya sa'kin
Pinaalis ko si El. Sobrang sama ng loob ko sa kanya dahil pinili niya ako kaysa sa anak namin.
Gusto kong mabuhay si Yechezkel, bakit mas pinili niya ako!
"Ayoko muna ng kasama Jamie, please." mahina kong sambit
"Ysabelle."
"Please, iwan niyo muna ako." pakiusap ko
Gusto ko pang magsorry ng paulit-ulit kay Yechezkel. Nagluluksa pa ako sa pagkawala niya. Ayoko muna ng kausap.
"Okay, nasa labas lang kami." ani Jamie tapos isinara na niya ang pinto.
Natulala ako habang umiiyak.
Paano ako mabubuhay ulit?
Parang hindi ko na alam kung paano mabuhay.
Nakakapagod na. Paulit-ulit na lang. Ilang beses ko ng naranasan ang mawalan.
My Mom. Celine. And now my child.
Ah, I hate this feeling. I wanna die!
I'd rather die.
Sumasakit na ang katawan ko sa sobrang pag-iyak ko.
Hindi ko alam kung saan banda ako may sugat at kung saan ako inoperahan. Basta masakit ang katawan ko at ang puso ko.
"Yechezkel, mahal ka ni Mommy."
Hindi maampat ang pagtulo ng luha ko. Kusa siyang tumutulo at hindi nauubos.
Sobrang sakit ng dibdib ko.
"Ysabelle!"
Hindi ko na pinansin kung sino man ang pumasok sa loob ng kwarto ko. Wala na akong pakialam. Gusto ko na lang mamatay.
"Ysabelle."
Hindi ko sila tiningnan. Tulala lang ako at umiiyak habang binabanggit ang pangalan ng anak ko.
"Ysabelle!" tapos hinawakan niya ako sa balikat ko
"Yzon." humihikbi kong banggit sa pangalan niya
Si Yzon!
"Geez, what did you do with your life?"
Lalo akong naiyak.
"I want to die, Yzon! I want to die!" sambit ko sa kanya
"Hey, hey, you can cry all you want but don't die okay? We won't let you die."
"But I want to die! I don't wanna live alone anymore!"
Niyakap niya ako.
"We are with you, you're not alone. I will take you home, okay?"
Puro hikbi lang ang sagot ko sa kanya.
Right now, siya lang ang alam kong makakatulong sa'kin.
"Kelan mo gustong umuwi? Idi-discharge agad kita." sambit niya
"I wanna die, asap!" sagot ko
"Stupid! You will not die!"
Pero gusto ko na talagang mamatay. Wala na akong will para mabuhay!
"Do you want to take your husband with you? I had a talk with him earlier."
Umiling ako.
"I don't wanna see his face." mahina kong sagot
"Okay, I will bring you to the place where he can't enter."
Hindi na ako sumagot.
Wala akong gustong gawin kun'di umiyak lang at manahimik.
***********
- Jamie's POV -
Malakas kong sinampal si Leader El.
"Man up, you monkey idiot!" singhal ko pa sa kanya
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kumikilos. Para siyang tuod na nakaupo lang sa sahig ng hospital.
"Hey Jamie, take it easy." saway sa'kin ni Saijan
Hinila niya ako palayo kay Leader El.
"HEY! Tumayo ka na d'yan at puntahan mo si Ysabelle!" galit kong sigaw kay Leader El
Pero hindi pa rin siya kumikilos.
Ang sabi niya lang kanina ay ayaw siyang makita ni Ysabelle. Na pinalayas siya.
Ngayon, para na lang siyang lantang gulay na hindi kumikilos.
"Ah, seriously! Ano'ng gagawin ko sa'yo!" inis kong sambit
"Jamie, take it easy okay? Unawain mo rin si El. Nasasaktan din siya sa nangyari." ani Saijan sa'kin
"Pero kailangan niyang puntahan si Ysabelle! Kailangan siya ni Ysabelle! Kailangan niyang damayan ang asawa niya!"
"Stop it!"
Nagulat ako sa inis na pagsasaway sa'kin ni Saijan. Ngayon lang ulit siya nainis sa'kin.
"Stop it Jamie! Can't you see him? Kailangan niya rin ng time, kailangan niya rin ng karamay! Paano niya maibibigay 'yun sa iba kung kailangan niya rin!"
Natigilan ako.
Si Ysabelle lang ang nasa isip ko. Ang nangyari sa kanya at ang pinagdadaanan niya ngayon.
Hindi ko naisip na nawalan din si Leader El, na nasasaktan din siya, na hindi rin siya makapag-isip ng maayos.
Napapikit ako ng mariin.
"What should we do then?" mahina kong tanong kay Saijan
Sanay akong solusyunan ang problema na meron sila. Pero malabo yatang mangyari 'yun ngayon.
"Wala tayong magagawa kun'di bigyan sila ng time na makapag-isip-isip, Jamie. Duguan sila ngayon, kailangan nilang magpagaling."
Napatungo ako.
Dahil lang sa isang aksidente.
"Excuse me."
Nag-angat ako ng tingin sa nagsalita. Nakatingin na rin sa kanya si Saijan.
Who's this damn good looking guy?!
"Friends kayo ni Ysabelle? I'm Yzon Alejos, pinsan niya." pagpapakilala niya
Ah, pinsan ni Ysabelle. No wonder, they have a good genes.
"Yes, kumusta siya?" ani Saijan
"We'll take her home."
"Ha?" gulat kong react
Nakita ko ang pagdako ng mga mata niya kay Leader El.
"I can't leave her with him, so I will take her home."
"Wait, wait, we can take care of Ysabelle." sambit ko
'Yung hitsura niya seryoso lang. Hindi ko pa siya nakitang ngumiti kahit tipid na ngiti man lang.
"To be honest, she doesn't want to see him. You like it or not, I will take her with me."
"No! May asawa si Ysabelle! Huwag niyong pangunahan ng desisyon si Leader---"
Hinawakan ni Saijan ang kamay ko.
"If that's her decision, be it." ani Saijan, "We'll be taking care of El."
"Saijan!"
Pero hindi niya ako pinansin. Sila ang nag-usap nu'ng pinsan ni Ysabelle.
Hanggang sa umalis na si Yzon.
"You stupid Vincento! Bakit mo siya pinayagan!" pang-aaway ko kay Saijan
Hindi siya sumagot sa'kin. Iniwan niya ako at nilapitan niya si Leader El. May sinabi siya kay Leader El na hi ko dinig. Si Leader El nakatingin lang sa kanya, walang reaksyon. Basta nakatingin lang. 'Ni hindi ko alam kung naiintindihan niya ba talaga ang sinasabi ni Saijan.
What the hell is this?! Ganito na lang 'yun? Aalis na lang basta si Ysabelle ng hindi sila nag-uusap ng maayos ni Leader El?!
Maghihiwalay na lang sila basta?Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (448)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
good
27/09
0im injoy your games
21/09
0muito bom
18/09
0View All