Chapter 10

"Nakita ko si Aron at si Van kanina sa school." Iyon agad ang sinabi ko kay Shine nang maka-upo kami sa hapagkainan para mag dinner.
"Is that why you're silent?" Nagulat ako dito. Hindi dahil sa tanong, kundi dahil sa inakto nito.
Is it possible that?
"Don't tell me, alam mo na?"
Kumunot ang noo nito. "About what? About Aron and Van? Yes. Aron is my Classmate and Van's classroom is in front of our classroom."
"Then why you didn't tell me?" I ask her unbelievably.
She should've warn me atleast! Gosh
"I want you to know it by yourself" parang wala lang siya at hindi ako makapaniwala sa kaniya.
"Aren't you scared Shine? You will surely meet Van! Especially you're the School's Majorette and Band's mother!"
Bumuntong hininga ito at tumigil sa pagkain. Hindi parin talaga ako makapaniwalang nagawa nitong kumain after knowing na pareho sila nang pinag-aaralan ng ex niya, and to take note na may kasalanan siya dito!
"I know his mad at me. Who wouldn't be? But I'm ready to face it. It's my fault, I should face it. He has the right to be mad and maybe it's God's way to tell me that I have to say sorry to him. Because whatever reason I have? What I did was wrong. So wrong. And I can't justify that." Lumambot ang ekspresyon ko sa mukha dahil sa sinabi nito.
Hindi ko man alam kung ano talaga ang nangyari sa kanilang dalawa ni Van, alam kong naapektohan si Shine dun. Nakikita kong naapektohan ito.
"I'm sorry." Yumuko ako at tumingin lamang sa pagkain kong hindi ko pa nagagalaw.
"It's okay. I know you're just worried about me. And about Aron? I thought you would treat him like how the way you treat 'other people'  who is not close to you? HAHAHAHA" Napa-angat ang tingin ko dito nang tumawa ito at ngumiti nadin ako.
"I don't know." Nagpipigil ako nang tawa at mahina ang boses nang sabihin ko iyon.
Ngumuso pa ako. "Tapos sabi niya sakin Shine, I miss you."
Nakita kong tumaas ang dalawang kilay ni Shine at nanunuksong ngumiti.
Wrong move.
"Anong reply mo?" Pilit nitong iseneseryoso ang boses at inaalis ang mapanuksong ngiti sa labi.
Mas lalo akong ngumuso. "I miss you too."
"Hala dai! Ka-rupok nimo dai! Grabe!" Umaakto itong naiiyak dahil sa sinabi ko. Ngunit mas binigyang pansin ko ang tono na ginamit nito sa pag-sasalita.
"Hoy bisaya ka?" Bisayang tono ang ginamit ko at nanlaki ang mata nito.
"Hoy kabuang! Bisaya diay ka diay? Hala ka oy!" (Hoy kaloka! Bisaya ka pala? Hala ka!)
"Oo oy! Waka kita sakong mga post sa akong facebook?" (Oo! Hindi mo nakita mga post ko sa facebook?)
"Tuo gyud pod nimog i-stalk taka no? Bagaa." (Akala mo din talagang mangi-istalk ako sayo no? Kapal.)
"Dili ba! HAHAHAHA baya oy bisaya diay ka!" (Hindi kasi! HAHAHHAHA bisaya ka pala!) Hindi parin makapaniwalang ani ko dito.
"Pero huwag mong i-change yung topic! Ikaw ah! Ang rupok mo ah! Grabe na yan!" Tinuro-turo pa ako nito bago sumubo.
"I'm just being honest okay? Atsyaka hindi naman kami magka-away noong nag-hiwalay kami!" Pagdedepensa ko sa sarili ko.
Totoo kasi. After namin mag-hiwalay nag-usap pa kami pag-lipas ng ilang buwan. And our conversation is like we're still together.
"Ewan ko sayo. Ang rupok mo parin!" Umiling-iling nalang ako dito at tumawa.
"Ay oo nga pala! Nago-ol kapa sa rp?"
Umiling ako at tumawa. "Hindi na! Tinatamad na din akong mag-online, ewan ko bakit!"
"Ay wow! Natutulad kana kay founder ah! Kailangan ka pa naman sa sh! Manager ka baka nakaka-limutan mo!"
"Eh ikaw ba nago-online pa?" Balik kong tanong dito habang niligpit ang pinag-kainan para mahugasan ko na.
"Minsan."
"Oh tamo to! Hoy mas kailangan ka kasi Leader ka! Tamad na nga founder, tamad pa leader. Kawawa si Sheqien at Disyerto hoy!" Tukoy ko sa Co-founder at co-lead ng Sh namin.
"Eh ikaw? Hindi importante ginagawa mo? ha? Hoy baka nakakalimutan mo ang gawain mo inday!" Talagang sinundad pa ako nito sa hugasan para lang hindi maputol ang usapan namin.
Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at nag-pipi-pindot. "Teka mag-ol ako ngayon."
Habang nag-huhugas ako ay sumisilip-silip ako sa cellphone nito. Una nitong chinat ang gc namin sampo bago ang gc na kasama na ang members.
"Sino online ngayon?"
"Sina," pinindot nito ang active list at nag-iiscroll doon.
"Sina Disyerto, Swey at Squill. Onti lang nila ngayon. Kaya pala walang nag-rereply sa main."
"Sa official Gc?" Tanong ko sa gc kung saan kasama namin ang members ng Sh namin.
Actually second generation na yan sila kasi ang first generation, sampo lang kami.
"Ma-ingay doon as usual. Itong main parang may nakikita na akong cobwebs eh."
Tumawa ako dito at tinapos ang aking paghu-hugas pagka-tapos ay pinunasan ito. Lumabas na ako sa kusina kasabay siya na nakatutok parin sa cellphone niya.
Binuksan ko ang aking cellphone at in-on agad ang wifi icon para maka-connect na ako sa wifi, pero wala akong plano mag-online sa rp.
"Mag-ol ka here?"
"Nope. I-upload ko sa story yung tiktok ko kanina."
"Yung kinuha ko?" Tumango ako.
Nag-tiktok kasi kami kanina. Rampa lang naman iyon sa harap nang convenience noong may binili kami kanina.
Nang matapos akong I-upload iyon sa messenger story ko tinignan ko na ang sandamakmak na notifications na siguro kahapon pa, kasi hindi ako nag-bukas ng facebook kahapon.
Nireply-an ko ang mga taong nag-memention sakin sa post at tinignan ang mga nire-react-an nila na mga post ko. Sunod ko namang tinignan ang messages, inuna kong binuksan ang importante, tapos sinunod ang mga nagch-chat lang ng 'Hi'.
Hinuli ko ang friend requests kasi hindi naman ako mahilig mag-accept ng requests. In-accept ko yung ibang basketball player na namukhaan ko kanina na mutual din namin ni Shen kasi si Shen kinonfirm ko na noong nakaraan pa.
Hanggang sa nakita ko ang pangalang Marcus Gil. Si Van pala ito. Agad kong pinindot ang pangalan at ini-stalk ang account.
"Shine." Tawag ko kay Shine at iniharap ang screen ng cellphone ko sa kaniya.
Agad naman nitong tinignan iyon tapos lumipat ang tingin sakin. Tinaas-taas ko agad ang aking dalawang kilay tsyaka ngumisi sa kaniya.
May pinindot ito at ini-scroll. Hinayaan ko lang din naman siya. Hinawakan ko parin ang cellphone ko kahit hindi ko alam kung anong ginagawa niya.
"Alam kong pogi ex ko Trix. Sige na, i-confirm mo na si Andrie oh." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito at agad tinignan ang cellphone ko.
Andrie Shoff sent you a friend request.
Sa hindi ko malamang dahilan ay napapa-ngiti ako pero pinipigilan ko dahil baka ano nanaman ang sabihin ni Shine pero, hindi kaya.
"Ang rupok oh. Kilig-kilig ikaw? Rupok eh no?" Tumawa lang ako habang siya ay parang disappointed 'kuno' na ewan ang mukha.
Pinindot ko muna ang account name para I-stalk ito bago I-confirm. Una kong tinignan ang profile pictures nito pero naka-hide. Ang tanging nakikita ko lang ay ang current profile picture nito na medyo naka-lift ang ulo tapos ang mata nito ay naka-tingin sa gilid habang bukas ang bibig at sinundot ng dila nito ang loob na pisnge. Pawisan din ito at naka-suot ng jersey uniform habang may energy drink sa isang kamay.
At ang hot niya. Jusmeyo!
Gaya ng inaasahan ko ay umabot nga ng 2.5k abg reacts ng profile picture nito. Madami din ang nagsh-share lalo na ang nag-comment.
Ang hot cap. Potangina
Capp!
captured by me. Opo, yes po.
Magaya nga.
Madami pang ibang papuri para kay Andrie habang yung iba ay puro emojis or Cap lang ang kinokoment.
Tinapos ko na ang pangi-istalk dito at kinonfirm, mago-offline na agad sana ako pero may natanggap akong notification na agad ko ding tinignan. Nag-heart react pala si Andrie sa Story ko.
Kaigat!
After nun chineck ko ang aking messenger, para I-check nalang din ang messages requests. Habang nagi-iscroll ako pababa ay may bagong pasok na notification.
Andrie Shoff added you.
Napakunot ang noo ko sa nabasa. Tinignan ko ang gc na may pangalang RIS Sports Captains. Pumunta ako sa listahan ng members pero si Whick, Andrie at Shine lang kilala ko.
"Ano 'to Shine?"
"Ah 'yan. Para daw 'yan sa mga captain tapos may ganyan para kung may event sa school lalo na kung sports festival mabilis makontact ang isa't-isa."
In-accept ko na ang message request na iyon.
Andrie Shoff set your nickname to Cheer Captain.
Soccer Captain
Add me @Trix Nández
Why??
Iyon lang at nag-offline na ako kasi gusto ko nang matulog. Tumayo na ako para uminom ng tubig at bumalik ulit sa sala.
"Shine hindi ka pa matutulog? Maya ka pa uwi? Or dito ka nalang kaya matulog?" Sunod-sunod kong tanong dito dahil antok na antok na din ang mukha nito.
"Dito nalang ako matutulog Trix." Nag-lakad agad ito patungo sa guest room.
Maaga akong nagising pero hindi katulad ng ibang mga umaga na babangon na agad ako. Habang naka-higa ay inabot ko sa side table and aking cellphone para mag-internet.
Agad-agad kong binuksan ang messenger at tinignan ang active list, doon ko lang naalalang naka-off pala active status ko kaya hindi ko makita kung sino ang online.
Ayaw ko kasing makita ng iba na online ako kasi may magch-chat agad at tamad akong mag-reply, kaya ay in-on ko ang active status ko para makita na ang listahan ng online.
Gosh! I'm unbelievable!
Scroll ako nang scroll sa listahan-
Wait. Why am I doin' this?
Napa-isip agad ako. "No. Nope. No no. Definitely no. I'm not looking for anyone. Nope. Nope."
Inalis ko ang aking paningin sa screen ng cellphone at umiling-iling pero ang kamay ko ay patuloy parin sa pag-scroll. I shook my head at ibinalik ang paningin sa cellphone para i-exit na ang app pero sa ewang kadahilanan nga naman ay sa pangalan pa ni Andrie tumigil ang kamay ko.
And now I suddenly feel satisfied? The fudgee bar is this?
Kumunot ang noo ko at napa-kagat labi.
"Ang rupok" hindi ako makapaniwalang umiling sa sarili kong kagagahan pero mas lalo akong nabaliw ng dahil sa naisip kong ideya!
What is wrong with you Trix?
"Pero kasi, diba.." napa-isip muna ako at nag-lipat-lipat ang tingin ng mga mata ko.
"There's nothing wrong posting a photo in Stories kaya! And it's not for him no! I just really feel like posting a photo!"
Napa-tango-tango ako. "Tama. Tama. I'm not showing off. I just really feel like posting a photo. That's it! No other meaning!"
Mabilis pa sa alas kwatro kong tinignan ang laman ng aking gallery pero wala akong makitang picture na kaaya-ayang tignan.
Na-realize ko tuloy na ilang linggo na rin pala simula nang kumuha ako ng litrato sa sarili ko.
Maybe this is a right time diba?
Maybe kaya ko gustong mag My day para mapa-alala saking ilang linggo na ako hindi nagse-selfie!
"Right!" Sang-ayon ko pa sa sarili ko.
"Pero.."
Since when did I care about not having a photo for how many weeks?
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at 3:36 pa ng umaga!
At kailan pa ako nag-messenger ng ganito ka aga? Dapat nagbabasa ako ng article ngayon or watch something!
Problemado akong bumuntong hininga. "Hindi niya naman ata mapapansin diba?"
And at the end inamin ko ding mag-papasikat lang ako! I'm such shameless!
"If Andrie will know this, siguradong ikakahiya din ako nun bilang ex! Ginoo ko!" Kinagat ko ulit ang labi ko at tumango.
Bahala na!
Nag-lakad ako papunta sa cr para tignan ang aking sarili. Naghilamos at nag-toothbrush agad ako bago inayos ng konti ang aking magulong buhok para messy hair parin pero kaaya-ayang tignan.
Lumabas na ako sa cr at sa harapan ng human size mirror tumigil. Tinignan ko ang aking sarili. Nakasuot kasi ako ng satin terno pajamas. Inayos ko muna ito bago nag-hila ng upuan papunta sa harap ng salamin.
Umupo ako doon at tinitigan ang repleksyon sa salamin ng aking sarili.
ano ba magandang posing? Hm?
Napangiti ako nang merong pumasok saking isipan.
Binukas ko ang aking dalawang hita at itinukod ang aking kaliwang kamay sa kaliwang hita. Tumingin din ako sa kaliwa habang kanang kamay ko ang may hawak sa cellphone.
Hindi ako ngumiti at pinindot na ang aking cellphone. Gumawa agad ng ingay ito. Dali-dali kong tinignan ang litrato at masayang napa-ngiti dahil sa ganda ng kuha.
Agad kong binuksan ang messenger na app tsyaka dumiretso sa Add Stories pagkatapos ay in-edit ko ito na may nakalagay na Good Morning <3 sa baba.
Nang akmang pipindutin ko na ang Your Story para mai-upload na ay nag-dalawang isip ako. Pero umiling ako at tinuloy pa rin.
Pag-lipas ang ilang minuto na nakatutok parin ako sa litrato ay parami ng parami ang nagv-view ng aking my day.
Madami na din ang ang pumapasok na notification na nagr-reply sa my day ko. Nireplyan ko naman ang mga ito pero nanigas ako nang pati si Andrie ay nag-reply!
Halong saya at kaba ang agad kong naramdaman. Hindi ko matago ang excitement nang binuksan ko ang kaniyang message, tuloyan na akong napangiti ng mabasa ang kaniyang reply.
Andrie Shoff
Morning, Beautiful
Napahawak ako sa baba ko at hindi mapigilan ang ngiti saking mga labi. Lumipat ako sa kama at doon nahiga ulit. Tinitigan ko ang mensahe ni Andrie at hindi alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.
Should I say thanks? Or morning?
Napa-nguso ako at napa-tingin sa kawalan. Huminga ako ng malalim at tumango ulit.
Andrie Shoff
Morning, Beautiful
Morning!
Send
Binitawan ko agad ang cellphone ko at pumikit. Ngumiti-ngiti ako at napakapit sa bed sheet. Pero umiling agad ako nang ma-realize ko ang ginagawa ko.
Jusko Trisyana Saylin! Kaigat!

Book Comment (105)

  • avatar
    Belen Daradar

    done

    21/05

      0
  • avatar
    FeitorCamila

    😍😍😍

    10/04

      0
  • avatar
    marantankenth

    i like the story

    18/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters