Homepage/Love in Distance/
Chapter 11
"Inaantok ka na no?" Nilingon ko si Shine na kumakain sa harap ko.
Nasa cafeteria kami ngayon kasi break time namin. Swerte nga ay nagka-taong sabay ang break time naming dalawa kaya nagkaroon kami ng pag-asang magsabay.
"Not really."
"Gising pa ng sobrang aga para lumandi" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito.
"Hoy! Hindi kaya! Nagising lang kaya ako ng maaga!" Sagot ko agad dito at uminom ng inomin ko.
Kasalanan ko bang magising ng maaga ha?
"Asus. Dai, after 5 days natong pagkaila dri sa real world, never ka nag-my day og picture nimo sa sayo sa buntag. Karon lang!" (Asus. Sis, after 5 days nating pagkakilala dito sa sa real world; never kang nag-my day ng picture mo nang ganon ka aga. Ngayon lang!) Pinaliit nito ang kaniyang mata at tinuro pa ako, pinaresan pa nito ako ng ekspresyon sa mukha na parang nagsasabing 'Hindi mo ako maloloko dai'.
"Ikaw!" Dinuro ko siya pero tinaasan niya lan ako ng kilay.
"Me, what?" Nanghahamong tanong nito.
"Hm!" Tinuloy ko nalang ang pagkain ko at narinig kong tumawa ang taong nasa aking harapan.
"Fernández" agad umangat ang aking paningin nang may tumawag sa apilyedo ko, nakatayo sa aking harapan ngayon si Fuentabella.
Whicky-Whick!
Ngumiti ako. "Hi. What can I help you?"
May inilapag itong papel sa lamesa at tinignan ako. "That's the list of the possible event and contest that we will perform. It's not complete yet since baka may changes. Binase lang yan sa events at contest last year."
Tinignan ko ang papel at binilang ang kung ilang performance iyon, and it's almost 1 hundred!
"Andami." Bulong ko pero alam kong narinig iyon nina Shine at Whick.
Tinignan ko ulit ito at ngumiti. "Anyways, thank you."
"And by the way,you have to send me a friend request."
Hindi makapaniwala akong ngumiti dito.
"Why don't you do it instead?"
"I don't add people."
"I don't either."
Hindi makapaniwala itong napabuntong hininga. Napapan-tastikuhan itong tumitig sakin. Bago iniwas ang tingin at umiling-iling.
Pinagmasdan ko ang mukha side view nito. Masyadong pogi din talaga ang isang 'to eh!
The jaw. The nose. The eyelash.
"Add me nalang kasi Whick!" Kibit balikat ko dito.
"What d'you call me?"
"Whick."
Kumunot ang noo nito. "Where that come from?"
"Whisper plus Jack equals Whick."
"Smart. I like it." Masaya akong tumingin dito.
"Thank you! I'm gonna call you that!" Masaya kong ani and chuckle a little bit.
Tumikhim si Shine bigla kaya sabay kaming napa-lingon ni Whisper. Naka-tingin ito kay Whisper at ngumiti.
"Why don't you join us Whisper? Have a seat." At doon ko lang naalalang kanina pa pala nakatayo si Whick.
"Thank you" ngumiti ito at umusog naman ako para maka-upo ito sa tabi ko.
"You're kind naman pala. People says that you're cold. Are you?" Tanong agad ni Shine kay Whick na nakapagpa-gulat sakin.
That's interesting..
Kuryuso akong tumingin kay Whick at nag-hintay ng sagot.
"Well I can't say that I'm not cold since sometimes I really don't feel like talking to anyone. But, I don't know, I feel like talking to you both."
"Eh?" Dahil sa gulat ko ay nasambit ko iyon.
"Maybe you like Trix." Nanlaki ang mata ko sahil sa pagka-pranka ni Shine dito.
HOY! GINOO! TABANG!
"Shine.." nahihiya kong saway dito.
Tinignan lang niya ako at tumawa lang din si Whick.
"Well, Trix is beautiful. I can also tell that she's my ideal girl. But what makes me confuse is that, why I don't like her. I just want to be her friend." Pranka ding sagot ni Whick na mas lalong nakapagpa-gulat sakin.
HOY TABANG! PRANKA MAN POD KO PERO NGANONG DI NAKO KAYA NING ILANG PAGKA-PRANKA?
"I see. That's good since she doesn't have a lot of friends in here yet. Baka kasi pag may contest akong kailangan salihan maiiwan siya mag-isa."
"Hoy! Shine! Kaya ko kaya mag-isa! And why are you guys talking like that? It makes me feel so uncomfortable."
"Oh. I get it. No problem. I will be with her when you're not around"
AY WAW! HOY PEOPLE NAA PAKO DIRI?! BASI GUSTO KO NINYO PANSINON?
Hindi ako makapaniwalang napa-tingin sa dalawa. Nagpa-lipat-lipat ang aking tingin sa mga ito.
"Nag-aalala kasi talaga ako para sa kaniya. Baka maiwan siyang mag-isa pag may contest ako."
Napakamot na ako sa aking ulo at tumingin na sa aking kaliwa, tuloyan silang tinalikuran dahil hindi ko na kayang makinig pa sa pinag-uusapan nila.
Kunot na kunot ang buong mukha ko at halos hindi maproseso sa aking isipan ang kanilang pinag-usapan.
Why are they acting so weird?
Tapos si Shine makapag-salita kala mo talaga ang contest niya umaabot ng 10 taon. And also! Am I so dependent? Hindi naman ah! Kaya ko kayang mag-isa.
Makapag-usap sila kala mo talaga nanay ko siya tapos mamamatay tapos hinahabilin nila ako sa kapatid niya.
THE HECC DIBA?
"Are you guys not done talking yet?" Nilingon ko na sila ulit at nakita kong naka-tingin pala silang pareho sakin. Parehong natatawa.
"You look stupid" deretsang saad ni Whick saan dahilan kung bat napahawak agad ako sa aking dibdib at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya.
"He's right." Lumipat agad ang paningin ko kay Shine nang sabihin niya iyon.
Palipat-lipat kong tinignan ang dalawa na pinagkaka-isahan ako.
"I-I? I L-look stupid?" Hindi parin ako maka-paniwalang umiwas ng tingin sa kanila at umiling-iling.
AKO PA YUNG NAG-MUKHANG STUPID?
"Wow.. I look stupid" bulong ko pero naririnig parin nila.
"Yes you are." Napa-awang na ang labi ko at tumingin kay Shine.
Tumawa sa gilid ko si Whick kaya tinignan ko ito. Naka-tingin pala ito sakin.
Tawang-tawa u?
"He-he" I make face then roll my eyes kaya mas lalo itong tumawa.
Umiling lang ito at tumingin kay Shine. "Gotta go. Baka ma late ako sa next class ko."
Tumango si Shine. "Me too.. sabay na tayo."
"Bye Trix!"
"Eh!" Tinaas ko ang kamay ko para abutin sila pero tumalikod na ang mga ito!
Tamo 'to? Iniwan pa ako?
Kinuha ko na ang gamit ko atsyaka nag-lakad na patungong classroom.
Maaga akong humiga sa kama dahil sa antok ko na din. Plano ko nang matulog kahit 6:30 palang ng hapon. Tinignan ko muna saglit ang aking facebook account at nakitang hindi pa talaga ako in-add ni Whick!
Iba din yung isang yun ah! Hanep!
Sinubukan kong I-search ang full name nito at may lumabas. Hindi pala full name ang fb name nito. Pero buti nalang at marami kaming mutuals kaya papano ay lumabas.
Whisper Jack
Pinindot ko agad ang pangalan nito at tinignan ang account. Syempre una kong tinignan ang photos nito lalo na ang profile at kung suswertehin ka nga naman! Public lahat ng recent and current profile pictures niya!
In-una ko ang current profile picture nito. Naka-button down shirt ito na bukas ang dalawang butones habang naka-suot ito ng slacks na medyo maikli at amerikanong sapatos.
Naka-upo ito sa isang lamesa at nakatukod ang isang kamay nito sa likuran bilang suporta sa bigat nito. Naka-bukas din ang dalawang hita nito habang hinawi nito papuntang likod ang buhok. Kita din ang dimples nito sa kanang bahagi ng kaniyang pisnge.
May dimples pala si Whick?
As expected umabot din ng 100k plus ang likes ng profile nito with hundreds of comments and shares.
Well, he's handsome! Really!
In-exit ko na ang profile nito at in-add siya bago mag-offline. Nang saktong aalis na sana ako at wala pang minute na na-add ko si Whick ay agad na nitong na confirm tapos in-add ako sa isang gc.
Tinignan ko kung anong gc iyon, gc pala 'yon para sa dance troupe. Andon din sila Kiala at yung girls na kasama ko sa intermission number.
Magka-sunod namang pumasok ang dalawang notification. Isang galing sa twitter at ang isa ay sa intagram. Dahil narin sa kuryuso ay tinignan ko na ito.
At masaya ngunit 'di maka-paniwalang napa-awang ang aking labi.
whis_fuenta started following you.
Whis_jf followed you.
Agad-agad kong binuksan una ang instagram at in-stalk agad ang account na nag-follow sakin. Sinigurado ko muna kung si Whick ba talaga 'yon. At siya nga!
May 25k followers siya at..
What..
The..
Hoyy!!
Isa lang ang following niya at ako lang iyon!
Dali-dali kong pinindot ang direct message para mag-message sa kaniya.
Whis_fuenta
active now.
Hoy! HAHHAHHAHAHA
ako lang following mo!
I feel so special oy!
HAHAHAHAHA
finollow na kita una para hindi masyadong masakit sa puso mong ikaw nag-add sakin!
Plano kong ifollow si Shine, kaso di ko alam ig name niya.
HAHAHAHAHA sira!
shinyshine
teka check ko muna
twitter, baka ako
lang din following mo
Twitter niya?
Oo ikaw lang din..You lucky..
WOW WOW WOW
HAHAHAHAHAHAHHA
Di kita iffollow
back HAHAHHA
Miracleshine
I won't die just because of 1 follower
edi sanaol peymus
Lumipat naman ako sa twitter at tinignan ang notification. Tama nga, ako nga lang talaga ang following nito. 29k din ang followers nito.
Hindi ko na siya in-stalk at bumalik na agad sa instagram.
sanaol to you.
Mas madami kang
followers woi..
3k at 5k lang naman lamang ko..
Hindi ko namalayang ngumi-ngiti na pala ako sa chat namin ni Whick. Hindi ko din talaga alam kung bakit ang bilis gumaan ng loob ko sa kaniya. Syempre may awkwardness parin between samin dalawa since kaka-kilala palang namin pero I can feel na pareho namin pilit inaalis yung awkward.
Inabot ng quarter to 8 ang aming pag-uusap. Natigil lang dahil nag-paalam na akong antok na antok na talaga ako na sinang-ayunan din naman nito. May gagawin pa kasi din daw ito.
Bago kami tuloyang nag-offline niyaya ko siyang sumabay samin kumain. Nalaman ko kasing wala siyang kasabay kumain kasi sa student council office siya nagl-lunch. Pumayag naman din ito kaya hindi na ako nahirapang mamilit.
Pinatay ko na ang aking cellphone at inilagay sa side table. Pumikit na ako pero binuksan ko din ulit ang aking mga mata at nag-isip-isip.
Hindi ko maipaliwanag bakit nagiging feeling close nanaman ako. Hindi naman talaga ako friendly, Ay no. I mean, friendly ako minsan, pero minsan din hindi.
Ewan ko ba. Basta. Magulo. Mabilis kasing mag-change ang mood ko. Minsan maingay ako tapos after few minutes tahimik na. Ayaw kong mag-isa pero naiirita ako pag may kasama.
Ewan ko din talaga eh.
Tumingin ako sa ceiling at inalala ang lahat naming napag-usapan kanina ni Whick. Agad akong napa-ngiti dahil dito.
I think he's a great guy.
Pinuno ko ng isip ko si Whick nang biglang pumasok sa aking isipan ang mukha ni Andrie na nag-seselos. Nanlaki agad ang mga mata ko at napa-kurap kurap. Mabilis kong iniling an aking ulo.
Grabe! Pati sa utak ko ba naman Drie?
Napatawa ako dahil si Andrie ang sinisisi ko kahit ang isipan ko naman ang biglang nag-pasok sa kaniya sa aking iniisip.
Napa-ngiti nalang ako at umiling-iling bago tumagilid at pinikit ang aking mga mata.
Jealous Andrie is cute tho..Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (105)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
done
21/05
0😍😍😍
10/04
0i like the story
18/08/2023
0View All