Homepage/Love in Distance/
Chapter 12
Kahit saan ako mag-punta ay madaming naka-tingin sakin. Yung iba ngumingiti, yung iba naman ay pinag-uusapan ako at ang malala pa ay kinukunan pa ako ng litrato ng ibang students!
Kanina pa iyon nag-simula, pag-pasok ko pa lang sa school pero natigil iyon dahil may klase. Pero ngayon na lunch break ay lumala ng lumala iyon.
May mga bulongan sila pero hindi ko din naman marinig! Kahit ngayong papunta ako sa cafeteria ay ramdam ko parin ang mga titig.
Pag-pasok ko sa cafeteria ay naka-tingin agad ang lahat sakin kaya napa-yuko ako at tinungo na ang upuan kung saan naka-upo si Shine ngayon.
Tinapunan lang ako saglit ng tingin ni Shine bago binalik ang tingin nito sa laptop. Palihim ko namang nilibot ang aking paningin sa mga tao sa cafeteria at may iba paring naka-tingin.
Kinatok ko ang lamesa namin para makuha ko ang atensyon ni Shine at hindi naman ako nabigo dahil tinaasan ako ng kilay nito.
"What's happening?" Tumingin agad ako sa paligid agad niya naman iyong nakuha at tumingin din sa paligid bago ngumisi sakin ng mapaglaro.
"Wait. Let me finish this." Tumango agad ako tsyaka sinilip ang ginagawa niya. Research pala iyon, kaya hindi na din ako nag-ingay para makapag-concentrate siya.
Habang nag-hihintay ako kay Shine na matapos, natanaw ko si Whick na kakapasok lang. Diretso ang tingin nito at nang malapit na siya samin ay ngumiti ako dahilan kung bakit nag-simulang lumakas ang bulong-bulongan.
"Order na tayo." Yaya nya agad, binalingan ko si Shine na naka-tutok parin sa laptop niya.
"Rice and chicken adobo will do."
Tumayo na din ako at nag-lakad kasabay si Whick. Pinag-titinginan kami ng lahat habang kinukunan pa kami ng litrato pareho.
"See? Totoo nga kasi yung nasa forum!"
"Whisper never eat in cafeteria kasi naiingayan siya tapos ngayon dito sya kakain! Kasabay pa si Trix!"
"That's not normal anymore! Totoo talaga ang nasa forum."
Naguguluhan akong lumingon kay Whick at nang mapansin niyang naka-tingin ako sa kaniya ay lumingon din siya. Binalik niya ang tingin sa unahan at pinauna ako sa linya.
"Gonna explain it to you later." Tumango lang ako.
"2 serving of rice, 1 serving of chicken adobo, 1 serving of chicken curry and 2 pineapple juice." Inabot ko na din ang card ko para makapag-bayad na.
"Dessert?"
"Walang sinabi si Shine eh at pass muna ako sa dessert kasi madami akong nakain kanina sa recess." Tumango lang si Whick kasabay ang pag-abot ng babae ng tray ng pagkain namin ni Shine.
"1 serving of rice, 1 serving of sisig, 1 serving of carbonara and mango juice."
Bitbit ko na ang tray ko habang nasa gilid ni Whick at nag-hihintay sa kaniya. Nang iabot na ng babae ang card tsyaka nilapag na ang tray at order, umaktong kukunin ni Whick ang tray ko.
"Why?"
"It's heavier, let me bring it. You bring that." Tinuro nito ang tray ng pagkain niya at tuloyan ng kinuha ang tray ko bago sumenyas gamit ang ulo niya na bumalik na kami sa lamesa.
Medyo may kabilisan na ang aking lakad papunta kay Shine dahil nai-ilang na ako sa bawat tingin at bulong-bulongan pati ang mga iilang kumukuha ng litrato.
Dahan-dahan kong inilapag ang tray sa lamesa at kinuha ang pagkaing nandito bago inilagay sa upuan ang tray katabi ni Shine na naka-harap parin sa laptop, ganon din naman ang ginawa ni Whick bago umupo sa tabi ko.
"Here" hinarap ni Shine sakin ang kaniyang laptop kaya nalito ako.
Binasa ko pinakauna ang naka-sulat sa screen ng laptop hanggang sa umabot ako sa caption ng nag-post.
Finally! Whisper Fuentabella already have a 1 following and guess who? It's Trix Fernández! The import! Feeling ko may something sa dalawang 'to eh.
Proof below.
Naka-attach dito ang dalawan screenshots. Una twitter account ni Whick na ako lang ang following at ang pangalawa ay ang Instagram account naman nitong ako lang din ang following.
Tinignan ko ang mga comment sa post na iyon at binasa ang mga sinasabi ng nasa forum. Kaniya-kaniya ang opinyon ng mga iyon. May galit, may hindi. May naiinis sakin at tinatawag akong kung ano-ano. Syempre malakas ang mga loob nito kasi hindi naman sila makikilala kung walang gustong makilala sila.
BitchesaVira24
I found them bagay naman kahit papano.
QueenLau
No problem with me tho, Trix seems kind.
HiddenWrath78
I think Whisper just follow her for school purposes.
Mystery_25
Did you stalk her Ig and twitter? Si Whisper lang din ang finollow niya! Don't tell me wala lang pa rin 'to?
Quotethefacts_
Pag-totoong may namamagitan sa kanila, sigurado akong patay yang mga nagsasabi ng masasamang salita kay Trix.
Wewawewa__
Parang mag-kaibigan lang naman ata sila.
_Lashi_
She's in trouble..
Tinignan ko silang dalawa at hindi na tinapos ang pagbabasa pa ng comments. Pareho na pala silang kumakain kaya ibinalik ko na kay Shine ang laptop na agad niya din namang tinanggap.
"What's that website?"
"www.rispublicforum.com" Kinuha ko agad ang phone ko para i-check ang site na iyon.
Tinignan ko pati ang mga nakaraang posts. Puro mga issue ang nandito.
"Eat your food." Saway sakin ni Shine kaya nilingon ko siya.
"What is forum nga pala?"
"Forum is-"
"Uh.. W-whisper.." naputol ang sasabihin ni Whick nang may mag-salita sa gilid nito.
Isang cute na babae ang nakita namin. May bitbit itong lunch box at nahihiyang tumingin kay Whick.
Tinignan ko si Whick at nangunot agad ang noo ko nang makitang patuloy lang ito sa pagkain. Nilingon ko si Shine at isenanyas niya si Whick kaya tumango ako.
Siniko ko ito tsyaka tumikhim. Nakita kong natigilan ito at tumingin sakin.
"What?" Pinanlakihan ko siya ng mata tapos ay palihim na sinenyas an babaeng lumapit.
Bumuntong hininga ito, binaba ang kutsara at tinidor at nilingon ang babae.
"Speak."
"Uh, I cook this for--"
"I have food. Eat it."
"Ano kasi. Busog na--"
"Throw it."
Pareho nanlaki ang mata namin ni Shine dahil sa pakikitungo ni Whick. Siniko ko siya bago tinignan ang babae na malapit ng umiyak.
"Ah Miss! Hehe.. Give me that." Mabilis kong kinuha ang pagkain kaya takang tumingin sakin si Whick.
"Don't worry! I will make sure na kakainin niya 'to." Ngumiti ako. Pinahidan naman agad nito ang luhang malapit ng tumulo tsyaka ngumiti.
"Thank you" tumango ito bago umalis.
Siniko ko ng malakas si Whick dahilan kung ba't napadaing ito.
"What?!"
"Why did you treat her like that?" Tumaas agad ang dalawang kilay nito.
"What? I don't feel like being nice today!"
"Ha?" Sabay naming sabi ni Shine.
Dahil lang hindi niya feel maging mabait? Ganon lang?
"Finish your food. Time is running" tinignan niya kami pareho bago nag-patuloy.
"Let's go."
"Ha? San tayo?" Nagtataka kong tanong kay Whick nang sabihin niya iyon pagkatapos kong kumain.
"Don't tell me Miss Fernández na hindi mo nanaman alam?" Mas lalo akong naguluhan dahil sa sinabi ni Shine.
Ano nanaman?
Ngumisi lang si Whick tsyaka naglakad na palayo. Habang si Shine naman ay hinila ako at sumunod na kami kay Whick.
Tumigil kami sa loob ng isang classroom ng mga Seniors. Naguguluhan kong nilingon si Shine pero tumango lang ito.
What does the 'tango' means?
May ilang studyante na naka-upo na. Hinila ako ulit ni Shine at pinaupo sa second row. May naka-dikit pala sa lamesa ng arm chair.
"Cheer captain" basa ko sa naka-dikit sa lamesang inuupuan ko.
Sunod naman ay ang kay Shine. "Band Mother."
Tapos sinunod ko ang nasa kaliwa ko. "Cheer captain assistant."
May assistant pala ako?
Tinignan ko naman si Whick na nakaupo sa harap ni Shine. May naka-dikit din na Soccer Captain sa lamesa nito. Binasa ko nalang din ang nasa kaliwa ni Whick, sa harap ko.
Basketball Captain
Tumango-tango ako at tinignan--
Wait. What? Basketball captain? Si-
"Cap dun sa kabila assigned seat mo oh!" Tinapunan ko agad ng tingin ang nag-salita at talaga nga namang si Shen pala iyon.
Pilit nitong pinapaalis si Andrie na umupo sa upuan ata dapat nito. Hindi kasi sa harap ko umupo si Andrie.
"Cap! Hoy-- Ah..Lead! Kung siniswerte nga naman! Sige cap! Ako dito!" Dali-daling umupo si Shen sa upuan sa harapan ko at humarap sakin. Nilingon ko sandali si cap at naka-tingin lang ito diretso sa harap.
Ngumiti ako dito at pilit iniiwasan ang tingin nito. Dumako ang tingin ko kay Shine na naka-ngisi. Tinignan niya naman ako pabalik at tumaas-taas ang kilay nito. Hindi ko tuloy alam kung dahil ba yun kay Andrie or kay Shen.
"Lead."
"Hmm?"
"Can I court you?"
"Ha?!" Kasabay ang pag-sagot ko ay ang pag-lingon sabay ni Whick at Andrie.
Tinignan ko naman si Shine na hindi din makapaniwalang naka-tingin kay Shen.
"Ah... hehe.." hilaw na ngumiti si Shen nang mapansin ang tingin nila Andrie at Whick.
"Cap.. hehe.. Whisper.. hehe" tumingin naman agad ito sakin na tila nanghihingi ng sagot.
Inalis na din naman ng tatlo ang tingin dito at hinayaan na kami mag-usap.
"Lead?"
"How old are you?" Diretsyahang tanong ko.
"14"
"I'm 15, I don't do kids. Sorry."
"Ha? I'm turning 15-"
"Still.. I'm not into younger than me." Ngumiti ako dito.
"So you prefer older?" Naguluhan ako nang napansin kong parang may iba sa tono nito.
"Older or same age, with elder month or day."
"Even day counts?" Hindi ito makapaniwala sa sinabi ko kaya tumawa ako at ngumiti.
"Sige na.. seat properly." Sinunod naman agad ako nito.
May biglang umupo sa tabi ko kaya hinanda ko na ang aking ngiti pero nawala ito nang makilala kung sino ito.
Samantha Perez..
Nakatutok ito sa cellphone at tila naiinis sa kaniyang tinitignan. Umayos nalang din ako at hindi na nag-abala pang makipag-usap dito.
Siya ang Assistant ko?
Hindi ako makapaniwala! Andaming cheerleader tapos siya pa? Para pa namang galit ito sakin!
"Good morning! Shall we start the nomination?" Pumasok ang isang lalaking naka bottom down shirt at slacks. Naka-ngiti ito at tinungo ang white board.
Nomination?
"What nomination Shine?"
"Para sa officers ng sports club." Tumango-tango ako dahil sa sinabi ni Shine.
Ba't di ko nanaman alam 'to?
"Let's start. Any nomination for president?"
"I nominate Whisper Jack Fuentabella."
"I nominate Andrie Gyn Sho--" Kumunot ang noo ni Andrie at siniko si Shen kaya tumayo ito.
"Bawal maging president si Cap kasi President siya sa Math club at Vice President sa Student Council."
Agad nanghinayang ang ibang nandoon, lalo na ang babae. May iba namang naintindihan kasi ganon din daw naman last year. Pero ang nakapag-tataka nang lumipas nalang ang ilang minuto ay wala pang nag-nominate para kalaban ni Whick.
"Any nominees stude-"
"We close the nominatin sir!" Nakita ko ang gulat sa mukha ni Sir dahil sa pag-sigaw ng mga ito. Maski ako ay nagulat. Automatic namang naging President si Whick.
"For Vice--"
"Andrie Sir!"
"We close the nomination."
"We second demotion!"
Wala talagang ilalaban sa dalawang 'to? Walang kahirap-hirap maging officer eh!
Sinulat ni sir ang pangalan ni Andrie bago bumuntong hininga. Kahit siguro ako ay ganon din ang magiging reaction. Wala man lang votings na naganap!
"Students, please nominate two students para may voting na maganap. Okay?" Sumang-ayon naman ang lahat kay sir.
"Since we already have our President and Vice President, same rules. Their each votes are equivalent to 5 votes. Pero pwede din silang hindi bumuto kung ayaw nila. Fuentabella, Shoff, no favoritism." Tumango parehong si Whick at Andrie bago in-open ang nomination for secretary.
"I nominate Samantha Perez" nilingon ko kung sino iyon pero hindi ko naman kilala. Plano kong bumuto kay--
"I nominate Trix Fernánde--"
"I close the nominatio--"
"I second demotion."
Hindi pa ako nakakabawi sa gulat ko dahil sa ginawa ni Shen na pag-nominate sakin ay nadagdagan agad ng dobleng gulat dahil sa pagsara ni Whick sa nomination at pag sang-ayon ni Andrie.
Una kong nilingon si Shine na may gulat din sa mukha. Naka-tingin ito sa tatlong lalaking nasa-unahan kaya tinapunan ko na din ng tingin ang mga ito. Nilingon ako ni Shen at ngumiti habang ang dalawa ay parang wala lang.
Dahil doon ay nag-simula agad ang bulong-bulongan. Kung hindi lang sinabi ni Sir na mag-simula na ang botohan ay siguradong hindi ito titigil. Habang kami naman ni Samantha ay bawal bumuto.
"12-8. So for Secretary, It's Miss Samantha Per--"
"I vote for Trix Fernández."Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (105)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
done
21/05
0😍😍😍
10/04
0i like the story
18/08/2023
0View All