Homepage/Love in Distance/
Chapter 13
"Ha?" Hindi ko maiwasang magreact dahil sa sabay na sinabi ni Andrie at Whick.
Pareho silang bumuto sakin! Sabay pang sinabi! Kaya umani agad ito nang bulong-bulongan. Napapikit ako dahil sa ginawa ng dalawa.
Siguradong magiging issue nanaman 'to!
Tumawa si Sir na parang napipilitan. "Okay. So the Secretary is Miss Trix--"
Nabulabog ang lahat nang biglang tumayo si Samantha at nag-salita. "Sir! Isn't it obvious that they have favoritism? I know she's the Cheer Captain but she doesn't know anything! I am the former Secretary, I kn--"
"Do you think I will vote for her if you're good in your work?" Nilingon namin si Whick na namputol sa dapat pang sasabihin ni Samantha, naka nakadekwatrong tumingin ito sa may bandang sapatos ni Sir.
"W-what are you saying?!"
Nilingon nito si Samantha at kumunot ang noo. "Sa tingin mo bubuto ako kay Miss Fernández, Miss Perez kung maayos kang mag-trabaho bilang Secretary? You're being boastful saying you're the former Secretary when infact you did nothing right in sports club last school year. So why should I vote for you when I can give Miss Fernández the chance to prove herself that she's better than you?"
Samantha scoff in disbelief at bumaling kay Andrie na walang pakealam sa nangyayari.
"How about you Shoff? Why did you vote Fernández?" Tanong ni Sir kay Andrie nang makabawi ito sa nasaksihang kaganapan.
Tumaas ang kilay ni Andrie at kinunot ang noo. "Why? Am I not free to decide who I want to vote?"
Iyon lang ang sinabi ni Andrie bago bumaling ito sa cellphone nito. Si Sir naman ay wala ng nagawa at isinulat ang aking pangalan. Umusog din ako konti papunta sa direksyon ni Shine kahit parang wala naman talagang naging pagitan samin ni Samantha kasi nga arm chair.
"Miss Fernández you write in front."
"Ha?" Alanganin akong tumayo ngunit naunahan ako ni Whick.
"I'll write, she'll take down notes."
"What?" I mouthed but he just sign me to write.
Kukuha na sana ako ng notebook nang maisipan kong mas madali kung sa phone ko nalang. Mas mabilis akong mag-type kesa mag-sulat. Tinuloy ang nomination at tinake down notes ko lahat ng officers. Hanggang sa matapos ito kaya isinave ko na.
"So that's it everyone. I will leave everything to your Officers, specially to your president. Sila na ang mag-aannounce sa up coming events. Good bye." Iyon lang ang sinabi ni sir at lumabas na sa room.
Kinuha ko na ang aking bag at tinignan si Samantha na nakaupo parin. Yumuko lang ako at dumaan sa harap niya nang patirin niya ako. Hinanda ko na ang sarili kong mahulog sa tiles na sahig ngunit may sumalo sakin.
Inangat ko ang tingin ko at nakitang si Andrie iyon! Masama ang tingin nito kay Samantha ngunit pabagsak na kinuha ni Samantha ang bag niya at umalis.
Nahihiya na naiilang akong ngumiti kay Andrie. Nag-thank you ako dito at ngumiti lang din ito kaya una na akong lumabas sa room kasabay si Shine.
"Lead!" Hinampas ko agad si Shen sa balikat nang umakbay ito!
"Ikawng bata ka! Sinong nag-sabi sayong i-nominate mo ako?"
"Ayaw mo nun? Secretary k-"
"Ayoko!" Mabilis akong umiling-iling at plastik na ngumiti dito. Hilaw naman itong tumawa at umakbay ulit sakin.
May tumikhim sa likod namin na pareho naming nilingon ni Shen. Nakatingin si Andrie kay Shen habang naka-taas ang isang kilay, hawak nito sa isang kamay ang mamahaling cellphone nito.
"Ah! Haha.. haha.. cap" inalis ni Shen ang kamay sa balikat ko sabay akbay kay Andrie. "Actually tinatanong ko talaga si Lead kung anong oras cap! Ha ha haha.." kinakabahan itong tumawa at sinilip ang itim na relo ni Andrie.
Tinignan lang siya ni Andrie bago inalis ang pagkaka-akbay at nag-lakad na paalis. Kumaway naman si Shen sakin at agad sumunod sa captain nito.
"Why you didn't nominate Shine?" Tanong sakin ni Whick nang nag-lakad na kami papuntang labas ng school.
"Ayaw niya daw.." May klase kasi ulit si Shine kaya hindi namin siya kasama ni Whick habang kaming junior high ay half day lang.
Habang patungo kami sa labas ng school tinignan ko ang aking relo. 2 pm pa pala. Tapos sila Shine around 5 pa ang labasan nila. May practice din kami sa cheerleading pero 5 pa. Nilingon ko si Whick na seryosong naglalakad.
"What?" Tanong nito at nilingon ako.
"What you gonna do today?"
"Nothing. Maybe I'll go home then balik dito if oras na ng practice."
Sumimangot ako sa kaniya at tumawa ito ng bahagya. "Gala tayo."
Tumango ito at ngumiti.
"Ayala Malls tayo."
"I'll get uber." Anito tsyaka kinuha ang cellphone.
Nag-hintay kami ng ilang saglit sa harap ng school hanggang sa dumating ang uber. Binuksan nito ang pintuan at pinasakay ako bago sumakay sa tabi ko.
"Uber din sinasakyan mo papuntang school?" Usisa ko agad dito dahil parang sanay na sanay na itong sumakay sa uber.
"Yup. I can't still drive a car so everytime I go somewhere I ride uber or train. And drivers are only for elementary." Tumawa ako konti dahil sa sinabi nito.
"I want to ride train." Mahinang sabi ko at tumingin na sa harap, sumandal din ako sa upuan habang pina-ikot-ikot saking kamay ang aking cellphone.
"Hindi ka pa nakaka-sakay ng train?" Nakita kong nilingon ako nito kaya umiling ako.
"Walang train sa Davao."
"I see.. Next time, we'll ride.." mabilis ko itong nilingon at ngumiti tsyaka masayang tumango.
Sa sobrang excite ko na makasakay ng train kahit next time pa naman sana ay hindi ko napansin na nakarating na kami sa mall.
Nag-talo pa kami ni Whick kung sino ang mag-babayad sa uber kasi pinipilit nito na siya kaya wala akong nagawa dahil sa huli ito ang nag-bayad.
"Anong gagawin natin dito?" Nilingon ko siya kahit alam kong ako ang nagyaya.
Natatawang umiling-iling ito. "Let's buy clothes."
Agad kumunot ang nuo ko dahil sa sinabi nito. I was expecting a window shopping!
"What for?" Baka kasi may event or ano kaya bibili ito ng damit. Ganon kasi ako.
"I just want to buy clothes."
Hindi makapaniwala akong tumingin dito. Just for nothing? Habang ako hindi nga ako sanay na mag shopping kasi si mama ang bumibili sakin ng damit. Hindi kasi ako sanay na pumunta sa mall ng mag-isa or like gala with tropa. Usually pag pupunta ng mall, I'm with the fam. Kaya kung bibili ng damit is with my mama or the fam at hindi naman ako madalas sa mall doon sa davao. Maybe 5 times a year.
Sinundan ko itong nag-lakad papasok sa Nike. Dumiretso ito sa mga sapatos at tumingin doon. Walang spike ito. It's just like a normal shoes na pang-alis.
"That's the newest futsal shoes sir." Medyo nagulat pa ako nang may nag-salita sa gilid ko na sales lady. Ngumiti ito samin.
"This is the only color right?"
"Yes sir. What's your size sir? Do you want me to get it?"
"Yes. Seven or seven and a half" Tinalikuran kami agad ng babae.
Napa-isip ako sa sinabi nung babae. She says it's a futsal shoes.
Futsal? It sounds familiar
"What is futsal? I think I've heard it before?!" Nilingon ako ni Whick na nag-tumitingin pa ng ibang sapatos.
"It's my sports."
"Aren't you a soccer player?"
"Futsal is a indoor soccer." Napa-ohh ako dahil sa sinabi nito. Giniya niya ako patungo sa isang upuan at umupo kami doon.
Kaya pala walang spike yung shoes kasi indoor. Dumating ang babae kanina na may dalawang box ng sapatos inilagay niya ito sa harap ni Whick. Kinuha ko ang bag ni Whick na inalis nito sa hita nito dahil isusukat ang sapatos.
Una nitong sinuot ang size seven at pinatunog sa sahig. Tumayo pa ito at maiging tinignan ang sapatos.
"I'll get this. Put this in the counter, I'll still look for something." Ngiti-ngiti ang sales lady na tumango at inayos ang sapatos pabalik sa box.
nagpakuha ng dalawa tapos hindi man lang sinukat yung isa.
Kinuha ni Whick ang bag sakin at nag-lakad papuntang sportswear. Sinundan ko naman ito at nakita kong tumitingin nanaman ito ng damit.
"Magkano yun?"
"Four thousand something ata. I'm not sure" ngumiwi ang mukha ko at agad umiling-ling dito.
"I can't go shopping with you. No. I can't. You're so rich!"
Lumingon ito sakin at tumawa nang makita ang itsura ko. "It's my parents money."
"You bring that big money in your wallet or card?"
"I always make sure to have 15 thousand cash with me everywhere I go. Encase my card got declined."
"Oh.. we're the same." Tumango ito. May kinuha itong terno at itinapat sakin.
"Buy this!"
Mabilis akong kumontra at isinauli iyon. "I'm not rich!"
"My treat then" mas lalo akong umiling dahilan kung ba't kumunot ang noo nito.
"You buy what you want. Don't talk to me."
Tumawa ito at pilit ipapakita sakin ang terno. "Look. It looks ni--"
Tinalikuran ko ito at pumunta sa sa clothing part ng nike. May nakita akong terno, black crop top long-sleeves then jogging pants. Sumunod naman agad si Whick sakin.
"Buy it."
Nilingon ko ito at tumango. "I will.."
Kinuha ko ito at bumalik kami sa sportswear. Sumenyas siya sa isang sales lady at agad naman itong lumapit samin.
"May Armband kayo?"
"Ah yes sir. Andon po siya sa accessories nakalagay." Tinuro nito ang isang part ng store.
Tumango lang si Whick at naglakad na patungo doon. Habang ako ay nilingon ko muna ang sales lady na naka-ngiting tumingin samin. Nag-pasalamat ako dito at sumunod na kay Whick. Kumuha ito ng dalawang itim na Armband at tumingin sakin.
"Ano nga palatandaan na ikaw ang captain sa cheerleading?"
"The varsity jacket" tumango ito.
kumuha si Whickng panibagong dalawang puti na Armband. Pareho itong may C lahat. Hindi ko alam para saan iyon pero hindi na din ako nag-tanong.
Nag-aya na itong pumunta sa counter. Unang pinunch akin kasi mas madami ang kay Whick.
"That's 3,601.60 pesos ma'am." Agad ako kumuha ng 4 thousand sa aking wallet at inabot sa babae.
Binalot na ito at binigay sakin. Hinintay ko nalang si Whick sa harap din ng counter. Kami lang naman kasi ang nasa counter kaya pwede akong tumayo sa gilid.
"This is yours sir?" Pinakita ng cashier ang sapatos na naka box at tumango si Whick.
Chineck ng babae ang sapatos kung pareho ba talaga ang laki ng mga ito bago binalik sa box at pinunch ang apat pang arm band.
"That's 6,575 sir." Napataas ang kilay ko nang marinig ang total ng pinamili ni Whick.
Card ang ginamit ni Whick na pangbayad. Agad itong tinaggap ng babae at binalot ang pinamili ni Whick. Inabot nito iyon kay Whick kasama ang card kalaunan.
"How many hours left?"
Tinignan ko ang aking relo habang palabas kami sa store. Kinuha nito ang paperbag na dala ko at ito ang nag-dala. Medyo na gulat pa ako dahil sa ginawa nito.
"It's 3:16 right now. So we still have an hour, I guess"
"Okay. Where you wanna go?"
"I don't know." Nag-simula kaming mag-lakad papunta sa kung saan habang nag-iisip kung san pupunta. "Diba sabi mo you'll buy clothes? But ended up buying shoes" tawa ko dito.
"I am planning to buy clothes right now." Tinuro nito ang isang store bago ako iginiya papasok.
Bago kami tuloyang makapasok ay tinignan ko ang pangalan ng store at plastic na napa-ngiti.
Calvin Klein. Very nice. Very expensive.
Tinungo nito ang men's wear at sumunod lang ako dahil wala akong planong bumili dito. Nagtititingin siya sa mga damit kaya agad kong kinuha ang mga pinamili namin kanina sa nike pati ang bag niya sabay upo sa nakita kong upuan malapit sa fitting room.
Kumuha ito ng isang sweatshirt, isang hoddie at isang button down shirt. Sumenyas muna ito na papasok sa fitting kaya agad akong tumango. Kinuha ko ang aking cellphone at agad nag-browse sa Instagram.
"What do you think?" Tinignan ko lang si Whick gamit ang mata pero napa-ayos ang tingin ko dito nang makita ito.
Humarap siya sa salamin at kunot noong nakatingin sa sarili sabay tingin saking repleksyon.
"T-that suits you" tumikhim ako at iniwas saglit ang tingin dito bago binalik na parang wala lang.
Sinukat pa ni Whick ang dalawang kinuha nito at palagi akong naiis-star struck dahil sa itsura nito. Lalo na ang huling sinukat nito na button down shirt. Nakabukas ang unang dalawang butones nito at nakatupi hanggang siko ang sleeves.
"Kukunin niyo po sir?"
"Yes. All of 'em. Pake lagay muna sa counter, may hinahanap pa kami." He then get his bag and bring the paper bag na may tatak na nike.
"Hoy! May bibilhin ka pa?" Hindi ako makapaniwalang pinalo ito sa balikat dahilan kung ba't napadaing ito ng konti sabay tingin sakin ng masama.
Naglakad ito papunta sa pangbabae sabay kuha ng napakaraming damit. Tinitigan ko ito ng maigi dahil masama ang kutob ko dito.
Pag ito talaga... hindi sa nag-aassume pero pag ito,
"What's your size?"
Mas lalo akong kinutoban dahil sa sinabi nito, pinadala nito ang ibang kinuha nito sa rack sa sales lady habang kumukuha pa ng iba.
"Either small or medium"
"Hmm.." Ipinatong nito ang isang croptop sa katawan ko at sinipat. Kumunot agad ang noo ko hanggang sa tumingin ito.
"I think you and my sister have the same body figure, try those on" nakahinga ako ng maluwag dahil para pala sa kapatid niya ang mga damit pero dahil sa sinabi niyang subukan ko...
I HATE FITTING!
Wala akong choice na sumunod sa sales lady na dala-dala ang napakaraming damit na kinuha ni Whick. Crop top, hoddie, sweater, tee and other tops. Kinuha pa nito ang bag ko pati ang cellphone ko na bitbit-bitbit ko lang.
Tamad kasi talaga akong mag fitting, kaya nga kanina hindi ko na sinubukan yung terno na binili ko. Tapos heto susuotin ko 'tong pagkaraming damit!
Sinukat ko lahat ng damit at pinabalik ni Whick yung mga malalaki. Pero mga 6 parin yung naiwan na kasya sakin.
"What do you think she'll like?" Sinserong tanong nito kaya tinignan ko ang 6 na damit na naiwang naisukat ko. Kinuha ko ang crop top, sweater at hoddie.
"For me, I will choose this. Ewan ko lang kasi di ko kilala kapatid mo eh. Baka iba kami ng style" nakita kong nakatingin ito sa damit na tila nag-iisip.
"Okay. I'll take these three." Tumango na ako at naglakad na kami sa counter.
Isa-isa ng pinunch ang mga item na binili nito. Hindi ko nakikita ang price kasi nasa gilid lang ako, harap ng taga balot ng items kaya hindi ko makita ang screen ng monitor. At ayaw ko din makita kasi baka mag--
"That's 21,906.65 pesos, sir." Nanlaki ang mata ko dahil sa total.
Agad kong nilingon si Whick na tila walang pakealam sa laki ng ginastos nito at basta lang inabot ang card niya. Binalingan ko naman ng tingin ang items. Hindi ako nakatingin ngayon sa salamin pero alam kong hindi maitsura ang mukha ko.
"Calvin Klein Men's logo-stripe fleece sweatshirt in black. Calvin Klein Jeans Men's; Men's monogram logo tape hoddie in white. Calvin Klein button down linen long sleeve shirt in white. Calvin Kleim Underwear tape fleece overhead hoodie in white. Calvin Klein Jeans cropped crew neck sweater in black. Calvin Klein wave cropped organic cotton in white. They purchased 6 items. " Sinabi iyon ni ate Cashier habang ang taga balot ay tinupi iyon at inilagay sa paper bag.
"Separate the women's cloth." Tumango agad ang babae nang sabihin iyon ni Whick at kumuha ng isa pang paper bag.
"Anong grade kayo ma'am?" Tanong ng nagbabalot.
"10th Grade po."
"16 years old ma'am no?"
"We're both 15 po."
Inabot na nito samin ang paper bag sabay sabing "Ang swerte niyo po ma'am. Spoiled na po agad kayo ng boyfriend niyo"
"Ah--" itatanggi ko pa sana habang umiling-iling pero hinila na ako ni Whick agad palabas.
"Anong pinag-usapan niyo?" Tanong ni Whick at binitawan na ang kamay ko. Siya parin ang may dala sa anim na paper bag.
Agad akong umiling at kalaunay tumango-tango. "Wala. She j-just ask if anong grade at ilang taon na tayo"
"May bibilhin ka pa? It's 4:00 already."
"Wala na.. wag ka na ring bumili ng kung ano ano pa... feeling nako di na nako kaya imagine-non nga ang kinse anyos na kauban nako nipalit og worth almost 30k karong adlawa." (feeling ko di ko na kaya imagine-in na ang 15 years old na kasama ko bumili ng worth almost 30k today)
Nakita kong agad naguluhan si Whick dahil nag-bisaya ako. Pero hindi ko ito pinansin at naglakad na patungong labas.
"You won't really tell me what does it mean?"
"You didn't ask!"
"I don't have to ask! You should know that your obligated to translate it."
Nawalan ako ng sasabihin dahil sa sinabi nito. Amaze akong tumingin dito at di makapaniwalang umiling.
"Sabi ko hindi kayang ma-process ng isip ko na bumili ka ng worth almost 30k! Like isang araw mo lang ginastos!" Napa-ohh ito at nag-chuckle.
Habang naglalakad na kami kasi papunta na kami sa labasan napatingin ako sa mga restaurant and café na nasa mall at agad kong naisip si Shine.
"Why don't we buy snacks para sa practice natin? At mag-take out tayo." Nginuso ko ang isang café. "Para kay Shine at atin na din."
Tumango ito at una naming pinuntahan ang grocery store. Dumiretso kami sa drinks. Bumili siya ng isang energy drink, isang tubig, isang softdrinks at isang chocolate drink.
murag pati sa grocery store gusto ani mugastos og libo ay..
Kumuha naman ako ng apat na tubig, dalawang soft drinks, dalawang c2.
"Ay hindi na 'to malamig later!" Ibabalik ko na sana yung isang box ng juice na kinuha ko pero binalik ni Whick.
"May small kitchen portion kada practice room, may fridge at microwave doon for food and drinks"
Ba't di ko alam yun?
Lumipat naman kami sa chips at biscuits. Kumuha ako ng apat na pack ng biscuits na gusto ko, tapos madaming chips and junk foods. Pati si Whick ay kumuha din ng Biscuit pero yung hindi pack, yung oreo na naka bilog. Tatlong ganon tapos chips na.
Agad na kaming pumunta sa cashier ng matapos kaming kumuha sa gusto naming bilhin. Isang basket lang kinuha namin. Luckily, wala masyadong tao kaya amin na agad ang ipinupunch ngayon.
"1,326.97 pesos ma'am." Inabot ko agad ang bayad ko nang akmang maglalabas si Whick ng pera.
"My treat." Ngumiti ako dito at kinuha ang grocery.
"Let me carry that." Umiling ako dahil madami ng paper bag ang nasa kamay nito.
"That's heavy. Palit tayo. Iyo 'tong Clothes tapos ikaw mag-dala sa take out mamaya."
Napa-isip ako. Kasi medyo mabigat nga naman talaga ang grocery dahil sa box of juice. Sa huli ay sumang-ayon din ako.
Sunod naming pinuntahan ang isang cafè. Pina-hanap ko siya ng upuan at inilapag namin lahat ng bitbit namin. Pinaiwan ko ito at ako na ang pumunta sa counter. Medyo mataas ang linya kaya binuksan ko ang cellphone ko para mag voice call kay Whick.
"Why?" bungad nito sakin.
"I forgot to ask what do you want."
"Melted chocolate with almond milk and whip cream in the top. Sprinkle with chocolate chips and chocolate syrup.
Hinanap ko ang order nito pero naguluhan ako dahil walang nakalagay na ganon.
"Uhm.. they don't.. sell something like that Whick."
"They will.."
"palagi ka dito?"
"yes. And I made that one"
"How about sa food?"
"Cheesecake"
"Hi ma'am welcome to Denz Café. What's your order?" Hindi ko napansing ako na pala. Hindi ko muna binaba ang tawag para maitama ni Whick ang pangalan ng drink na ioorder ko.
"Uhh three melted chocolate and-- i mean with almond milk and whip cream on the top. Sprinkle with chocolate chips and chocolate syrup."
"Sprinkle with chocolate chips and chocolate syrup?!" Magkasabay naming bigkas ni ate cashier ang huli kaya masaya akong tumango tango.
"You know that drink?"
"Ah, one of our regular customer ma'am, Mr. Fuentabella always order that drink."
"See?" ani pang Whick sa kabilang linya.
"How about food ma'am?"
"Hmm. One ahm strawberry short cake. One cheesecake and ahm.. that, ano, black forest, one also."
"I'll repeat your order ma'am. Three melted chocolate with almond milk and whip cream on the top. Sprinkle with chocolate chips and chocolate syrup. One strawberry short cake. One cheesecake. And one black forest. This would be take out or dine in ma'am?"
"Take out."
"Okay. That would be 1,287 pesos ma'am. Table number what ma'am? Para ihatid lang sainyo ng waiter."
"Ay wait." Tumikhim ako sa phone ko.
"Whick.. table number?"
"16"
"16 daw po." Tumango uto at naglakad na ako papunta kay sa table namin ni Whick.
Pinatay ko na din ang tawag nang makarating ako. Tinignan ko ang aking relo at 4:26 na. Magkaharap kami ni Whick. May ginagawa ito sa cellphone habang ako ay pinalibutan ko ng tingin ang café.
Naghintay pa kami ng ilang minuto at dumating na din order namin. Lumabas ma kami ni Whick after nun kasi sabi niya andon na rin daw sa labas ang uber.
Pagkalabas namin ay sumakay na agad kami sa sasakyan. Agad pinakita ni Whick ang cellphone nito kaya binasa ko ang nakasulat kasama ang isang picture.
'Guess who?'Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (105)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
done
21/05
0😍😍😍
10/04
0i like the story
18/08/2023
0View All