Homepage/Love in Distance/
Chapter 14
Dumiretso kaming dalawa ni Whick sa practice room ng dance troupe para ilagay ang mga pinamili namin, pinagtitinginan kasi kami ng iilang students na walang pasok nung dumating kami.
Nilagay ni Whick ang lahat ng paper bag sa locker ko kasi nakalimutan niya daw yung susi niya kaya hinayaan ko nalang. Tanging dinala namin palabas ay ang take out at yung grocery tsyaka tinungo muna ang soccer court. Actually futsal court dapat tawag niyan eh, pero sila coach soccer tawag.
Wala pa masyadong players nang pumasok kami. Naglakad si Whick papunta sa isang pinto, pagbukas nito ay may mga players na nagbibihis. Agad kong binaba ang tingin ko nang makitang naka-topless ang iba.
"Abaa... iba na yan Cap ah?" Kantyaw agad ng isang player kaya umangat ang tingin ko.
Tumawa lang si Whick at kinuha ang sa kaniya tsyaka nilagay sa isang ref. Hindi naman pala talaga siya mukhang kitchen, may counter top at few high stools lang tapos may microwave, may head cabinet at refrigerator. Pero all and all locker room lang talaga iyon.
"Have a seat, uhm? What should we call you? Cap?" Tanong ng isang lalaki na iba ang uniform. I assume, he's a goal keeper.
"Ah no! Trix. Trix will do" ngumiti ako dito at umupo sa upuan nila.
"So Trix, may something kayo ni Cap namin?" Nagulat ako dahil may nagtanong sa gilid ko.
Isang poging lalaki din. Sa totoo lang ang pare-pareho silang lahat na pogi eh o baka may favoritism lang ako dahil soccer player ang nasa harap ko?
Soccer is life! Dominik Szoboszlai is lifer! But Lionel Messi and Christian Ronaldo is lifest
"Stop asking her that question. Where just friends." Nabalik lang ako sa reyalidad nang magsalita si Whick.
"Ah yes that's rig--"
"Ang lamig ng tubig!"
May lumabas galing sa kung saan. Nagulat kaming lahat lalo na ako dahil tanging towel lang ang nakatabon sa pang-ibabang parte nito. Habang sa pang itaas naman ay may naka-sabit sa leeg nito na towel din, ginagamit nito pang tuyo sa basa nitong buhok.
"Ang lamig talaga ng tu--ahh! The fuck!" Mabilis nitong hinawakan ang towel sa pang-ibaba nito at pilit tinatabon ang isa pang towel sa dibdib nito.
Tinabunan agad ni Whick ang mata ko tsyaka lang ako tumalikod mabilis na umaksyon ang mga kasama nito. Hindi ko makita pero parang pinapasok nila sa loob ulit ng shower room ang lalaki dahil may isang player na kumuha ng shorts at underwear ata.
Naging maingay ang shower room dahil sa siguro nagtaka ang ibang player na naliligo pa sa loob. Tinanggal na naman ni Whick ang pagkakatabon niya sa mata ko kaya nilingon ko ang patungong shower room.
Tinignan ko si Whick. He chuckled a bit nang makita niya ang mukha ko. Hinila niya na ako palabas sa locker room palabas nadin sa court. Binitawan naman nito ang kamay ko nang maklabas kami sa court, para na din di ma issue pero magkatabi parin kami.
"Punta na tayo kay Shine" tumango lang ako at chineck ang take out na dala-dala ko.
"Malamig pa kaya tong drink Whick?"
"Malamig ang panahon, matagal mawala ang lamig ng drinks."
Hinintay namin si Shine sa may hallway, sa bandang walang classroom para hindi kami mapagalitan.
"Let me take this call." paalam ni Whick nang tumunog ang cellphone nito kaya tumabgo ako.
Nag-ring na ang bell kaya medyo nagulat pa ako. Pero nakita kong bumukas na ang pinto sa room nila Shine.
May teacher na lumabas pati na rin ang ibang room, nagsi-labasan na ang mga teacher. Naka kinto pa ako dahil nagsimula ng dumami ang students na lumalabas pero hindi ko pa rin nakikita si Shine. Nang medyo wala na masyadong students napag-desisyunan ko ng puntahan nalang si Shine.
"Hi? Triciana, right?" Hinarang ako ng dalawang lalaki.
Sa tingin ko ay parang grade 12 na ang mga ito kaya bilang respeto ay ngumiti at tumango ako sa mga ito.
"Hello. Yes. You can call me Trix"
"James and he's Mark" inilahad nito ang kamay sa harap ko kaya inabot ko naman agad ito.
"Nice to meet you both." Pareho ko silang kinamayan.
"Do you mind having snack with us? There's a coffee shop in front of the school building?"
"Ah" medyo nailang ako sa tanong nito dahil hindi ako marunong mag turn down ng offer.
"Or you can choose place"
"Actually.. ah" nangapa ako ng sasabihin kaya naisipan kong sumang ayon nalang. "Ok--"
"Are you seriously flirting with a 10th grader, Chavez?" Napatingin kaming tatlo nang may mag-salita sa likod ng umaya sakin.
Bahagyang nanlaki aking mata dahil nakita kong si Van pala iyon! Naglakad ito palapit sakin at hinarap sila James at Mark.
"I'm just asking her for a snack."
Tinignan ako ni Van saglit at ngumisi. "Obviously she doesn't need snack." Nginuso nito ang take out. "She has take out"
"So what if I'm flirting with her? Age doesn't matter."
"Sure it doesn't. But it matters when a woman feel uncomfy and just can't reject the offer because of respect since you're her senior. Now get lost."
Nakita kong tumagis ang bagang nito saka tumawa saglit na para bang hindi siya makapaniwala at tuloyang tinalikuran kami ni Van. Tinignan ko naman si Van na naka tingin pa sa likod ng dalawang yun.
"Uh.. thank you." Ngumiti ako dito dahilan kung ba't napalingon ito at napangiti rin.
"What are you doing here?"
"Ah! I'm here for Shine" huli na nang mapagtanto kong kilala nga pala nito si Shine.
Wala akong nagawa kundi ang umakto na parang normal lang upang hindi niya mahalata na kilala ko don siya sa RPW. Natigilan pa nga ito bahagya bago casual na tumango.
"Go ahead then. I have to go also. Practice time." Tinaas pa nito ang left arm nito na may relo bago tumalikod.
Pupuntahan ko na sana ang room ni Shine ng saktong dumating si Whick kaya sabay na kaming pumunta. Nakita naming si Shine na nakahawak sa dalawang sling ng leather backpack nito pero ang mata ay nasa cellphone.
Wala na rin masyadong students sa room niya. May iniscroll-scroll ito doon at nakita ko pang tumaas ang dalawang kilay nito. Sa huli ay nagkibit balikat ito bago sinuot ang bag at lumingon sa may pinto kung saan kami.
Nay gulat at amaze na ekspresyon sa mukha nito bago ngumisi. "At totoo ngang nag date kayo?"
"Ah?" Hindi makapaniwalang ani ko. "Gumala lang!"
"Ah ok" may hint ng mock sa boses nito kaya sinamaan ko ito ng tingin.
I heard Whick chuckled. "We bring snack."
"San ba kayo pumunta?" Inabot ni Shine ang drink na binigay sa kaniya ni Whick.
"Mall"
"Samahan ko daw siya sabi niya." Agad namang turo sakin ni Whick.
"Pero ang ending ikaw yung sinamahan ko kasi ikaw lang naman yung bili ng bili."
"Pero ikaw parin yung nag-aya."
"Pero ikaw yung malaking nagastos."
"Pero-"
"Pero may bago na naman kayong issue!" Pareho kaming napatingin kay Shine ng magsalita ito, pareho kaming alanganing natawa ni Whick.
Inabot sakin ni Whick ang cellphone niya ng makapasok kami sa sasakyan.
Agad kong tinignan ang nakasulat sa cellphone nito.
'Guess who?' Basa ko sa caption ng post. Narealize kong post pala iyon sa forum. Picture namin ni Whick habang dala nito ang paperbag at grocery habang ako naman ay dala ang iba pang paperbag.
Tinignan ko ang comment section at puno ito ng samot saring interpretasyon patungkol sa photo. May ibang nagsasabing sinamahan ko lang si Whick na mag-shopping. Yung iba ako daw yung sinamahan ni Whick mag-shopping. Habang yung iba ay sinasabing pareho kaming nag-shopping. Pero nagulat ako nang may nakitang comment na sinabing ipinag-shopping daw kuno ako ni Whick. Madaming sumang-ayon doon, may iba na na-sweetan sa ginawa ni Whick habang yung iba sinabing pera lang ang habol ko kay Whick.
Hindi makapaniwala akong tumawa at tumingin kay Whick sabay abot sa cellphone nito. Tumawa din ito sa reaksyon ko bago in-exit ang forum at ilagay sa bulsa niya ang cellphone.
"Para na kayong nasa showbiz dalawa. Kahit saan mag punta may mga paparazzi na kumukuha ng pictures." Kantyaw ni Shine samin.
Bumaba na kami sa building para pumunta sa cafeteria. Doon kasi kami kakain tapos diretso na kami sa kaniya-kaniyang practice room namin.
Pag tapos naming kumain kumain kanina ay dumiretso agad ako sa practice room ng cheerleaders para makapag-simula na kami sa practice ng team ko.
Inabot pa kami ng 7:30 dahil paulit-ulit naming sinasayaw ang isang part dahil hindi kami sabay-sabay. May pagka strict din kasi si coach kaya gusto niya perfect.
Sa sobrang pagod ko ay hindi na ako naligo at nag-bihis sa locker room. Basta ko nalang sinuot ang polo ko at iniwang bukas yun. Sports bra lang kasi sinusuot namin sa practice at leggings.
Kinuha ko ang bag at pumunta sa practice room ng dance troupe para kunin ang binili kong damit kanina.
Pag-bukas ko sa locker ay nakita kong tatlong paperbag pa ang naiwan pero ang iba pang tatlo ay wala na. Agad kong kinuha ang isang nike na sigurado akong akin, bago kinuha ang maliit na paperbag ng nike at ang paperbag ng calvin klein.
Kumunot ang noo ko dahil wala na ang kay Whick na paperbag pero itong mga 'to ay iniwan niya. Habang nakatitig sa paperbag ay nahagip ng mata ko ang isang post-it note. Una kong tinignan ang sa nike. Alam kong Arm band ang laman nito kasi maliit na bag ito.
This is for you.
Sinunod ko naman ang isang post it na naka-lagay sa Calvin Klein.
I'm only child.
I look at the letter with disbelief. Agad kong dinala ang tatlong paperbag, sinirado ang locker ko pati ang practice room ng dance troupe para puntahan ang court nila Whick.
Tinakbo ko iyon dahil baka di ko na maabutan si Whick kaya tuloy ay sobrang bilis ko lang narating ang court nila. Hingal na hingal akong humawak sa tuhod ko at yumuko habang yung isang kamay ko ay nasa dibdib ko.
My heart! Gosh
"Oo nga-- oh Trix!" Inangat ko ang tingin ko sa tumawag sakin.
Player ito ng futsal din huminga muna ako ng tatlong beses gamit ang bibig ko at lumunok ng laway bago ngumiti.
"San si Whisper?" Hingal ko paring tanong pero hindi na masyado.
"Ay si Cap? Wala. Umuwi na. Kanina pa" napapikit ako sa inis dahil sa sinabi nito.
Naisahan talaga ako nung lalaking yun!
Tumingin ulit ako sa kasamahan ni Whick at ngumiti. "Salamat nalang. Sige, una na ako! Bye!"
"Bye! Ingat sa daan Trix!"
"Kayo din!"
That guy! Dang you Whisper!
Nag-lakad na ako papunta sa practice room nila Shine dahil sabay kaming uuwi. Nang malapit na ako ay saktong palabas na din ito. Sabay kaming lumabas sa building at naglakad na patungo sa condo building.
Kakatapos ko lang maligo at agad ng humiga sa kama dahil pagod na pagod ang katawan ko. 8:46 pm palang pero antok na antok na ako.
Pagdating namin kanina ni Shine ay nag-order lang ako ng pagkain ko. Sa condo niya kasi umuwi si Shine dahil maaga rin daw magpapahinga.
Agad akong kumain ng dumating ang pagkain at tumambay ng 30 minutes sa sala para manuod ng tv at magpatunaw narin ng kinain bago naligo.
Paghiga ko sa kama ay binuksan ko kaagad ang cellphone ko. Inopen ko ang wifi at agad naman lumabas ang chat heads ng nag-chat sakin.
Binuksan ko ito at nakitang bagong group chat nanaman pala ito. Group chat namin sa sports club officers at yung isa ay Group chat para sa lahat ng members ng sports club.
Binasa ko ang messages na bago lang pala nagsimula. Mga around 8:40 ay ginawa ang gc na ito ni Whick at agad kaming minention.
Sinabi din nito na may meeting daw kaming officer bukas ng 6:00 a.m. Hindi nito sinabi kung tungkol saan.
Inalis ko na sa conversation na iyon ang screen bago hinanap ang pangalan ni Whick. Naka-online pala ang lalaking 'to oh!
Whisper Jack
HOY! YOU LIAR!
What did I do to you?
Sabi mo para sa sister mo
'tong damit? At hoy! Ba't
binilhan mo ako ng Armband?!
Kung alam ko lang na akin
pala yung dalawa pinigilan kita!
Sister who? I'm only child..
HAHAHAHAHAHA kaya nga di ko sinabi para hindi mo ako mapigilan. And it's a gift
It's not my birthday!
A advance one.
how about the clothes?
Hoy! 11k something na
gastos mo dun!
A gift also
I can accept the armband
Whick. But the clothes?
Gosh! It's too much!
I'm not like the other students
in your school na kailangan
ng mamahaling bagay for gift,
and I don't receive gifts in
just random day so I'm not
use to it. And the gift you
gave is too much.
It's fine.
HOY KAKAPOY NAKOG! ARGH
Natigil ako sa pag-type dahil biglang tumawag si Whick. Agad ko naman itong sinagot. Naka-voice call lang ito kaya nilagay ko sa may tenga ang phone.
'Hello'
'Hoy! Hello!'
'Just accept the gift'
'This will be the last.'
'This is just the first last agad?'
'Hoy wala ng kasunod!
And if you give gift, cheap
one will do! But hoy you're
not allowed to give gifts na!'
'Why?'
'Your 11 thousand something
worth of gift is a coverage for
the whole 2 years.'
'What?'
'Ibig sabihin imbis yung gift
mo for Christmas, new year,
chinese new year, holy week,
birthday, Christmas party,
independence day is yun
ng gift mo ngayon kasi
sobrang laking halaga nun if
you count it in money!'
'Don't laugh!'
'I just can't help it! HAHAHAHA'
'Sino bang nagbibigay ng gift sa independence day at holy week?'
Kulang pa kasi yung holiday
for giving gifts dahil sa laki
ng presyong niregalo mo.
'Don't look at the price! Look at the quantity. Tatlo lang yan. It means it's just for now'
'Hoy! I know mayaman ka
pero spare me with your
pagiging mayaman. Hindi ko
kayang matiis yang ganyan
ganyan. It's making me feel
uncomfortable.'
'I dont care. Stop talking. I will give if I want to. Good night.'
Agad nitong pinatay ang tawag na parang iniiwasan ang iba pang sasabihin ko habang may halong kasiyahan ang boses nito. Kasiyahan na mapaglaro.
In-exit ko na ang app at pinatay ang wifi bago in-off ang phone. Tinitigan ko ang nakapatay kong phone at umiling-iling.
'That rich guy!'Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (105)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
done
21/05
0😍😍😍
10/04
0i like the story
18/08/2023
0View All