Homepage/Love in Distance/
Chapter 15
Suot-suot ko ang earphones ko habang naglalakad papunta sa office ng sports club. Bawat club kasi dito sa school may office. Mas malaki nga lang yung sa student council.
Bago ako pumasok ay inalis ko muna ang earphones. Kumatok ako ng dalawang beses bago binuksan, pero isa palang ang tao.
*Andrie..*
It's Andrie, he's using his phone. Ngumiti ako dito at naglakad na palapit sa lamesa.
"Good morning" bati ko dito pero hindi pa ako umuupo.
Ngumiti din naman ito at pinatay ang kaniyang cellphone. "Good morning."
Umupo ako sa harap niya dahil may nakalagay na parang acrylic ata tawag dito. Basta desk name plates siya na clear. Nakaharap ang mga desk name plates ng linya ko sa linya nila Andrie tapos kila Andrie naman nakaharap samin. Habang ang kay Whick ay nakaharap sa White board.
Nakasulat sa malaking font ang pangalan ko tapos sa baba ay may naka lagay na Secretary. Pati din ang sa iba pang desk name plates ganoon. Name then role.
"How's your sleep?" Tinignan ko si Andrie nang mag-salita ito.
"Hmm.. It's fine pero kulang. Kasi hindi ako sanay na gumising ng maaga, tapos pagod na pagod kahapon sa practice." Hindi ko naiwasang bumusangot.
Totoo kasing antok na antok pa ako. Kahit sabihin pang 8 hours tulog ko pero dahil sa pagod pakiramdam ko kulang parin.
Nakita kong bahagyang tumawa si Andrie kaya napangiti narin ako. Lumarawan agad sa mukha nito ang isang mapang-asar na tingin.
"But I remember a year ago that you can talk to me as early as 3 a.m?"
Medyo nanlaki ang mata ko at tinuro siya. "You!"
Tumawa lang ulit ito. Umiling-iling lang ako dito at nag-isip ng ibanf topic.
"I'll wait for your new topic." Napalingon nanaman ako sa kaniya dahik sa sinabi niya.
*Are you reading my minddd?????*
"Hindi kasi! Nagigising lang kaya talaga ako nun bigla ng 3 a.m! Kala mo talaga."
"Hmm?" Tila hindi ito naniniwala.
"Oo nga!" Tumawa pa ako. "Nagigising lang talaga ako bigla then syempre maisipan ko mag online tapos ol ka din pala. It's just a coincidence!"
"Araw-araw?"
"You know what?" Napabuntong hininga nalang ako at tumawa naman siya. "Kumain kana?"
"Yup." Tumango-tango ito. "You're quite famous now huh?" Nahimigan ko sa boses nito ang saya pati narin ang pagmamalaki dito.
"Hindi naman. Saang platform?"
"Twitter, Instagram, Facebook, Tiktok, even your Novelah account have followers"
Nagulat ako dahil alam nito ang mga iyon. Nanunukso ko siyang tinignan. "Ikaw ah! Nang-iistalk ikaw ah! Ayaay.. HAHAHAHA"
"What's wrong with stalking your account?"
"Hoy! Hala totoo?" Di ko maiwasan mapa-awang ang bibig ko. "Gos- are you for real?" Hindi ko halos maisip na iniistalk ako ng isang 'to.
"Suprising?" Natatawa ito sa reaction ko.
"Ang haba naman ata ng buhok ko." Umakto pa akong hinahawi ang mataas ko naman talagang buhok.
Pero ngayon feeling ko mas mahaba pa kay rapunzel ang buhok ko dahil sa nalaman ko. Hindi naman sa pag-eexaggerate pero kasi Varsity Captain 'tong isang 'to tapos--jusko dai!
"Para naman atang artista ako kung ituring mo?" Tumawa ito.
"Eh kasi you're the basketball captain. Tapos malalaman ko na nang-iistalk ka sakin? Pag nalaman 'to ng iba siguradong makakalimutan nila yung issue namin ni Whick." Tumawa ako pero napansin kong nawala panandalian ang ngiti nito sa labi bago binalik ang isang natural naman na ngiti kaso hindi na katulad kanina.
I can't help my self but to chuckle because of that reaction. So ganito pala ang mukha ng nag-seselos na Andrie.
"So that's the face of the 'Jealous' Andrie" kantyaw ko dito.
Tumaas naman ang dalawang kilay nito na parang hindi makapaniwala. "Not really... but yes I'm jealous."
Napatanga ako dahil sa sinabi nito. Magsasalita na sana ulit ako ng may isang officer na dumating. Representative ata ito ng Volleyball.
"Morning Cap." Ngumiti ito kay Andrie at tinanguan naman ni Andrie.
Bumaling ito sakin at ngumiti. "Morning Trix!"
Kumaway ako dito at ngumiti. "Morning!"
Bumalik ng tingin ko kay Andrie. Nakita kong tumawa ito ng bahagya. Dahil siguro sa huli naming napag-usapan kaya tumawa din ako bago iniwas ang tingin.
Nilibot ko ang tingin sa buong office. Ngayon lang ako nagkaroon ng oras na tignan ang buong office.
Ang nasa loob lang ng office ay isang kong table para sa buong officers. Nasa pinakahuli kaming parte ng long table dahil ang sa gitna namin ni Andrie ay ang upuan ni Whick. Ang nasa pinakaunahan ay ang mga representative, sila yung malapit sa White board. Sa isang gilid sa banda ko ay may isang counter top, head cabinet, ref, at microwave. Air-conditioned din ang buong classroom. May printer and photocopy machine din kami. Tapos sa isang pinto ay cr dahil may nakalagay sa labas na ng pinto na comfort room.
*It's really comfy here...*
Masyado na akong na bored kaya kinuha ko nalang ang phone ko. Unti-unti na kaming dumadami so far pero wala parin si Whick. Binuksan ko ang wifi para tignan kung may wifi ba pero may password. Tinignan ko ang palibot pero wal akong nakitang nakapaskil na password ng wifi sa office namin.
Nilingon ko si Andrie na nagce-cellphone din. "Drie!" Mahina kong tawag, mabuti nalang at narinig din ako papano.
Tumaas ang dalawang kilay nito at agad kong tinaas ang cellphone ko sabay bumulong ng 'wifi'.
Tumango-tango ito bago tinuro ang left side niya sa table at tinignan ang left side ko din. Tinignan ko iyon at nakitang may nakadikit palang papel doon. Tumingin ako dito pabalik at tumawa sabay bow ng ulo ko para mag pasalamat. Kinonek ko na ang cellphone ko sa wifi ng office namin.
*Wifi Password: RISsportscluboffice*
*Email address: officialrissportsclub@gmail.com*
*Password: sportsclubreidley*
*Facebook account: RIS Sports Club*
*Password: sportsclubreidley*
*Facebook page: RIS SPORTS CLUB*
Basa ko sa nakasulat sa papel na nakadikit sa table. Pati pala sa katabi ko may ganon ding nakasulat, pero kasi medyo may distansya kami kaya hindi ko masyadong mabasa.
Binalik ko ang tingin sa cellphone ko, buti nalang at naka-silent ito dahil kung hindi siguradong ang ingay. Pasok ng pasok kasi ang notifications.
Hindi ko muna pinansin ang notifications at binuksan na ang messenger. Agad kong sinearch ang pangalan ni Whick sa search bar kasi natabunan na ang conversation namin sa mga bagong nagme-message.
**Whisper Jack**
*Hoy! San kana?*
*on the way*
*sa office? Sa school?*
*both*
*hala! Hoy HAHAHAHAHAHAH 5:48 na!*
*HAHAHAHAHA open the door.*
*Its not lock. You can open it yourself.*
*Eh gusto ko may mag bukas eh.*
*ur clingy. Manigas ka dyan*
Pinatay ko na ang cellphone ko at tumitig sa pinto. Hinintay kong lumipas ang ilang minuto pero wala talagang pumasok hanggang sa bumukas ito.
"Ba't di ka pumasok Whisper?" Tanong iyon ni Shine na nag-bukas ang pinto. "Nasa hallway palang ako naka-tayo kana dyan." dagdag pa nito.
"Ayaw kong mag-bukas ng pinto eh." Kibit balikat nito. Hindi makapaniwalang umiling si Shine dito.
Nag-silingunan nanaman ang mga tao sa loob ng office. Tumingin sakin si Shine and smile. Ngumiti lang din ako at tinignan siyang umupo. Habang si Whick ay naglakad papunta sa direksyon namin.
"Good morning." Bati ko dito ng umupo siya.
Inismiran niya lang ako at tinuro ang pinto. "I stand there for few minutes. Kung hindi dumating si Shine hindi ako makaka-upo."
"Who ask you to stand there?"
"I told you to open the door." Tinuro pa ako nito.
Tinukod ko ang isang siko ko sa lamesa at ipinatong ang aking pisnge sa aking kamay tsyaka ko tinaasan ng kilay ito.
"Who are you to ask me to?" Ngisi ko dito.
Ngumisi din naman ito. "I hate you"
"The feeling is mutual, my loves." Iniwas ko ang aking tingin na dito at napatingin bigla kay Andrie.
Doon ko lang narealize ang sinabi ko dahil sa seryosong tingin ni Andrie. Bumaba agad ang tingin ko tsyaka ngumiti ng bahagya at nilingon si Whick.
Nakatingin na ito sa cellphone niya kaya binuksan ko nalang din ang cellphone ko para maiwasan ang tingin ni Andrie.
"Good morning. Are we complete?" Para akong nakahinga ng maluwag dahil dumating na ang teacher.
It's 5:57 already and we are complete. Before the teacher start speaking, binuksan ko na ang phone ko para mag record at inilapag iyon sa lamesa.
"Alam kong naguguluhan kayo kung bakit nagpatawag ng meeting kahit malayo pa yung Instramurals. Well it's because malapit na ang
Acquaintance Ball." May inabot si ma'am na papel sa tao sa unahan then get one and pass na.
*Acquaintance Ball*
*Emcee: 1 from student council, 1 from sports club*
*Opening Remarks: Dean*
*Dance Presentation: majority number is from dance troupe, can accept applicants*
*Sing Presentation: School Band*
*Special Intermission number: Fernández & Fuentabella (tango)*
*Closing Remarks: Guest of the night*
"May performance pala kami..." bulong ko sa sarili ko at ibinalik na ang aking tingin kay ma'am na patuloy parin sa pagsasalita.
Lumipas na ang ilang minuto na nag-uusap kami tungkol sa mangyayari sa party. Kung ano ang gagawin namin, at kung kailan gagawin.
"As you can see, sports club will help student council to make this event possible. We doesn't have a much further updates about it but we will make sure to keep in touch with everyone. You can go to your room now." Nag-sitayuan ang lahat habang si ma'am ay nag-lakad papalapit banda namin.
"Iwan muna kayong tatlo." Ani 'to nang makalapit habang hinihintay ang iba lumabas.
Umupo kami ulit at tumingin kay ma'am. Bale naka-talikod na kami sa White board nila Andrie, Whick at ako. Inilipat ni Whick ang upuan niya at itinabi sakin.
"We will open a audition para sa sasayaw ng ballroom. Since it's by pair, magiging kulang ang dance troupe so need natin na maghanap ng iba pa." Tumango ako bilang pagsang-ayon kay ma'am. Bumaling ito sa dalawa bago tumingin sakin.
"I want you to make a poster about that Fernández. And we need it to be posted before the class end today, then the audition will be tomorrow after class." Medyo nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni ma'am.
Malapit na ang start ng first subject tapos hindi ko dala ang laptop ko. Imposibleng maipaskil ko agad yon.
"Don't worry. Excuse kayong tatlo sa afternoon class nyo pati sa practice." Nakahinga namam ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Nakita marahil ni ma'am na medyo nagulat ako. "Ang ilalagay mo sa poster is the what, why, when, and where. When is tomorrow after class, where is sa practice room ng dance troupe. Then the what and why" tumango ako kay ma'am kaya bumaling naman ito sa dalawa.
"Of course sa audition we need judge. Since Marcus is busy for the preparation, we decided na ikaw nalang ang representative ng student council then Whisper will be the representative of Dance troupe." Sabi pa ni ma'am kay Andrie at parang hinihingi ang agreement nito.
Tumango lang din naman si Andrie kaya bumaling na si ma'am kay Whisper. Tila nag-iisip si Whisper bago tumango kay ma'am.
"Pero ma'am when it comes to something like this maybe, me and Andrie need a co-judge na babae. Kasi para may majority win if kailangan mag-decide and kasi mas expert ang mga babae when it comes to dancing talaga eh. Kaya I think we Triciana's help." Sinipa ko ng konti ang upuan ni Whisper kaya napalingon siya. Buti nalang talaga at hindi napansin ni ma'am.
Tumingin sakin si ma'am kaya pilit akong ngumiti. "Actually ma'am, for me sapat na si Andrie at Whisper kasi si Andrie representative ng Student council and Sports club tapos si Whisper representative ng dance troupe at sports club. So no need for me."
"Well I think that's right." Lumingon agad ako kay Andrie dahil sa sinabi nito. Ngumiti ako dito them mouthed thank you na sinuklian naman nito ng ngiti. "Whisper's idea is so right kaya I agree with it ma'am."
Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi nito at hindi makapaniwalang napatingin. Tinignan ako ni Andrie na parang nang-aasar kaya binalik ko nalang ang tingin ko kay ma'am na nakatingin din pala sakin.
"Well pano ba yan Triciana? Majority win. Tapos President and Vp nyo pa nag sabi." Kantyaw pa ni ma'am kaya wala na akong nagawa. "Anyway yun lang. See you tomorrow after class."
Tumayo na kami dahil naglakad na papuntang palabas si ma'am pero tumigil ito bigla at tumingin samin.
"And Triciana-"
"Trix nalang ma'am." Agap ko kay ma'am kasi ang haba ng pangalan na binibigkas niya.
Tumawa ito at tumango. "Trix you're half spanish right?"
"My grandfather ma'am." Tumawa pa ito dahil sa sinabi ko.
*Tinuod man gud. Si lolo ramay half spanyol tawn.*
"But you're fluent in spanish?"
"Sort of."
"We will expect you to accommodate the guest since you can speak spanish okay?" Buong puso akong tumango dito.
"The guest is Spaniard ma'am?"
"No. He's Italian." Sagot ni ma'am at tuloyan ng umalis.
Habang ako ay napatanga dahil sa sinabi nito. Napaturo pa ang aking index sa pintong nilabasan ni ma'am.
"But it's two different country, ma'am." Bulong ko pa.
Wala na akong nagawa at inayos na ang palda kong medyo nagusot dahil sa tagal ng pagkakaupo. Bago tumingin sa dalawa para magpaalam.
"Una na ako cap, Whick!"
"Hoy! Let's eat first!" Pigil sakin ni Whick.
I was about to turn him down ng maalala ko ying regalo niya. "Sure. Basta treat ko!"
Tumawa ito. "Whatever."
Masaya akong ngumiti dito at tinignan si Andrie. "Sama ka cap!"
Sabay kaming lumabas tatlo sa office pati sa school para tumungo sa isang cafe na nasa parehong linya lang ng school building. Dahil bago pa lang naman ang 7 a.m ay pinayagan pa kaming lumabas sa school.
"Ano inyo?" Tanong ko agad sa dalawa ng nasa harap kami ng cashier.
Pumili na sila ng order nila at ako din bago inabot sa cashier ang bayad sa order namin. Humanap muna kami ng upuan para doon hintayin ang aming order.
"1 chocolate frost, 1 strawberry milkshake, and 1 avocado shake. Then 1 mini cheesecake and 2 chocolate cake with oreos." Ani ng waiter bago inilagay sa lamesa ang aming inorder.
Pareho kami ng cake na inorder ni Andrie, while Whick is Cheesecake. Favorite niya ata cheesecake. Then sa drink naman, chocolate frost kay Andrie, then strawberry milkshake kay Whick tapos sakin yung avocado shake.
"Nag-breakfast ka?" Tanong ko kay Whick dahil mini cake ang pinabili niya.
"Malapit na akong ma-late sa meeting kanina kaya hindi na ako kumain." Kibit balikat nito.
Pinalo ko ang hangin na nasa harap namin bago tinuro ito. "You should eat! Baka anong mangyari sayo! Tapos cake pa kinain mo ngayon! Dapat resto pinuntahan natin!"
Nilingon ko naman si Andrie na naka-tingin din kay Whick. Bale nasa left ko kasi siya dahil bilog na table ang pinili namin tas si Whick kaharap ko.
"Ikaw cap, kumain ka?"
"Yes."
"Oh see! Gumising ka kasi ng maaga." Inungusan lang ako ni Whick dahil sa pangangaral ko sa kaniya.
"Do you have laptop?" Napalingon ako kay Andrie dahil nag-tanong ito.
Doon ko lang naalala na may dapat pala akong gawin.
"Meron. Siguro lunch break ko kukunin. Uwi kami ni Shine sa condo tas doon na din kami mag lunch."
"I see.. magiging busy tayo for the following days for sure. You have to be ready." Ngumiti ako tsyaka tumango bago iniwas ang tingin ko sa kaniya.
Bumuntong hininga ako.
*This week gonna be busy*Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (105)
Share
End
Recommendations for you
done
21/05
0😍😍😍
10/04
0i like the story
18/08/2023
0View All