Chapter 2

Nagising ako 30 minutes bago kami tuloyang makarating sa Manila. Gising na ang iba kong kasama pero yung katabi ko ay tulog parin.
Hindi rin naman uncomfortable ang biyahe namin dahil may special treatment since minor kaming bumiyahe.
After a few more minutes nag-announce na ang capitan na nasa manila na kami, sunod nun ang isang napaka-ingay na tunog. The plane is getting down.
Nagising na rin ang iba pang pasahero, siguro dahil sa ingay. Ilang sandali pa ay sinabihan na kaming pwede na bumaba kaya kaniya-kaniyang tayo na ang lahat para kunin ang bagahe.
"Naghihintay na daw sa labas si Kuya Ron" ani Kiala na halatang antok na antok pa.
Isang itim na limousine ang bumungad samin pag-kalabas na pag-kalabas namin sa airport. Agad naman nitong kinuha ang mga bagahe namin bago kami pinapasok sa loob.
Naging mabilis lang din naman ang biyahe namin galing sa airport hanggang sa Pasig. How did I know? Simple, I open my Location. I don't know a thing in here, so I wouldn't know kung saan na kami at nahihiya din akong mag-tanong kaya nag-sariling sikap nalang ako.
Naramdaman kong tumigil ang kotse kaya nilingon ko ang labas. And there I saw a tall building in front of us. Sa parking lot kami dumeretso at agad bumaba.
"Suotin mo yan Hija." Abot ni Kuya Ron sa akin ng isang surgical mask bago ako tuloyang makababa sa kotse. Hindi na ako nag-tanong kung para saan iyon at sumunod nalang.
"Don't!" Pag-pigil agad ni Sam sakin nang akmang kukunin ko ang aking bagahe. "Babalik tayo dito, kaya wag mo na iyang kunin. Ihahatid ka ni Kuya mamaya sa Condo" wika pa nito bago ako inakbayan papasok sa loob ng school.
Bumungad sa amin ang reception. Though, it don't look so expensive but the interior is quite elegant. Simple lang naman ito. May Reception desk lang na may logo ng paaralan sa baba kasama ang pangalan nito.
Reidley International School
Basa ko sa pangalan ng school bago napa-buntong hininga
Pangalan palang, pang dato na...
"Miss, si Dean?" Tanong ni Dana sa receptionist
"Nasa office niya po, Ma'am." Nakangiti namang sagot nito na ikinatango ni Dana they then walk somewhere.
Habang nag-lalakad ay napansin kong wala pang students masyado at napansin na iyon ni Tine kaya hinawakan nito ang braso ko.
"Sa monday pa umpisa ng class natin. Late na nag-start ang class kasi nga hinihintay pa na dumating lahat ng imports." Wika nito, sabay naman kaming napa-baling ng may narinig kaming tawanan sa loob ng isang parang room na ewan. "Pero umpisa na ang practice ng sports namin. And that," turo niya sa pinto na pinanggalingan ng tawanan. " is the table tennis court"
Tumigil kami sa harap ng isang pinto ma may nakalagay na 'Dean' sa labas. Kumatok muna si Dana at ipinasok ng konti ang ulo bago tuloyang pumasok. She signaled us to stay for a while bago kami tinawag para papasukin na.
"Good morning, so you are Triciana Xielin Fernández?" Nakangiting tanong ng isang matandang lalaki sakin. Nasa papeles pa na pinipirmahan nito ang tingin pero tinignan din ako kalaunan.
Ngumiti ako at marahang tumango. "Yes sir. Trix for short"
"How are you related to Apollo Fernández, hija?"
Apollo, eh?
"Uhhm.. senior po or junior?" Alanganin kong tanong sa matanda.
Kita ko kung pano umangat ang dalawang kilay nito, iniwas ang tingin at tumawa ng mahina na para bang may naisip na nakakatuwa.
"Nag-junior pala talaga si Apollo." Mahinang wika nito sa sarili at tinignan ulit ako. "Senior, hija. Senior."
"I'm his Granddaughter, sir" sagot ko dito. Lumapit ito sakin at sinuyod ng tingin ang aking mukha.
"You're really a Fernández. Ilong palang Fernández na Fernández na" naka-ngiting wika nito na nakapag-pasimangot sakin sa kaloob-looban ko. Napahawak agad ako sa aking ilong.
kabalo man kong dili ko taas og ilong no? Di lang unta ipa-mukha diba? Og isa pa, dili kaya tanang Fernández flat og ilong. Ako mang ganing ig-agaw og manghud tag-as og ilong. Ambot lang unsay nahitabo sako
"Anyways, where is he? It's been a while since I last saw him." Kuryosong tanong pa nito sakin.
Ako sad, Dean. It's been a while since I last saw him din. Char. Wa bitaw ko kitang lolo oy
"He's dead,sir. Actually, I didn't have the chance to meet him personally" bahagyang natigilan ang matandang kausap ko, bumalatay agad ang lungkot sa mukha nito pero pinilit parin nitong ngumiti.
"I'm..I'm sorry to hear that" tumikhim ito bago tumalikod para kunin ang ...
Tatlong card?
"Anyways, itong card na ito ay susi ng condo unit mo. Don't worry diyan lang sa tapat ang condo building, at ihahatid ka ni Ron doon. While this card," pakita nito sa isang card na parang credit card pero hindi naman, parang lang. "ay ipapakita mo sa guard para maka-pasok ka sa building na iyon at para din gumana ang elevator. Someone will teach you how to use this in elevator later. And this is your ATM for the whole year. You don't have to worry anything about your stay here. In case you have more questions o reklamo sa magiging condo mo, may makikita kang papel doon kung saan naka-sulat ang landline ng school. Just call, okay?" Nakangiti na ito ng maayos ulit pero hindi na tulad kanina kaya tumango nalang ako.
Maybe, he know my grandfather that's why it affects him when I told him that lolo is dead.
Lumabas na kami sa office at nag-lakad na pabalik doon sa parking lot. Kita kong may iba nang sasakyan kasama ang limousine na ginamit namin kanina.
"Trix, uwi na ako. Bye! See you sa monday." Wika ni Paty at niyakap ako ng mahigpit pagkatapos ay pumunta na sa isang kotseng magara.
Sundo niya pala yun
"Bye Trix!"
"Bye bye Trix! Welcome!!"
Nagpa-alam lang kami sa isa't-isa bago sumakay sa mga sundo, sumakay na rin ako sa limousine kung saan hinihintay ako ni kuya Ron.
Lumabas na ito sa parking lot at may itinurong mataas na gusali. "Kita mo yang building na iyan, ma'am?" Tanong pa nito at sabay naming tinanaw.
Nasa passenger's seat kasi ako kaya madali lang saming mag-usap.
"Trix nalang po, kuya." Magalang kong sagot dito. "Opo. Iyan ho ba ang Condo Building na pamamalagian ko?"
Ngumiti ito. "Oo, hija."
Malapit lang naman ang condo building. Sa katunayan ay pwede nga lang itong lakarin. Bale tatawid ka lang sa kabilang dako ng kalsada, at lalakarin ang 3 establishment tapos condo building na.
Tinulungan ako ni Kuya Ron pagbaba ng mga bagahe ko, pati narin ang pagpa-akyat ng mga ito. Pumasok kami sa Elevator.
May kasabay kaming babaeng naka-uniform. Receptionist ng building na mag-tuturo sakin kung pano gamitin ang card.
"This Elevator is really made only for the students of RIS, Ma'am. Kaya kailangan ng Card na ito, dahil hindi ito gagana kung walang ganito. 5th floor to 10th floor ay pagmamay-ari ng RIS. Inilalaan nila ang condo units na ito para sa mga imports nila." Nakangiting pagpapaliwanag ni ate.
Nakita kong idinikit niya ito sa monitor na nasa ibaba ng buttons ng elevator bago pumindot ng 6th floor.
Ramdam kong umakyat ang aming sinasakyan hanggang sa tumigil sa isang palapag. Bumukas ito at lumabas kami ni kuya Ron doon bago nagpasalamat sa babae. Binalik muna nito ang card sakin bago nag-labas ng card na may nakalagay na EMPLOYEE.
Tumigil kami sa harap ng pintuan kaya nagpa-salamat na ako kay Kuya Ron. Nagpaalam namana din ito.
Pagkasarado ko ng pinto ay inilibot ko agad ang aking paningin sa buong unit. Malaki masyado iyon para sa isang tao lang.
It has complete appliances such as Tv, Refrigerator, Washing machine, Microwave, Oven and such. May laman na din ang Ref nito. Punong-puno. Pero hindi ko na muna ginalaw iyong dahil medyo busog pa ako sa kinain ko doon sa eroplano.
Bago ko pa matapos ng ikot ang buong unit ay naala ko ang mga taong kakilala ko doon sa Davao kaya kinuha ko agad ang aking cellphone sa travelling bag. Binuksan ko ito pati na rin ang messenger.
Chineck ko kung nag-reply na ba si Mama sa chat ko pero wala pa.
Siguro, busy siya.
Habang yung kapatid ko naman ay naka-usap ko na kanina sa airport, siya ang una kong tinawagan nung nakarating na ang eroplano sa Manila.
Kaya ang binuksan ko nalang na Group Chat ay iyong amin ng mga kaibigan ko. Hindi na ako nag-send ng kung anong mensahe, agad kong pinindot ang Video Chat at hinintay na may sumagot.
"Wassup, alitaptap!"
"Trixx!!
"Naay gwapo dai?" (May pogi sis?)
"How's the flight dear?"
Samot saring salubong sakin ng aking mga kaibigan.
"Himala uroy nga naa moy load?" (Himala ata at may load kayo?) Sabi ko sa mga ito habang nag-lalakad papunta sa living room.
"Alangan! Ga hulat gud mi nga mag-post ka! Or mag-my day! Or mag-send lang dirig pics para paibugon mi" (Syempre! Hinihintay kaya namin na mag-post ka or mag my day. O baka mag send ng picture dito para painggitin kami.)
Tawa lang ang sinagot ko kay Cj bago umiling. "Kapoy man! Ipakita nalang nako sainyo ang akong CONDO!" (Nakakapagod. Ipakita ko nalang sainyo ang aking CONDO!) nang-uuyam kong wika sa mga ito, diininan ko pa nga ang pag-sambit sa salitang Condo at ipinaarte pa ang pagbasa nito.
"Char.. sanaol Condo ang animal" (Char.. sanaol Condo ang hayop)
Una kong pinakita sa kanila ang sala na kung saan ako naroroon. Puro lang sila 'Sanaol' habang nilibot ko ang buong unit. Sinunod ko ang Kitchen, binuksan ko lahat ng pwedeng mabuksan.
Pantry, Oven, Ref, Microwave at cabinets.
At ang huli ay ang kwarto ko. May dalawang kwarto lang ang unit na ito. Ang una ko lang pinuntahan kanina ay iyong isa. Kaya hindi ko pa din nakikita ang aking magiging kwarto.
Bumungad agad sakin ang isang simpleng kwarto na may pinturang puti. Kagaya lang din ng kabilang kwarto, pero mas malaki lang ito. May study table, vanity mirror, sariling cr, walk in closet, hanggang bewang na drawer, at shoe rack.
Pag-bukas ko pa sa closet ay may damit doon na nakabalot pa lang ng cellophane.
"Unsa na dai?" (Ano yan sis)
"Uniform ata. Wait lang" sagot ko sa kabilang linya at hinakot ang lahat ng nakasabit. Medyo nahirapan pa ako dahil hawak-hawak ko ang aking cellphone. Inilapag ko ang cellphone sa night stand at ang mga uniporme naman ay sa kama.
Una kong binuksan ang school uniform nila, masyadong maganda ito. Halatang pang-mayaman.
May naka-lagay na logo sa kaliwang bahagi ng uniporme. Logo iyon ng paaralan. Itinapat ko naman iyon sa aking cellphone para makita rin ng aking mga kaibigan.
Samot sari ang kanilang naging komento na hindi ko na pinansin. May napansin kasi akong naka-dikit na post it note sa isa sa mga uniporme.
Check the drawer in your room, close to the door. You will see a pouch that have nameplates and masks inside.
Hinanap ko naman agad ang tinutukoy nito, at meron nga. May nameplate na ang naka-lagay ay Apilyedo ko. Meron ding IMPORT, CHEER CAPTAIN, at DANCE TROUPE.
In-instruction-an ako na hindi ko muna gagamitin ang nameplate na may naka-sulat na apilyedo ko sa unang linggo ko sa paaralan. Paagamitin din ako ng mask. Iyong telang mask na kasama ng nameplates. Kakulay ito ng uniporme ko na may RIS na naka-sulat.
Bumalik na ako sa mga kaibigan ko dala-dala ang nameplates at mask. Inilapag ko lang iyon sa kama. Bago tinignan ang iba pang uniporme. May P.E uniform, may uniform sa cheerleading squad, at uniform sa Dance troupe ata.
"Sosyalens man kaayo ng school nana dai oy! Condo palang, klaro ng dato ang nga students." (Sosyalens naman masyado yang school na yan sis! Condo palang, halatang mayayaman na mga students.)
"Bitaw no! Awa gud pati uniform oh! Nice kayo!" (Oo nga no! Tignan mo nga yang uniform! Ang ganda!)
"Basig ma-bully ka dira dai ha?! Pero noon, gwapa man ka, mas gwapa lang ko. Pero okay na." (Bala ma-bully ka dyan sis ah?! Pero maganda ka naman, mas maganda nga lang ako pero okay na.)
"Gwapa kung ang katapad pantat" (Maganda kung ang katabi ay pantat)
"Kakapoy ninyo oy" biro ko sa mga ito. "Og unsa guy ma-bully oy? Movie ni dai? Story? Ha?" (Atsyaka anong mabubully? Nasa movie tayo sis? Story? Ha?)
"Bitaw dai! Unsay bully? Epekto nana sa Novelah nimo ba"  (Kaya nga sis! Anong bully? Epekto na yan sa kakaNovelah mo.)
"Hilom, ikaw man ganie sige og tiktok nagbuot ko?" (Shut up. Ikaw nga tiktok ng tiktok, nakealam ako?)
Napakamot nalang ako sa aking ulo habang patuloy na nakikinig sa ka-ingayan ng mga kaibigan ko. Nag-usap lang kami saglit bago ko napag-desisyonang mag-hang up na dahil nagugutom na ako.
Tinignan ko kung ano ang pwede lutuin, pero I end up cooking and eating Instant pancit canton and egg. Tanghaling tapat, pang breakfast kinakain ko.
After I eat, hinugasan ko ang aking kinainan pati ang ginamit ko pag-luto. Tapos, nilinisan ko ang lutuan. Nag-bihis at humiga na sa kama para makapagpahinga.
Welcome to Manila Self..

Book Comment (105)

  • avatar
    Belen Daradar

    done

    21/05

      0
  • avatar
    FeitorCamila

    😍😍😍

    10/04

      0
  • avatar
    marantankenth

    i like the story

    18/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters