Chapter 5

MONDAY! First day of pakening iskol! Jusmeyo! Medyo late pa akong nagising since napatagal ang tulog ko kagabi.
Siraulo kasi yung mga kaibigan ko! Prinank ba naman ako na naaksidente si Kurt! Umagang-umaga, magt-text sakin ng ganon? Sobrang kaba ko tuloy! Hanggang gabi nila akong pinaniwala na totoong naaksidente si Kurt. Halos hindi na akong kumain ng lunch at dinner, tapos hindi pa sila makontak? Like, after nila akong itext ng ganon, hindi nila sinagot tawag ko through number, and messenger. Wala ding nag-rereply sakin. Tapos around 11: 50 something doon pa sila nag-reply lahat na prank lang?
Uuwi na nga sana ako ng Davao dahil dun. Yun tuloy ng malaman ko pinag-galitan ko sila lahat, pero sila panay lang tawa.
Napa-iling nalang ako dahil sa ginawa ng mga ito at tinignan na ang aking sarili sa harap ng isang human size mirror, naka-tutok ako sa sarili habang suot na ang complete uniform, black shoes at bag.
Gwapo kayg uniform mga beh! Mo nawng gyud kang dato! HAHAHAHAHA
I chuckled because of that thought.
Nag-polbo lang ako at sinuklay ang mahaba kong buhok bago sinuot ang masks. Kinuha ko na rin ang cellphone, airpods pati wallet ko na nasa kama. I inserted one of my airpods then played the song that I will use for my intermission number.
Naka-sabit sa isang balikat ko ang bag habang hawak naman ang wallet at cellphone sa kamay.
Chineck ko ang buong unit kong may naiwan pa ba akong nakasaksak, nang masiguro kong natanggal ko na ang lahat ng nakasaksak binuksan ko na ang pinto palabas. Kasabay naman ang pag-bukas rin ng pinto na nasa harap ng unit ko.
I nod at her, gumanti rin naman nang kaway ang babae sakin. Tuloyan ko nang sinara ang unit bago nagpatiuna papuntang elevator. Nakababa agad ako, at ang bumungad sakin ay ang ibang students na nakasuot ng parehong uniform sakin. May masks din ang mga ito. Tapos yung iba naman ay mga may-ari na nang ibang unit na hindi students ng RIS, halatang mayayaman. Naka formal attire halos eh, like naka coat yung mga lalaki halos tapos with neck tie pa.
"Good morning ma'am!" Magiliw na bati ng Guard sakin. Lahat ng dumadaan ay binabati nito kaya bilang pag-sagot ay kinawayan ko si manong.
Mga sasakyan agad ang bumungad sakin pag-kalabas ko sa building ng condo. Nilakad ko na papunta sa school, may nakakasabay pa akong import din na papunta rin sa pedestrian para tumawid.
Pagkatawid namin naka-ngiting body guard ang sumalubong kaya ngumiti rin ako kahit naka-mask.
Maraming tao ngayon sa school since first day of school. May parents para sa mga batang studyante, kaya medyo sumikip sa reception.
I open my phone and immediately connect to the school's wifi para buksan ang E-mail ko. May In-Email kasi ang school sakin na schedule and Room number para madali kong mahanap ang room.
Pumunta ako sa building namin at umakyat sa floor kung saan ang mga classrooms ng Grade 10. Nakatingin ako sa may bandang ibabaw ng bawat room na may nakalagay na sections nang biglang mahulog ang phone ko.
Sheteng!
Pinulot ko agad ang cellphone bago tumingin sa nakabangga saking panay ang sorry, pero naguluhan ako ng makita ang reaction ng mukha niya.
"W-what?" alanganin kong tanong dito.
Bumaba ang tingin nito saking dibdib. Sasampalin ko na sana nang maalala kong may nameplate pala ako doon.
Assuming amp.
Ulawan unta, hapit. HAHAHAHAHA
"L-lead.." medyo mahina't utal na usal nito, sakto lang naman para marinig ko.
"Hindi. Ahh, ano, Import ako" sagot ko dito baka kasi napagkamalan niya akong kung sino.
Bigla itong ngumuso kaya napa-angat ang dalawang kilay ko bago kumunot ulit.
"Alam ko. Marunong naman ako mag basa eh"
Hindi ako makapaniwalang umiling sa kaniya. Para akong nawalan ng sasabihin dahil sa sinabi nito.
"Hi Lead! I'm Shen!!!" halos mapatalon ako at napasigaw pa konti dahil sa biglaang pag-lapit nito sakin ng sobra. Napalingon pa ang ibang students na nasa paligid namin.
"Anong section mo, Lead?" tanong nito sabay silip sa phone ko. Nakita ko naman agad na nag-liwanag ang mukha nito at bago umakto ng parang bata.
"We're classmates!" He smile and hold my wrist before pulling me somewhere.
Napansin kong papunta pala kami sa kinahulihang room ng hallway, at tumigil nga ito doon. Nagulat pa ako nang batiin siya ng kakaunti na studyanteng nasa loob ng classroom.
Tumayo kami sa harap ng lahat at kinuha nito ang atensiyon ng mga tao sa classroom by clapping his hands twice.
"Everyone! She is-"
"Hoy! Anak ng lintek ka! Nagpapasundo ka ba o ano? May practice tayo!"
"Baka gusto mong mag-attend ng practice? Baka lang naman."
Natigil ito sa pag-sasalita ng bigla nalang may sumingit dito, kasabay ang pag-lingon naming lahat.
Agad bumaba ang paningin ko sa katawan ng dalawang lalaki. Hindi ito naka-uniporme. Basketball Jersey ang suot ng mga ito, bago ako napa-lingon sa lalaking katabi ko ngayon. Doon ko lang napag-tantong basketball player din pala ito dahil sa suot na uniporme.
Naguluhan ako bigla nang marinig ang impit na sigawan at bulong-bulongan sa gilid ko, pero agad ko ring naintindihan nang makitang titig na titig ang nga ito sa dalawang lalaking nasa hamba ng pinto.
"Oh gago? Ano na? Uunahin mo muna ang landi sa import bago ang practice?" Medyo hindi ko gusto ang narinig ko sa lalaking nasa kanan na may wristband na may tatak na nike. Napansin ko namang pinagmamasdan na pala ako ng kasama nito.
"I'm not flirting, pinapakilala ko lang siya sa lahat, Jack" umirap muna ang katabi ko at binaling ulit ang tingin sa mga kaklase namin.
"Everyone, she's Import. Respect her, be kind. Anyways siya ang kapalit ni Anji." Just like that and he left the room with the two guys. Medyo napakunot pa ang noo ko at ngumiwi.
Binati ko ang lahat, binati rin naman nila ako pabalik bago nag-patuloy sa ginagawa nila bago kami dumating nung lalaking 'di ko alam ang pangalan' kahit nag-pakilala na.
Napili ko ang upuan na nasa bandang bintana, third row. Saktong wala pa rin kasing pumipili sa upuang banda rito.
Hindi naman ganoon kalaki ang room, parang more or less 30 students lang ang nasa isang classroom.
Mukhang mmatagal pa ang teacher namin dahil maaga pa naman, atsyaka konti pa lang din ang nasa loob. I checked my phone and 7:30 palang, may 30 minutes pa bago mag start.
Maya-maya pa ay biglang umingay sa labas ng classroom namin, parang may binabati sila. Doon ko lang nakilala kung sino nang pumasok ito sa loob ng silid.
Maputing babae na naka-
WHAT THE HELL? HERMES BAG PANG PASOK LANG SA SCHOOL? ANONG? ANONG KLASENG STUDYANTE 'TO?
Patuloy lang ako sa pagmamasid sa kaniya hanggang sa napansin kong nakatingin pala ito sakin na parang sinusuri rin ako. Iniwas ko na kaagad ang paningin ko dito at tumingin nalang sa sliding na bintana.
Hindi ko na alam kung saan pa ito umupo at kung sino yun dahil pinilit ko na ang sarili kong huwag siyang tignan ulit.
Grabe! Ganito kayaman students dito? Hermes na bag ginagamit lang pang school? Eh samin Jansport, Hawk, atsyaka Raccini lang eh, yung sale pa!
Hindi parin ako maka-paniwala habang inisip ulit ang pisikal na anyo nito. Maputi, may maliit na mukha, mahaba ang buhok, may hubog ang katawan, at halatang mayaman. Hindi ito iba sa mga babae na nakita ko kanina, pero alam kong angat ito kasi mukhang bagong klase ng Hermes ang gamit nito.
May nakita na rin naman akong gumamit ng mamahaling designer bag kanina, pero parents lang naman iyon. Yung mga students naman kahit mamahalin ang bag ng magulang nito ay hindi naman ganon kamahal din ang gamit na bag. Though alam kong hindi iyon basta-bastang bag din at nakakapang-laking mata din ang presyo nun, pero sigurado akong mas mahal parin ang Hermes!
Good God! Unang araw palang, nagmukha na akong pulubi! Ginoo!
"Good Morning Class!" Nabalik ako sa ulirat dahil sa taong pumasok at bumati samin, to found out na teacher na pala namin iyon.
Kasama nito yung lalaki kaninang naka-bangga sakin or nabangga ko or both? Pareho kaming hindi naka-tingin sa daan eh.
Tinignan ng lalaki ang mga upuan, sakto namang may bakanteng upuan sa banda namin. Ngumiti ito sa gawi ko, kumaway pa ito, at dahil nasa harap nga siya ay kitang-kita tuloy naming lahat kung pano niya iyon ginawa.
Nag-lakad ito patungo sa direksyon ng inu-upuan ko bago ngumiti ulit atsyaka dumaan sa harap ko papunta sa bakanteng upuan na nasa tabi ko para umupo roon.
Inilapit nito ang mukha nito sa tenga ko kaya agad ko namang naamoy ang pabango nitong mamahalin, sigurado ako.
"Tabi tayo lead!" Masayang bulong nito at tumawa pa na parang bata.
Tumango lang ako dito since hindi niya rin makita kahit ngumiti ako.
"Why don't you introduce yourselves everyone? Para makilala kayo ni miss Import at ng ibang transferee" suhistyon ni miss sa harap.
Kahapon, kasabay ang schedule na in-email sakin ng school ay sinabi din ako na hindi ako sasali sa introduce yourself, pati narin ang don'ts and do's.
Tulad ng bawal kong ipagsabi ang pangalan ko hanggat hindi pa mag monday ulit.
Nag-umpisa sa front row, isa-isa nilang sinabi sa harap ang pangalan pati narin ang konting impormasyon sa kanilang sarili hanggang sa umabot ito sa babaeng naka-Hermes. Maarte itong tumayo at umiindayog ang puwetan ng mag-lakad ito hanggang sa humarap samin nang tumabi na siya kay Miss.
Maarteng nilagay nito ang iilang tagas ng kanyang buhok at tumikhim. " Hi,I'm Samantha Perez"
Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nito.
Tumingin agad ito deretso sakin at parang nag-mamayabang na nag-salita. "Cheerleader, Campus Treasurer, Campus Muse, Consistent Honor Student."
Iyon lang ang sinabi nito pagkatapos ay nag-lakad na pabalik.
What's the meaning of her look?
Matunog akong napangisi pagkuwan ay tumingin nalang sa bintana.
Sunod-sunod ma ito hanggang sa natapos kaya ang teacher naman namin ang nag-pakilala. Pabalik-balik lang ang nangyari sa buong morning class namin.
First day of class pa kasi kaya puro pag-papakilala palang. Ngayon nasa labas na ang lahat at tanging ako nalang ang naiwan dahil lunch na.
Lalabas na nga din sana ako kanina nang mag-bell na pero may dumating na pagkain. Dala nang dalawang school officers daw, sabi pa na dito lang daw ako sa room kakain.
Tinanggap ko ang dala nila. Naka-talikod ako sa pinto para hindi agad makita ang mukha ko kung sakaling may dumating ay hindi nito makikita ang mukha ko sa likod ng mask.
Napakarami nang dinala nilang ulam. Steak, embutido, afritada, crispipata then sundae and cake for dessert.
Grabe namang mga pag-kain na 'to. Ako lang naman kakain! Pwede namanang steak lang. Napabuntong hininga nalang ako.
Isa ito sa kailangan kong kasanayan dito sa school na 'to. What would I expect in a school full of rich kids?
Tahimik lang akong kumain nang halos mapatalon ako sa gulat dahil sa nag-boses na papasok sa room.
"Hellooo leaddd!"
Nataranta ako at agad nag-punas nang bibig.
"Wait! Don't come near!" Ani ko pa bago kinuha ang mask para suotin ulit.
"Sorry! Hinanap kasi kita lead, akala ko di ka kumain. Andito ka lang pala." Lumapit na ito at umupo sa upuang nasa harap ko.
"Lalabas talaga sana ako kaso hinarang ako ng dalawang school officers. Sabi, dito daw ako kakain." pagpapaliwanag ko dito habang unti-unting nililigpit ang pagkain na hindi ko natapos.
Nilagay ko lahat iyon sa paper bag at nilapag sa lamesa ko.
"Sinunod ko na din kasi gutom na ako! Wala pala kayong snack time dito?" Dagdag ko pa, may reklamo sa boses ko.
Straight time kasi, kaya nagulat ako dahil wala kaming recess time! Ang yaman-yaman ng school, ang dami-daming pagkain cafeteria tapos walang recess? Aba!
Tumawa naman yung lalaki sa harap ko kaya napa-kunot noo ko.
buang?
"May recess time kami. Wala nga lang ngayon kasi first day of school palang." Anito
Patuloy lang kami sa pag-uusap ni Shen and finally I remember his name. Madami na din akong alam tungkol sa sarili niya dahil madaldal ito, pero siyempre wala akong masyadong sinabing personal info sakin, pinaliwanag ko sa kaniya na bawal pa at naintindihan din naman daw nito.
Hanggang sa di namin namalayan ay first period na pala sa hapon, kaya naman pala may dumadating ng mga students.
"Miss Import, nasa labas si Mr. Fuentabella dahil may practice ka para sa intermission mo. And also those students who have business in Welcoming of Imports, may meeting kayo. Proceed" iyan agad ang binungad samin ni miss kaya lumabas na agad ako dala ang mga gamit ko, pati na ang pagkain kanina.
Isang matangkad na lalaki agad ang nakita ko pagka-labas na pagka-labas ko ng pinto. Naka-tingin din ito sakin habang naka-kunot ang kilay na naka-taas ang isa.
Hindi naman naka-takas sa paningin ko ang pag-Head to Toe nito sakin bago lumapit.
Tumikhim muna ito kasabay ang pag-lahad ng palad. "Whisper Jack Fuentabella. Isa ako sa leader ng dance troupe, partnered with Anji, yung pinalitan mo."
Tinanggap ko naman agad ang kamay nito at tumango-tango habang naka-ngiti.
Ngiti ka pa. Di rin naman niya makikita.
Sabay kaming bumitaw, tumalikod naman ito bago sumenyas na sundan ko siya.
"You will have your practice here. From today until thursday." Wika nito nang makarating kami sa harap ng isang room.
Pumasok kami sa loob, napalibutan ng salamin ang buong classroom dahil nga dito ang practice room ng dance troupe. Nag-lakad yung Whisper papunta sa isang pinto kaya sinundan ko ito.
"This is Locker room and shower room" anito sakin atsyaka binuksan ang isang locker.
Napakunot ang noo ko nang iminuwestra niya sakin iyon.
"This is your locker. There are 5 sports bra, and leggings in there." Tinuro nito ang damit sa loob.
Lumapit ako kaya umalis siya doon. Tinignan ko ang mga ito, at makikita mong bago pa talaga dahil may mga tags pa sa likod.
Alanganin akong lumingon sa kaniya, naka-masid pala siya sakin and when he saw me looks at him he raise his brows.
"Uh.. should I really wear t-these when I practice?"
Umangat ang dalawang kilay nito at matunog na ngumisi bago umiling.
"Nope. Tuwing second to the final practice ka lang mag-susuot ng ganyan para uniform, kasi sa gym ang practice." Paliwanag nito kaya tumango naman ako. Sinara ko na ang locker at kinuha ang susi.
"You don't wear those kind of attires?" He suddenly ask me. Napakamot ako sa batok ko bago ngumiti ng pilit.
"Nag-susuot naman... di nga lang ako sanay na palagi"
Tumango-tango naman ito, tumaas ulit ang isang kilay. "My type of girls"
Ilang minuto akong napatulala dahil sa sinabi nito bago siya sinundan dahil agad ako nitong tinalikuran ng sabihin ang katagang iyon.
Anong ibig sabihin niya nun? Siraulo
Nakita kong kasama na niya sila Sam, Dana, Paty, Tine, at Kiala. May pinag-uusapan sila ni Kiala habang si Sam ay nagpipipindot doon sa parang tablet na nasa gilid.
Sa sounds tingali
Si Paty ang unang naka-pansin sakin.
"Hi T!!" Tawag pa nito sa name initial ko.
Lumingon naman sa gawi namin si Whisper at ngumisi. "T, huh?"
Napa-tingin tuloy sa kaniya ang lima.
"Anyways, gonna leave you here. I still have class, practice well" tumingin pa ito ulit sakin bago tuluyang umalis.
"Ano yun??"
"Hoy T!! Ba't may pa tingin?"
Nanlalaki ang mata ko at nakakunot ang noo nang napatingin sa kanila.
"Anong ano yun?" Naguguluhan kong tanong.
Nag-make face agad si Paty, ng aasar! "Si Whisper! Ba't ganon tingin sayo?"
Napa-atras ang leeg ko at mas lalong napakunot ang noo.
Ka-issue gud?
"Paano ba tumingin sakin si Whisper?" 
"Pamang-maangan agad siya oh! Asus! Practice na nga tayo. Si Whisper nalang tanungin ko, laturr!"
Leyturr??
Ma-issueng tumingin si Dana sakin nang nakita niyang naka-ngiti ako kaya agad kong tinikom ang bibig ko at umiling-iling.
"May pa tawa mga sis! Alam na this!"
"Hoy! Natawa lang ako sa latur mo no! Issue ka ah!" Ani ko dito bago tinalikuran sila para maka pag-bihis.
Pagka-tapos kong mag-palit ng damit nag warm up na kami para makapag-simula na. Ini-lock namin ang dance studio at pinatug-tug na ang sounds.
Pare-pareho kaming naka-tingin sa reflection namin sa harap ng salamin. Tinitignan ang bawat galaw ng aming mga katawan. Mabilis kasi ang kanta na sasayawin namin kaya masyadong hype kaming gumalaw at bigay todo na parang final na performance na namin ito.
"Water break!" Hinihilang na ani Kiala pag-katapos ng mahigit isang oras naming non-stop practice.
Agad kong nilapitan ang tubig na hinatid samin kanina. Nakita ko namang binuksan nila Dana at Paty ang windows kaya kita na namin ang hallway ngayon.
"Silverbacks oh!" Naagaw agad ang pansin naming lahat ng biglang sumigaw si Dana.
Tumakbo naman si Sam at binuksan ng konti ang pinto para makatingin din sa labas.
"Wala si Cap?" Nagugulohang tanong ni Paty
"Baka nasa court na"
"Ba't may practice sila ngayon? Class hours diba?"
"Para maka-attend sila ng Welcoming of Imports."
Nakikinig lang ako sa kanilang lima habang nag-uusap sila about sa Silverbacks.
Silverbacks?
Silverbacks? HAHAHHAHHAA unggoy yun diba?
"Who are they?" Wala sa sariling kong tanong sa kanila.
"They are the basketball varsity team." Tumango-tango nalang ako bago binaling ulit ang aking paningin sa mga kalalakihan na nasa malayo.
May umagay sa aking paningin bigla. Naka-tagilid ito kaya hindi ko sigurado pero nung humarap na ang mukha nito at nakita ko na ng buo, tuloyan na akong natigilan sa di malamang dahilan.
Who the hell is he?

Book Comment (105)

  • avatar
    Belen Daradar

    done

    21/05

      0
  • avatar
    FeitorCamila

    😍😍😍

    10/04

      0
  • avatar
    marantankenth

    i like the story

    18/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters