Chapter 8

Saturday is weekend pero dahil kasali ako sa cheer leading squad, kailangan kong pumunta sa school.
Sabi naman sakin kahapon sa email na hindi naman daw practice ang magaganap, bale kailangan lang kaming makilala ng coaches and know our capabilities. So it means lahat ng imports ang pupunta at wala rin daw ang ibang athletes na dapat may practice ng sabado.
Nasa harap ako ngayon ng salamin, tinitignan ang mukha kong- I'm not sure if I can still call this as 'face' tho..
Bagong gising pa kasi ako, 7 a.m. since around 10 kami kailangan sa school.
Pumasok na ako sa banyo para mag-mouth wash at mag-hilamos. Hindi na muna ako nag-toothbrush kasi mamaya pa namana ako maliligo.
Bago ako lumabas sa kwarto ay sinigurado ko munang desente akong tignan kahit naka-pambahay pa lang, kasi pupuntahan ko si Shine sa kaharap na unit.
Kinuha ko muna ang phone ko bago lumabas at isinara ang aking unit. Tinignan ko ang aking kanan at kaliwa, wala pang tao na nasa labas.
siguro tulog pa..
I punch Shine's passcode at agad pinasok ang kaniyang unit. Ngayon pa lang ako makakapasok dito kasi kagabi hindi na ako pumunta sa unit niya kahit nag-aya siya nung tapos na siyang tumambay sa unit ko.
Pareho lang naman lahat, yung mga gamit, kulay pero yung pag-kakaayos ang magka-iba. Dumiretso ako sa kuwarto niya at nakita siyang natutulog pa habang alarm ng alarm ang digital clock sa gilid nito.
I chuckled dahil sa nakita ko, ang gulo kasi ng buhok niya atsyaka yung porma niya sa kama parang darna.
pero in fairness, gwapa gihapon!
"Shine. Shine. Hoy!" Niyugyog ko ito ng marahan pero hindi parin nagising.
Pinalibot ko ang tingin sa kwarto niya, napansin kong sirado pa pala yung kurtina ng bintana nito kaya medyo madilim pa sa loob.
Binuksan ko agad iyon para masinagan siya sa araw at umaasang gumising at nagising nga siya.
"Morning"
Humikab muna ito. "I thought it wasn't real when someone's waking me up"
Ngumisi lang ako sa kaniya. "Fix your self, luto muna ako."
Bago ako lumabas ay nakita kong humiga ulit ito pero alam kong babangon na yun.
Tinignan ko ang fridge nito, inilabas ko ang egg, ham, toccino. Nag-luto muna ako ng kanin sa rice cooker at hiniwa ng pagka-liit-liit ang kamatis, sibuyas dahon, atsyaka sibuyas.
I crack the eggs and place it in a bowl pagkatapos ay hinalo ko doon ang kamatis, at mga sibuyas. Tinimplahan ko na din ito at inilagay muna sa gilid.
Habang nag-hihintay na maluto ang kanin ay kinuha ko ang aking cellphone, tinungo ko ang sala ng unit ni Shine para tignan kung ano ang wifi password nito.
Nang nakonek ko na ay bumalik ako sa kusina at binuksan ang aking facebook app. Una kong tinignan ang notication ko, may tinag sakin ang school page kaya binuksan ko ito.
Reidley International School
Ms. Triciana Xielin Fernández to y'all Reisians!
Visit her social media accounts:
Facebook: Trix Nández
Tiktok: @Trixiee
Iyan ang caption at may naka attach pang mga photos na pinost ko sa aking facebook account. Umani agad ito ng napakaraming reacts, share at comments. Five thousand reacts na ito kahit kagabi pa lang na-ipost.
Binisita ko ang page ng school para tignan ang mga ibang post pa nito. Pinost pala nila ang mga picture ng imports sabay tag sa facebook account. Pare-parehong madaming reacts, share at comment ang bawat pictures. May umabot pa nga ng ten thousand reacts! 
Umabot ako sa post nila kay Shine. Pinindot ko iyon at tinignan ang mga pictures na naka post.
Reidley International School
Ms. Shine Miracle Perez to y'all Reisians!
Visit her social media accounts
Facebook: Mira Perez
Twitter: @Miracleshine
Instagram: @Shinyshine
Tiktok: @Miracle--
Pinindot ko ang facebook account ni Shine at tinignan ang timeline nito. Kaya pala nalaman nila kung ano ang twitter at insagram ni Shine kasi naka lagay sa links nito, sakin kasi wala.
Ia-add ko na sana nang makita kong in-add pala ako ni Shine kaya kinonfirm ko. Bumalik naman ako sa page ng school at nag scroll down pa. Nakita ko ang isang status nila bago pinost ang mga mukha ng imports, sobrang daming comments ng iyon.
Reidley International School
Bakit curious na curious kayo sa mga social media accounts ng mga imports Reisians?
Napatawa ako doon at ibinalik na sa aking newsfeed ang screen. Patuloy pumapasok ang notification ng messenger na may nag-memessage request daw sakin, tapos sa instagram at twitter naman na may messages at may nag-follow daw.
Hindi ko na muna pinansin ang mga iyon at nag-iscroll na sa aking newsfeed. Pagkatapos pa ng ilang minuto ang narinig ko na ang hudyat ng rice cooker na luto na ang kanin.
Tinigil ko na ang aking pagce-cellphone't sinimulan nang mag-luto ng ulam namin.
Pinag-sabay kong lutuin ang itlog at ham sa mag-kabilaang burner. Habang nasa kalagitnaan ng pag-luluto ay lumabas si Shine sa kwarto niyang bagong ligo at naka pambahay na.
"Ohhh.. ano niluluto mo?"
"Ham, toccino and egg with tomatoes-- wait do you eat egg with tomatoes and onions?" I suddenly ask her. Hindi ko pa pala alam kung kakain siya nito o hindi. I should've ask her.
"Ah yes. No worries" she smiled.
She then prepare our plates and the rice while I'm transferring the egg and ham in different plates then start cooking the toccino.
"Ano iinomin mo?" Tinanong ako nito at pumunta sa lagayan ng tasa.
Habang naglu-luto ng toccino ay sinagot ko siya. "Do you have chocolate drink, right?"
"Yes,i have. You want that?" I just nod since I feel like she stares at me.
"Oki-dokies!" Binuksan nito ang ref at nag-lagay ng chocolate drink sa tasa ko.
Bigla itong tumigil at tumingin ulit sakin. "You want it hot?"
"You gonna put it in microwave?" I glance at her and she nods so i nod back.
Nilagay niya iyon sa microwave at nag-timpla na siya ng kape niya.
Nilipat ko na sa plato ang toccino at pinatay ang apoy bago nilagay ang plato sa lamesa. Umupo na ako sa dining chair habang siya ay nag-hihintay sa may bandang microwave.
"Hindi ka umiinom ng kape?" Kuryusong tanong nito habang hinihipan ang kape.
"I'm not allowed to.." I scratch my eyebrows and close my one eye.
"To drink coffee?" I nod.
"Why?"
"I have migraine."
"When you have migraine, you not allowed to drink coffee?"
"Uh, the doctor told me that."
"Ohh" amazed itong tumango-tango na parang ngayon lang nalaman ang bagay na iyon. Kinuha na nito ang aking tasa sa microwave at inilapag sa lamesa bago may tinignan sa cellphone niya.
Hinipan ko ang aking chocolate drink para matikman ko na ito.
"Uh, it says here na pwede ka naman daw uminom ng kape, wag lang dalasin."
Gulat akong napatingin sa kanya. "REALLY? Gosh! I've been wanting to try Iced coffee since then, pero hindi lang ako umiinom dahil bawal sabi nung doctor!"
Umiling-iling ako. "I should've search it! But anyways, thankies! Let's buy Iced coffee later! You drink something like that right?"
She nod. "Yes.. but no, you won't drink some"
"Hala bakit??"
"Kase bawal ka." She pointed out.
"Kakasabi m-"
"Ganon parin yun-- AHA! bawal ka pala ng cola!" Tinuro niya ako na parang may ginawa akong karumal-dumal na krimen.
"Oo" tumango ako dito at pumikit para mag-pray.
Hindi na din naman ito muna nag-salita, after praying I open my eyes at nakita ko itong kakabukas lang din ng mga mata.
"Eh bakit ka uminom kagabi?" Kumuha ito ng ham at inilagay sa plato niya bago ako tinapunan ng tingin.
Sumubo muna ako at nagkibit-balikat. Umiling-iling nalang ito tsyaka nagpatuloy na sa pagkain.
Mabilis naming na tapos ang aming pagkain at agad niya na akong pinabalik sa aking unit para makapag-handa na daw ako ng sarili.
Pumasok agad ako ng kwarto nang makarating ako sa aking unit upang kunin ang towel at makaligo at toothbrush na kaagad.
Hindi na din ako nag-tagal masyado sa cr. Tinignan ko ang aking digital clock saktong pag-labas ko at 9:00 a.m na kaya nag-bihis na agad.
Isang gray leggings ang aking sinuot at oversized white tee then partner it with nude thong ankle strap flat sandals.
I grab my wallet then slid the half of it inside the leggings so that I don't have to bring bag.
Pinansak ko na din ang earphone sa tenga ko bago lumabas ng unit.
Kumatok ako sa unit ni Shine, at agad naman nitong binuksan iyon. Naka-suot ito ng black high waist fitted pants tapos black na croptop at black na shoes.
Lamay ata pupuntahan
"Saan wallet mo?" Tanong ko dito habang naglalakad kami papunta sa elevator.
Kinuha nito ang cellphone na nasa loob ng front pocket nito at binuksan ang phone case. There i saw her card. Yung card na binigay ng school.
"Hindi ka nag-dala ng cash?"
"Hindi. Why would I?" Nakakunot-noong tanong nito bago kami sumakay sa elevator.
"Pano pag ma-decline iyan?" Nakita ko siyang natigilan at parang na-realize niya ang aking sinabi.
"Uhh? Ikaw mag-babayad" tumaas-taas ang dalawang kilay nito habang naka-ngisi sakin.
Nang dumating na kami sa school agad naming hinanap ang conference room kasi doon daw magki-kita-kita ang lahat.
Puro pakilala lang naman ang nangyari sa buong araw namin sa school. Duon na din kami pinag-lunch ng faculties.
Hindi lang pala coach ang kikilalanin namin, kasali pala ang teachers, heads, coach ng academic activities. Tulad ng Journalism, Subject clubs, ganon. Pati din si Dean at ang mga shareholders kasabay din namin kumain.
"MALL tayo?" Amaze akong napatingin kay Shine ng sabihin niya yun.
Abi gyug naay cash dala ang gaga
Ngumisi ito. "Magwi-withdraw ako, don't worry!"
Tumawa ako dito bago pumara ng taxi.
"San tayo ma'am?" Tanong agad ni kuyang taxi driver nang isinara ni Shine ang pinto.
Doon ko napag-tantong wala kaming alam na mall dito sa pasig. Napa-kunot agad ang nuo ko at tinignan si Shine, pero umiling-iling ito sakin.
Hilaw akong ngumiti kay kuya. "Tignan ko muna kuya, teka.."
Agad kong kinuha ang phone ko at nag-search sa google ng mall na malapit lang sa school, pagka-tapos ng ilang minuto may napili na akong isa.
"Ayala Malls the 30th, kuya" ani ko at tumango naman agad ito sakin.
Mabilis lang kaming naka-rating sa mall at agad ng nag-bayad.
I immediately scan the whole front exterior design of the tall mall.
Pagka-pasok palang namin ay napagkasunduan agad namin ni Shine na bumili ng zagu kaya nag-hanap kami ng zagu sa mall.
"Chocolate" Ngumiti agad ako ng pagka-laki-laki sa kanya habang siya naman ay pinaliit ang mata niya habang napa-iling-iling.
"Dalawang chocolate, kuya" anito sa lalaki at ngiting tagumpay naman agad ako.
Habang nag-hihintay sa zagu ay nag-libot agad ang mga mata ko sa mga tao na nasa mall ngunit napa-kunot ang nuo ko ng may parang namukhaan.
Hindi ko alam kung sino ito at pilit inaalala. Naka-itim na pantalon ito at puting t-shirt habang may dalang paperbag sa kamay na may tatak ng mamahaling brand.
"Here's the 2 chocolate ma'am." Napa-lingon agad ako kay Shine at nakita siyang nag-babayad na.
"My treat" she smiles then give me the drink.
Tinanggap ko ang zagu at ngumiti bago binalik ang tingin ulit sa tao kanina pero wala na ito sa pwesto nito.
Hanggang sa umabot ng hapon ay iniisip ko parin kung bakit parang nakita ko na talaga ang lalaking 'yon. Kahit hanggang sa naka-uwi na ako sa condo unit, hindi parin ako mapakali.
Natapos nalang ako sa pagkain at pag-hugas ng pinggan pati ang pag-half bath. Ngayon ay naka-tutok nalang ako sa ceiling habang iniisip parin yon. Sa hindi ko malamang kadahilanan ay hindi mawala sa isip ko ang taong yun, para bang kilala ko talaga siya.
Paikot-ikot ako sa kama nang biglang may pumasok saking isipan at tuloyang nakilala ang tao kanina.
Van..

Book Comment (105)

  • avatar
    Belen Daradar

    done

    21/05

      0
  • avatar
    FeitorCamila

    😍😍😍

    10/04

      0
  • avatar
    marantankenth

    i like the story

    18/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters