Homepage/Love in Distance/
Chapter 9
"Oy! Trixxx! Wake up!" Nagising ako dahil sa mahihinang tapik sa pisnge ko.
Bungad na bungad agad sakin si Shine na bagong ligo at naka-pambahay na t-shirt tapos palda ng school.
"4 na Trix, bangon na" hinila niya ako sa kamay bago humawak sa dalawa kong balikat para maiwasan ang pag-tumba ng antok ko pang katawan.
Binukas ko ang dalawa kong kamay habang napipikit-pikit pa.
"What do you want?" She ask me.
"Hug" I pouted pero nakapikit parin.
Without asking another question she then hug me then caress my back.
"Sleepy pa" Ani ko na parang bata. Hindi masyadong malinaw habang ang baba ay nakapatong sa balikat niya.
She chuckle. "Clingy ka pala pag-bagong gising ah. Hmm.. sige na tara na, baka ma-late ka sa first day ng practice."
We just stayed for a few more minutes bago niya ako pilit na binangon, habang naka-simangot parin at malapit ng umiyak kasi antok na antok pa talaga.
Hindi pa masyadong naka-bukas ang dalawa kong mata nang pumasok ako sa cr. I remove my clothes then place my towel and bathrobe sa lagayan. Binuksan ko ang shower pero nasa-gilid lang ako kung saan hindi ako nababasa, tapos tinignan ang tubig na tumatagas sa tiles.
"Trix, ligo na, okay?"
Napa-simangot ako at tumingin sa pinto. Sinubukan kong lumapit sa parte kung saan nababasa na ng shower pero agad akong umatras ng nabasa.
Ay ih! Katugnaw!
Tumingin ulit ako sa pinto habang naka-kunot ang nuo.
Manuktok napud to! Sigurado! Ih!
Nag-pailalim na ako sa shower at nag-tatatalon ng tuloyan mabasa ang buo kong katawan ng sobrang lamig na tubig.
Nang matapos akong maligo ay agad akong nag-bihis ng malaking white shirt na pambahay at black cycling.
"Good morning!" Bati ko kay Shine nang maka-pasok ako sa kusina at nadatnan siyang naglu-luto.
"Morning. Drink that drink first" turo nito sa dalawang tasa na nasa lamesa. Yung isa Coffee, habang yung isa ay choco.
Lumipas ang ilang minuto at inilapag na nito ang niluto. Cornbeef at spam ito tapos fried rice, may sandwich din siyang ginawa.
"May practice ka din ngayon, Shine?" Tinaas nito ang isang kamay, parang sinasabing 'sandali lang' at nginuya ang pagkain.
"Oo meron, pero hindi ko alam kung practice na practice na ba talaga since wala pa akong baton"
"Ipapakilala pa ata tayo sa mga kasama natin no? Ang aga pa naman kasi kung practice na agad, wala pa namang papalapit na contest."
Tumaas ang isang kilay nito at parang nagtataka. "Hindi advance practice inyo duon sa school niyo?"
Umiling agad ako. "Hindi! Magpa-practice duon, mga isang buwan bago ang laro."
"Well that's quite good for the players, kasi hindi napapagod ng sobra. Samin kasi doon sa school namin ganito din, early ang start ng practice."
Ilang minuto pa ay natapos na kami sa pagkain at nag-hugas na ako ng pinggan habang si Shine ay bumalik na sa unit niya para mag-ayos na ng sarili.
After kong mag-hugas at mag-toothbrush, pumasok na ako sa kwarto para mag-bihis. Magu-uniform lang ako tapos doon na mag-bibihis sa school. Kinuha ko ang travelling bag ko na may lamang damit at gamit na ilalagay ko sa locker. Nilapag ko ito sa couch sa sala at bumalik ulit sa kwarto.
Nag-apply ako ng liptint at polbo bago kinuha ang school bag. Chineck ko ulit ang sarili ko sa harap ng salamin. Hindi ko sinudlay ang mahaba kong buhok para medyo wavy ito ng konti, naka-liptint at polbo ako tapos complete uniform. Ready to go.
Bitbit ko sa dalawang balikat ang school bag, tapos hawak-hawak ko ang aking cellphone, sinuot ko na din ang airpods at hinawakan sa isang kamay ang aking travelling bag.
Tinungo ko na ang shoe rack ng okay na ang buong condo at isinuot ang aking sapatos tapos ay lumabas na sa condo.
Pumunta agad ako sa harap na unit ng kwarto ko, unit ni Shine at pinunch ang code.
"Shine? You done?" I shouted as soon as I enter the room.
"Almost!" Galing sa kwarto ang tinig na iyon kaya umupo nalang muna ako sa sala kasi baka nag-bibihis pa si Shine.
After a minute or so nakarinig ako ng foot steps at sigaw galing sa hallway. "I'm done!"
Naka-uniform di ito, she tied her hair into pony tail tapos may liptint din ito sa labi.
"Wala kang dadalhin para sa locker mo sa practice room?" I ask her nang mapansin na isang bag lang ang dala nito she then point something under the coffee table.
Kinuha ko ang isang maliit na bag.
"Ito lang?"
"Yup." At kinuha sakin ang bag sabay lakad papunta sa pinto kinuha ko naman agad ang gamit ko at sumunod sa kaniya.
Pinalabas niya ako una bago isinara ang pinto tapos ay sabay na naming tinungo ang elevator. May mga nakakasabay kaming imports, ang iba ay nginingitian namin habang yung iba naman ay busy sa ginagawa hanggang sa loob ng elevator.
Medyo madilim pa nang lumabas na kami sa condo building, it's 5:25 tho. Malamig din ang hangin kasi umaambon.
Wala pa masyadong tao sa loob nang school pagpasok namin. Kanya-kanya na kaming umakyat ni Shine sa floor kung saan ang room namin hanggang sa pinatawag na ako ng coach ng cheerleading squad.
"Morning, coach" bati ko agad kay coach nang makaharap ko ito.
Ngumiti naman ito sakin. "Good Morning, Fernández. Una muna tayo sa practice room natin, then sa court ng soccer team, tapos last yung basketball court. Kailangan mo kasing makilala both players and captain ng parehong team."
Ngumiti lang ako at tumango tsyaka sinundan si coach.
Tumigil si coach sa harap ng isang pinto bago binuksan ang pinto para sakin. Bumungad agad sakin ang isang napaka-laking kwarto. Para din itong basketball court kaso nga lang napapa-libutan ng salamin ang apat na dingding ng kwarto.
Nahagip agad ng paningin ko yung Samantha Perez. Nagst-stretching din ito katulad ng iba. Nakasuot ito ng sports bra at cycling short tapos may airpods sa tenga niya at nakatali ang buhok.
Sinenyasan ako ni coach na lumapit sa kaniya na agad ko din namang sinunod. Kaharap namin ang buong cheerleading team na nagst-stretching, isa na doon yung Samantha na hinead to toe ako bago tinaas ang kaniyang kilay habang naka-tingin sakin.
"So everyone, alam kong kilala niyo na siya but let me introduce her to all of you personally. She's Trix Fernández and she will be you cheer captain for the whole school year."
"Hi" ngumiti ako sa kanila at ngumiti din naman sila sakin pabalik, maliban nalang kay Samantha Perez.
I don't know what's wrong with her. She's being weird.
"Okay, hmm, continue doing your thing in here then we'll start practicing pag-balik namin."
Just like that at lumabas na si coach sa practice room. Agad naman akong sumunod at pumasok nanaman kami sa isang kwartong sonrang laki. Medyo may kalayuan ito sa practice room ng cheerleader.
Inilibot ko agad ang paningin ko. May mga bleachers na may naka-upong players na naka-jersey, may pinto sa pinaka-dulong parte ng silid na nilalabasan ng mga players, baka locker room. Then my eyes next landed to the goal area of the court, doon ko narealize na soccer court pala ito, an indoor one.
"Umupo ka muna sa bleachers Miss Fernández, I'll just go to their coach." Hindi na ako naka-sagot kay coach at basta nalang tumango bago umupo sa bleacher kung saan malapit sa goal pero malayo sa players.
Bilib na bilib akong tumingin sa mga paa ng players, bawat tira nito at pagpapa-ikot nito sa bola.
I really love soccer.
Naalis lang ang aking paningin sa mga nag-lalaro nang may biglang tumikhim sa gilid ko, si coach pala iyon kasama ang isang lalaki na sa tingin ko ay coach ng soccer team. Napatayo ako agad at binati yung isang coach.
Bumati ito pabalik bago nilingon ang mga players.
"Fuentabella!"
Agad natigil ang laro at humarap samin ang lahat ng players habang yung isa naman ay tumakbo palapit samin.
Ito pala yung lalaking head din daw ng dance troupe na nag-pakilala sakin!
What is his name again?
Nakatutok lang ako sa pawisang lalaki, hinawi nito papuntang likod ang kaniyang buhok bago huminga gamit ang bibig dahil sa pagod sa laro.
"Miss Fernández, he's the team captain of the highschool soccer team and--." Nagkatinginan agad kami nung lalaki.
"I know her coach."
"Hi, Miss Fernández." Inabot nito ang kamay sakin na agad ko namang tinanggap nang may ngiti sa labi.
"Hello, Mr. Fuentabella." Tinignan niya ako sa mata na ikina-ilang-an ko.
"You forgot my name." It's not a question. He's sure of it.
"I'm sorry, I'm not really good in memorizing names." Binitawan na nito ang kamay ko at ngumiti.
"Whisper Jack."
Whisper Jack. Whisper Jack. Whisper + Jack. Equals? Uhm? Whick!
"Anyways, kailangan pa namin pumunta sa basketball team, coach Jeff" ani ng coach ko sa coach ng soccer team kaya agad na kaming nag-paalam.
Ang sunod namang naming pinuntahan ay hindi kalayuan sa court ng soccer. Pumasok agad si coach doon at nag-pito siya kaya agad tumigil ang mga players na nag-lalaro. Pumunta kami sa gitna ng court at mabilis namang lumapit lahat ng basketball players.
"Hi lead!" Tawag ni Shen sakin. Kumaway at ngumiti lang din ako sa kaniya pabalik, ngunit nawala ang ngiti ko nang makilala ko kung sino ang katabi nito.
Nakahawak ito sa magkabilang bewang nito at naka-ngiti sakin. Base sa ngiti nito ay alam ko na agad na hindi nito ako kilala. Pogi talaga si Van nang pinakita ni Shine sakin dati pa ang litrato nito, pero hindi ko inaasahang mas pogi ito sa personal.
"Oh boys, kalma lang, yang mga ngitiang yan" umiling-iling agad si coach at biniro silang lahat.
"Kalma pa kami sa lagay na 'to coach." Tawa naman agad nung isang di ko kilalang lalaki na naka-jersey.
"By the way, asan si cap at coach niyo?"
This time si Van na ang sumagot. "Si cap nasa locker room pa coach, late kasi dumating, habang si coach ay ewan saan."
"Oh ayan na pala si cap!" Sabay kaming tumingin sa left side kung saan itinuro ng isang player.
Hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito dahil near sited ako, ngunit naka handa na ang ngiti ko para batiin ito.
Nilingon ko muna ang ibang players na nakikipag-usap samin hanggang sa tumikhin na si coach kaya lumingon na ako.
Gulat agad ang rumehistro sa pareho naming mukha nang makilala ang isa't-isa, ngunit agad din itong naka-bawi na para bang alam na nitong magkikita kami.
Doon lang pumasok sa isip ko na baka sa welcoming of imports palang ay alam na nitong andito ako sa paaralan nila at import pa.
"Shoff, this is Miss Fernández the import cheer captain. And Miss Fernández this is Andrie Elias Shoff the team captain of the basketball team."
Andrie Elias Shoff
After almost two years, I finally know his complete name.
Mapait akong napatawa sa isip ko.
"Hi. I'm Andrie Shoff" saad nito sakin at iniabot ang kamay nito.
Napakurap-kurap agad ako at tumikhim muna bago ngumiti at tinananggap ang kamay nito.
"Hi. I-I'm Trix. Cap?" Sinadya ko siyang tawaging cap katulad ng tawag ng kaniyang team sa kaniya.
Mabilis kong binatawan ang kamay nito at lumingon kay coach.
"Puntahan ko muna si coach Sam, Miss Fernández. You stay here first." Para akong nanlumo nang marinig ang sinabi ni coach.
Pilit akong ngumiti dito at tumango bago nilingon ulit ang ibang players. Sinadya kong iwasan ang tingin ni Andrie na alam kong naka-tingin sakin.
"Ah, lead! Upo ka muna dito sa bleacher, lead." Agad akong iginiya ni Shen at inalalayan pang mag-lakad.
Narinig ko agad ang samot-saring komento ng kaniyang mga kasama.
"Tangina Shen! Pumaparaan kang bata ka!
"Galawang pakboy! Tanginamo!"
"Hoy gago!"
"Potanginang bata 'to, naunahan ako?"
Natigil lang ito bigla nang nag-salita ulit si Andrie.
"Back to practice." Iyan lang ang sinabi nito pero nakita ko agad na nagsi-balikan ang lahat sa practice nang maupo na ako, pati din si Shen ay tumakbo pabalik sa gitna ng court.
Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng court habang nakahawak sa itaas na bahagi ng siko ko kasi nilalamig ako. Malamig kasi ang court nila tapos malamig pa sa labas.
Napa-lingon lang ako agad nang may nag-lagay ng jacket sa balikat ko. Agad ko naman itong hinubad nang makitang si Andrie ito na naka-upo.
"Ah,it's okay." Iling-iling ko dito at pilit isinuli ang jacket.
"You're cold. Wear it."
Iyon lang ang sinabi nito pero agad akong naka-ramdan ng kung ano sa dibdib ko. Huminga ako nang malalim at ngumiti sa kaniya.
"How are you?"
Tinignan ko siya sa mata pero agad ko ding iniwas at sa sahig nalang tumingin.
"I'm doing well, so far. How 'bout you?" Nakangiti parin ako at tinignan siya ulit.
"I'm fine. Thank you."
Bumaba ang tingin ko sa paa nito na may suot na mamahaling sapatos. Bago ibinalik ang tingin sa kaniya, na naka-tingin din pala sa paa niya.
"My injury is fine."
"Good th-"
"Pucha cap! Kami naka-sando, at kanina pa andito pero hindi mo kami binigyan ng jacket?"
"Tangina, sinasabi ko na nga bang may favoritism 'to si cap eh."
"Galawang Andrie Shoff madlang pipol-"
"Miss Fernández" natigil ang mga ka-grupo ni Andrie sa pag-komento dahil tinawag na ako ni coach. Dahil narin sa ilang at hiya, nag-mamadali akong tumayo at hinubad ang jacket.
Bumaling ako kay Andrie na naka-tingin sa mga ka-grupo niyang bumabalik na uli sa may ring.
Siguro, inutos niya
"Thank you for this." Inabot ko sa kaniya ang jacket at nag-bow konti bago nag-lakad papunta kay coach.
Pero napatigil ako nang magsalita ito.
"I miss you." Halo-halong emosyon ang aking narinig sa boses niya nang sabihin ang katagang iyon.
Mapait akong ngumiti at pilit pinipigilan ang pag-daloy ng mga luha palabas saking mga mata. Nilingon ko siya at ngumiti.
"I miss you too." Iyon lang ang sinabi ko at tumakbo na papalapit kay coach.
I miss you so much. I really do.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (105)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
done
21/05
0😍😍😍
10/04
0i like the story
18/08/2023
0View All