Naghintay si Oliver ng sasabihin ni Franceska dahil naglihim siya rito pero ngumiti lamang ito sa kaniya. Siguro nahihiya itong magalit lalo at nasa party pa sila. "Ayos lang. Wala naman akong karapatan na malaman kung sino ka dahil ang obligasyon mo lang naman sa'kin ay bantayan at ipagmaneho ako, di ba?" anito at pilit na ngumiti. Tinitigan niya ito. Inaanalisa ang ekpresksyon ng mukha nito pero hindi niya makita ang emosyon na hinahanap niya. Nakaramdam siya ng sakit dahil pakiramdam niya wala itong pakielam sa kaniya. Ngumiti na lamang siya. "Salamat," iyon lamang ang naitugon niya. Nagsimula na silang kumain at nararamdaman niya ang pananahimik ni Franceska hanggang sa ibaba nito ang kubyertos na hawak. "Gusto ko ng umuwi, Oliver. Okay lang ba?" tanong nito sa kaniya. Tumango siya. "Sige, halika na," anyaya niya rito. Tumayo ito at sinabing magpapaalam lamang ito sa ama nito na kasama ang ama niya. Nasa isang mesa ang mga ito di-kalayuan sa mesang inookupa nila. Nang makapagpaalam ito ay sabay na silang lumabas ng mansiyon saka tinungo ang coupe na ginamit niya kanina sa pagsundo sa mga ito. Binuksan niya ang passenger seat para doon ito maupo dahil gusto niya itong makausap. Nang makapasok ito ay pumasok na rin siya sa driver's seat. Pinausad muna niya ang sasakyan at nang medyo nakalayo-layo na siya ay hininto niya ang sasakyan saka hinarap si Franceska na mukhang malalim ang iniisip habang nakatanaw sa labas ng bintana. "Galit ka ba sa'kin?" tanong niya rito. Lumingon ito sa kaniya. "Paano kung sabihin ko na oo?" Natawa ito. "Hindi ko akalain na agent ka pala. Hayaan mo na iyon. Tapos na at gaya nga ng sabi ko wala akong karapatan na sabihin mo sa'kin ang sekreto mo. Sino ba naman ako di ba? Dapat nga magpasalamat ako dahil ginawa mo iyon para sa kaligtasan ko kahit hindi naman iyon ang trabaho mo," anito na mahihimigan ang hinanakit sa boses. Tinitigan niya ito ng mabuti. Nagtitigan sila. "Paano kung sabihin kong simula ngayon may karapatan ka na? Kaya ko nga ipinagtapat ito dahil ayaw kong maglihim sa'yo," aniya at hindi maiwasan mapatitig sa mapupula nitong labi na nakakatuksong halikan at bumalik iyon sa mga mata ng dalaga. "Tanungin mo kung bakit?" utos niya. "Bakit?" tanong naman nito. Ito na siguro ang tamang pagkakataon para ipagtapat rito ang nararamdaman para sa dalaga. "Dahil mahal kita. Dati gusto lang naman kita pero habang tumatagal. Bawat mga araw na lumilipas na kasama kita ay mas lalong lumalim ang nararamdaman ko para sa'yo Franceska. Hindi ko alam kung paano iyon mawawala dahil alam ko naman na wala kang pagtingin sa'kin," malungkot niyang sabi. Napakagat-labi ito at nagbaba ng tingin. Kitang-kita niya ang pamumula ng pisngi nito. "Gusto rin kita noon at gaya mo sa paglipas ng panahon ay minahal na kita, Oliver," anito na ikinasiya ng puso niya. Bumilis ang tibok niyon dahil sa tuwang nararamdaman. Gamit ang hintuturo ay iniangat niya ang ulo ng dalaga pero hindi pa rin ito tumitingin sa kaniya. "Look at me, honey," tawag niya rito. Nag-angat ito ng tingin at tiningnan siya. "Ano?" pagsusungit nito na nakataas pa ang kilay. Marahil ay para takpan ang hiyang nararamdaman. Natawa siya at kinurot ang ilong nito kaya nakatanggap siya ng masamang titig mula rito. "Can i kiss you?" tanong niya rito. Baka kasi bigla itong magalit sa kaniya kapag hinalikan niya agad ito ng hindi humihingi ang permiso rito. Nag-iwas ito ng tingin at tumango. Wala na siyang sinayang na sandali. Dahan-dahan niyang inilapit ang labi sa labi nito at sinakop iyon at binigyan ng banayad na halik. Halik na nakapaloob roon ang pagmamahal. Hindi niya akalain na ganoon pala ang pakiramdam na mahalikan ang isang Franceska Moran. Nang matapos ang halikang naganap sa pagitan nilang dalawa ay pinagdikit niya ang noo nila at tinitigan ito. "Layuan mo si Billy. Alam ko may binabalak siyang hindi maganda. Iyon ang kutob ko dahil kilala siya bilang isang matinik na negosyante at baka gawan ka niya ng hindi maganda," na-aalala niyang sambit. Tumango tango naman ito. "Sige. Iiwasan ko siya at i-tetermimnate ko na rin ang kontrata niya bilang investor ng kompanya," anito. Bumalik na siya sa pagkakasandal sa driver's seat. "Uwi na tayo para makapagpahinga ka na. Ihahatid na lang ng driver ni dad si Tito Eduardo," aniya. Lumingon ito sa kaniya at ngumiti. "Thank you for taking care of me, Oliver," anito sa sinserong tinig. Parang may magaan na kamay ang humaplos sa puso niya dahil sa sinabi nito. Inilapat niya ang palad sa pisngi nito. "It's my pleasure baby to save you," aniya at kinindatan ito. Sumimangot ito. "Honey kanina pero ngayon baby naman? Ano ba talaga?' anito na nakasimangot pa rin. Natawa nalang siya. "Ayaw mo 'non? Hindi lang kita honey kundi baby pa," aniya at pinausad niya na ang sasakyan pero nakita niya ang pag-ngiti nito.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
so good
3d
0إنها شيء رائع جدا 😔👍🏻👍🏻👍🏻👍🏻👍🏻
6d
0this is great to read
16d
0View All