logo text

My Possessive Rich Bodyguard (Chapter 13)

Nang marating nila Oliver at Franceska ang bahay ng dalaga ay kaagad na lumabas si Oliver ng sasakyan at pinagbuksan ang dalaga. Nang makalabas ito ay hinapit niya ito sa beywang at marubdob na hinalikan sa labi. Kapwa sila hinihingal ng maghiwalay ang kanilang labi. Tinitigan ng buong pagsuyo at pagmamahal ni Oliver si Franceska.
"Gusto mo bang bantayan kita hangga't hindi umuuwi si Tito Eduardo?" aniya rito. Ngumiti ito na mas nagpadagdag sa kagandahan nito. Umiling ito.
"Hindi na kailangan. Safe ako dito," anito. Tumango-tango na lamang siya at kinintalan ng halik ang noo nito.
"Aalis na ako. Magkita tayo ulit bukas," aniya. Tumango ito at naglakad papasok sa loob ng bahay.
Hinintay na muna niya itong makapasok sa loob bago pumasok sa loob ng sasakyan at pinausad iyon pabalik ng mansiyon. Nang nasa kalagitnaan na siya ng daan, pakiramdam niya may sumusunod sa kaniya. Lumingon siya at hindi nga siya nagkamali dahil napansin niya na kanina pa nakasunod sa kaniya ang isang itim na van. Napamura siya ng wala sa oras at kaagad na binuksan ang compartment ng sasakyan para kunin ang kaniyang Calibre 45 na baril. Nang nasa lugar na sila ng wala ng gaanong tao ay biglang bumilis ang takbo ng van at ilang sandali lamang ay nasa harapan na niya ang mga ito at hinarangan ang daan. Bago pa man makalabas ang mga ito ay lumabas na siya. Uunahan na niya ang mga ito! Paglabas ng mga ito ay sunod-sunod na putok na ipinaulan niya sa mga ito. Bagsak ang limang kalalakihan sa daan. Hanggang sa may natirang isa. Nanginginig ang tuhod nito na nakatingin sa nakahandusay na katawan ng mga kasama nito. Itinutok niya rito ang baril. Nabitawan nito ang baril at itinaas ang dalawang kamay sa ere.
"Su--ko na ako!" anito habang nanginginig na para bang nasa Artartica ito. Nilapitan niya ito at hinablot sa kwelyo ng suot nitong shirt.
"Sinong nag-utos sa inyo na patayin ako?" mapag-banta niyang sabi.
"Si Billy Laurencio po. Maawa po kayo sa'kin. May mga anak po ako," pagmamakaawa nito. Agad niyang pinakawalan ito. Dali-dali namang tumakbo ito palayo sa kaniya. Naglakad na siya patungo sa kaniyang sasakyan. Pumasok siya roon at pinasibad iyon habang nag-iisip ng plano kung paano mahuhuli si Billy Laurencio. Hindi niya mapapalampas ang ginawa nito! Nang biglang may pumasok na ideya sa isip niya. Risky iyon pero kailangan dahil iyon lang ang tanging paraan para mahuli ito. At si Franceska ang magiging pain niya.
Pagkahatid ni Oliver kay Franceska ng hapong iyon ay nagtungo na siya sa bahay ng kaibigang si Rico para pag-usapan ang tungkol sa plano niyang pagset-up kay Billy. Kailangan niya ang tulong nito at pagkatapos ay pupuntahan niya si Denver para tulungan siyang huliin si Billy. Nang marating ang bahay nito ay agad siyang nag-doorbell at kaagad naman siyang pinagbuksan ng gate.
"Brad! Napabisita ka?" bungad nito sa kaniya. Huminga siya ng malalim.
"Kailangan ko ng makakausap, brad. Kailangan ko ang suhestiyon mo kung tama ba itong gagawin ko," aniya. Niluwagan nito ang pagkakabukas ng gate at pinapasok siya. Naglalakad na sila patungo sa loob.
"Mukhang malaki ang problema mo, ah, brad," anito sa seryusong tinig. Pumasok muna sila sa loob at naupo sa sofa bago niya sinagot ang tanong nito.
"Hindi naman gaano pero hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko lalo at nakasalalay rito ang kaligtasan ni Franceska. Ang babaeng mahal ko," pagtatapat niya na ikinanlaki ng mga mata nito.
Kanina ay nag-usap na sila ni Franceska kung payag ba itong magpaligaw sa kaniya at omo-o naman ito. Nagpaalam rin siya sa ama nito at masaya ito dahil may namumuong pagtingin sa kanilang dalawa. Natawa ito.
"Himala na-inlove ka ngayon," pang-aasar kaya binato niya ito ng unan na nasa sofa.
"Oo naman!" aniya. Nakangisi lamang si Rico pero pagdaka'y sumeryuso.
"Bakit ano ba ang plano mo at natatakot ka sa kaligtasan Franceska?" tanong sa kaniya nito. Huminga siya ng malalim at nagsimula ng ipaliwanag rito ang gusto niyang mangyari.
"Ipapain mo siya para mahuli mo si Billy?" tanong nito. Tumango-tango siya.
"Ang tanong, kaya kaya niya?" nag-aalangang tanong nito.
"Hindi ko alam. Kailangan ko munang isangguni ito sa kaniya, brad," aniya sa determinadong tinig. Tinapik-tapik ng kaibigan ang kaniyang balikat.
"Kaya mo iyan. Tiyak naman na kapag nalaman nito ang purpose mo kung bakit mo niya iyon gagawin, sigurado akong makakaya niya o kaya ay kakayanin niya. Para rin naman sa inyong dalawa ang gagawin niya. Lakas lang naman ng loob ang kailangan," anito. Ipinaliwanag rin niya rito ang ginawa ni Billy na nang-utos ito ng mga kalalakihan para patayin siya. Lahat sinabi niya sa kaibigan maging sa una nilang pagkikita ni Billy at sa mga palitan nila ng masasakit na salita.
"Napikon mo ata siya brad kaya nagawa niya iyon sa'yo. Gusto ka niyang mai-dispatsya dahil hadlang ka sa plano niya kay Franceska." seryuso nitong sabi. "Pero nagkamali siya ng binangga. Banggain ba naman ang pinaka-matinik na agent," anito. Ngumisi ito na may kasamang pag-iling. Napangiti na lang siya. Bukas ay sasabihin niya kay Franceska ang balak niya. Ito lang ang tanging paraan na alam niya para huliin si Billy Laurencio.

Book Comment (319)

  • avatar
    BatagJames

    so good

    3d

      0
  • avatar
    ملكه في مملكتي

    إنها شيء رائع جدا 😔👍🏻👍🏻👍🏻👍🏻👍🏻

    6d

      0
  • avatar
    EnconadoLea

    this is great to read

    16d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters