32

Tinanggal ko agad ang jacket ko pagkababa palang ng eroplano dito palang ramdam na ramdam mo na ang init ng panahon
Tag init ba ngayon February palang ahh
"Asan na ba yun ?" Bulong ko sa sarili habang Hinahanap ang kapatid ko na nasa crowd
Napatigil ako sa paghahanap nang mag vibrate ang cellphone ko
From : Sis
Natraffic ako
Napabuga ako ng hangin bwesit talaga yun I'm sure nalate siya ng gising ako pa ng niloko Niya
Nagdesisyon muna akong maupo sa waiting area back mangalay na ako dito
"Ate rei ?" Bahagya akong nagulat ng may magsalita sa gilid ko
Nagragasa ang lahat ng kaba ko ng makita ang is nag taong konektado Kay Elyse it's Yka
Mukhang kagagaling rin Niya sa flight dahil may hawak hawak siyang bagahe Pati passport sa kabilang kamay
Kunot ang noo Niya habang nakatingin sakin
Hindi ako makagalaw Pati siya Ay na miss ko
Madami ang nagbago sa kanya Una ay ang height pangalawa ang expression ng mukha Niya mas lalo siyang naging seryoso
Mukha siyang professional dahil sa business attire na suot Niya
She grow up so fast
"Ate Rei bat andito kayo aalis ba kayo? Aalis kayo nang hindi kayo nagkakaayos ni Kimer ?" Kumunot lalo ang noo ko sa Narinig
Nag away ba Si Aurum at Elyse ?
No I mean wala akong pake dapat wala akong pake
Malamang nasa isang relasyon sila at mag aaway talaga sila ganon naman ang relasyon
I compose my self Bago Tumayo sa harapan Niya
Halos mapamura ako nang makitang ang laki nang agwat ng height namin bakit Sobrang tangkad Niya ata
I need to act
"Excuse me ?" I use my English accent para kapanipaniwala , tumaas ang Kilay Niya Bago ako tinitigan
"I'm not Rei I'm sorry " sabi ko sa kanya Lalong kumunot ang noo niya Bago Napailing Iling
"Don't fool me you're ate rei " may diin sa Boses niya parang ayaw Niya ng biruan
"I'm not Miss please I have a jetlag better kung wag mo na akong istorbohin " sabi ko sa kanya , tumaas ulit ang Kilay Niya
Tumingin siya sakin na parang hindi naniniwala
"Yka ano ba kanina pa ako nakaway sayo nangangalay na ang kilikili ko " Rinig kong sabi mula sa likuran ko
agad akong tumingin doon
Nanlaki ang mata ni Rain habang nakatingin sakin umawang pa ang bibig Niya ng Bahagya pero agad ring nawala iyon , kumunot ang noo Niya Bago Binilog ang banner na hawak Niya
"You!" Rinig ko ang galit sa Boses Niya
"San mo balak pumunta matapos mong awayin Si Kimer aalis kana lang Basta Basta " ako naman ang napaawang ang Labi mukhang may away nga talaga ang dalawa hindi lang Basta Away yun Pati ang mga Kaibigan ni Elyse galit Kay Rei
"Rain " Rinig kong Banta ni Yka pero hindi siya pinansin ng isa
"Hoy ikaw hindi pa ako tapos sayo kagabi ikaw na nga Itong nagloko ikaw pa ang may ganang mang away , tapos ngayon nagiba ka naman ng Kulay nang buhok wow" Lalo akong nagulat
Parang umecho sakin ang word na nagloko
Nagloko? Si Rei?
No I mean na ngako siya na mamahalin Niya Si Elyse na higit pa kahit kanino
Mahal na mahal Niya Si Elyse alam ko yun pinatunayan Niya yun sakin
Imposibleng magloko ang kapatid ko
May usapan kami
"Gold " Napatigil ako sa pag iisip ng may humawak sa braso ko
It's Rei , medyo seryoso ang mukha Niya Bago tumingin sa dalawang nasa harapan ko
Gulat naman ang mukha nang dalawa habang pagaling baling samin
Nakaawang ang mga Labi nila habang nakatingin samin
"This is my twin sister " pakilala sakin ng kapatid ko
"May kambal ka ?" Kay Rain Galing ang tanong na yun
Habang Si Yka ay nakatitig samin I me a sakin parang sakin lang nakapako ang paningin Niya
Napaiwas ako nakaka-conscious ang tinginan Niya
"Yes Galing siyang states mauuna na kami " sabi ni Rei Bago ako hinila
Siya na rin ang humila sa bagahe ko
Nakatingin lang ako sa kanya malamlam ang mga mata Niya na parang kagagaling lang sa Iyak may konting eyebags pa siya
Napatigil ako sa pag iisip nang makitang nakarating na kami dito sa parking area agad niyang nilagay ang bag ko sa likuran ng sasakyan Bago siya pumasok
Agad rin akong pumasok at Hinarap siya
"You cheated ?" Diretsa kong tanong sa mukha Niya , tiningnan Niya ako na parang hindi Makapaniwala
She cheated halata ang guilty sa mukha Niya
I'm a former teacher mabilis mo lang ma distinguish kung nagsasabi ng totoo ang isang tao , I know this kind of conversation
"You promise kaya ko nga pinaubaya Si Elyse sayo dahil sabi mo mas mamahalin mo siya kesa sakin , ano to !" May diin ang basa salita ko , she stare at me for minutes Bago nagsalita
"It's her fault andami niyang pagkukulang at hindi Niya ako maintindihan " She about to cry kita ko ang pangingilid ng Luha ng kapatid ko
"Pagkukulang ? Akala ko ba mahal mo siya ? Kung mahal mo siya makukuntento ka " Nagulat ako ng bigla niyang hampasin ang manibela
"Kasalanan ko ba na ang support na hinihingi ko sa kanya ay sa iba ko nakuha , you don't know the story Gold wag mo kong sisihin tanungin mo siya kung Pano Niya sakin sabihin na nagdoubt na siya sa pagmamahal Niya sakin pwes ako rin nakakapagod na siya " she's crying agad akong lumapit sa kapatid ko Bago ko siya niyakap
I don't know the whole story kaya hindi dapat ako mang Husga
Pero Si Elyse yun pinaubaya ko sa kanya tapos ganito lang ang mangyayari
"Hindi namin alam kung Pano sasabihin sa kanila Gold , Pano namin sasabihin na hindi na pwede "
"But we're still civil pag nakaharap sa Pamilya namin legal na kami sa lahat pero iba na ngayon gold iba na , nag iba na siya . She's not the Elyse na Minahal mo ,Minahal ko . Nagbago na siya "

Book Comment (630)

  • avatar
    Princess Lingcasan

    Sobrang ganda

    01/09/2023

      1
  • avatar
    GulleElvin Jude

    good

    7d

      0
  • avatar
    Sylvia Yady

    Good story

    17d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters