Chapter 21

I sometimes feel like my head is a computer with too many windows open. Too much clutter on the desktop. There is a metaphorical spinning rainbow wheel inside me. Disabling me. And if only i could find a way to switch off some of the frames, if i could only drag some of the clutter into the trash,then i would be fine. But which frame would i choose, when they all seem essential? How can I stop my mind being overloaded when the world is overloaded? We can think about anything. And so it makes sense that we end up sometimes thinking about everything. We might have to, sometimes, be brave enough to switch the screens off in order to switch ourselves back on. To disconnect in order to reconnect.
"You failed the exam Miss. Wilson."
Until now my brain still doesn't process what my prof said. I know i gave everything i could, i reviewed all night even though i didn't get enough sleep.
I don't know what to do. My tears fell.
Kahit umiyak ako hindi parin mababago ang nangyari, i failed my exam.
"Kara, kausapin mo nalang ang prof mo kung pwede pa bang mag take ng exam sa susunod." Noemi said.
I wiped my tears. Kahit gaano pa karaming pagkain ang iharap nila sa'kin ay hindi parin mababago ang nararamdaman ko!
When my relatives found out that i failed my exam i know they would just insult me. Natatakot akong makarating iyon kila Nanay.
"Inom nalang tayo." Napatingin naman ako Remy. 
I nodded. "Sige, paabot nung tubig."
Nagkatinginan naman ang dalawa kaya kumunot ang noo ko.
"Kara, I mean....inom tayo-
"Kaya nga pakiabot nung tubig di'ba? kasi iinom na ako." Tumayo nalang ako at inabot ang tubig.
"Pupunta tayong bar Kara! Mygod epekto ba yan ng bumagsak sa exam?!" Halos takpan ko naman nag Tenga ko sa tinis ng boses ni Remy!
"B-bar? Gaga ka! Kapag ba naglasing ako mababago ba yung Score ko?!"
Noemi laughed. "Teacher Kara! Relax! Si Remy lang iinom, sasama lang tayo."
Hinampas naman ni Remy si Noemi sa braso. "Iinom tayong tatlo!"
"May exam din tayo bukas Remy! Alangan naman papasok tayong may hang over?!"
"Ang ingay nyo! Aalis na nga lang ako."
Inayos ko ang gulo-gulo 'kong gamit bago tumayo at tinalikuran sila.
Hindi man lang nila napagaan ang loob ko! Tapos mag aaya pa na pumuntang bar!
"Sasama kami!" Sabay nilang sabi bago kumapit sa magkabilang braso ko.
Sinundo na'rin namin si Kiro bago kami dumiretso sa apartment. Ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa ng makarating kami, feeling ko napagod ako kahit nag take lang ako ng exam.
"Ano na Teacher Kara? Sasama ka ba o hindi?" Niyugyog naman ni Remy ang balikat ko, inis naman akong tumingin sa kanya.
"Huwag mo akong tawaging Teacher! Bagsak nga ko sa exam e!" Napahalimos ako sa mukha ko, naiinis talaga ako!
"Kaya nga iinom tayo di'ba? Malay mo kapag may hang over ka bukas baka magkaroon ka ng lakas ng loob kausapin prof mo!"
"Remy, hayaan mo muna sya. Baka kailangan nya magpahinga." Singit ni Noemi at hinila si Remy.
"Sige na nga! teka magluluto nalang tayo, nagugutom na ako."
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, nagising nalang ako ng may tumapik sa pisngi ko dahilan para mapabalikwas ako ng bangon.
"Magdidilim na! Ano sasama ka?" bungad ni Remy.
I sighed heavily.
Tumango ako bago tumayo at pumuntang kusina para kumuha ng tubig.
"Wala akong isusuot." I pouted.
"Ako ng bahala! Marami akong damit sa bahay." Nakangising sabi ni Remy.
Kinausap naman ni Remy ang maid para bantayan si Kiro. Papaalis narin kami kaya kinuha ko na ang gamit ko, medyo hindi pa ako komportable sa suot ko!
"Nilabhan mo ba 'to?! Ang kati tangina!" Kanina pa 'ko nagkakamot!
"Tagal na kasing na stock yan sa closet ko e!" Sabay kamot nya sa ulo. Pumasok narin kami sa sasakyan, ihahatid kami ng kuya ni Remy. Mabuti nalang at supportive ang kuya nya!
"Hintayin ko kayo dito sa labas, Remy behave ka lang." Mabilis lang kaming nakarating sa sinasabing bar ni Remy, ngayon ko lang gagawin 'to! Rinig na rinig ko ang ingay sa loob.
"Are you sure Kuya? Baka matagalan kami, broken 'tong kasama namin." Sabay nguso nya sakin.
Kumunot naman ang noo ng Kuya nya bago ako tinignan. "By eleven o'clock you guys should be here, I'll wait." At tinalikuran nya na kami bago bumalik sa sasakyan.
"Five hours lang!" Remy pouted.
"Okay na yun! May pasok tayo bukas!" Si Noemi.
Tumango nalang si Remy bago kami hinila papasok sa loob.
"Dito tayo!" Muntik na akong matapilok sa paghila sakin ni Remy! "Stay here, kukuha lang ako inumin!"
Umupo naman kami sa couch, kahit hindi pa malalim ang gabi ay sobrang dami na ng tao!
Lumapit naman si Noemi sakin mukhang may sasabihin sya, halos hindi kami magkarinigan dahil sobrang lakas ng music!
"Here!" Napatingin naman kami kay Remy ng ilapag nya ang dalang inumin sa harap. Napangiwi naman ako! sa itsura palang halatang malalasing ka kaagad!
Kinuha ko naman kaagad ang nasa baso, muntik na akong masuka ng maamoy 'yon! Sobrang tapang!
"P-pota! Ano 'to?!" Reklamo ko! Mukhang di'ko kayang inumin 'to!
"Inumin mo na Teacher Kara!" Nakangising sabi ni Remy.
Nanginginig ang kamay ko ng ilapit ko sa bibig ko ang baso! Sobrang tapang talaga ng amoy!
Sobrang sakit sa lalamunan!
"T-Tangina! Hindi ninyo sinabi na ganito pala ang iniinom nyo!" inilapag ko ang baso sa harapan, pinunasan ko naman ang bibig ko! Isang shot palang yun pero mukhang umepekto na kaagad sa'kin!
"Masanay kana simula ngayon!" Remy smirked.
My lips parted. What does she mean?
"Anong masanay?!"
"Teacher Kara! Kapag may problema tayo, dito tayo pupunta!" Sabay lagok nya sa alak. Napangiwi naman ako dahil mukhang sanay na sanay talaga sya.
"Hey Miss!" Napalingon naman ako sa lalaking nakatayo sa gilid ni Remy.
"May boyfriend ako, lumayo ka!" Inis na sabi ni Remy.
"Huh? tatanungin ko lang kung anong klaseng alak yang iniinom nyo." Sabay kamot nya sa batok.
Nag-iwas naman tingin si Remy, bago sinabi kung anong klaseng alak ang kinuha nya!
Natawa naman ako, grabe assumera talaga!
"Hoy! Huwag mo akong tawanan! Baka pag nalasing ka, ipaampon kita sa mga millionaire dito!"
Namilog naman ang mata ko!
"Ikaw kaya ang may pakana kaya ako nandito!" Pagrereklamo ko! baka kasi totohanin nya talaga ang sinabi nya kaya tumigil ako sa pagtawa!
Hindi ko alam kung naka ilang shot na ako, lumalabo na'rin ang paningin ko! Tumayo nalang ako para pumunta ng comfort room! Feeling ko nasusuka ako!
"Teacher Kara! where the hell are you going?!" Lumapit naman kaagad sa'kin si Remy para alalayan ako.
"Nasusuka ako!"
Nanlaki naman ang mata nya bago tinawag si Noemi para samahan nila ako!
Halos diko na ma-control ang sarili ko! Naparami na ata ako ng ininom!
Pumasok naman kaagad ako sa loob, nagpa-iwan naman ang dalawa sa labas.
Feeling ko umiikot talaga ang paningin ko!
Naghilamos naman ako ng mukha, pulang-pula ang buong mukha ko ng tinignan ko ang repleksyon sa salamin.
Napatigil ako ng may pumasok.
Nanigas ako sa pwesto ng makilala kung sino 'yon! Kahit nanlalabo ang paningin ko ay kabisang-kabisado ko ang mukha nya!
"Poor you! Did you get drunk because of Clark?" Humarap naman sya salamin, nagkatinginan naman kami 'don.
"Anong ginagawa mo dito-
"Oh! dapat ako ang magtanong nyan! Anong ginagawa ng basura na gaya mo dito?"
Napantig naman ang tenga ko sa narinig.
"H-Hoy! Basura?"
"Yes, ano ba gusto mo?"
"Si Clark"
"W-what?"
"Si Clark gusto ko, lumayo ka sa kanya."
She laughed. "He's my ex fiance"
I was just stunned. Naikuyom ko ang kamao ko.
"E-Ex Fiance?!"
"Why? Hindi nya ba sinabi sa'yo?" Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa sinasabi nya! "Actually, itutuloy na namin ang kasal-
Hindi ko na sya pinatapos, nagmamadali akong lumabas ng comfort room. Alam ko kung anong ibig nyang sabihin! Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko!

Book Comment (50)

  • avatar
    Kavin Raj

    Nice super story I wonder to read more

    25/04/2022

      8
  • avatar
    bennoeilerson

    nice novel

    16/07

      0
  • avatar
    aranezavee

    good

    23/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters