Chapter 20.

Callie's POV.
            Sinigurado muna namin na wala nang iba pang tauhan ni Natasha'ng bruha ang buhay pa bago kami pumasok sa loob.
Galing kasi kaming likod at inikot pa namin ang bawat sulok ng labas ng mansyon para mag lagay ng time bomb dahil isa din 'yon sa sikretong utos ni Andeng na gusto nyang kaming dalawa lang ni Hugo ang gumawa. 
*Flashback*
"You're here." Bati nya saamin ni Hugo nang makapasok sa opisina ng daddy nya. Biglaan nya kase kaming pinatawag dito. Aside sa sinabi nya saamin nila Zrindle na susunod kami kayla Angel kapag hindi pa sila nakabalik in 2 hours.
knowing Angel, Sky, Sunny, Vriany and Zavier is good and fast when it comes to a war.
Kapag natagalan sila ay siguradong may masama nang nangyari.
"Bakit mo kami pinatawag?" Tanong ni Hugo at naupo sa upuan sa katapat ng office table ni Tito Marcus. 
"I need you two to do something for me" Sagot nito. Nag tataka naman kaming nag tinginan ni Hugo. Nag kibit balikat na lamang ako sakanya bago nag salita.
"What is it?" Tanong ko naman.
Tumayo sya at kinuha iyong dalawang bag na itim, mukhang mabigat ito dahil nanginginig pa ang kamay ni Andeng habang binubuhat iyong dalawang bag kaya agad syang tinulungan ni Hugo tsaka ito inilapag sa may couch. 
Tumayo naman ako at lumapit soon sa bag bago buklatin ito. Bumungad sakin ang puro time bomb na nag sama sama sa dalawang bag na to. Mabilis kong binalingan ng tingin si Andeng na nakangiti saaming dalawa ni Hugo.
Her smile is giving me some chills and uneasiness.
"Don't tell me you want us to—" She immediatelly nods.
"We're gonna blow up that mansion." Wika nito.
"Does everyone know about that?" Nag aalala kong tanong sakanya. Umiling naman ito "Why do we even need blow that up. Tayo ang nag tayo non, hindi sila." Usal naman ni Hugo na halatang tutol sa plano ni Andeng.
"And what? After naten kalabanin at ligpitin iyong mga tauhan ni Natasha, sa tingin mo ligtas na tayo, pati ang mga trabahador doon? Sa tingin nyo ba ligtas pa rin tayo doon lalo na't nagawa nilang  pasukin ang isang exclusive na subdivision na may mahigpit na security?" Parehas kaming natahimik ni Hugo nang marinig namin iyong mga sinabi nya dahil sa kahit saan namin tignan ay may punto pa rin ang mga sinambit niya.
"As if I know that they put mini gsm recording device or even a small camera device in every corner of that house. Now, tell me. Are we still safe to live there?" Dugtong nito na puno ng frustrations ang kaniyang boses.
Napabuntong hininga na lamang ako bago kuhanin ang dalawang bag na ito bago tumango kay Andeng. "We'll do it," Saad ko bago tumingin kay Hugo. "Right?"
Napangiti kami parehas ni Andria nang gumiti ito bilang sagot saakin.
*End of flashback*
Pagka-pasok namin sa mansyon ay agad kaming dumaretso sa may living room ng makarinig kami nang sunod sunod na putok ng baril. Napatingin naman ako kay Hugo. "Andon sila." Saad nito, tinanguan ko naman sya bago tumakbo papunta sa pinanggalingan ng mga ingay at putok.
Magsasalita pa sana ako nang biglaan akong matuptop sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan si Andeng na masama ang awra habang walang palyang pinapaputukan ang nagdadatingan na mga tauhan ni Natasha. Cool.
Napangiti ako habang pinanonood sya, lalapitan ko na sana sya ng halos mapaupo ako sa sahig dahil sa gulat ng makita ko kung anong mga sumunod na naganap.
Khalil's POV.
          I almost exploded in anger when I heard what that fucking rascal said to my girlfriend. My hand was bent in anger and I was ready to blow that fucking idiot's head when someone stopped me.
Masamang tingin naman ang ipinukol ko kay Zavier na nakangisi lamang saakin.
 "Dude, chill. She can handle it herself." Saad nito.
"No one has the right to insult the woman I love the most, whether I am alive or dead." I said in annoyance and ready to pull the trigger when he stopped me again.
"What?!" He smiled and pointed at my girl. "Just watch, bro."
Nilingon ko naman ang kinatatayuan ni Andeng nang marinig ko syang nagsalita.
"I'm Andria Clarize Smith Heartily Vander, the rightful heiress of the Vander and Smith Organization" Napangisi ako nang makita ko ang takot na bumalatay sa mukha ng gago pagkatapos magpakilala ni andeng. Surprise bastard.
"F-forgive me, M-miss And—" 
"Too late, you already insulted me." Saad ni andeng. "And oh, one more thing. Hindi ako babae lang." Habol pa nito bago tinuluyan nya nang bawian ng buhay 'to.
Agad naman akong bumaba at lumapit sa girlfriend ko. Ngingisi ngisi ko itong nilapitan tsaka hinalikan sa noo. "You did a great job, that's my girl." Saad ko sakanya habang pinagmamasdan syang humagikgik. Gorgeous.
Nagsi-datingan naman ang iba pa naming kasama at nagmadaling pinakawalan ang mga trabahador na sugatan at ang iba pa naming kaibigan na sugatan din.
Nilingon ko si Minoah. "Take them to Apricus hospital, the nurses and doctors there are waiting. Go!" Wika ko, tumango naman sila ni Zrin at Minoah bago tuluyang umalis.
"Will they be okay?" Tanong ni Andeng habang nakakagat sa labi. She's worried and nervous. Tumango naman ako at ngumiti to reassure her. "Don't worry, they'll be fine." Sagot ko.
———
Andria's POV.
                Palabas na kami ngayon ng mansyon para dalhin ang mga kaibigan naming sugatan sa hospital. Tumatanggi pa nga sila na magpadala sa hospital dahil hindi naman daw ganoon kalala ang mga sugat nila.
They only had minor injuries at nakakatawa pa nga sila pero dahil gusto kong masiguro na maging maayos ang kalagayan nila at malaman kung totoo nga bang minor injuries lang ang meron sila ay nag pumilit na ako.
Wala rin naman silang nagawa at pumayag na rin sa gusto ko.
Nasa may gate na kami ng may tumigil na isang motor at ang sakay nito sa likod ay naglabas ng baril bago itinutok saakin.
Agad ko naman binunot pistol ko, itututok ko pa lang sana ng makarinig kaming lahat ng tatlong sunod sunod na putok ang umalingawngaw na ikinapikit ko.
"Andria!/Vriany!" Rinig kong sigaw nila na nakapag pamulat saakin ng marinig ko ang pangalan ni Vriany. Parang nag slow-motion ang lahat. Nanlaki ang mata ko ng humarang sa unahan ko si Vri para salagin ang bala na para saakin at niyakap ako.
"Shit!"
"Fuck!"
"Damn it, Vriany!"
"Oh my god! No!"
Nangilid ang mga luha ko ng makita ang paglabas ng mga dugo sa bibig nya kasabay ng pag ngiti nya saakin at pagpatak ng butil ng luha galing sa kaniyang mga malungkot na mata.
N-no.. Vriany. This isn't part of my goddamn plan!
Unti unti syang tumumba sa aking bisig kaya napabagsak na lamang ako sa lupa kasabay ng pagbagsak ng katawan nya na agad ko namang sinalo.
"A-andeng.." Nanghihinang bulong nito at itinaas ang kamay nyang may dugo nya tsaka hinaplos ang pisnge ko.
"Vri naman, why did you do that? Para sakin iyon e!" Nahikbi kong iyak. Nanghihina itong ngumiti habang sunod sunod naman ang pagpatak ng kaniyang luha.
"B-because they still n-need you.." Sagot nito. Umiling naman ako, palakas na ng palakas ang iyak ko.
"Kailangan ka din naman namin, don't be so selfless!" Pag iyak ko pa. Sobrang sakit, hindi ko kaya.
"I-i did this f-for you, deng. M-marami ka pang d-dapat m-malaman, mahal ko." Umubo ubo ito at halatang nahihirapan na huminga kaya mas tumindi ang takot ko ngayon. 
"Vri, malaman? A-ano pang dapat naming malaman?" Naiyak na tanong ni Angel. Nagiiyakan na pala kaming lahat dito. Tumango naman si Vriany bago nanghihinang inilagay sa kamay ko ang isang USB. Napakunot naman ang noo ko bago tinignan muli si Vriany.
"I-i found it in Klein's s-secret closet, p-please, keep an eye o-on h-him. N-nandyan ang s-sagot sa mga tanong n-nyo." Sagit nya at nainda inda pa kaya kahit ay naguguluhan ako ay tumango sakanya habang naiyak. Muli itong ngumiti saakin at hinaplos ang aking pisnge.
"Bago ako m-magpahinga, c-can you please p-promise me o-one thing?" Nararamdaman ko ang unti unting pagsagap nya ng hangin. Nalaban sya. Tumango kame sakanya.
"A-always trust e-each other a-and never leave each others s-side." Nanghihina nyag saad agad naman kaming tumango. "W-we promise, Vri." Sagot naman ni Ate Sunny na kanina pa nahagulgol. 
"V-vri? Vri! Don't sleep, okay? Don't close your eyes, I'll never forgive you if you left us!" Sigaw ko nang mapansin kong napikit pikit na sya. 
"B-but its time f-for me to rest, andeng." Nanghihinang saad nito habang hinahabol pa ang paghinga nya.
"H-hey! Vriany! Don't sleep, okay? Dadalhin ka namin sa hospital." Nanginginig na sabat ni Hugo bago buhatin si Vriany.
Agad nilang itinakbo si Vriany sa kotse at pinaharurot ang sasakyan paalis papuntang hospital. Muli kong binalingan ng tingin ang dalawang lalaking nakatanaw saamin sa malayo na syang dahilan kung bakit napahamak si Vriany.
Nanlilisik ang mga mata kong tumingin sakanila na nakangisi ngayon habang nakatingin saakin. Agad kong binunot ang baril na nasa tagiliran ni Khalil at kinasa ito bago itinutok sa dalawang hampaslupang nasa may kalayuan.
"Shit, mahal!—"
"MGA HAYOP KAYO!" Nanginginig kong sigaw habang naiyak at agad na pinaputukan ang mga gago hanggang sa mamatay sila.
Agad naman akong niyakap ni Khalil at kinuha ang baril saaking kamay.
"Stop, stop it already. Shh." Bulong nito habang hinahagod ang likod ko. "Halika na, umalis na tayo. Kailangan pa natin malaman ang lagay ni Vriany." Tumango na lamang ako sakanya at nag pahila na lang paalis.

Book Comment (67)

  • avatar
    SalisuHamza

    hello

    28/09

      0
  • avatar
    CastroKhaitlyn

    next pls 😔

    21/09

      0
  • avatar
    Jerryjay Contreras

    good novel

    01/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters