Homepage/Destined To Be With The Mafia Boss/
Chapter 21.
Andria's POV.
Pagkadating na pagkadating namin sa ospital ay agad kaming inigaya ng nurse kung nasaan ang mga kaibigan namin ng makilala nya kami ni Khalil.
Ng makita namin ang mga kaibigan namin na nakaupo at hindi mapakali na naghahantay ay agad akong sinalubong ni Minoah. Naiyak ito.
"A-andria.." Nahikbing saad nito.
Unti unti nanamang tumulo ang mga luha habang nakatingin sakanila na nag-iiyakan. Muli nanaman akong napahikbi nang mag sink-in saakin kung nasaan kami dinala ng nurse.
"M-morgue?" Pilit akong tumawa tsaka sila tinignan. "Anong klaseng biro 'to? Akala nyo ba nakakatawa? Nasaan si Vriany? Ilabas nyo nga! Hindi naman dapat tayo nandito e, h-hindi naman tayo iiwan ni Vri e." Palakas ng palakas ang pag hikbi ko ng habang umiling iling.
Hindi naman kasi kami iiwan ni Vriany e, mahal nya kami! Kung panaginip lang 'to, gusto ko nang magising dahil ayoko ng ganitong panaginip. Ayoko ng ganito.
"Love, calm down, please—"
"L-love, 'di ba hindi tayo iiwan ni Vriany?" Nahikbi kong tanong kay Khalil na yakap yakap ako at punong puno ng emosyon ang mata habang nakatingin saakin.
"Andeng—she's dead on arrival, she's gone." Rinig kong sagot ni Sky na tahimik na naiyak sa isang gilid na ikinayukom ng kamay ko.
Ramdam ko ang unti unting pag lambot ng mga tuhod ko at pag ikot ng paningin ko. Babagsak na sana ako buti na lang at nakaalalay saakin si Khalil.
"I got you, love. Don't worry." Bulong nya habang hinahaplos ang buhok lol ngunit tanging iyak at pag hikbi lang ang naisagot ko sakanya hanggang sa manlabo ang paningin ko at unti unti ng nilukob ng dilim ang paunting
———
Keila's POV
Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan ang walang malay na si Andria na nakahiga dito ngayon sa kwarto nya.
Even in her sleep, she's still in pain.
We're all in pain tho. Pero kailangan pa rin naming maging matatag dahil alam kong nagsisimula pa lang ang laban namin. And we're aware of the possible things that might happen.
I don't mind risking my life, as long as para iyon sa ikakatahimik ng lahat.
"Inaayos na ang bangkay ni Vriany, tsaka isang araw lang din gagawin ang burol, masyado na daw kasing delikado." Napatingin ako kay Zhilux na nakasandal sa pintuan kasama si Zrin na dumaretso sa may sofa at naupo.
Napakunot naman ang noo ko.
"Delikado?" Patanong kong saad.
"Yeah." Sagot ni Zhi.
"I mean—paanong delikado?" Tanong ko. "May nagpapadala nanaman ng death threats." Sabi ni Zrin bago kumuha ng mansanas sa center table.
"And?" Walang kwenta kong tanong.
"They're furious. They're threatening not only our lives but also the lives of Andria's parents." Natigilan ako sa narinig ko at ibinalik ang tingin kay Andria na mahimbing ang tulog.
"You mean.."
"Yes, we're all in danger. At mukhang kumakampi na ang VDS as mga Smith dahil ang simbolo ng VDS at Smith ang nakalagay sa death threat." Sabi naman ni Zhilux na iiling iling habang nakangisi.
"I knew this day will come." Napalingon naman kami kay Hugo na prenteng naglalakad habang nakapamulsa.
"What do you mean?" Tanong naman ni Zhilux sa kuya nya. Natawa naman ito. "Alam kong aabot din sila sa puntong makikipag kasundo sila sa mga Smith para lang mawala tayo sa landas nila." Naglabas sya ng isang stick ng cigar at sinindihan ito.
Hime scoffs. "How desperate."
Ng makaamoy naman ng usok ng sigarilyo si Zhilux ay isang masamang tingin ang pinukol nito sa kapatid nya
"Don't smoke here!" Agad naman nagtaas ng dalawang kamay si Hugo at natatawang naglakad paurong.
"Fine fine, sorry." Saad nito at naglakad paalis. "Tss."
"Hey, young ladies." Napatingin kaming tatlo sa nag salita. Si Tito Marcus pala. Mukhang kakauwi lang din nito.
"Tito." Bati ko at bahagyang tumungo sakanya bilang respeto. Tinanguan nya naman kami at lumapit sa anak nya. Napangiti ako ng tumabi sya kay Andeng at hinaplos haplos nito ang buhok niya. "How's my daughter?"
Even though he's a mafia boss, mas nananaig pa rin ang pagiging ama nya sa ganitong panahon na kinakailangan sya ni Andeng.
"She's fine, Tito. May kaunting galos at sugat, she fainted because of too much stress. But the bruises will be heal in no time." Sagot ni Zrin. Napabuntong hininga na lang si Tito habang nakatingin sa anak nya.
Hinalikan muna nito ang noo nya bago tumayo at tumingin saamin.
"Take care of her for the meantime habang wala ako, and tell Laux na pumunta ng office ko. I need to discuss something with him." Bilin nito at naglakad palapit sa pintuan palabas. Nilingon nya saglit ang anak nya bago tumingin ulit saamin.
"By the way, nakikiramay ako sa pagkawala ng kaibigan niyo,"
"never fear, Makakaganti rin tayo sakanila." Dugtong pa nito bago umalis ng tuluyan.
Naiwan naman kaming tahimik habang nagpapalitan kaming tatlo ng tingin dahil alam kong hindi lang ako ang nakahalata na parang may pinapahiwatig ang bawat katagang binibitawan ni Tito Marcus.
Pero ang hindi ko maintindihan, paano?
Ano bang ibigsabihin non?
Tuluyan na bang dadanak ang dugo sa pagitan ng namin ng mga Smith?Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (67)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
hello
28/09
0next pls 😔
21/09
0good novel
01/07
0View All