Chapter 23.

Andria's POV.
             Nagising ako ng makaramdam ako ng mabigat na nakadagan sa kamay ko at ng mag mulat ako ay tumambad saakin si Khalil na mahimbing na natutulog habang nakatungo sa kamay ko.
Napangiti ako ng pakatitigan ko ang mukha nya. "Handsome." I murmured before placing a gently kiss on his forehead.
Parang baby naman itong sumiksik sa kamay mo bago bahagyang nag mulat at tumingin saakin. Nagkusot pa ito ng mata bago ulit tumingin saakin.
"Oh god, love." He immediately hugs me that makes me giggle. Really, this big baby.
"I missed you." Nakangiti nitong sabi bago sana ako hahalikan ngunit iniwas ko ang labi ko na nakapag pakunot ng noo nya.
"I missed you too, pero I need to brush my teeth first before you kiss me." Tatawa kong ani. Napairap naman sya bago umalis sa pagkakayakap nya saakin.
"Whatever you say, love."
Tatayo na sana ako ng makaramdam ako ng pangangatog at panghihina ng tuhod ko kaya agad din naman akong napa-upo muli sa kama. Agad namang lumapit saakin si Khalil ng mapansin nyang nanghihina ako.
Bakit ganon? Parang nawala lahat ng lakas na nakuha ng katawan ko sa pag t-training. Parang hindi ko kayang suportahan sarili kong katawan sa sobrang hina ko ngayon.
"Are you okay?" Nag-aalala nyang tanong. Tumango naman ako sakanya.
"Okay lang ako, it's just that, I feel so week right now. Feeling ko parang ilang araw akong tulog, walang kain pati walang tubig." Sagot ko sakanya na ikinabuntong hininga nya.
Umupo sya sa sahig katapat ko tsaka nya maingat na inabot ang tuhod ko bago pinagpagan at pinatong sa hita nya para masahiin.
"Love, ilang araw ba akong tulog? Ang hina ko talaga ngayon." Tanong ko.
"3 days." Sagot nito.
"3 days?!"
"Shit. Huwag ka ngang sumigaw!"
"S-seryoso ka, khalil?"
"Yeah."
"Bakit ba ang ingay dito—" Napatingin kami ng biglang pumasok si Angel na natigilan mag salita at nanlalaki ang mata na nakatingin saakin. "Waahhh! Andeeengg!! Gising ka naaa!" Sigaw nito at nag tatakbo palapit saakin tsaka ako niyakap.
Sunod naman noon ay pare parehas kaming napatingin sa may pintuan ng makarinig kami ng takbuhan sa labas palapit dito sa kwarto.
"Waah! Gising ka na nga!"
"Omg, I'm glad you're awake now!"
"Namiss ka namin huhu."
"Namiss namin katakawan mo!"
"nakakamiss kaingayan mo"
"Woah, di ko naman alam na nag f-foot massage service ka na, tol. Hahaha!"
"Gago!"
Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko sa mga pinagsasabi nila ng makapasok sila dito habang ako ay nakakunot lang ang noo at takang taka sa mga reaksyon nila dahil wala akong alam sa mga sinasabi nila.
"H-hindi naman ako na comatose ah, bakit niyo naman ako mamimiss?" Nag tataka kong tanong na ikinatawa nila. Ano bang meron?
"Alam namin, we just missed you." Sagot naman ni Ate Sunny na ngingiti ngiti saakin. Ano ba talagang meron ngayon? Bakit parang ang saya saya nila ngayon?
"Is it true? Tatlong araw akong tulog?" Tanong ko sakanila.
"Oo naman!" Sagot ng iba at ang iba naman ay masigla lang na tumango saakin. "B-bakit?" Tanong ko na nakapag pakunot sa mga noo nila.
"Andeng, what do you mean 'bakit'? Don't you remember what happened?" Tanong naman ni Hugo.
Kumunot naman lalo ang noo ko, sinubukan kong alalahanin kung anong nangyari pero ang tangi ko lang naalala ay
"naging kami ni khalil at nag hahanda kayo umalis dahil sa utos ko." Bulong ko ngunit sapat lang para marinig nilang lahat. Binalingan ko silang lahat ng tingin at ngumiti.
"Ano nga palang nangyari sa plano natin? Success ba?" Natutuwa kong tanong sakanila ngunit nila isa sa kanila ay walang sumagot. Pati ang kanilang mga ngiti ay naglaho na parang bula.
Hindi nagbago ang mga tingin nila saakin na naguguluhan sa mga sinabi ko. Don't tell me it's just a dream?
Why are they being weird today? Sinagot ko lang naman ang tanong nila saakin.
"You don't really remember what happened? Are you being serious right now?" Sunod sunod na tanong saakin ni Minoah na parang hindi pa makapaniwala.
Tumango naman ako. Napakunot lalo ang noo ko ng marealize kong kulang sila. Inilibot ko ang tingin sakanila.
"Teka, bakit parang kulang kayo? Nandito naman si Zrindle, Angel, Minoah, Keila, Kyle, Hugo, Sky, Ate Sunny, Ate Callie, Slixine, Haji, Khalil, Zavier and Klein." Inisa isa kong turo sakanila na parang nag aattendance.
Ayon! Si Vriany ang wala!
"Nasan si Vrian—"
"Andeng, Vriany is—" Hindi na natapos ang sasabihin ni Sky ng magsalita si Kyle. Tignan mo 'tong si Kyle, ang bastos. Nag sasalita 'yong isa e. Hay nako.
"Guys, kakagising nya lang. Baka mawalan nanaman sya ng malay pag binigla nyo ng sabi sakanya 'yan." Anito bago tumingin kay Ate Sunny at tinanguan ito. Tumango naman si Ate Sunny bago nilabas ang phone nya at may dinial bago lumayo saamin.
"Don't stress yourself too much, you should rest for now." Wika naman ni Zrindle. Tumangon naman ako sakanya at ngumiti.
"Do you still want to go to the bathroom?" Tanong ni Khalil.
"Yes, love. Please." Sagot ko, ngumiti naman sya at inalalayan akong tumayo.
"Slixine, tara na't ipagluluto natin si Andeng ng—" Hindi naman natapos ng pagsasalita si Klein ng pigilan sila ni Keila. "A-ah, Klein! Wag na, kami na lang ni Hugo ang magluluto para kay Andria." Sabi niya.
"Bakit?" Tanong ni Slixine. Umiling naman si Hugo. "Nothing, gusto lang namin ipagluto si Andeng ng mga paborito nya." Sagot nito tsaka nag pahila kay Keila.
Tumango naman sila Klein at Slixine bago nag kibit balikat na lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung saan sila pupunta. Bahala sila.
Angel's POV.
          
  Pinagmasdan lang namin nila Minoah at Hime si Andeng na inaakay ni Khalil dahil halata sa katawan nito ang sobrang panghihina. Epekto na rin siguro iyon ng pagkakatulog nya ng tatlong araw. Sayang nga lang at hindi sya nakasama sa pag libing kay Vriany.
Pero okay na rin 'yon para hindi na masyadong nasasaktan si Andeng.
Ang pinagtataka ko lang ngayon ay bakit wala syang maalala kahit sa anong mga nangyari? Bakit ganon?
"Angel." Napakurap kurap ako ng marinig ang boses ni Nay Zrin.
"Bakit, nay?" Tanong ko.
"Kanina ka pa nakatitig kay Andeng, anong iniisip mo?" Balik na tanong nito, bahagya naman akong ngumiti.
"Iniisip ko lang kung bakit limitado lang ang naalala nya sa mga nangyari? Bakit hindi nya alam na patay na si Vriany?" Hininaan ko pa ang boses ko para lang hindi ako marinig ni Andeng. Nagkibit balikat naman ito saakin.
"Hindi natin alam, nabigla lang siguro sya sa biglaang pagkawala ni Vri." Sagot ni Keila. Nagkibit balikat naman ako sa sinabi niya.
Maya maya lamang ay dumating na si Doc. Mendez para suriin si Andria. Nakailang tanong din siya kay Andria na minsan ay dahil para ikakunot ng noo nito dahil sa pagtatakha pero agad din naman nitong sinagot.
Lumabas naman ako habang tinitignan ng doktor si Andria at tumambay sa Veranda bagong tumuon sa railings nito.
Ilang ulit pa akong napabuntong hininga bago kinapa sa bulsa ko ang nag iisang bagay na iniwan saamin ni Vriany bago ito tuluyang namaalam saamin.
Ang nag iisang bagay na naglalaman ng napakaraming katotoohanan at lihim na matagal ng itinago saamin nang nag iisang tao na tinanggap at tinuring naming pamilya.
May naramdaman akong naglalakad palapit saakin kaya agad ko itong tinago saaking bulsa.
"Lalim ng iniisip mo ah." Wika ni Klein.
Ngumiti lang ako sakanya bago umiling bilang sagot. "Hindi naman, iniisip ko lang kung anong magiging reaksyon ni Andria kapag nalaman niyang patay na ang nag iisang babae na nagsakripisyo ng buhay mailigtas lang sya." Sabi ko na ikina-iwas niya ng tingin. Hindi ka ba nag-guilty Klein?
Ngumiti rin naman ito saakin. Isang pilit na ngiti. "S-syempre masasaktan iyon. Alam naman nating lahat kung gaano kadaming pangarap mayroon si Vriany, pero mas pinili nya pa rin iligtas si Andria." Pero bakit ginawa mo pa rin kaming pagtaksilan?
"Yeah, you're right." Ayan na lang ang naisagot ko sakanya at mariin na pinikit ang mata bago ulit mag mulat.
"Naandito lang pala kayong dalawa." Bungad saamin ni Kyle. Nakangiti ko itong nilingon. "Bakit?" Tanong ko.
"Tara na't bumalik sa kwarto." Aya nito kaya tumango na lamang ako sakanya at sumabay sakanya pabalik sa kwarto ni Andria.
Muli ko pang sinulyapan si Klein na nakatungo habang mahigpit na nakakapit sa railings ng Veranda bago nagpatuloy sa paglalakad.

Book Comment (67)

  • avatar
    SalisuHamza

    hello

    28/09

      0
  • avatar
    CastroKhaitlyn

    next pls 😔

    21/09

      0
  • avatar
    Jerryjay Contreras

    good novel

    01/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters