Homepage/Destined To Be With The Mafia Boss/
Chapter 25.
Andria's POV.
Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng pananakit ng katawan at dahil na rin sa kakaunting sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Dahan dahan akong umupo at nag kusot ng mata.
Bababa na sana ako ng kama ng makaramdam ako ng pananakit sa pagitan ng hita ko. "A-aray." daing ko.
Napatingin ako sa sarili ko ng marealize kong wala akong saplot at tanging kumot na makapal lamang ang nakabalot saakin.
Nanlalaki ang mata ko at napatakip na lang sa bibig ko ng maalala ang mga nangyari ng hating gabi. Tumingin ako sa katabi ko para sana gisingin si Khalil pero wala na sya sa tabi ko.
"Oh my god, what the hell on earth just happened last night?" Bulong ko sa sarili ko habang tinatampal pa ang sarili ko.
"Oh my god, oh my god. What am I gonna do now? My parent's going to kill me if ever na mag bunga 'to!" Bulong ko sa sarili ko habang abot abot ang kaba ko dahil sa nangyari pero bago pa man ako mag freak out ng sobra ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si Khalil na may dalang tray ng foods.
Nang mailapag niya sa bedside table ang tray na hawak nya ay nakangiti siyang umupo sa tabi ko.
Napakagat ako sa labi ko dahil sa kaba habang nakatingin sakaniya.
"How's your sleep, love?" Nakangiti nitong tanong. "M-mabuti naman." sagot ko. Napakunot naman bigla ang noo niya habang pinagmamasdan ako kaya napatungo ako.
"What's wrong? Does it still hurt?" Tanong nito bago hinawakan ang dalawa kong kamay. Napatungo naman ako at hindi pinansin ang tanong niya.
Paano pag nag bunga 'to? Ano na lang sasabihin ko sakanila? Baka itakwil nila ako.
"Hey love, tell me. What's wrong?"
Napakagat ako sa labi ko bago siya binalingan ng tingin na nakakunot pa rin ang noo saakin.
"P-paano kung mag bunga 'to?" May halong takot kong tanong sakaniya pero imbis na sumagot siya ay nakangiti niya akong sinalikan sa noo kapag kuwan ay nagsalita na.
"You don't have to worry about that. Papanagutan kita at ang magiging bunga nito. Ginusto ko 'to kaya walang dahilan para hindi kita panagutan." Sagot niya na nakapag pakalma saakin.
"I love you." Bulong ko sakaniya.
"I love you more, love."
___________
Naandito ako ngayon sa university dahil sapat na ang itinagal ng aming ipinagpaliban. Nakatitig lang ako sa USB na nakuha ko kay Sky na siya namang iniwan saamin ni Vriany. Napayukom ang kamay ko ng maalala nanaman si Vriany.
Kanina pa hindi mahagilap ng mata ko ang pinsan kong traydor at ang tiyahin namin. Pero mabuti na rin siguro 'to dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at mapatay ko pa siya sa harap ng mga estudyante.
Magbabayad kayo dahil sa pagkalaban niyo saakin, Smith Organization. Hinding hindi ko papalapagpasin 'to.
"Andria Clarize!" Napakurap kurap ako ng marinig ang kantyaw saakin ni Haji.
"What?"
"Kanina ka pa tulala diyan, what are you even thinking?"
Ngumiti naman ako sakaniya bago umiling at itinago sa bulsa ng mini-skirt ko ang bagay na kanina ko pa hawak.
"Have you opened it already?" Napatingin ako kay Haji ng magtanong siya. Nakatingin naman siya sa kamay ko na nasa bulsa. Nakita niya siguro ang usb na tinago ko.
Umiling naman ako.
"Pakiramdam ko kasi parang mas masakit kapag binuksan ko 'to. There's a part of me na gustong gusto ko itong buksan, but there's also a part of me that I shouldn't open this because it will be more painful for me. For us." Sagot ko na ikinabuntong hininga niya bago ngumiti saakin.
"You're a mafia heiress, Andria. I know you can do this. Mas matapang ka kesa saamin, mas marami kang karanasan at mas maparaan ka. No one will do this except you." Pabulong niyang saad saakin na ikinayuko ko. "Tsaka ano ka ba, hindi ko naman sinasabing ngayon mo buksan 'yan. Take your time, but don't take too long. Baka mamaya mahalaga pala ang laman niyan." Dugtong niya kaya inangat ko ang ulo ko bago ngumiti sakaniya at tumango.
"Hoy!"
"Mga bansot!"
"Kanina pa kayo dito?"
"Thank God, you guys are here. Kanina pa kami nagugutom ni Andeng!" Singhal ni Haji sa mga kaibigan naming kakarating lamang at may mga dalang pagkain.
Napasimangot naman ako ng marinig ang pagkulo ng tiyan ko. Napalingon naman ako sa tabi ko ng marinig ko ang pagtawa ni Khalil kaya masamang tingin ang pinukol ko sakaniya.
"Tatawa-tawa ka pa diyan, sabi mo saglit ka lang aalis!" Asik ko. Ngumiti lang siya saakin bago ako ginawaran ng halik sa aking noo. "Sorry na." Tatawa tawa niyang bulong bago inabot saakin ang french fries na galing Jollibee.
"Oh teka lang naman!" Nabaling naman ang atensyon namin ni Khalil kay Klein ng bigla itong sumigaw. Mali, atensyon pala naming lahat.
"Akin kasi 'yan, gago ka ba?!" Sigaw naman ni Slixine habang inaabot yung dalawang slice ng pizza na nakabalot sa plastic na hawak ni Klein at pilit niyang itinataas.
"Oo nga, teka nga lang kasi. Ang takaw mo hindi ka man lang mamigay!" Angal naman ni Klein kaya binatukan siya ni Slixine na masamang masama na ang tingin.
"Tanginamo, gutom na ako!"
"Teka nga!"
"Hindi mo ibibigay?!"
"Saglit nga kasi!"
"Isa!"
"Ibigay mo na kasi tangina ka talaga!"
"Huwag ka ngang malikot! Kakagat lang naman ako e!"
"Bumili ka ng iyo, punyeta!"
Ngingiti ngiti naman akong napailing dahil sa kakulitan nilang dalawa. Halos pagtinginan na nga lang din sila ng ibang mga estudyante e.
Pati ang buong barkadahan namin ay nagtatawanan habang nakatingin doon sa dalawa. Ngunit ng mapatingin ako kay Angel ay unti-unting nag laho ang ngiti ko.
Ang mga tingin niya kela Klein at Slixine ay iba. Ibang iba sa kung paano niya kami tignan. Ibang iba sa kung paano niya tignan noon silang dalawa.
Parang may bahid ng galit, lungkot, panghihinayang at takot ang mga mata niya habang nakatingin kay Klein at Slixine. Napatingin naman ako sa dalawa na hindi pa rin tapos sa pag aaway dahil sa pizza bago ibinalik ang tingin ko kay Angel.
Anong meron? May hindi ba ako nalalaman? Bakit ka ganiyan makatingin kela Slixine? Bakit kung tignan mo sila ay parang ang laki ng kasalanan nila saatin?
Nang maramdaman niya sigurong nakatingin ako sakaniya ay lumingon ito saakin at ngumiti. Inilapag ko ang hawak kong fries bago hawakan ang kamay niya. Napakunot naman ang noo ko ng maramdaman ang panlalamig ng kamay nito kaya mabilis niyang binawi ang kamay niya.
"What's wrong?" Kunot noo kong tanong sakanya. Mabilis naman siyang umiling saakin bago pilit na tumawa.
"There's nothing wrong, deng. I'm fine, medyo masama lang ang pakiramdam ko kaya ganito ako." Sagot niya saakin.
Tumango na lamang ako sa sinabi niya bago siya nginitian. "You should go to infirmary, sasamahan kita." Biglang singit naman ni Zrindle sa usapan namin. Muli namang umiling si Angel.
"No need, okay pa naman ako." Sagot nito kaya hindi na lang namin siya pinilit.
Muli naman itong tumahimik kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko ngunit na hagip naman ng mga mata ko ang pag papasulyap sulyap nya sa dalawa kaya hindi ko maiwasang mapaisip.
Wala nga ba talaga? O baka meron na at hindi ko lang napapansin? May dapat ba akong malaman?Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (67)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
hello
28/09
0next pls 😔
21/09
0good novel
01/07
0View All