Chapter 26

Andria's POV.
          "Love! Maaga pa nga kasi, mamaya ka na nga mang istorboo!" Reklamo ko kay khalil ng marinig ang paulit ulit niyang pag tawag saakin mula sa labas ng kwarto. Nag taklob ako ng comforter para hindi na marinig ang boses niya.
"Andria? Anak, tumayo ka na diyan." I heard dad's voice from the outside kasabay ng tawanan ng iba ko pang mga kaibigan. Padabog naman akong tumayo at pipikit pikit na tumayo tsaka sila pinagbuksan ng pintuan.
"Ano ba yan! Daddy naman e! Inaantok pa nga sabi ako, patulugin niyo muna akoo!" Pagmamaktol ko at hindi na nag abalang magmulat pa para tignan sila.
"Umayos ka nga, anak." Saway saakin ni Daddy na lalong ikinalukot ng mukha ko.
"Pfft. You look like a mess, love." Napamulat ako ng marinig ang sinabi ni Khalil bago siya tignan ng masama.
"I'm still beautiful tho." May halong pag mamayabang kong sagot sakanya tsaka siya inirapan na lalong ikinatawa ng mga kaibigan namin na nasa likod nila daddy kaya sila naman ang sinamaan ko ng tingin. Bwiset.
"We'll wait for you down stairs, beautiful. Don't take too long." My dad said in a low stern voice before turning his back on me and walk away. Sumunod naman sakanya ang mga kaibigan ko. I just mocked the way he talks and rolled my eyes.
Tawa naman ng tawa itong siraulo kong boyfriend sa harapan ko bago— "Aray naman!" Reklamo ko ng pitikin niya ang noo ko at hinila ako papasok ng kwarto
"Stop mocking Tito Marcus and go to shower before we get late." Saad naman nito bago ako halikan sa labi. Nanlalaki naman ang mata ko na napatingin sa wall clock ko at nakitang isang oras na lang ang titira bago mag simula ang klase namin.
"OH MY GOD!" Sigaw ko at nagmadali na kumuha ng bathrobe bago tumakbo papasok ng bathroom, narinig ko pa siyang tumawa ngunit hindi ko na ito pinansin.
Pagkakasuot ko ng bathrobe ay muli akong tumingin sa orasan. 6:27am. May natitira pa akong oras. Nag ayos muna ako ng sarili bago lumabas ng bathroom. Mukha namang naagaw ko ang atensyon ni Khalil dahil napatingin ito saakin.
Ngumisi to habang pinagmamasdan ang buong katawan ko. Inirapan ko lang siya at pumasok na ng walk in closet ko bago nag bihis ng uniform. Plain black miniskirt at white sleeve polo ang uniform namin. May kasama pang necktie na kulay red at may pangalan pa ng bawat estudyante ang nakalagay sa bawat uniform namin.
Kinuha ko na ang books ko at shoulder bag ko bago lumabas ng walk in closet.
Tumayo naman agad si Khalil at kinuha saakin ang bag ko. Siya na lang daw ang magbibitbit kaya hinayaan ko na lang siya. Nang makababa kami ay naandoon na silang lahat sa dining area.
Mukhang kami na lang ang hinihintay.
"Take a seat." Utos ni Daddy na agad naman naming sinunod ni Khalil. Habang nakain ay hindi ko naman maiwasang mapatingin kay Angel.
Ganoon pa rin siya. Tahimik at walang imik. Maging ang mga tingin niya sa dalawa. Hindi rin nagbabago.
Napakunot naman ang noo ko ng dumapo ang mga tingin ko kela Klein at Slixine na magkatabi at nagkukulitan.
Binalingan ko si Ate Callie at tinaasan siya ng kilay. Ngumiti lang saakin si Callie umiling saakin na para bang sinasabi niyang hayaan ko ang dalawa.
Ano bang nangyayari?! Hindi ba't si Ate Callie ang nililigawan nitong si Klein? Anong nangyayari? Bakit ganito? Bakit parang may mali sa bawat nakikita ko?
"Sweetheart, why aren't you eating?" Napatingin ako kay Daddy ng magsalita siya. Napakurap kurap naman akong tumingin sakaniya bago umiling.
"I'm just thinking of something." Sagot ko sakanya at mariin na ipinikit ang aking mata bago nagpatuloy sa pagkain.
________
"We're here, kiddos." Dad announced before going out of the Ford Transit.
Siya na ang nagprisinta na mag hatid saamin papunta dito sa University dahil gusto niya rin daw makausap ng masinsinan si Tita Arianne.
Hindi ko alam kung tungkol saan pero mukhang hindi maganda pakiramdam ko sa pag-uusapan nila.
Nang makababa sila ay sumunod na rin ako at inayos ang aking sarili. Khalil held my hand before pulling me to his side.
Napakunot naman ang noo dahil sa ginawa niyang iyon. Inilibot ko naman ang tingin ko at napansin na maraming kalalakihan na estudyante ang nakasunod ang tingin saamin.
Maging saakin.
Bahagya naman akong napatawa bago tumingin kay Khalil na walang emosyon ang mukha at nakakunot ang noo.
Naramdaman ko ang pag higpit ng hawak nito sa kamay ko na lalong nakapagpatawa saakin.
"Why the hell are you laughing?" Galit na tanong nito at masama ang mga matang nakatingin saakin.
"Stop being so jealous. I'm all yours, my love." I whispered before kissing his cheeks and giggles.
"I might as well flock their eyes off." He murmured. Napangiwi naman ako.
"Gross." I commented and finally. He laughed. This guy is really something.
Nagtaka naman ako ng maramdaman ang pagtigil ng mga kasama namin sa paglalakad. Napataas naman ang kilay ko ng makita kung sino ang naging dahilan ng pagtigil namin.
That bitch.
"Hi guys! Hi Tito Marcus!" Bati ni Natasha bago humalik sa pisnge ni Daddy. Malamig naman siyang binalingan ng tingin ni Daddy.
"Natasha." Bati sakaniya ni Daddy.
"Ano po palang ginagawa niyo dito?" Tanong ni Natasha bago ngumiti ng matamis na ikinairap ko.
Sarap mong barilin.
"I'm here to see how your Tita Arianne is doing. I'm also here to discuss business matters with her." Sagot naman ni Daddy bago tumingin sa wrist watch niya.
"Ganoon po ba—"
"I'm not here to waste my time by chitchating with you, Natasha. Now, tell me where is Arianne?" Inip na tanong ni Daddy habang nakapamulsa ang mag kabilang kamay at seryoso pa rin ang tingin nito kay Natasha.
"She's in the office po." Sagot nito. Tinanguan lang siya ni Daddy at nilagpasan ito. Mahina naman akong napatawa.
Lumapit naman ako kay Natasha. Napansin niya naman ako at yayakapin niya sana ako ng iharap ko sakaniya ang palad ko at sinenyasan siyang tumigil.
Nangunot naman ang noo niya dahil sa inakto ko bago ako tinaasan ng kilay.
"What's wrong with you?" Nagtataka niyang tanong na bahagya kong ikinangisi. "Why don't you ask it to yourself, Tasha?" Pabalik kong tanong.
"Hahaha what? there's nothing wrong with me naman, Dria. Sa sarili mo nga dapat itanong 'yan, you just suddenly act so strange after disappearing here in University for a couple of weeks. What's happening to you?" Ani mo'y puno ng pag-aalalang tanong niya saakin bago lumapit at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
Naiiritang binalingan ko siya ng tingin bago tinulak at sinampal ng malakas.
"Andria!" Puna saakin ni Zrindle.
Napayukom ang kamay ko dahil unti-unti nanamang namumuo ang puot at galit na nararamdaman ko.
Gulat na gulat na napatingin saakin si Natasha habang hawak hawak ang pisnge niyang namumula dahil sa pagkakasampal ko.
Maging ang mga estudyanteng nakamasid saamin ay nagulat sa ginawa ko at nagsimula nanamang umugong ang bulungan sa paligid.
"Oh my god!"
"Why the hell did she do that for?!"
"Oh no! It must be hurt so bad."
"Poor Natasha just slapped by her cousin."
"A-andria.." Naluluha niyang banggit sa pangalan ko. Hindi niya siguro inaasahan na magagawa ko siyang saktan dahil sa lahat ng tao, ako lang ang never pang dumampi ang palad sa pisnge niya.
"You deserved it." Nakangisi kong wika.
"W-what? I didn't do a-anything to you—"
"Drop the act, Natasha. I am so sick of you pretending to be nice." I coldly said and smirked once again.
"What are you talking about?" Tanong niya na parang hindi niya alam kung ano ang pinupunto ko.
"You're really good at acting, Natasha." Iiling-iling na sabat ni Zavier bago natatawang nagbaba ng tingin.
"You amazed me. But sadly, hindi gagana saamin ang pagiging best actress at 'yang pagiging plastik mo." Dugtong pa nila na ikinatawa nila Zrindle at ng iba pa naming mga kaibigan.
Habang sila Klein at Slixine naman ay tahimik na nakatungo ni hindi man lang makatingin sa kausap ko. I think I know what's happening here.
"Nice try, Ms. Natasha. But you can't fool us Hellians." Nakangisi namang sabat ni Keila bago kumapit sa braso ko.
Lalo namang kumunot ang noo ni Natasha dahil sa mga sinambit namin.
"Anong sinasabi nila?"
"May naintindihan ka ba, pre?"
"Wala e."
"Ako rin, walang naintindihan."
"Andria, ano bang sinasabi nitong mga kaibigan mo? Nababaliw na ba kayo?" Naguguluhan niyang tanong saakin.
Go on, bitch. Act innocent.
Tumingin naman ito kay Khalil at para bang humihingi ng tulong sa kaniya.
"E-eros, tulungan mo naman ako oh. P-pinagtutulungan kaya nila ako." Nauutal na wika nito bago kumapit sa braso ng boyfriend ko.
Napasinghap naman ako dahil sa kakapalan ng pagmumukha niya.
Agad kong hinila palayo si Natasha sa boyfriend ko at isa nanamang malakas na sampal sa kabila niya namang pisnge ang natanggap niya mula saakin.
"Never touch my boyfriend, bitch." Inis na wika ko sakanya bago muling siyang itinulak habang si Khalil naman ay naiirita na dahil sa pagkakahawak sakanya ni Natasha.
"Gusto mong malaman kung anong sinasabi namin?" Natatawa kong tanong sakanya ng hindi siya magsalita.
"Gusto mo talagang malaman sa harap nilang lahat kung anong pinlano noong mga panahong wala kami?" Natatawa kong pahabol na tanong sakaniya.
Napaatras naman siya bago tumingin sa paligid namin na pinalilibutan ng mga estudyante ng University namin.
"All of you, take my command. Leave!" Utos niya sa mga ito na agad namang nagsi-alisan at nag takbuhan paalis.
Nang mawala ang mga estudyante sa paligid namin ay ngumisi ito saakin.
"So you already knew, huh?" Tatawa tawa niyang wika saakin bago inikot ikot ang daliri niya sa kulot niyang buhok.
"Scaredy cat." Angel commented ng makaalis na ang mga estudyante.
"Alam ko na simula pa lang, Natasha. Hindi ko lang talaga mapaniwalaan nung una because I was hoping that it's not you." Balewala kong sagot sakanya habang nakatingin sa sapatos ko.
Muli ko siyang binalingan ng tingin bago siya nginisian. "Kaso masiyado kang tanga mag tago kaya wala pang isang araw ay bistado ka na agad." May halong pang iinsulto sa boses ko ng sabihin ko iyon kaya sumama ang tingin niya sakin.
"Hindi lang ang kamatayan ng pinaka mamahal mong kaibigan na si Vriany ang mararanasan mo, Andria. Papahirapan ko ang mga taong nakapaligid sayo hanggang sa mawala ang lahat ng para sayo," Nakakakilabot itong ngumiti ng nakakaloko at sa isang iglap ay may pinaglalaruan na itong patalim na siya namang kamukhang kamukha ng nakita namin sa death threat na pinadala saamin noon.
"Baka nga pati ikaw mawala sa mundong ito, kung gugustuhin ko." Natatawa nitong dugtong at patuloy pa rin sa pag lalaro ng patalim na hawak niya.
Naging alerto kaming lahat ng tumigil sa paglalaro ng patalim si Natasha at bago pa nito naitutok saakin ay malakas kong tinabig ang kamay dahilan para humagis ito sa ere at sa isang iglap lang ay ako naman ang tumutok ng patalim sakanya na ikinamutla niya.
"Huwag kang papakasiguro, Natasha. Dahil kaya kong bawiin ang lahat ng nasa iyo ngayon. Baka sa huli ay ikaw naman ang mawalan." Pagbabanta ko sakanya bago ngumiti ng nakakaloko at iwinagayway sa harap ng mukha niya ang patalim na hawak ko.
Binitawan ko ito at binalingan ng tingin ang mga kaibigan ko. "Let's go, late na tayo para sa first subject natin." Wika ko at nag lakad palampas kay Natasha.
Narinig ko pa na may ibinulong si Natasha ngunit hindi ko na lamang siya pinansin at ngumiti kay Khalil.
"Bitch." I murmured.

Book Comment (67)

  • avatar
    SalisuHamza

    hello

    28/09

      0
  • avatar
    CastroKhaitlyn

    next pls 😔

    21/09

      0
  • avatar
    Jerryjay Contreras

    good novel

    01/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters