Homepage/Compilation Of One Shot 2/
SEKRETARYA
"La, uminom na kayo ng gamot para guminhawa po pakiramdam ninyo," sabi ni Trisha sa kaniyang Lola Ising na nakahiga sa kama na tiyak na magiggiba kapag umupo ang isang matabang tao. Nagtrarabaho siya sa isang pharmacy sa bayan pero hindi pa rin sapat ang kinikita niya para sa gastusin sa bahay at sa gamot ng kaniyang lolang maysakit. May sakit itong diabetes kaya kailangan talaga ng maintenance. Lumaking walang kinikilalang magulang si Trisha. Ang kuwento ng kaniyang Lola Ising, nakita daw siya nito sa bangketa na balot na balot sa lampin. Dahil mag-isa lamang ito sa buhay ay hindi nag-atubili ang matanda na kunin siya, alagaan, palakihin at bigyan ng edukasyon. Kaya ngayon ibinabalik niya rito lahat ng sakripisyo nito sa kaniya. Kung hindi dahil sa matanda, baka patay na siya. Tatanawin niyang malaking utang na loob ito. Kaya kahit mapunta lahat sa gastusin sa bahay at sa gamot nito ay ayos lang sa kaniya. Basta para rito, gagawin niya ang lahat. Tinulungan niyang makabangon ang matanda para makainom ng gamot.
"Salamat anak sa pag-aalaga mo sa 'kin. Kung wala ka ay baka patay na ako," puno ng sinseridad na sabi ng kaniyang lola. Ngumiti si Trisha ng matamis at tinulungan na makahigang muli ang matanda pagkatapos inumin ang gamot. Seventy-five years old na ito kaya hirap na rin makatayo, makabangon at makalakad. Kaya kapag umaalis siya patungong trabaho ay nakahanda na lahat para hindi na ito mahirapan. Umupo siya sa gilid nito at hinawakan ang kamay ng matanda.
"La, ako po dapat ang magpasalamat dahil itinaguyod ninyo ang pag-aaral ko hanggang kolehiyo. Kung hindi dahil sa inyo ay baka napano na ako. Tatanawin ko na utang na loob iyon sa inyo," seryuso niyang sabi.
"Naku! Ayaw na ayaw ko pa man din ng drama! O siya. Matutulog na ako. Matulog ka na rin maya-maya," paalala nito na kaagad naman niyang sinang-ayunan. Nang makatulog na ang matanda, akmang tatayo na siya ng mapasulyap siya sa mesa na nasa gilid ng kama. May nakapatong na diyaryo roon. Dahil sa kuryusidad, kinuha niya iyon at binasa. Napunta siya sa job offer.
"The CEO of Sebastian Corparation is looking for a secretary. Starting salary is 15 thousand. The qualification must be a 4 years graduated in any secretarial courses." Nanlaki ang mga mata niya ng mabasa ang job offer. Four years graduate siya sa kursong Bachelor Of Science in Information Technology. Malaki rin ang sahod niya! Kaya nakapagdesisyon na siya na mag-aapply bukas ng umaga.
Muli huminga ng malalim si Trisha habang nakapila sa labas ng office ng CEO ng Sebastian Corporation. Iniisip ang mga puwedeng isagot mamaya sa katanungan sa interview. Mas lalong nadagdagan ang kabang nararamdaman niya ng siya na ang susunod na i-interviewhin.
"Ms. Trisha Delva?" ani ni Harlene, assistant ng CEO na siyang nagpapapasok sa mga aplikante. Itinaas niya ang kamay.
"Yes, ma'am," kabado niyang sabi. Tinanguhan siya nito at inilahad ang kamay sa pintuan na katunayan na puwede na siyang pumasok. Pagpasok niya, hindi niya maiwasang humanga sa ganda ng opisina ng CEO. Kaagad siyang naupo sa katapat na sofa kung saan nakaupo ang CEO, na may katandaan na. Binati niya ito. Tingin niya nasa mid-fifty na ito. Hindi niya maiwasang mailang sa paraan ng pagkakatitig nito na para bang kilala siya nito pero sa totoo lang ngayon lang sila nagkita.
"You are Trisha Delva, right?" tanong nito habang seryusong nakatitig sa kaniya. Tumango siya.
Hindi maiwasang matitigan ni Ronald Sebastian ang babaeng aplikante na nasa kaniyang harapan. Magkahawig sila ng kaniyang yumaong asawa na twenty years ng patay. Sa mata, sa labi, ilong at hugis ng mukha ay magkahawig na magkahawig sila. Tumikhim siya dahil nararamdaman niya na naiilang ito. Nagsimula na siyang magtanong kung ano ang maitutulong nito sa kompanya at ano ang aasahan ng kompanya rito. Nang mga sandaling iyon ay nakapagdesiyon na si Ronald na i-hire niya ito bilang sekretarya niya. Ganoon na lang ang tuwa nito.
"Thank you, sir! I'll do my best and willing to work under pressure. Malaking tulong po ang kikitain ko sa mga pangangailangan sa bahay lalo na at maysakit po ang lola ko. Ako lang po kasi ang inaaasahan ni lola. Kaya kailangan na kailangan ko po talaga itong trabaho na ito," malungkot nitong sabi. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Asaan ang magulang nito at bakit ito lang ang nagtataguyod sa lola nito?
"Bakit ikaw lang ang inaasahan? Wala bang trabaho ang iyong ama at ina?" curious niyang tanong. Napakagat-labi ito saka umiling-iling.
"Wala po akong kinilalang magulang. Napulot po ako ni Lola Ising sa bangketa at siya na po ang nag-alaga sa 'kin. Hindi ko po alam kung ano ang nangyari sa magulang ko at kung bakit po ako inabandona. Iniisip ko nga, baka anak ako sa labas kaya nagawa nila iyon o di kaya ay hindi nila ako kayang buhayin," malungkot nitong sabi. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Ronald ang pagtulo ng luha sa pisngi nito. Agad na pinahid ng dalaga iyon. "Pasensiya po. Nadala lang po ako sa naaraan ko. Kailan po ako puwede mag-start?" tanong nito at ngumiti ng matamis. Pinakatitigan niya si Trisha. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na baka may anak si Cecil sa labas? Natatandaan pa niya na nagkaroon sila ng pagtatalo noon at humantong pa iyon ng paghihiwalay na umabot ng isang taon. Hindi niya mapigilang isipin na baka niloko siya nito. Biglang bumigat ang dibdib niya sa isiping iyon kaya itinuon na lang niya ang pansin sa babae.
"Bukas, puwede ka na magsimula," tugon niya. Iniyuko nito ang ulo at nagpasalamat saka pinayagan ng makaalis ito. Pumasok si Harlene.
"Next applicant na po ba?" tanong nito. Umiling siya.
"Send them home. I hired Ms. Trisha Delva," sagot niya at ipinikit ang mga mata. Sa totoo lang, sa loob ng dalawampung taon, pakiramdam niya may inililihim sa kaniya si Cecil. Hindi kaya ito na iyong lihim? Kailangan niyang malaman ang pagkatao ni Trisha Delva at kung bakit hawig na hawig sila ng yumao niyang asawa.
Nang gabi ding iyon, nagpasiya si Ronald na magtungo sa dating silid ng asawa. Minsan kasi kapag nag-aaway sila ay sa silid na nasa dulo ng hallway ito natutulog. Ayaw ni Cecil na pinapakielamanan ang mga gamit nito. Pumasok siya sa silid nito at iginala ang paningin sa loob. Simula ng mamatay ang kaniyang asawa ay ngayon lang ulit siya nakapasok rito. Pinapalinis na lamang niya kay Manang Josie dahil mapagkakatiwalaan ito. Naupo siya sa kama at kinuha ang picture frame na nakapatong sa bedside table.
"May kailangan ba akong malaman, Cecil? May tinatago ka bang sekreto? Alam mo ba na may nag-apply bilang sekretarya ko, kamukhang-kamukha mo siya. Na-miss tuoy kita ng makita siya. Sana wala kang itinatago dahil tiyak na masasaktan ako. Pero kung mayroon man tatanggapin ko iyon. Wala naman ng dahilan para magalit pa dahil wala ka na. Kailangan ko lang tanggapin ang katotohanan," pagkausap niya sa litrato.
Huminga siya ng malalim at ibinalik ang litrato. Napatingin siya sa isang box na nasa tabi niyon na naka-sealed pa ng masking tape. Kinuha niya iyon dahil na-curious siya sa laman niyon at parang may nag-uudyok din sa kaniya na buksan an box. Dahan-dahan niyan tinanggal ang tape saka binuksan ito. Tumambad sa kaniya ang isang nakatuping papel. Kinuha niya iyon at binuklat. Napaawang ang kaniyang labi ng mabasa na sa kaniya naka-address ang sulat. Sinimulan na niyang basahin iyon. Nasa kalagitnaan na siya ng dumulas ang papel sa kaniyang kamay. Natigilan siya. Hindi niya akalain na magagawa ni Cecil iyon sa kaniya. Naikuyom niya ang kamao.
"Bakit mo nagawa iyon sa 'kin, Cecil?" tanong niya sa sarili saka napatingin muli sa litrato kasabay ng paglandas ng luha sa kaniyang mga mata.
"Mag-iingat ka, Trisha. Galingan mo," pagpapalakas-loob ni Aling Ising sa kaniya. Linapitan ni Trisha ang kaniyang lola at hinawakan ang mga kamay nito saka pinakatitigan ang matanda ng buong pagsuyo at pagmamahal.
"Opo. Gagalingan ko po," tugon niya. May kinuha ang matanda sa bulsa saka iniabot iyon sa kaniya.
"Panyo? May panyo na po ako, 'la," tugon niya. Akmang ibabalik niya iyon dito ng umiling ang matanda.
"Kasama iyan sa loob ng lampin mo 'non. Pag-aari iyan siguro iyan ng iyong ina. Malay mo ang panyong iyan ang magdadala sa iyo para makilala mo ang tunay mong mgulang. Marahil, may dahilan kung bakit ka nila nagawang iabandona," sabi nito saka hinawakan ang kaniyang mga kamay. "Natatandaan mo ba ang sinabi ko sa 'yo? Matutong magpatawad. Huwag magtatanim ng sama ng loob. Hindi tayo perpekto," sabi ng matanda. Nangilid ang luha ni Trisha sa sinabi ng kaniyang Lola Ising saka niyakap ang matanda.
"Opo. pangako po. Kapag nakita ko po siya. Handa kong dinggin ang paliwanag niya at handa ko rin siyang patawarin. Masaya po ako na kinupkop niyo ako at bahagi kayo ng buhay ko," nakangiti niyang sabi. Nagpaalam na siya sa kaniyang lola at nagtungo na sa kaniyang trabaho. Excited siyang pumasok sa trabaho. Nang araw na iyon, ginawa niya ang lahat ng makakaya niya sa mga ipinapagawa sa kaniya ni Ronald.
"Trisha," tawag sa kaniya ng lalaki. Lumingon si Trisha at nakita niyang hawak nito ang kaniyang panyo.
"Ay! Pasensiya na po sir," hinging-paumanhin niya saka lumapit rito para kunin ang panyo. Ngunit imbes na ibigay iyon, ipinakita nito sa kaniya ang naka-engrave na pangalang Cecil. Ang pangalan ng kaniyang ina. Inakala ni Trisha na tinatanong nito kung sino iyong Cecil.
"Pangalan po iyan ng yumao kong ina. Ang sabi ni lola, kasama po iyan na nakabalot sa lampin. Kanina lang po ibinigay sa 'kin ni lola at baka daw iyan ang maging daan para makilala ko ang aking ina. Umaasa po ako na isang araw makikita at makikilala ko po siya," sincere niyang sabi.
"Ang panyong ito ay pag-aari ng aking yumaong asawa dalawampung taon ng patay. Siya ang iyong ina, Trisha. Si Cecil Sebastian. Nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan hanggang sa umalis siya sa bahay. Nagkaroon siya ng karelasyon at ikaw ang naging bunga niyon. Nang isilang ka niya, bumalik siya at paglipas lamang ng ilang buwan, nagkaroon siya ng sakit na colon cancer. Makalipas lamang ang dalawang taon ay pumaanw na siya." Nanlalaki ang mga mata ni Trisha sa sinabing iyon ni Ronald. Pero baka nagkakamali lamang ito. Kailangan niyang makasiguro!
"Po?! Ano po ang katunayan na ang yumao niyong asawa at ang aking ina ay iisa?" paniniguro niya ng makaupo na sila sa sofa. Kinuha ng lalaki ang papel sa bulsa at ibinigay iyon sa kaniya.
"Basahin mo. Nariyan lahat ang confession ni Cecil sa mga nangyari at nagpapatunay na siya ang iyong ina," utos nito. Binuklat naman ni Trisha ang papel at sinimulang basahin. Tumulo ang luha sa mga mata niya ng mabasa ang liham.
"Anak po ako sa labas," aniya saka nag-umpisa ng humagulhol. Niyakap ito Ronald saka hinagod ang kaniyang likod.
"Wala kang kasalanan iha sa mga nangyari. Si Cecil ang nagkasala at hindi ikaw. Ang dapat mong ipagpasalamat ay nabuo ka at mabuting tao ang nagpalaki sa 'yo. Handa kitang tanggapin kahit ikaw pa ang bunga ng pagtataksil ni Cecil. Patay na siya at walang mangyayari kung magsisisihan pa. Nangyari na. Ang mahalaga nalaman mo kung sino ang iyong ina. Alam ko rin na dinala niya ang guilt na iyan hanggang sa siya ay mamatay. HIdi madali iyon sa kaniya," wika nito. Kumalas sa pagkakayakap si Trisha at tiningnan ang ginoo.
"Salamat po. Napakabuti po ninyo, Sir. Hindi na po nakapagtataka kung bakit successful po kayo ngayon," ani niya saka ngumiti. pinahid rin niya ang luha sa kaniyang pisngi.
"Wala ng dahilan para magsisihan pa. Ang kailangan na lang nating gawin ay kalimutan ang nakaraan at magsimula ng panibagong buhay ng walang kinikimkim na galit sa puso. Ngayon ay alam mo na ang dahilan kung bakit iyon nagawa ni Cecil. Ang mali lang doon ay hindi niya sinubukan muna na ipaalam sa 'kin. Pinangunahan siya ng takot at pinangunahan niya ang magiging reaksiyon ko. Doon tayo nagkakamali. Imbes na subukin ang isang bagay, mas pinapanunahan tayo ng negatibo," makahulugan nitong sabi. Ngumiti si Trisha.
"Masaya po ako dahil nag-apply ako dito. Ang Diyos na ang nagtulak sa 'kin na mag-apply sa kompanya ninyo para makilala niyo ako at malaman ko rin ang totoong magulang ko. Maraming-maraming salamat po sa pagtanggap," seryuso niyag sabi.
"Gusto mo bang makita ang iyong ina?" tanong nito. Excited na tumango si Trisha. Kinuha ni Ronald ang pitaka sa bulsa at ipinakita ang litrato ni Cecil sa kaniya.
"Oo nga po. Kamukhang-kamukha ko siya!" hindi niya napigilang maibulalas. Tanghali, pagkatapos nilang maghapunan ay binisita nila ang puntod ni Cecil sa isang memorial park. Nag-alay siya ng bulaklak. Nang umalis sila, alam ni Trisha na tuluyan na niyang napatawad ang kaniyang ina.
Kinaumagahan, napaawang ang labi ni Trisha ng madatnan si Ronald, kasama ang isang lalaki na sa tantiya niya ay abogado dahil na rin sa suot nito na nakaupo sa kanilang sofa sa kanilang maliit na salas. Napatingin sa kaniya ang ginoo saka ngumiti at binati siya ng magandang umaga. Binati rin niya ito pabalik. Naupo siya sa katapat nitong sofa.
"Ano po ang ginagawa ninyo dito, Sir?" tanong niya. Lumabas sa kusina si Aling Ising na may dalang dalawang tasa ng kape at dalawang biscuit. Ikuwenento na rin niya sa kaniyang lola ang lahat at masaya ito dahil nalaman na niya ang totoo niyang pagkatao.
"Oh, gising ka na pala, Trisha," ani nito at ibinaba ang tray sa mesa saka ibinigay iyon sa dalawa at naupo sa tabi niya. Nilingon niya ang kaniyang lola.
"Ano pong ginagawa nila rito, la?" tanong niya.
"Gusto kang i-adopt ni Mr. Ronald Sebastian. Ipapagamit rin niya ang apelyido niya sa 'yo. Ayos lang ba sa 'yo?" tanong ng kaniyang lola. Napatingin siya kay Ronald.
"Gusto kong magkaroon ng kinikilalang anak na siyang magmamana ng kayamanan ko. Hindi na ako bumabata, Trisha. Gusto kong ipagamit ang apelyido ko sa iyo dahil gusto kong ikaw ang magmana ng kayamanan ko. Ito man lang sana ang maibigay ko sa 'yo bilang kapalit sa ginawa sa iyo ni Cecil. Alam ko na nasa tamang kamay ang aking kayamanan. Alam mo kung bakit? Dahil may mabuti kang puso at alam kong magagamit mo ang kayamanan ko sa tamang paraan," mahabang paliwanag ni Ronald. Napatingin si Trisha sa kaniyang lola. Gusto niyang masuklian ang mga naging paghihirap nito sa kaniya pero sa tamang paraan.
"Pasensiya po pero hindi ko matatanggap ang alok niyo sa 'kin ngayon. Hayaan ninyo na paghirapan ko ang mga bagay bago ko iyon makuha. Ayos lang sa 'kin kung tataasan niyo ang sahod pero ang tanggapin ang alok ninyo ay hindi ko po magagawa sa ngayon. Kapag napatunayan ko ang aking sarili sa inyo, willing na po akong tanggapin ang alok ninyo pero sa ngayon hayaan niyo ako na pagtrabahuhan ko po lahat. Ayos lang po ba iyon?" tugon nya. Napangiti si Ronald saka tumayo. Hindi niya akalain na may dignidad na pinanghahawakan s Trisha.
"Hanga ako sa dignidad na mayroon ka, Trisha. Kung iyon ang gusto mo, ibibigay ko. Hihintayin kita bukas sa aking opisina bilang sekretarya ko," tugon nito. Ngumiti siya at inihatid ang ginoo sa labas.
Makalipas ang ilang taon na pagtratrabaho sa Sebastian Corporation. Napatunayan ni Trisha na karapat-dapat na ibigay ni Ronald sa kaniya ang mga kayamanan nito. Masaya si Trisha dahil masusuklian na niya ang mga naging paghihirap sa kaniya ng Lola Ising niya. Proud siya sa sarili dahil alam niyan karapat-dapat sa kaniya ang mga bagay na mayroon siya.
Ang pagkakamali ng isang ina o ama ay hindi pagkakamali ng anak. Marunong tumanggap sa taong nagkamali sa 'tin dahil hindi tayo perpekto. Minsan kasi nakakagawa tayo ng bagay na hindi maganda ng dahil sa galit ng isang tao. Ang isa pang leksiyon na natutunan sa kuwento ay huwag abusuhin ang kabutihan ng isang tao. Mas masarap tamasahin ang isang bagay na bunga ng pinaghirapan. Kapag pinaghirapan hindi iyon basta-basta nawawala.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (267)
Share
End
Recommendations for you
wow
13d
0thank u
27/09
0nice
24/07
0View All