CHAPTER 76

“Oo na, shh ka na. Paulit-ulit ka naman.” nakakalokong sabi ni Alliyah kaya naman agad nag-init ang ulo ko.
Hindi ako nagsalita at tumingin kila Mama na hindi na nakadilat, hindi ko alam kung gising sila o nawalan na sila ng malay.
Lalapit na sana ako kila Mama pero naramdaman kong tinutukan ako ng baril nilang tatlo.
Humarap ako sa kanila at tinaas ang kamay ko na para malaman nilang suko na ako.
“Ano bang kailangan niyo?” tanong ko. “Wala akong maalala na may atraso kami sa inyo. Pero sa totoo lang, kayo naman talaga ang may atraso sa amin, hindi ba?” galit kong tanong.
Binaba ko ang mga kamay ko at tumayo lang sa harapan nilang tatlo.
“Ikaw, Casper? Sigurado ka bang kakampi mo ang mga ‘yan?” tanong ko at napatingin naman siya sa akin at ngumisi.
“Tumahimik ka.” gigil na sabi niya.
“Mukhang hindi mo pa kilala mga kasama mo, ah?” ako naman ang ngumisi. “Sabi nga pala ng Daddy mo, mag-ingat ka raw sa kanila. Bakit hindi mo yata sinusunod ang Tatay mo?” sabi ko at sumeryoso.
Pinanood ko ang pag-iiba ng reaksyon niya dahil sa sinabi ko.
“Well... Nagawa mo nga siyang iwan noon, eh. Kasi... Duwag ka.” sabi ko at pinagpag ko pa kunwari ang katawan ko na parang ang dumi-dumi ko. “Ayaw kong mahawa sa kaduwagan mo.” sabi ko at pinagpag ulit ang katawan ko na agad niyang kinainis.
“Tumahimik ka!” sigaw niya at binaba na niya ang baril. “Tumahimik ka. Tumahimik ka. Tumahimik ka!” paulit-ulit niyang sabi habang hawak ang ulo at nagpaikot-ikot sa harapan ko.
“Casper?! Ano? Naduduwag ka na naman ba?!” rinig kong sigaw ni Marion sa itaas. “Pabagsakin niyo na ang babaeng ‘yan!” sigaw niya.
Tumawa ako ng malakas kaya naman napatingin silang lahat, hindi ko alam kung pati sila Mama ay napamulat ng mata dahil lang sa pagtawa ko.
Tumigil na ako sa kakatawa at tinuro si Marion. “Baka ikaw ang duwag?” sabi ko. “Ay, wait duwag ka talaga. Kung hindi ikaw ang duwag, bakit ayaw mong bumaba rito at humarap ka sa‘kin.” sabi ko. “Ay, h‘wag baka masubsob ka sa pagbaba, mahina pa naman buto mo, tumatanda ka na pala.” sarkastikong sabi ko at hindi pa rin nawawala sa akin ang nakakainis kong ngiti sa kan‘ya.
“Patahimikin niyo na ‘yan!” gigil na sigaw niya at napahawak pa siya sa dibdib niya na parang kumuha pa siya ng sobrang lakas na enerhiya para lang isigaw ‘yon sa akin.
“Matanda ka na talaga.” natatawang sabi ko at tumingin doon sa tatlo. “Ano? Sugod na, aba!” mayabang na sabi ko kaya naman nung hindi sila kumilos ay ako na ang gumawa.
Lumapit ako sa kanila at sumigaw. “Ngayon na!” sigaw ko kaya nagtataka naman silang tumingin sa akin.
Nakarinig ako ng may papasok sa loob ng warehouse kaya naman napangiti ako.
“Hello, kamusta naman. Hello Casper, long time no see, Pinsan!” nakakalokong sabi naman ni Jett kaya naman pati ako nahawa sa pagtawa niya.
Kasama niya sila Julian, Bryan, Excel, Najifah, Janine, Lorie, Ashley, Karl, at Oliver. Si Shaina siguro ang kasama ni Timothy sa Hospital kaya siya lang ang wala rito. Napangiti ako nang makita sila, dahil kahit may tama na sila sa mga katawan nila ay nakakangiti pa rin sila sa akin.
Tinuro ko sila Mama na agad naman nilang nakuha ang ibig kong sabihin. Wala pang limang minuto at nagawa nilang patumbahin lahat ng nakabantay kila Mama at pakawalan silang lahat, hirap pa silang alisin ‘yung kadena na nakakabet kay Miller dahil napaso sila nung hawakan nila iyon, pero nagawa pa rin nilang pakawalan siya kaya naman nakahinga na ako ng maluwag sa tatlong kaharap ko.
“Ano, Casper? Gawin mo na.” sabi ko kaya naman tumingin siya sa akin at ngumisi.
Hinablot niya si Ella at pinalupot niya ang kamay niya sa leeg ng babae at tinutukan ng baril. Tumingin siya sa taas na kung saan ngayon ay nanginginig sa galit si Marion na nakatingin sa kaniya.
“Isa ka ring pa lang traydor!” sabi niya at may hawak siya na parang isang remote. “Magsama-sama tayo sa impyerno!” sigaw niya at pipindutin na sana niya ito nang sumigaw sila Ella at Alliyah.
“Dad! H‘wag!” sigaw nilang dalawa kaya naman tumingin sa kanila si Marion. “H‘wag, please.” umiiyak na sabi naman ni Ella.
Kinuha ko ang pagkakataon na ‘to na pumunta sa taas nang hindi nila nalalaman. Nang nasa taas na ako ay sinipa ko ng malakas ang isang bantay na nahulog na sa baba dahil sa pagsipa ko.
“Magiging duwag ka na lang ba talaga?” nakangising sabi ko. “Baka nakakalimutan mong nandito ang dalawa mong Anak, pero mukhang wala ka talagang pakialam, ah?” sabi ko kaya naman tinutukan niya ako ng baril na siyang sinipa ko lang kaya naman humagis ito sa kung saan.
Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa likod ko at lumakad papalapit sa kan‘ya. Umatras naman siya dahil sa paglapit ko sa kan‘ya.
“Subukan mong lumapit, pipindutin ko ‘to.” panakot niya pa kaya naman napangisi ako.
“Ella, Alliyah, walang pakialam sa inyo ang Tatay niyo.” sabi ko na hindi tumitingin sa baba. Pasugod akong lumapit sa kan‘ya para kuhanin ang hawak niya pero huli na ako dahil may napindot na siya.
Agad akong lumapit sa kan‘ya para isama siya sa pagdapa ko.
Ginawa kong pangharang ang katawan ko sa kan‘ya para hindi siya matamaan.
Sunod-sunod na pagsabog ang narinig ko at ang iba ay malapit sa amin kaya naman napaupo ako dahil sa panghihina dahil hindi ko alam kung ilang bakal ang bumagsak sa akin.
“Boss!”
“Boss Ate!”
“Elle!”
“Anak!”
“Aria!”
“Dad!”
Iyan ang mga naririnig ko. Sinubukan kong itulak ang mga bakal na nakaharang sa amin at sumilip sa baba.
Lahat sila nakadapa pero mga nakatingin sila sa taas at sinisigaw ang pangalan ko.
Tumingin ako kay Marion nang gumalaw ito. Tinulungan ko siyang makatayo.
“A-ayos ka lang?” tanong ko pero umubo lang siya. “Hoy, ayos ka lang? Sabi ko naman sa‘yo matanda ka na, eh. Iyan hinika ka tuloy.” nakakalokong sabi ko at tumingin siya sa akin ng masama bago ngumiti pero bigla na lang siyang umiyak kaya naman agad kong sinipat ang katawan niya at wala namang galos.
“S-sorry.” umiiyak na sabi niya kaya naman napailing ako.
“Tulong! Dalian niyo!” sigaw ko at nakarinig na akong papalapit sa amin at pinag-aalis ang mga bakal sa paligid para makapunta sa gawi namin.
Nang maalis na nila ay lahat sila nakatingin na sa amin.
“Dad!” umiiyak na sabi nila Ella, at Alliyah.
Lumayo na ako sa kanila at iika-ikang lumapit sa pamilya ko, napahawak pa ako sa ulo ko dahil ngayon ko lang yata naramdaman ang sakit nung pagkatama sa ulo ko kanina.
“Elle.” umiiyak na pagtawag sa akin ni Mama at lumapit sa akin para yakapin ako, naramdaman ko ring may yumakap sa akin at alam kong si Papa ang isa at ang sumunod ay dumami na ang yumakap sa akin dahil halos lahat sila ay yumakap sa akin p‘wera lang kay Miller na nakatayo lang na nakatingin sa akin.
“Ugh, aray.” pagdaing ko dahil sa bigat nila. “A-aray naman.” sabi ko at pinagtutulak ko sila. Natatawa naman silang bumitaw sa akin at tumingin sa tinitignan ko.
Mukhang nakakuha na ng lakas si Miller dahil diretso na ang tayo niya pero nakahawak pa rin siya sa tagiliran niya.
Nilahad ko ang kamay ko. “Aren‘t you going to hug me?” nakangiting tanong ko at wala pang ilang segundo ay nasa bisig niya na ako.
Narinig ko siyang sumisinghot kaya naman sumilip ako sa kan‘ya at nakita ko siyang umiiyak.
“Woi! Bakit ka umiiyak?” tanong ko pero niyakap niya lang ako ng mahigpit.
“Tinakot mo ako.” bulong niya sa akin.
“Sorry na. I love you.” malambing na sabi ko at nakarinig naman ako ng panunukso sa mga kasama namin.
“Mahal na mahal kita.” bulong niya at humiwalay na sa akin at hinawakan ang mukha ko.
“Miller...” pagtawag ko sa kan‘ya. “Nahihilo ako...” sabi ko at bigla na lang ako nawalan ng malay.

Book Comment (254)

  • avatar
    Wheng Molavin Llema

    make me cry while reading ur story..longing for a happy ending😊

    29/01/2022

      24
  • avatar
    Bryan L Sibal

    maganda to

    2d

      0
  • avatar
    Jeanren

    mornight

    4d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters