Homepage/I will find you/
CHAPTER 78
Nakangiti akong tumingin sa kaniya, pero hindi man lang siya makatingin sa akin ng deretso.
“I‘m really... really sorry, Aubrielle.” paghingi niya ng tawad pero hindi pa rin siya makatingin sa akin kaya naman natawa ako.
“Tumingin ka sa’kin habang sinasabi ‘yan.” seryoso kunwaring sabi ko, hindi siya tumingin at napayuko na lang.
“Kausapin mo ‘yan.” baling ko kay Miller na ngayon ay nasa tabi ko at pilit pinipigilan na hindi matawa.
“Tumingin ka raw sa kan‘ya... Bahala ka, kapag ‘yan ’di natuwa baka kanina ka pa bagsak d‘yan sa kinakatayuan mo.” panggatong naman ni Miller kaya naman natawa na rin ako at sumabay pa si Miller sa akin sa pagtawa.
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at iyon na ulit ang dating angas ng mukha niya pero mababasa mo sa mata niya na humihingi talaga siya ng tawad.
“I‘m sorry for what I‘ve done. I‘m sorry because I hurt you and all your family. The truth is... I should be thankful to you... You... You saved me. My Father warned me already but... I still chose to become a monster that... It wasn‘t look like me at all. I‘m sorry.” sabi niya at umiwas ng tingin.
“It‘s okay to be monster sometimes, the important thing is... you have the courage to change yourself to become a better person.” nakangiting sabi ko.
“Thank you... Alexander, h‘wag mo na pakawalan ‘yan.” sabi niya at tumingin kay Miller na ngisihan lang siya at tumingin sa akin at hinawakan ako sa baywang.
“I won‘t. She‘s too precious to lose.” nakangiti niyang sabi. “You should go to your girl... And don‘t let her go.” sabi niya at nilagay niya ang ulo niya sa balikat ko kaya naman napangiti ako dahil sa ginawa niya.
“You‘re forgiven, Casper. Let your past go, and never go back. You‘ve learned a lot from your past... And now this is the right time to let it go and started again.” sabi ko kaya naman nakangiti siyang tumango.
“Thank you... I have to leave, and I know Miller wanted me to go para solohin ka.” sabi niya at napangiwi pa dahil sa huli niyang sinabi.
“Sige na, alis na.” pang-aasar naman ni Miller kaya naman natawa na ako.
“Bye Aubrielle.” sabi niya at kumindat pa sa akin kaya naman natawa ulit ako.
“Tusukin ko kaya ‘yang mata mo?” sabi naman ni Miller kaya naman natawa naman kami ni Casper.
Umalis din naman siya kaya naman dalawa na lang kaming natira ni Miller kaya naman nakangiti ko siyang tinignan.
“What?” tanong ko dahil nakangiti siyang nakatingin sa akin.
“Wala lang.” natatawa niyang sagot pero linapit niya ang mukha niya sa akin kaya naman umatras ako hanggang sa dulo na ako ng higaan.
Agad niya akong binuhat paupo sa lap niya kaya naman napasigaw pa ako dahil sa pagbuhat niya.
“What are you doing?” nakakunot noo kong tanong pero nginitian niya lang ako ng matamis at saka ako hinalikan.
I didn't respond to his kisses kaya bumitaw siya at tumingin sa akin na parang may ginawa akong kasalanan.
“What?” mataray na tanong ko at nilagay ko ang dalawa kong kamay sa balikat niya.
“Sige... Alis na ako.” walang reaksyon niyang sabi at dahan-dahan akong ibinalik sa higaan ko. Natawa naman ako dahil sa inakto niya.
“Bye.” mapang-asar ko pang sabi at napansin ko naman na parang may binubulong siya. “May sinasabi ka?” mataray ulit na tanong ko.
“Nothing.” sagot niya at umismid bago padabog na sinara ang pintuan, napapailing na lang ako dahil sa inakto niya.
Humiga ulit ako at pumikit. Ang sakit ng katawan ko, ngayon ko yata naramdaman lahat nung sakit na tinamo ko nung nakaraang linggo. Mayabang kasi ako, eh.
Bumuntong hininga ako at saka ngumiti.
“Tapos na...” nakangiti kong sabi patukoy sa laban.
Sinubukan kong tumayo dahil gusto kong puntahan si Timothy sa room niya. Wala naman na akong dextrose kaya makakapunta naman na ako doon na walang bitbit. ‘Yung ulo ko na lang talaga ang may benda ngayon.
Sinabi sa akin ni Mama kanina kung anong number ng room ni Timothy kaya naman madali na lang akong makapunta roon dahil malapit lang naman siya sa room at dalawang room lang ang pagitan.
Kumatok muna ako bago pumasok, pagpasok ko ay si Tita Stella ang nagbabantay kay Timothy, at nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti.
“How are you?” tanong niya sa akin at tumayo pa para lumapit sa akin at tulungan akong makaupo sa tabi ng higaan ni Timothy.
“I‘m good now, Tita. Thank you for asking.” nakangiting sabi ko kaya naman ngumiti rin siya sa akin at doon naman sa kabila siya umupo. “How about Timothy? Is he okay now?” tanong ko at tumingin kay Timothy na may benda rin sa ulo katulad ko, pero siya ay may dextrose pa rin na nakakabit sa katawan niya.
“Yeah... I guess? But I bet he‘s well better now, because you‘re here. You‘re his idol.” nakangiting sabi niya kaya naman napangiti rin ako at tumingin sa kan‘ya.
“Thank you... Thank you, Tita Stella.” nakangiting sabi ko kaya naman napatingin siya sa akin at ngumiti. “Thank you for being there for me... When there's a time that I needed a Mother beside me... Thank you because you were there for me. Thank you because you accepted me for who I am, and support me for whatever I want.” nakangiting sabi ko sa kan‘ya kaya naman tumayo siya at lumapit sa akin para yakapin ako.
“You‘re welcome, Love. Why wouldn‘t I accept such a beautiful angel? You‘re a gift for me, Love.” sabi niya at agad nangilid ang luha ko dahil sa sinabi niya.
“Thank you Tita... Mommy. Thank you Tita Mommy. Can I call you Tita Mommy instead?” sabi ko at tumingala pa para makita ko siya kaya naman naiiyak siyang tumango.
“Of course. Of course, it‘s beautiful.” sabi niya kaya naman napangiti na ako at yumakap din sa kan‘ya ng mahigpit.
Humiwalay na ako sa kan‘ya at inayos pa ang mukha ko at dahil hindi ko rin mapigilan na maging emosyonal.
Tumingin ako kay Timothy nang maramdaman na parang gumalaw ang kama niya kaya naman pagtingin ko sa kan‘ya ay nagulat pa ako nang makitang nakadilat na siya at nakaupo na siya sa kama niya. Nakatingin siya sa amin habang nakangiti.
“Timothy.” umiiyak na sabay na tawag namin ni Tita Mommy.
Agad lumapit si Tita kay Timothy at yumakap, lumapit na rin ako at yumakap.
“Thank God, you‘re awake.” naluluha ko ring sabi.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (254)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
make me cry while reading ur story..longing for a happy ending😊
29/01/2022
24maganda to
2d
0mornight
4d
0View All