"Anak, may ipapakilala ako sa 'yo. Siya iyong gusto ko na mapangasawa mo," sabi ng ama ni Ella na si Oscar ng nasa hapag-kainan sila ng mga sandaling iyon at kasalukuyag nag-aagahan. Nag-angat siya ng tingin mula sa ginagawang paghiwa ng steak at napatingin sa kaniyang ama. Iyon ang pinaka-ayaw niya. Ang ipagkakasundo siya sa lalaking hindi niya mahal! Ayaw niya matulad sa ibang anak ng kaibigang negosyante ng kaniyang ama na ipinagkasundo. Gusto niya kung mag-aasawa siya, iyong lalaking mahal niya ang pakakasalan niya. "Dad, alam mo naman na ayaw ko na ipagkasundo ako 'di ba?" naiinis niyang sabi. Huminga ng malalim ang kaniyang ama. "Anak, para rin naman ito sa kapakanan mo. Para rin sa 'yo itong ginagawa ko. Gusto kong mapunta ka sa lalaking mabibigyan ka ng magandang buhay. At least secured na ang kinabukasan mo at ng pamilya mo," paliwanag nito. Umiling siya saka tumayo. "No, dad. Ayaw kong maikasal sa lalaking hindi ko mahal!" Hindi na niya napigilan ang mapasigaw dahil sa galit. Dali-dali siyang tumayo at lumabas ng kusina, nagtungo sa kaniyang silid at naupo sa kama. Parang wala siyang balak na pumasok ngayon pero hindi naman puwede iyon dahil madami pa siyang gagawin sa opisina. Huminga siya ng malalim saka tumayo. Pupunta na sana siya sa banyo ng marinig ang marahang pagkatok sa kaniyang pintuan. "Anak, puwede ba kitang makausap?" tanong ng kaniyang ama. "Dad, mamaya na lang tayo mag-usap. Please?" pakiusap niya. Matagal kasi siyang magtampo. Inaabot iyon ng oras at araw bago mawala iyon. "Okay. Gusto lang naman ni dad na mapabuti ka kaya ginagawa ko ito. Okay hahayaan ko muna na mawala ang galit mo sa 'kin. I'm sorry," hinging-paumanhin ng kaniyang ama. Nakarinig siya ng papalayong yabag na katunayan na umalis na ito. Siya naman ay nagtungo na sa banyo para maligo. Papunta si Ella sa opisina ng kaniyang ama. Gusto niya itong makausap na sana huwag nitong gawin ang gusto nitong ipakasal siya sa lalaking hindi niya kilala. Madadaan naman siguro ito sa maayos na usapan. Nang marating ang opisina, akmang papasok na siya dahil nakaawang ang pintuan ng marinig niyang may kausap ang kaniyang ama. Nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang pinag-uusapan ng mga ito. "Huwag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat para maikasal sila sa lalong mdaling panahon, Arman. Alam mo naman na ikaw ang gusto kong maging balae 'di ba?" anang kaniyang ama sa kausap nito. Napasandal siya sa dingding. Naninikip ang dibidib niya dahil desidido ang ama niya na ipakasal siya sa kung sinuman na lalaki na iyon. "Sa papaanong paraan mo maipapakasal ang dalawa?" tanong ng lalaki. "Ako ang bahala, Arman. Actually, nagtatampo siya ngayon dahil sa desisyon ko pero wala naman na siyang magagawa dahil ako pa rin ang masusunod. Mawawala din ang pagtatampo non. Lilipas din at siguradong maiisip non na tama ang desisyon ko," desididong sabi Oscar. Wala na siyang sinayang pa na sandali, dali-dali siyang nagtungo sa elevator na para sa CEO at nagpababa sa basement kung saan naroon ang sasakyan niya. Nang marating iyon, agad niyang pinasibad ang sasakyan pauwi sa nila. Nang makarating, nagtungo siya sa kaniyang silid at nag-impake ng mga damit. Hindi siya papayag na maikasal siya! Alam niyang mali ang tumakas pero mas mali ang gagawin ng kaniyang ama. Ayaw niyang pagsisihan ang isang bagay habambuhay. Nang makakuha ng sapat na damit, lumabas na siya ng bahay at sumakay sa kaniyang kotse saka pinasibad iyon paalis sa kanilang mansiyon at sa lugar na iyon. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Bahala na kung saan siya padparin ng kaniyang paglalakbay. Basta ang mahalaga sa kaniya ngayon ay ang makatakas. Hindi na alam ni Ella kung ilang oras na siyang naglalakbay. Basta napapaligiran na siya ng mga bundok. Papagabi na rin ng mga sandaling iyon. Hiling niya na sana huwag siyang makasalubong ng masamang tao. Hanggang sa napansin niya na humina ang takbo ng sasakyan. Napamura siya. "Bakit ngayon pa!" naiinis niyang sabi ng huminto ang kaniyang sasakyan. Naubusan siya ng gasolina. Lumabas siya ng sasakyan at nagpalinga-linga. Walang kabahayan. Huminga siya ng malalim. "Ano ng gagawin ko ngayon?" nawawalan ng pag-asa niyang sabi. Nakarinig siya ng papalapit na ugong ng sasakyan. Agad siyang nagtungo sa kalsada para parahin iyon. Nang abot-tanaw na niya iyon. Ikinaway niya ang kaniyang mga kamay. Huminto naman ito ng makalapit sa kaniya. Bumaba ang sakay niyon. Natigilan siya ng makita ang lalaki. Matangkad ito at may kayumangging balat. Maganda rin ang hubog ng katawan. Puwede itong pang-model sa mga magazine. May makakapal na kilay. Hindi niya akalain na makakakita siya ng ganito ka-guwapong lalaki. Tumikhim ito. Mukhang napansin nito ang ginawa niyang pagtitig sa binata. "Anong problema, miss?" tanong nito. "Hm, naubusan ako ng gasolina. Saan puwede magpagasolina?" tanong niya. "Malayo-layo na ang gasolinahan dito. Malapit na rito ang bahay namin. Pero mas mainam na bumili tayo ng gasolina. Ano sa tingin mo?" tanong nito. Bigla siyang nakaramdam ng kaba sa sinabi nito. Sasama siya rito? Paano kung masamang tao pala ito? "Kung nag-aalinlangan ka sa tulong na inaalok ko. Ayos lang. Dito ka na lang," sabi nito at akmang aalis na ng tawagin niya ito. "Mister, paano ako nakakasiguro na hindi mo ako gagawan ng masama?" tanong niya. Mas maganda na iyong sigurado. "Hindi ako gagawa ng bagay na ikapapahamak ng kapwa ko. Kung hindi ka mag-ta-take ng risk, uumagahin ka diyan," tugon nito. Huminga siya ng malalim. Kailangan na nga niya talagang mag-take ng risk lalo at pagod na rin siya. Gusto na niyang magpahinga.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (96)
Jr Eric Palacionardem
Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko
07/08/2023
0
Sul Choie
I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam
Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko
07/08/2023
0I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam
11/08
0ok 👌
02/08
0View All