“Ano? Handa ka na bang mabuhay ng malaya?” aniya habang nakangiti. Inilahad niya ang kanyang kamay dito tanda ng kanyang paanyaya. Sa simula ay nagdadalawang isip pa ang lalaki ngunit bumigay din ito at hinawakan ang kamay niya. Lumakas ang kabog ng dibdib niya sa ginawa nito. "Oo handa na ako," determinado nitong sabi. Napangiti siya dahil doon. Hindi naman pala mahirap u-encourage ang binata. Sinisiguro niya na makakaya nito iyon basta tutulungan niya ito. "Tara! Kaya mo iyan basta determinado kang gawin ang isang bahay. Mangyayari at makukuha mo iyon," pagpapalakas-loob niya rito. Pagkatapos ay magkasabay na silang naglakad habang walang tigil naman siya sa pagpapakita at pagpapaliwanag dito ng bawat establisyimento na madaanan nila. Hindi naman niya maiwasan na mapangiti nang maging komportable na ito sa paligid nila. Pagod silang bumalik sa mansion dahil sa dami ng kanilang pinamili. Magkatulong naman nila iyong nilagay at inayos sa kusina at magkasamang kumain ng binili nilang take-out order sa labas kanina. Pagkatapos ay nagpaalam na sila upang magpahinga at umakyat na sa kanilang mga silid. "Sa wakas, unti-unti ko ng naisasakatuparan ang plano ko," nakangiti niyang sabi sa sa sarili saka dahan-dahan ipinikit ang mga mata. Babago pa lamang nanagliliwanag nang sunud-sunod siyang kumatok sa silid ng binata upang gisingin ito. Inaantok naman siyang pinagbuksan ng pinto ni Columbus tsaka niya ito hinila papunta sa may kusina. “May umaangkin sa mga gawa mo, Columbus. Dahil ayaw mong lumabas sa publiko ay may tao nang umangkin ng lahat ng credits at tagumpay mo. Kailangan mong lumabas doon at magpakilala,” saad niya. “Bakit ko naman gagawin iyan?” tanong nito. “Dahil naniniwala ako sayo. Hindi ka dapat pumayag na may magnakaw ng pag-aari mo. Alam ko kung gaano ka naghirap upang abutin iyon kaya naman, hindi ako papayag na may umangkin ng paghihirap mo,” aniya. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang mga taong makakapal ang mukha na nang-aangkin ng mga bagay na hindi naman sa kanila. Ginawa niya ang lahat upang makunbinsi ang binata na magpakilala na sa publiko kahit inabot pa sila ng ilang araw ay hindi niya ito tinigilan. Palagi rin niya itong sinasama sa labas upang masanay pa lalo ang binata sa mga tao sa pag-aakalang malalabanan nito ang takot. Hanggang sa sumapit na ang sabado at kailangan na niyang umuwi. “Bakit ganyan ang itsura mo? Akala ko noon ay pangit ka na sadya pero may mas ipapanget ka pa pala,” anas ng lola niya habang nanonood ng balita sa telebisyon. Wala siya sa mood upang patulan ang matanda sa kalokohan nito. Tatayo na rin sana siya nang biglang ianunsyo sa balita ang paglabas daw sa publiko ng may-ari ng CJ Industry. Sa pag-aakalang ibang lalaki ang lalabas ay tumayo na nga siya ng tuluyan ngunit natigilan nang marinig ang pangalan na binanggit ng broadcaster. “Ako si Columbus Juacinto, ang may-ari ng CJ Industry. Nasa harapan nyo akong lahat upang sabihin sa inyo na ang aming kompanya ay madami pang mga gamot na ilalabas upang pasayahin at paglingkuran kayo. Sana ay patuloy nyo pa rin na mahalin at tangkilikin ang CJ cosmetics. Maraming salamat po.” Malaki ang kanyang mga mata habang pinapanood ang lalaking palagi niyang inaaway at kinukulit. Pero mas nagulat pa siya nang tanungin ng isang reporter ang dahilan kung bakit ito lumabas sa publiko. “I have this special girl na palaging nagpapalakas ng loob ko. Binago at tinulungan niya ako na lumabas sa aking kahon na habang buhay kong ipagpapasalamat. For my girl, thank you so much.” Nag-uunahan naman na tumulo ang kanyang mga luha na ikinatawa naman ng kanyang lola. “Sige na! Puntahan mo na ang prince charming mong bata ka. Bilisan mo.” Wala naman siyang inaksayang panahon at mabilis siyang tumakbo palabas ng kanilang bahay, pumara ng tricycle at nagpunta sa mansion ng mga Juacinto. Hindi pa dumadating ang binata kaya naman, matiyaga siyang naghintay sa may sala hanggang sa marinig niya ang pag-ugong ng sasakyan. Kaagad siyang tumayo at nagpunta sa may pintuan upang salubungin ito. Hindi naman siya nagkamali dahil isang gwapong Columbus ang nakita niya doon habang nakasuot ng coat at nakangiti sa kanya. Mabilis naman siyang tumakbo palapit dito upang yakapin ito ng mahigpit. “Nagawa mo. I am so proud of you,” bulong niya. “It’s all because of you. Thank you, Gigi,” saad naman ng lalaki. Kumalas siya sa yakap at nakangiting hinarap ang lalaki. “Ginulat mo ako, ahh. So, paano ba iyan, hindi mo ako kailangan. Malaya ka nang nakakagalaw, ehh.” “Sinong maysabi na hindi na kita kailangan?” tanong nito sabay luhod sa sahig. “Giana Mendoza, samahan mo ako na gumawa ng mga bagong alaala sa bago kong mundo. Can you be mine?” Wala naman siyang paligoy-ligoy na tumango. “Oo naman!” Mahigpit na yakap ang binigay nila sa isat-isa habang masaya nilang nilalasap ang bawat sandali. Sa wakas ay mawawakasan na rin ang pang-aasar sa kanya ng kanyang lola na tatanda daw siyang dalaga. Sa edad na bente-siete ay sinong mag-aakala na makakahanap pa siya ng pure love?
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (96)
Jr Eric Palacionardem
Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko
07/08/2023
0
Sul Choie
I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam
Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko
07/08/2023
0I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam
11/08
0ok 👌
02/08
0View All