Nakatanaw si Landon sa ibaba habang siya ay nasa balkonahe ng pag-aaring mansiyon ng kaniyang Tiyo Carlos na nagdaraos ng ika-65 taong gulang. May hawak siyang wine glass at pinapaikot ang laman niyon. Napatitig siya sa babae na kausap ng kaniyang tiyuhin. Si Keisha, ang hinahangaan niyang artista dahil sa galing at husay nito sa pag-arte. Idagdag pa na baby face ito. Sa edad na bente-nuebe ay hindi halata na may edad na ito. Parang nasa bente-kuwatro pa lamang ang itsura nito. Kung hugis ng katawan, talaga naman puwede itong pang-rampa pero mas minabuti nito na umarte na lang kaysa mag-modelo. Kung sa height, nasa 5'7 si Keisha. Maayos ang tindig, morena at bumagay rito ang suot na fitted dress. Mas lumitaw ang balingkinitan nitong katawan. "Bro!" nagulat siya ng may tumapik sa kaniyang balikat. Napalingon siya. Si Baron, ang kaniyang matalik na kaibigan slash pinsan ang may gawa niyon. "Buti nakita mo ako rito?" tanong niya. Natawa ito. "Kilala kita. Kapag may mga okasyon, alam kong sa balkonahe ka lang makikita. Ugali mo kasing magmasid sa mga tao sa ibaba at tumingin ng magagandang chiks," pilyong tugon ni Baron. Napailing na lang siya. Totoo iyon, mahilig talaga siyang magmasid ng mga babae at kapag may natipuhan, bababa siya at makikipagkilala hanggang sa nauuwi sa isang one night stand. May mga iba na naka-one night stand siya na gusto ng label pero tumatanggi siya. Wala siyang balak makipag-relasyon. Nakatuon ang atensiyon niya sa pamamahala sa kompanya at higit sa lahat may kinahuhumalingan siyang babae. Si Keisha Jimenez. Nakikita niya si Keisha sa mga party na dinadaluhan pero hindi ni minsan ay hindi siya nag-atubili na magpakilala dahil alam naman niya na hindi siya magugustuhan ni Keisha. May kasintahan ito at limang taon na rin ang kanilang relasyon. "Sa ngayon wala akong makitang chiks na puwede ma-ikama," tugo niya na ikinatawa ng malakas ni Baron saka tumabi sa kaniya at tumingin sa ibaba. Nagsalubong ang kilay ni Baron ng makita si Keisha Jimenez. "Anong walang chiks? Ayun oh! Si Keisha Jimenez, chiks iyan!" sabi nito sabay turo kay Keisha. Agad na tinabig ni Landon ang kamay ni Baron. "Sira-ulo! Huwag mo ngang ituro at baka makita ka!" galit niyang sabi na ikinatawa nito. "Sabagay may kasintahan na kasi kaya hindi ka puwede sa kaniya," tugon ni Baron. Tinapik siya nito. "Mauna na ako. Naghihintay si misis sa ibaba. Suggest ko lang. Walang mangyayari kung hanggang tingin ka na lang kay Keisha, bro. Gumawa ka ng paraan. Wala naman masama na makipagkaibigan para naman makilala ka niya at malaman niya na nag-eexist pala ang isang Landon Fernandez sa mundo. Hindi mo naman siya aagawin sa kasintahan niya. Makikipagkilala ka lang," paliwanag ni Baron at umalis na. Napatingin uli siya sa ibaba at pinagmasdan ang magandang mukha ni Keisha Jimenez hanggang sa nagdesisyon siya na umalis na rin sa balkonahe. Pakiramdam ni Keisha ay may nagmamasid sa kaniya mula sa balkonahe. Napatingin siya roon at nakita ang malapad na likod ng isang lalaki. Hindi niya tuloy maiwasang humanga sa ganda ng katawan nito dahil kita niya ang nag-uumbukan nitong muscle sa braso. Sayang at hindi niya nakita ang mukha ng lalaki. Napapiksi siya ng may humawak sa balingkinitan niyang beywang. Napalingon si Keisha para tingnan kung sino ang nagmamay-ari ng mga kamay na iyon. Walang iba kundi si Aaron, ang limang taon niyang kasintahan. Mabuti na lamang at hindi na niya kausap si Mr. Fernandez dahil nakakahiya ang Public Display Of Affection ni Aaron. Ugali kasi iyon ni Aaron. Wala itong pakielam kung hahalikan man siya nito sa labi sa harap ng maraming tao maipakita lang ang pagmamahal sa kaniya. Okay lang naman iyon sa kaniya pero minsan ay hindi na maganda. "Hon, ikaw pala iyan," ani Keisha. Ngumiti si Aaron at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi. "Let's go?" tanong nito. Tumingin siya kay Mr. Fernandez na abala sa pakikipag-usap sa kapwa negosyante at sa kaibigang si Mr. Lim na may-ari ng Icon TV, ang estasyon na pinagtratrabahuhan niya. "Magpaalam muna tayo kay Mr. Lim at kay Mr. Fernandez." Napatapik sa noo si Aaron. "Oo nga pala. Sorry at hindi ko naisip, pagod lang dahil galing ako sa taping kanina," hinging-paumanghin nito. Lumapit sila sa tatlong nag-uusap. Nagpaalam at nagpasalamat sa masasarap na pagkain na inihanda. Muli, binati nila ito ng maligayang kaarawan. Nagtungo na sila sa parking area. Pinagbuksan siya ni Aaron ng passenger's door. Pumasok na rin si Aaron sa driver's seat saka pinasibad iyon patungo sa kaniyang two-storey house. Nang huminto ang sasakyan ni Aaron sa tapat ng kaniyang bahay, kaagad siyang siniil ng mapusok na halik sa labi ng kasintahan. Ipinalibot niya ang mga kamay sa leeg nito. Bumaba ang labi nito sa kaniyang leeg hanggang sa ang mga kamay nito ay nagtungo sa maseselan na parte ng kaniyang katawan. Napapikit si Keisha sa sensasyon pero kahit ganoon pa man, hindi pa niya naibibigay sa kasdintahan ang kaniyang sarili. Gusto niyang ibigay ito kapag kasal na sila. Ilang beses na nagtangka si Aaron pero lagi siyang tumatanggi. Mabuti na lamang at willing itong maghintay. "I want you, hon. Please," pabulong na sabi ni Aaron pero umiling siya. "Di ba nag-usap na tayo?" pabulong din niyang sabi habang nakatitig sa mukha nito. Huminga ng malalim si Aaron saka lumayo sa kaniya at isinandal ang likod sa upuan. Siya naman ay inayos ang nagulong buhok at dress. "Limang taon na tayo Keisha pero hanggang ngayon wala pang nagyayari sa 'tin. Alam mo ba na isa iyan sa nagbibigay ng spice sa relasyon natin? Hanggang kailang ako maghihintay, Keisha? Kung para sa 'kin talaga ang sarili mo bakit hindi mo ibigay iyon?" tanong ni Aaron. Nahihimigan niya ang pagtatampo sa boses ni Aaron. Hindi dapat siya magpaapekto. Paninindigan niya ang sinabi niyang iyon. Hinawakan niya sa kamay si Aaron. "Di ba may balak naman na tayo magpakasal next year? Konting tiis na lang, Aaron. Please?" pakiusap ni Keisha. Tumingin ito sa kaniya saka bumuntong-hininga saka pinaandar ang sasakyan. "Magpahinga ka na. Gabi na. May taping ka pa bukas," ani nito. Tumango-tango siya saka lumabas ng sasakyan. Nang makalabas, pinaharurot agad ni Aaron ang sasakyan paalis. Alam niyang nagtatampo ito sa kaniya pero pasasaan ba at mawawala rin ang pagtatampo nitong iyon. Susuyuin na lang ni Keisha si Aaron bukas.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (96)
Jr Eric Palacionardem
Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko
07/08/2023
0
Sul Choie
I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam
Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko
07/08/2023
0I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam
11/08
0ok 👌
02/08
0View All