logo text

The Virgin's Scandal With Kuya Driver (Chapter 2)

Sa kabilang banda naman. Kay Landon Fernandez na kasalukuyang nakatanaw sa madilim na kalangitan. Nasa pool siya ng mansiyon ng kaniyang Tiyo Carlos ng mga sandaling iyon. Tapos na ang pagtitipon pero hindi pa siya dalawin ng antok. Gumugulo sa isipan ni Landon ang sinabi ng kaibigang si Baron. Ang tanong, paano siya mapapalapit kay Keisha?
"Hindi ba makatulog?" tanong ng kaniyang Tiyo Carlos. Lumingon siya at nakita itong papalapit sa kaniya habang may hawak na dalawang wine glass. Nang makalapit si Carlos, ibinigay kay Landon ang wine glass na kinuha naman niya. Uminom siya at hindi na lang nagkomento pa. Tiyak na magtatanong si Carlos kapag sumagot pa si Landon.
"Nakausap ko kanina si Keisha. Iyong sikat na aktres sa Icon TV? Kilala mo siya di ba?" tanong ni Carlos saka bumaling kay Landon. Tumingin si Landon sa tiyuhin.
"Yes, tito. Kilala ko siya. Bakit?" Na-curious si Landon kung anong pinag-usapan nina Carlos at Keisha.
"Nakisuyo sya sa 'kin na baka may kilala ako na puwedeng maging driver at alalay niya. Mas maganda daw kasi kapag lalaki na ang alalay niya dahil hindi daw maarte at mabilis kumilos," tugon ni Carlos. Biglang natigilan si Landon at napaisip. Paano kung mag-apply siya? Pagkakataon na ni Landon iyon para mapalapit kay Keisha. Tama si Baron, kailangan niyang gumawa ng paraan para makilala siya ni Keisha. Hindi puwedeng nakatanaw lang siya sa malayo. Napatingin si Landon sa kaniyang tiyuhin.
"Puwede bang ako na lang, tiyo?" tanong niya. Alam niyang tatanungin siya ng tiyo niya dahil sa sagot niya. Kaya kailangang sabihin ni Landon rito ang totoo. Nagsalubong ang kilay ni Carlos.
"Bakit ka mag-aapply? Saka sa 'yo na ipapasa ni kuya ang pamamahala sa Fernandez Winery. Sandali! May gusto ka ba kay Keisha?" nagdududang tanong ni Carlos na may ngisi sa mga labi. Bumuntong-hininga si Landon. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi sabihin sa tiyo niya ang totoo.
"Yes, tito. Hinahangaan ko po siya at ayaw kong mabuhay ng hindi man lang niya ako nakikilala. Gusto kong maging parte ng buhay niya kahit kaibigan man lang." Tumawa ng malakas si Carlos.
"Hindi ko akalain na tatamaan ka rin pala ni Kupido. May boyfriend siya. Well, hindi pa naman sila kasal kaya may posibilidad na maghiwalay pa sila," pilyong tugon ni Carlos.
"Tito, wala akong balak na agawin si Keisha kay Aaron. Ang gusto ko lang ay makilala iya ako. So puwede mo ba akong irecommend sa kaiya?" tanong ni Landon. Wala naman masasabi si Carlos sa karanasan ni Landon sa driving. Marami itong alam na lugar at safe mamaneho. Mahilig kasi itong maag-explore. Nagkibit-balikat si Carlos.
"Sure! Basta sa ikaliligaya ng pamangkin ko," sagot nito. Hinayaan na lamang ni Landon ang sinabi ni Carlos at tinugon ang tiyuhin ng isang ngiti. Bumalik ang tingin niya sa pool at ininom ang wine na nasa wine glass.
Sa kabilang banda, abala si Keisha sa taping niya na pinamagatang "Family Reunited". Kuwento ito ng isag pamilya na nagkahiwa-hiwalay at muling magkikita. Movie ito na ipapalabas sa mga sineehan. Nasa isang resort sila kung saan ginanap ang taping. Makikita ang galing ni Keisha sa pag-arte. Kitang-kita sa mga mata ni Keisha ang pagmamahal sa kaniyang trabaho. Kaya hindi nakapagtataka na naging succesful ito at ngayon ay hinahangaan ng marami.
"Cut!" sigaw ni Director Luis. "Mag-lunch muna kayo. One hour and half only," utos nito. Naupo si Keisha at kinuha sa bag ang cellphone at tinawagan ang boyfriend na si Aaron. Ngunit unattended ang cellphone nito.
"Baka busy pa sa taping," bulong niya. Sa totoo lang kapag ganitong oras ay tumatawag na sa kaniya si Aaron dahil alam nito ang oras ng break time nila. Huminga siya ng malalim at ibinalik ang cellphone sa hand bag. Hindi healthy sa isang relasyon ang mag-sip ng negatibo. Isasara na sana niya ang bag ng tumunog ang cellphone niya. Excited na kinuha ni Keisha ang cellphone sa isiping si Aaron ang tumatawag. Ngunit, nanghina siya ng makitang si Mr. Carlos Fernandez pala ang tumatawag. Tumayo siya at lumabas para makapag-usap sila ng maayos ni Carlos. Iniisip ni Keisha na baka patungkol ito sa pabor niya na hanapan siya nito ng personal driver at alalay na rin. Iyong dati niyang P.A ay napakahinhin kumilos at minsan ay nahuhuli sa pagdampot ng mga gamit niya. Mas mabuti na ang lalaki. Walang arte sa katawan.
"Hello, Ms. Keisha Jimenez," sabi ng nasa kabilang linya ng sagutin ni Keisha ang tawag.
"Yes, Mr. Fernandez. By the way, good afternoon," tugon niya.
"I HAVE A GOOD NEWS to you regarding sa favor mo sa 'kin last night," pagbabalita ni Carlos. Napangiti naman si Keisha. Alam niyang mapagkakatiwalaan ang ibibigay ni Carlos sa kaniya.
"Yes, sir. Sino po? Puwede ko ba siya ma-meet ngayon?" excited niyang tanong. NATAWA NG MAHINA SI Mr. Fernandez.
"Sure. Actually on the way na siya patungo siya sa Mima's Restaurat na malapit sa kung saan ka nag-ta-taping ngayon. Kaya tinawagan na rin kita para ipaalam sa 'yo na doon kayo magkita. Buti na lang at natiyempuhan ko na break time niyo. Well, kahit hindi niyo pa break time, willing maghintay iyon." mahabang paliwanag ni Carlos at bahagya pang natawa dahil sa biro nito. Alam kasi ni Carlos kung saan nagtataping si Keisha ngayon dahil tinanong nito iyon sa kaniya kagabi at kung ano oras ang break time niya para mataymingan siya na tawagan. Sabagay, minsan kasi hindi rin nasusunod ang oras ng break time.
"Okay po. Papunta na po ako ngayon," ani Keisha sa excited na tinig. Bigla siyang na-curious sa itsura ng lalaking kakatagpuin niya. Natigilan si Keisha. Ano ba itong nangyayari sa kaniya? May boyfriend siya!
"Okay, meet him there. Good bye, Keisha. Be nice to him. Siya na ang mag-a-approach sa 'yo," pamamaalam ni Carlos saka pinatay na ang tawag. Ibinulsa ni Keisha ang cellphone at pumasok sa loob ng rest house saka nagpaalam sa director na kakain siya sa labas. Lumabas agad si Keisha ng resthouse at nilakad ang daan patungo sa Mima's Restarant.

Book Comment (96)

  • avatar
    Jr Eric Palacionardem

    Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko

    07/08/2023

      0
  • avatar
    Sul Choie

    I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam

    11/08

      0
  • avatar
    Nathan Cleo Betito

    ok 👌

    02/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters