Kanina pa naghihintay si Landon sa Mima's Restaurant kung saan sila magkikita ni Keisha. Hindi siya mapakali ng mga sandaling iyon dahil sa wakas makikita na rin siya ni Keisha at higit sa lahat, maipapakilala na niya ang sarili rito. Muli, huminga si Landon ng malalim. Kinakabahan siya at kanina pa siya nag-iisip ng sasabihin kay Keisha. Ang usapan nila ng kaniyang Tiyo Carlos ay siya ang lalapit kay Keisha. Napatingin si Landon sa glass door ng restaurant ng bumukas iyon at pumasok si Keisha. Napanganga si Landon ng makita kung kaganda ito. Nagpalinga-linga si Keisha sa restaurant kaya wala ng sinayang na sandali si Landon. Tumayo siya at lumapit kay Keisha. "Good afternoon, Ms. Keisha," bati ni Landon ng makaapit kay Keisha. Nasa likuran niya si Keisha. Lumingon si Keisha at nagtama ang mga mata nila ni Landon. "Yes, good afternoon. Sino sila?" tanong nito na nakataas ang kilay. Gusto niyang ngumisi dahil sa kamalditahan nito. "I'm Landon Montejo. Ako pala iyong driver at alalay na inirecommend ni Mr. Carlos Fernandez," tugon niya. Ginamit niya ang apelyido ng kaniyang ina noong ito ay dalaga pa. Hindi kasi puwede na iyong apelyido niya ang gamitin baka magtaka si Keisha dahil magka-apelyido sila ni Carlos at mabulilyaso pa ang plano niya. Napatango-tango si Keisha. "Ah, ikaw pala iyon. Sorry kung nasungitan kta. Akala ko kung sino," tugo ni Keisha saka ngumiti. "Wala iyon. Gusto mo bang mag-lunch muna?" tanong ni Landon. Nagsalubong ang magandang kilay ni Keisha. Marahil ay nagtataka dahil inaalok niya si Keisha na mag-lunch sa isang mamahaling restaurant. Tumikhim siya. "Binigyan kasi ako ni Sir Carlos ng budget para ma-treat kita sa lunch. Sobrang bait kasi non," pagdadahilan ni Landon. Muntik na si Landon doon. Sumang-ayon naman si Keisha at nagtungo sila ni Landon sa bakanteng mesa kung saan nakaupo kanina si Landon. Nag makaupo sila, tinawag na ni Landon ang waiter. Lumapit ito at ibinigay sa kanila ang menu. Pagkatapos makapag-order, umalis na ang waiter. "So, ikaw pala iyong nirecommend niya. Kailan mo gusto magsimula?" tanong ni Keisha kay Landon. Hindi maiwasang mapatitig ni Landon kay Keisha dahil sa angkin nitong kagandahan. Kahit na pagod ito ay hindi pa rin nabawasan ang kagandahan na taglay nito. Never na nagpa-retoke si Keisha. Lahat rito ay natural kaya nga hinangahanniya ito. Hindi nito kailangan ng syensiya para gumanda dahil likas na kay Keisha ang kagandahan. "Hey! Okay ka lang?" tanong ni Keisha ng hindi umimik si Landon. Tumikhim si Landon. "Sorry, na-startruck ako sa ganda mo, Ms. Keisha Jimenez. Actually, hinahagaan talaga kita," pagtatapat ni Landon sa nararamdaman. Kitang-kita niya ang pamumula ng pisngi ni Keisha. "Ahm, thank you," sinserong sabi nito. Nang dumating ang order nila. Nagsimula na silang kumain. Bukas din ay magsisimula na si Landon. Inalok ni Keisha si Landon na magrenta ng apartment na may kalayuan sa kaniyang bahay para hindi mahirapan na bumiyahe si Landon. Dahil bilaang driver, kailangan anytime ay avaiable ito at hindi niya kailangang hintayin ito. Inoffer rin ni Keisha na ito ang gagastos sa needs ni Landon. Walang nagawa si Landon kundi ang sumang-ayon. Wala eh, mahirap ang role niya ng mga sandaling iyon. Pagkatapos managhalian nina Landon at Keisha. Nagpaalam na si Keisha kay Landon para sa taping. Ibinigay niya ang address ng apartmet na malapit sa bahay niya at nagbigay rin pera para sa down payment. Hindi maiwasang maisip ni Keisha si Landon dahil parang may pagkakahawig sila ng lalaki na nakita niya sa balkonahe. Base sa tindig at pangangatawan nito. Iwinaksi na lamang niya iyon sa kaniyang isipan at itinuon ang atensiyon sa pag-arte. Hanggang sa dumating ang hapon at tapos na rin ang taping nila. Sakto naman na dumating si Aaron. Kaagad niya itong sinalubong ng yakap. "Bakit hindi kita makontak kaninang tanghali?" taong ni Keisha. "Sorry. Busy sa taping," sagot naman ni Aaron. Tumango-tango naman siya. Naiintintindihan niya si Aaron. Pero ang labis na ipinagtaka ni Keisha ay hindi man lang ito nag-text. Pero hinayaan na lang niya iyon. Baka busy lang talaga si Aaron. Nagpaalam na si Keisha sa mga co-artist nila at maging kay Direk Luis. "Kamusta naman na katambal si Shaila?" tanong niya. Alam ni Keisha na may gusto si Shaila kay Aaron pero ipinagdiinan naman ni Shaila na paghanga lamang ang nararamdaman ni Shaila para kay Aaron. Dapat lang! Ang pag-aari niya ay pag-aari niya. "Okay naman siya. Masayang kausap at maayos na katrabaho. Magkasundo kami sa lahat ng bagay," tugon ni Aaron. Kitang-kita ni Keisha ang kakaibang ngiti ni Aaron ng mapatingin siya sa rear view mirror. Sumikdo ang kaba at selos sa dibdib ni Keisha. Hindi kaya may something na kina Aaron at Shaila? Agad na iwinaksi ni Keisha ang mga iyon sa kaniyang isipan. Tiyak na hindi ipagpapalit ni Aaron ang limang taon nilang magkasintahan sa babaeng nakasama lamang nito sa panandalian na pag-arte. "Mabuti naman kung ganoon. Nga pala, na-meet ko na pala iyong magiging driver at alalay ko," pagbibigay alam ni Keisha kay Aaron. Napatingin si Aaron na nakasalubong ang kilay kay Keisha. "Akala ko ba hindi na matutuloy?" wika ni Aaron na may inis sa boses. "Aaron kailangan ko ng driver lalo at kung saan saan kami nag-ta-taping. Syempre gusto ko after ng taping eh naka-relax ako. Saka para hindi mo na rin ako sinusundo dahil alam ko na rin naman na pagod ka sa taping," paliwanag niya. Malapit lang rito ang location ng taping nila. Minsan, nagpapahatid siya kapag hindi siya nasusundo ni Aaron. Nakaahiya naman iyon dahil alam niyang pagod rin ang mga coartist niya. Napatingin uli sa daan si Aaron. "Okay. Basta huwag ka lang magkakagusto sa kaniya! Iba ako magalit Keisha," may diin na sabi ni Aaron. Hinawakan ni Keisha ang braso ni Aaron. "Hindi iyon mngyayari," sagot niya at inihilig ang ulo sa balikat ng kasintahan. Hindi maiwasang mapangiti ni Landon ng nasa kama na siya at nakatihaya na nakahiga habang nakatitig sa kisame. Masaya si Landon ngayong araw na ito dahil nakasama niya si Keisha sa pananghalian. Ipipikit na sana niya ang kaniyang mga mata ng may tumwag sa kaniya. Walang iba kundi si Keisha. Nagpalitan sila ng numero kaninang matapos sila mag-lunch. Sinagot ni Landon ang tawag. "Hello, Ms. Keisha. Good evening," bati niya sa kabilang linya. "Maghanda ka para bukas dahil medyo malayo ang lalakbayin natin para sa shoot. Mag-stay tayo doon ng dalawang araw. At alam naman ni Direk Luis na may kasama ako," tugon ni Keisha. Lumawak ang ngiti sa labi ni landon dahil makakasama niya ng matagal si Keisha at masaya siya dahil doon. "Okay, Ms. Keisha. Copy." "Don't worry may sariling hotel room naman ang ilang co-artist ko na may sariling personal driver," wika ni Keisha. "So i have to hang up now. Magkita tayo ng around 4 am. Hintayin mo na lang ako sa labas ng bahay," seryusong sabi ni Keisha saka pinatay na ang tawag. Huminga siya ng malalim. Mukhang ilag si Keisha sa kaniya. Hindi naman ito masisisi ni Labdon dahil tiyak na baka sinabihan na si Keisha ng boyfriend. Malamang, alam na rin ni Aaron na may personal driver na si Keisha.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (96)
Jr Eric Palacionardem
Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko
07/08/2023
0
Sul Choie
I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam
Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko
07/08/2023
0I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam
11/08
0ok 👌
02/08
0View All