logo text

Virgin's Scandal With Kuya Driver (Chapter 4)

"Ang pogi naman ng personal driver slash Personal Assistant mo, be. Lalaki pa! Baka magselos niyan si Aaron?" tanong ni Alice. Ang co-artist niya ng kasalukuyan silang nagmemeryenda ng hapon na iyon. Nasa kabilang table ang personal driver nilang dalawa na mukhang nagkapalagayan na na loob. Kasama ang isa pang lalaki na personal driver ni Direk Luis. Napatingin siya sa table nina Landon, Marlon at Jun. Nakaharap sa kaniya si Landon. Bigla itong tumingin sa kaniya at ngumiti. Kaagad na nag-iwas ng tingin si Keisha. Biglang sumagi sa isip ni Keisha ang sinabi ni Landon na hinahangaan siya nito. Guwapo si Landon at kung siya ang tatanungin, mas lamang ang kaguwapuhan ni Landon kay Aaron.
"Hoy. Okay ka lang?" tanong sa kaniya ni Alice. Bumalik si Keisha sa kasalukuyan.
"Oo, okay lang ako. Hindi naman nagseselos si Aaron. Sinabi ko naman sa kaniya na wala siyang dapat ipangamba. Alam mo naman na may balak na kaming magpakasal ni Aaron next year." Umirap si Alice.
"May kumakalat na tsismis na lagi daw silang magkasama ni Shaila na kumain sa labas. Sa tingin mo baka niloloko ka na niya?" tanong ni Alice. Umiling siya.
"Hindi iyon magagawa sa 'kin ni Aaron. Baka mga tsismis lamang iyon. Alam mo naman. Kapag sikat hinahanapan ng butas para siraan. Wala naman masama kung kumain sila sa labas 'di ba?" Tumango-tango si Alice. Malaki ang tiwal ni Keisha kay Aaron at alam niyang hindi siya nito lolokohin.
"Well tama ka." sagot ni Alice. Muli napatingin si Keisha sa mesa nina Landon at nahuli niyang nakatitig sa kaniya si Landon. Nagbaba siya ng tingin at inabala ang sarili sa kinakain. Hindi nakaramdam ng pandidiri si Keisha sa ginagawa ni Landon. Bagkus, nakakaramdam siya ng kilig. Ano ba itong nangyayari kay Keisha? May gusto na ba siya sa personal driver niya?
Nagtapos ang dalawang araw na taping nila Keisha hanggang sa nagpasya na sila ni Landon na umuwi na. Sa loob ng dalawang araw na iyon ay madalang lang niya makausap si Aaron at naiintindihan niya iyon dahil baka abala lang 'to sa mga ginagawa. Nasa daan na sila ni Landon ng mga sandaling iyon at binabagtas ang daan pabalik sa kaniyang bahay. Sa dalawang araw na iyon ay mas lalo pang napalapit si Keisha at Landon sa isa't-isa. Nakatanaw lamang si Keisha sa labas ng magsalita si Landon.
"Okay ka lang, Ms. Keisha?" tanong ni Landon. Napatingin si Keisha kay Landon. Iniisip ni Keisha kung puwede ba niya pagkatiwalaan si Landon sa kaniyang buhay pag-ibig. Pero kailangan niyang mailabas ang nadarama ng puso niya. Huminga ng malalim si Keisha.
"Pakiramdam ko nagbabago na si Aaron. Iyong dati niyang ginagawa, hindi niya na ginagawa ngayon," malungkot niyang sabi.
"Hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo sa taong hindi ka na binibigyan ng importansiya, Ms. Keisha." Tumingin si Landon sa kaniya saka ngumiti. "Maganda ka at may magkakagusto pa sa 'yo," payo ni Aaron saka muling ibinalik ang tingin sa daan. Napatitig si Keisha sa binata. Hindi maiwasang itanong ni Keisha sa sarili kung may gusto ba sa kaniya si landon. Kaagad niyang iwinaksi iyon sa kaniyang isipan. May boyfriend siya kung ano-ano nasa isip niya. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napamura si Landon.
"May malapit pala na rest hoouse dito si Sir Carlos. Doon muna tayo." pasigaw na sabi ni Lsndon. Natigilan si Keisha. May susi si Landon ng rest house ni Sir Carlos Fernandez? Ganoon ba ito pinagkakatiwalaan ni Sir Carlos?
"May susi ka?" nagtatakang tanong ni Keisha na nilakasan ang boses para marinig ni Landon ang sinasabi niya. Natigilan si Landon sa tanong na iyon ni Keisha. Mukhang nagdududa na si Keisha sa pagkatao ni Landon. Isinawalang-bahala na lang iyon ni Landon. Ang mahalaga may matuluyan sila lalo at palakas na ng palakas ang ulan.
"Ipinahiram niya sa 'kin," malakas na tugon ni Landon at tinahak na ang daan patungo sa rest house. Nang makarating roon, kaagad silang nagtungo sa front door. Kinuha ni Landon ang susi sa key holder at binuksan ang rest house. Nang mabuksan ay pumasok na sila.
"Wait, magluluto lang ako. Gutom ka na ba?" tanong ni Landon kay Keisha.
"Medyo," sagot ni Keisha. Nagtungo na si Landon sa kitchen at nagsimulang magluto.
"Kaano-ano mo ba talaga si Sir Carlos Fernandez. Imposibleng ibigay niya sa 'yo ang susi kung hindi kayo magka-ano-ano," nagdududang tanong ni Keisha na sumunod pala kay Landon sa kusina. Isinalang na ni Landon ang kanin sa rice cooker ng kanin.
"Ibinigay iyan sa 'kin ni Sir Carlos. Nasabi ko kasi kung saan ka magtataping kaya ibinigay niya ang susi baka sakali na gusto natin mag-stay rito. Dahil sa maaga pa kanina ay hindi ko na inalok pero magagamit pala natin dahil sa matinding ulan," natatawang sabi ni Landon pero sa totoo lang kinakabahan siya na baka hindi maniwala si Keisha sa paliwanag niya. Hindi pa handang ipakilala ni Landon ang sarili kay Keisha. Lalo na ngayon na nagkakaproblema sila ng kasintahan nito na si Aaron. Ayaw niya ng dumagdag pa sa alalahanin ni Keisha.
"Ganoon ba," sagot ni Keisha at naupo sa salas. Pagkatapos magluto ni Landon ay niyaya niya si Keisha na kumain.
"Ang sarap mo naman magluto. Puwede ka na mag-asawa," puri ni Keisha. Hilig talaga ni Landon ang pagluluto. Kung hindi lang dahil sa kompanyang papamahalaan niya ay baka nagtayo na siya ng restaurant. Dahil malaki ang respeto niya sa ama ay tinanggap niya na maging CEO ng Fernandez Winery.
"Mahilig ako sa pagluluto. Ikaw hindi ka ba mahilig?" tanong niya. Natawa si Keisha. Napatitig si Landon rito. Parang musika sa pandinig ang tawa nito.
"Hindi. Wala na akong time magluto. Pagod sa taping kaya minsan nag-ta-take out na lang. Minsan naman nagluluto ako kapag may time," nakangiting tugon ni Keisha. Tinikman ni Keisha ang karne ng manok. Halos mapapikit ito. Bakit ba sobrang ganda nito? Nagluto kasi si Landon ng chicken curry.
"Nanunuot iyong lasa sa karne. Galing mo magluto. Puwede ka na talaga mag-asawa," suhestiyon nito. Natawa si Landon sa sinabi ni Keisha.
"Wala pang matipuhan na ligawan," tugon ni Landon habang nakatitig rito. Biglang nag-iwas ng tingin si Keisha at itinuon ang atensiyon sa kinaain.
"Darating din iyan," tugon ni Keisha. Napansin ni Landon na humina na ang ulan.
"Humina na ang ulan. Uuwi ba tayo o gusto mong dito muna magpalipas ng gabi?" tanong ni Landon kay Keisha.
"Dito na lang muna tayo." Tumango-tango siya at itinuon ang atensiyon sa pagkain. Pagkatapos kumain, nagprisinta si Keisha na ito na ang maghuhugas ng pinggan. Samantala, naupo naman si Landon sa sofa at ini-on ang TV. Saktong ang panood ay The Latest. Patungkol ito sa mga kaganapan sa buhay ng mga artista. Nang matapos si Keisha sa paghuhugas ay tumabi ito kay Landon ng upo sa sofa. Saktong pagtabi nito kay Landon, lumabas sa screen ang mukha ni Shaila.
"Ano ang masasabi mo sa leading man mo na si Aaron Gandon?" tanong ni Nathalie na siyang host ng palabas na iyon.
"He's so sweet and caring man. Wala akong masabi," sagot naman ni Shaila na may malapad na ngiti sa mga labi.
"May mga bali-balita na may something daw sa inyo? 'Di ba kasintahan ni Aaron si Ms. Keisha Jimenez?" tanong ulit ni Nathalie. Natawa si Shaila.
"Aaron is a good person. Ang masasabi ko lang naman is we both happy kapag magkasama kami sa taping. Masaya siya kasama. Kung magkakaroon man ng something sa 'min. It's oky for me kasi hindi naman asawa ni Keisha si Aaron 'di ba? Ang mahirap doon kung mag-asawa sila at nakikikabit ako, 'di ba?" tanong ni Shaila at natawa pa ito. Hindi namalayan ni Keisha na tumulo na pala ang luha sa kaniyang mga mata. Tumingin si Landon kay Keisha at ng mapansin ang luha na dumadaosdos sa pisngi nito, kaagad niyang pinatay ang tv. Hinawakan ni Landn ang balikat ni Keisha.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Landon. Tumingin si Keisha kay Landon. Hilam ng luha ang mukha nito. Kaagad naman iyon pinunasan ni Landon gamit ang panyo na hinugot niya sa kaniyang bulsa.
"Ssh. Don't cry. He don't deserve your tears," wika ni Landon.

Book Comment (96)

  • avatar
    Jr Eric Palacionardem

    Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko

    07/08/2023

      0
  • avatar
    Sul Choie

    I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam

    11/08

      0
  • avatar
    Nathan Cleo Betito

    ok 👌

    02/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters