"Paano kung may something nga talaga sa kanila ni Shaila?" nag-aalalang tanong ni Keisha. Pinakatitigan ni Landon ang dalaga. "Ayos lang iyon. At least nakita mo ang ugali niya bago mo siya mapakasalan 'di ba? Kaysa naman saka mo lang malalaman kapag kasal na kayo," seryusong sabi ni Landon. Pinakatitigan ni Keisha si Landon. Gusto niyang makalimot ng gabing iyon. Dahan-dahan niyang inilapit ang muha rito. "Keisha.. A--nong ginagawa mo?" Nagkakanda-utal na sabi ni Landon. "Kiss me, Landon. I want to forget the pain just this night. Please," pakiusap ni Keisha. Napatitig si Landon sa labi ni Keisha. Simula ng makasama niya ito. Hinangad na ni Landon na sana mahalikan niya ang mapupulang labi ni Keisha. Ngayon na nasa harapan niya na ito at nag-i-insist ng halik. Sino ba siya para tanggihan ang alok ni Keisha? Wala ng sinayang na sandali si Landon. Ikinulong niya sa kaniyang palad ang mukha ng sinisintang artista at mapusok na hinalikan sa labi. Gumanti si Keisha ng halik hanggang sa unti-unti nagiging mainit ang tagpo. Natigilan si Landon sa tinatakbo ng mga pangyayari. Kaagad niyang inihiwalay ang sarili kay Keisha. "Kailangan mo ng matulog. Maaga pa tayo aalis bukas," hinihingal na sabi ni Landon. Hinihingal dahil sa katatapos lamang na halik na namagitan sa kanila ni Keisha. Napatango-tango naman si Keisha at dahan-dahan na tumayo saka nagtungo sa silid. Nang makapasok si Keisha, nahiga siya sa kama at pinakatitigan ang kisame. Iniisip ang namagitan na halik sa kanila ni Landon. Walang naramdaman na pagsisisi si Keisha sa ginawa bagkus ay nagustuhan pa niya iyon. Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Imumulat na sana ni Keisha ang mga mata ng marinig niya ang pagbukas ng pintuan na nakalimutan niyang i-lock. Naririnig niya ang yabag ni Landon. Naramdaman na lang niya ang kumot na pumalibot sa kniyang katawan saka ang pagdampi ng mainit na labi sa kaniyang noo. "Good night, Ms. Keisha. Thanks for the kiss. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya na mahalikan ang babaeng hinahangaan ko," masuyong sabi ni Landon. Narinig na lang niya ang pagsara ng pintuan. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata saka napangiti. Maagang nagising si Landon. Sa salas siya natulog kaya medyo masakit ang katawan niya pero ayos lang iyon sa kaniya. Ang mahalaga, komportable si Keisha sa pagtulog. Napangiti si Landon ng maamoy ang halimuyak ng bacon na niluluto ni Keisha. Bumangon siya at nagtungo sa kusina na katabi lamang ng salas. Maliit lang kasi ang rest house ni Carlos pero maayos ang loob. Natigilan si Landon. Paano na kapag nalaman ni Keisha ang tunay niyang pagkatao? Tiyak na kamumuhian siya ni Keisha. Iwinaksi niya iyon sa kaniyang isipan. Ayaw na muna niyang mag-isip ng negatibo. "Gising ka na pala! Tara kain na!" anyaya sa kaniya ni Keisha ng makita siya nito. Naghahanda na rin si Keisha ng agahan sa mesa. Abot-tanaw lang ng salas ang dining table. Tumayo si Landon at nagtungo sa kusina. "Ang bango. Hindi ako makapaniwala na ipinagluto ako ng isang Keisha Jimenez," sabi ni Landon ng may ngiti sa mga labi habang nakatitig kay Keisha. Natawa ng mahina si Keisha. "Oo naman! Kaya sulitin mo na. Minsan lang ako magluto," biro ni Keisha na ikinatawa nila pareho. Umupo na siya sa upuan. "Tara kain na para matikman ko ang luto mo," anyaya ni Landon. Uupo na rin sana si Keisha ng mag-ring ang cellphone nito na nasa mesa. Kinuha ni Keisha iyon at ipinakita kay Landon ang caller. "Si Aaron, tumatawag," pagbibigay-alam ni Keisha sa kaniya saka sinagot na ang tawag at ini-loud speaker pa iyon. Parang may humaplos sa puso niya sa ginawa ni Keisha. Pakiramdam niya isa siya sa pinaka-mahalagang tao sa buhay ni Keisha. "Bakit Aaron?" masungit na bungad ni Keisha. "Kailangan natin mag-usap, Keisha," sambit ni Aaron. Binundol ng kaba ang dibdib ni Keisha ng mgasandaling iyon. Iyon ang unang pagkakataon na tinawag siya ni Aaron sa pangalan niya. Mas mainam na rin para masigurado na nga talaga niya ang napanood niya kagabi at ang mga kabi-kabilaang tsismis tungkol sa kanila ni Shaila. "Sige. Sa bahay tayo magkita. Nandito ako ngayon sa rest house ni Carlos Fernandez kasama si Landon," pagtatapat niya. Natawa ng malakas si Aaron. "Hindi ko akalain na may kalandian ka palang taglay, Keisha. Tama nga ang naging desisyon ko sa relasyon natin! Tama lang na ipagpalit kita kay Shaila! Wala kang kuwentang babae!" sigaw ni Aaron at pinatay na ang tawag. Napatitig naman si Keisha ang cellphone hanggang sa napahagulhol na siya ng iyak. Si Landon ay agad na tumayo at niyakap si Keisha at hinagod-hagod ang likod nito. "Tahan na," pag-aalo ni Landon. Madilim ang mukha ni Landon ng mga sandaling iyon. Hindi siya papayag na umiiyak ng ganoon si Keisha at ng mga sandaling iyon ay may naisip na siyang plano. Pagkauwi nila ni Keisha at makabalik si Landon sa apartment. Tinawagan niya ang kaibigan na si Jonas para magpasundo. Alam niyang busy si Barn ngayon. Kailangan niyang makausap ang Tiyo Carlos niya. Ang balita ni Landon ay may iniaalok na business proposal si Mr. Lim, ang may-ari ng estasyon na pinagtratrabahuhan ni Keisha. "Oh, bro! Need me?" pilyong tanong ni Jonas ng sagutin nito ang tawag niya. Magsasalita na sana si Landon ng unahan siya ni Jonas. "Wait! Bakit nga pala hindi na kita nakikita sa kompanya ninyo kapag bumibisita ako? Saan ka ba ngayon?" pang-uusisa ni Jonas. Napabuntong-hininga siya saka sinabi ang eksaktong address niya. "Anong ginagawa mo diyan?" nagtatakang tanong ni Jomas. "Basta, puntahan mo na lang ako rito, Jonas. Mag-usap tayo paagdating mo rito," sagot niya at pinatay na ang tawag. Ilang sandali pa ang hinintay ni Landon hanggang sa marinig niya ang busina ng sasakyan ni Jonas na Honda Civic. Kaagad siyang lumabas at pinapasok si Jonas. Naupo naman si Jonas sa sofa samantalang si Landon naman ay naupo sa tabi nito.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (96)
Jr Eric Palacionardem
Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko
07/08/2023
0
Sul Choie
I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam
Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko
07/08/2023
0I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam
11/08
0ok 👌
02/08
0View All