"Ikuwento mo na sa 'kin lahat ng dapat kong malaman. Mukhang sinusundan mo ata si Keisha Jimenez, ah? Malapit lang dito ang bahay niya," nakangising sabi ni Jonas. "Personal driver at alalay niya ako," tugon ni Landon. Napanganga si Jonas at saglit na natigilan. "Bakit mo kailangang gawin iyon? Ang isang Landon Fernandez, personal driver at alalay ng isang artista. Anong nakain mo Landon at ginawa mo iyan?" sunod-suond na tanong ni Jonas na parang reporter. Huminga siya ng malalim. "Gusto kong makilala niya ako. Gusto kong mag-exist ako sa buhay niya. Ganoon talaga siguro kapag hinahangaan mo ang isang tao," paliwanag ni Landon. "Wow! Iba ka talaga. Nakuha mo na ba siya? Di ba may boyfriend iyon?" tanong ni Jonas. Bumuka na ang kaniyang bibig at nagsimulang ikuwento ang lahat. Napanganga si Jonas habang nakikinig. Hindi ito makapaniwala na nagawa iyon ni Landon. Iba nga talaga nagagawa ng pag-ibig. "May napansin ako," ani Jonas ng matapos magkuwento ni Jonas. Ang naikuwento lang kasi ni Landon ay ang dahilan kung bakit niya binalak na mag-apply bilang driver at alalay ni Keisha ay dahil sa gusto niya na mapalapit sa dalaga at makilala siya. Ngunit hindi alam ni Landon na napansin ni Jonas ang pagkislap ng mga mata niya habang nagkukuwento. "May gusto ka kay Keisha Jimenez, 'no?" mapagduda nitong tanong habang may ngisi sa ma labi. Nag-iwas ng tingin si Landon. "Wala no!" pagtanggi niya. Natawa ng malakas si Jonas. "Alam mo pre, sa mahigit sampong taon na kitang kaibigan. Kilala na kita! Kaya huwag mo ng i-deny na may gusto ka kay Keisha. Nakikita ko sa pagkislap ng iyong mga mata kapag binabanggit mo siya kanina," nakangisi pa rin na sabi ni Jonas. Bumuntong hininga si Landon. Wala na siyang magagawa kundi umaMIN SA KAIBIGAN. "Yees, may gusto ako. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kaniya? Mabait na nga, maganda pa! Actually, naghiwalay na sila ng boyfriend niya dahil sa ibang babae," pag-amin ni Lando. Napamura si Jonas. "Anong balak mo ngayon? Hahayaan mo ba na sinasaktan nila ang babaeng nagugustuhan mo?" tanong ni Jonas. Tumalim ang kaniyang mga mata. "Hindi. Mali ata ng sinaktang babae si Aaron. Kaya pupuntahan ko ngayon si Tito para makausap siya. May plano na ako para masira ang career ni Aaron. Iyon ang gusto kong maging parusa ni Aaron sa ginawa niya kay Keisha," nakangising sabi ni Aaron. "Ano ang plano mo?" kuryos na tanong ni Jonas. Tiningnan ni Landon si Jonas at ibinuka ang bibig para sabihin kay Jonas ang balak niya. "Good desicion, pre! Let's go. Puntahan na natin si tito Carlos," anyaya ni Jonas. Natawa na lang si Landon dahil supportive ang kaibigan niya. Tumayo na siya at sabay silang lumabas ng apartment saka pumasok sa loob ng sasakyan ni Jonas at tinahak nila ang daan patungo sa mansiyon ni Carlos Fernandez. "Oh? Napadalaw kayo?" bungad na tanong ni Carlos ng makababa ito ng hagdan at ipagbigay alam ni Lora, ang kaniyang katulong na dumalaw sina Landon at Jonas. "May sasabihin ako, tito," seryusong sabi ni Landon. Naupo si Carlos sa sofa na nasa kanang bahagi at pinag-dekuwatro ang mga hita. "Mukhang seryuso ata iyan. Patungkol ba saan iyan?" tanong ni Carlos. "Kay Keisha Jimenez," panimula ni Landon at nagsimula ng ikuwento ang tungkol sa mga narinig niyang tsismis ukol sa may relasyon sina Aaron at Keisha hanggang sa nakipaghiwalay na ng tuluyan si Aaron kay Keisha. Tumango-tango naman si Carlos. "Anong balak mo ngayon at pinuntahan mo pa ako dito?" "Kailangan ko ang tulong mo tito. Di ba may business offer si Mr. Lim sa 'yo? Lalo at bago pa lamang siya sa negosyo kaya kailangan niya ng isang matagumpay na kompanya para makilala ang kompanya niya. Yes, kilala siya dahil siya ang Presidente ng Icon TV pero iba pa rin kapag may kasosyo na malakas. Ngayon ang gagawin mo tito ay ipakiusap na tanggalin si Aaron ng proyekto para hindi na ito sumikat pa," suhestiyon niya. Ngumisi si Carlos. "Paano ka nakakasiguro na gagawin ko iyan?" tanong nito. "Alam kong gagawin mo iyon tito dahil paborito mo akong pamangkin. Please, tito I need your help. At alam ko naman na hindi ito malalaman ninuman lalo na sa impluwensiya na mayroon ka," nagmamakaawa niyang sabi. Napabuntong-hininga si Carlos. "Well, ngayon lang kita nakita na ganiyan. Na para bang handa mong gawin ang lahat para sa kinababaliwan mong babae. Kaya gagawin ko ang gusto mo para sa ikaliligaya ng nag-iisang pamangkin ko," tudyong sagot ni Carlos na ikinatawa ng mahina ni Jonas na tahimik lamang na nakikinig. Ngayon lang nakita ni Jonas na naging ganito si Landon. Hiling ni Jonas na sana kung papalarin na maging sila Keisha at Landon. Deserve ni Landon na maging masaya. Lumapit si Landon kay Carlos at niyakap ito na labis na ikinagulat ni Carlos. "Salamat, tito," sinserong pahayag ni Landon. "Wala iyon." Tumingin si Carlos kay Jonas. Nang mga sandaling iyon, iisa lang ang asa isip nilang dalawa. Nakahanap na ng katapat si Landon. Pabagsak na naupo sa back seat si Keisha dahil sa pagod. Tapos na ang taping nila ng tatlong araw at binigyan sila ng director ng kalahating araw para makapagpahinga. Tanghali iyon at bukas ulit ay sasabak na naman siya sa taping. Ilang beses din siyang nagkamali sa mga lines. Distracted siya sa paghihiwalay nila ni Aaron. Kagabi ay dinumog siya ng media para tanungin kung dahil ba sa third party kaya sila naghiwalay ni Aaron. Syempre sinabi niya ang totoo. At pagkatapos niyon ay pumasok na siya sa kaniyang suite. Kinomfort din siya ng kaniyang mga kaibigan sa taping at pinapalakas ang loob. Naudlot ang paglalayag ng kaniyang isip ng magsalita si Landon na nasa driver's seat. Okay ka lang, Ms. Keisha?" tanong nito habang nakatingin sa kaniya mula sa rear view mirror. Tumango siya. "Yes. Salamat sa pagsama sa 'kin lagi Landon," sinsero niyang sabi. Ngumiti ito. "Wala iyon. Trabaho ko iyon, Ms. Keisha," sagot ni Landon. Hindi niya maiwasang mainis sa pagtawag nito lagi ng Ms. Keisha na para bang walang halikan na namagitan sa kanila. "Puwede Keisha na lang?" nakasimangot niyang tanong. "Sure, Keisha," pinaandar na ni Landon ang sasakyan at minaneho iyon sa highway. Hindi maiwasang mapatitig ni Keisha sa malapad nitong likod. Ka-likod nito ang lalaki na nakita niya sa kaarawan ni Carlos Fernandez. Imposible, dahil mga mayayamang tao lamang ang imbitado sa okasyon na iyon. Wala naman sigurong itinatagong lihim sa kaniya si Landon? Sa katunayan, sa loob ng ilang linggo nilang magkasama at ang namagitan na halik sa kanilang dalawa, doon niya napagtanto na may gusto siya sa binata. Sino ba naman ang hindi? Maginoo at guwapo si Landon. Hindi naman tumitingin sa estado ng buhay si Keisha basta ang mahalaga nagsisikap sa buhay. Ipinikit na lamang niya ang mga mata. Baka natukso lang si Landon sa kaniya noong nakaraan. Aminin man niya sa hindi ni Keisha nasaktan siya sa isiping iyon. Hanggang sa dalawin na siya ng antok. Hindi alam ni Keisha na habang mahimbing siyang natutulog ay inihinto muna ni Landon ang sasakyan at pinagmasdan siya. "Napakaganda mo talaga, Keisha. Kailan mo kaya ako mapapansin? May posibilidad ba na maging tayo? Ano kaya ang magiging reaksiyon mo kapag nalaman mo na isa akong CEO?" sabi ni Landon habang nakatitig kay Keisha. Ibinalik na ni Landon ang tingin sa harapan at minaobra ang sasakyan patungo sa bahay ni Keisha.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (96)
Jr Eric Palacionardem
Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko
07/08/2023
0
Sul Choie
I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam
Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko
07/08/2023
0I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam
11/08
0ok 👌
02/08
0View All