logo text

Virgin's Scandal With Kuya Driver (Chapter 7)

"Keisha, Keisha," ang tawag na iyon ni Landon ang nagpagising kay Keisha mula sa mahimbing na pagkakatulog. Dala na rin ng pagod kaya napahimbing ang tulog niya. Dahan-dahan na iminulat ni Keisha ang kaniyan mga mata.
"Bakit?" pupungay-pungay ang mga mata na tanong ni Keisha.
"Nasa tapat ng gate mo si Aaron." Dahil sa sinabing iyon ni Landon ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig saka tumingin sa harap. Nandoon nga si Aaron, nakasandal sa kaniyang kotse habang may kausap. Nakagat ni Keisha ang ibabang labi. Tiyak na si Shaila ang kausap ni Aaron dahil kitang-kita sa mukha nito ang saya. Kaagad na bumaba ng sasakyan si Keisha. Narinig pa niya ang pagtawag sa kaniya ni Landon pero hindi niya ito pinansin. Ano ang karapatan ni Aaron na magpunta rito pagkatapos siyang lokohin?
"Aaron!" sigaw na sabi ni Keisha. Napalingon sa kaniya si Aaron at bago ibinaba ang tawag, ay nagpaalam muna ito. Mukhang sinadya pa ni Aaron na iparinig sa kaniya! Ang kupal!
"Keisha. Gusto kitang makausap," seryusong sabi ni Aaron. Naningkit ang mga mata ni Keisha na napatingin kay Aaron.
"Ano pa ba ang pag-uusapan natin, Aaron? Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Tapos na tayo at galit ako sa 'yo!" nanggigil na sabi niya. Mabuti na lang nasa subdibisyon sila at hindi mahilig mangielam sa buhay ng may buhay ang mga taong nakatira rito. Natawa ng malakas si Aaron.
"Hindi ba dapat ako ang magalit sa 'yo? Hindi ko naman sinira ang career mo. Nanahimik kami ni Shaila. Ikaw itong maingay sa media," matalim ang titig na sabi ni Aaron. Natawa rin siya.
"Aba! Syempre nagsasabi lang ako ng totoo. May puwede bang ikasira ng career ko ang ginawa niyo? Ikaw ng nanloko kaya may posibilidad na masira ang career mo!"
"So may kinalaman ka kaya hindi na ni-renuew ng Icon TV ang kontrata ko?" mapait nitong tanong. Kumunot ang noo ni Keisha. Hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi ni Aaron.
"Wala akong alam sa pinagsasabi mo, Aaron. Galt ako sa 'yo pero hindi ko iyon gagawin. Nang tanungin ako ng media sinabi ko lang ang totoo. Kung iyong ginawa mo ang dahilan kung bakit hindi ni-renew ang kontrata mo. Hindi ko na kasalanan iyon. Kasalanan mo iyon," seryuso niyang sabi.
"Hindi ako naniniwala na iyon ang dahilan kung bakit nangyayari ito. May kinalaman ka dito! Ano? Baka naman kinausap mo si Carlos Fernandez para kausapin si Mr. Lim na huwag na akong bigyn ng project? Baka naman ibinigay mo ang sarili mo para lamang maghiganti sa 'kin. Di ba magkaibigan ang dalawa?" nakangisi na sabi ni Aaron. Sinampal niya ito! Ano ang karapatan ni Aaron na pagsabihan siya ng ganoon. Hinawakan ni Aaron ang namumulang pisngi. Kitang-kita ang poot sa mga mata nito. Hindi akalin ni Keisha na pag-iisipan siya ng ganoon ni Aaron. Hindi ba siya nito lubos na kilala? Akmang iaangat ni Aaron ang kamay para sampalin si Keisha ng magsalita si Landon na nasa kaniyang likuran lamang.
"Subukan mong saktan si Keisha at hindi ako mag-aatubili na ipaputok ito sa 'yo!" sigaw ni Landon. Napatingin si Keisha at Aaron kay Landon. May hawak itong baril at nakatutok kay Aaron. Hindi namalayan ni Aaron ang paglapit ni Landon dahil abala ito sa pakikipag-usap kay Keisha. Biglang nahintakutan si Aaron kaya bahagya itong napaatras.
"Alam kong hindi mo kayang gawin iyan!" maangas na sigaw ni Aaron pero makikita pa rin sa mukha nito ang takot.
"Talaga lang ah?" Binalingan ni Landon si Keisha. "Umalis ka muna diyan Keisha para malaman ni Aaron na hindi ako nagbibiro," masuyo nitong sabi. Tumalima naman si Keisha at gumilid. Itinutok ni Landon ang baril sa ibaba malapit sa kinatatayuan ni Aaron at pinaputakan iyon. Napasigaw si takot si Aaron. Matalim nitong tinitigan si Landon at tiningnan si Keisha.
"Hindi pa tayo tapos, Keisha!" nanggagalaiti nitong sabi saka nagpunta sa sasakyan nito, pumasok at pinasibad iyon paalis. Huminga ng malalim si Keisha at tiningnan si Landon.
"Salamat dahil hindi niya ako nasaktan. Sana huwag mo na lang ulitin iyon at baka kung ano pa ang magawa ni Aaron," nag-aalalang sabi ni Keisha. Tinitigan siya ni Landon.
"Hindi ako natatakot sa kaniya Keisha. Hindi ako papayag na sasaktan ka pa niya. Ganoon ka ka-importante sa 'kin," sinseron sabi ni Landon. Namula ang pisngi ni Keisha sa sinabi ni Landon. Alam niyang importante lamang siya rito dahil sa trabaho hindi dahil may iba pang kahulugan iyon. Ayaw niyang umasa, masasaktan lamang siya. Dahil sa ginawa ni Landonay mas lalo pa siyang humanga rito. Ngumiti siya.
"Salamat, Landon. Pasok na ako para makapagpahinga na ako at para makapagpahinga ka na rin. Magkita na lang ulit tayo bukas," nakangiti niyang sabi.
"Pumasok ka muna bago ako aalis." Tumango-tango si Keisha at pumasok na sa loob. Napasandal si Keisha sa pintuan at naipikit ang mga mata.
"In love na ba ako?" hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili.
Nakahiga si Keisha sa kaniyang kama ng gabing iyon habang nakikinig ng musika. Iyon kasi ang paraan niya para dalawin siya ng antok. Biglang naalala ni Keisha si Landon at napatanong sa sarili kung kamusta na ba ito. Hinawakan ni Keisha at cellphone at nagsimulang magpadala ng mensahe kay Landon na naglalaman na kinakamusta niya ito. Nabuntong-hininga si Keisha. Hindi niya alam pero namimiss niya si Landon. Ilang sandali lamang ay tumunog na ang cellphone ni Keisha. Napakagat-labi siya ng makitang si Landon ang nag-text. Binasa niya iyon. Sabi sa text, ayos lang ito. Kinakamusta rin siya nito. Rereplayan na sana niya ang text ni Landon ng mag-ring ang cellphone niya. Si Alice ang tumatawag. Kaagad niyang sinagot iyon.
"Alice, bakit?" bungad niyang tanong.
"Keisha. Are yu stil a virgin pa rin naman 'di ba?" makahulugan na sabi ni Alice. Alam ni Alice na wala pang namagitan sa kanila ni Aaron. Mapagkakatiwalaan kasi ito kaya safe rito ang mga sekreto niya.
"Oo naman, Alice. Alam mo naman na hindi ko basta-basta isinusuko ang sarili ko," tugon niya. Hindi niya alam. Matagal naman na niyang boyfriend si Aaron pero bakit parang hindi niya maramdaman ang pananabik o ibigay ang sarili rito. Ngayo alam na ni Keisha kung bakit. Dahil hindi si Aaron ang para sa kaniya at nagpapasalamat si Keisha dahil hindi niya naibigay ang sarili rito. Mas gugustuhin pa niyang ibigay ang sarili kay Landon. Nanlaki ang mga mata ni Keisha. Ano ba itong itinatakbo ng isip niya?
"Oh my gosh!" bulalas ni Alice. Ramdam ni Keisha sa boses ni Alice na may problema patungkol sa kaniya. Binundol ng kaba ang dibdib niya ng maisip ang posibilidad kung bakit natanong iyon ni Alice.
"Bakit, Alice? May problema ba?" tanong niya. Nanginginig na rin ang kaniyan bibig.
"May video ka, Keisha. Video na hindi kaaya-aya at maaaring makasira sa career mo. At hindi si Aaron ang lalaki kundi ibang lalaki. Sino ang may kagagawan nito? I-send ko sa 'yo later," nalulungkot na sabi ni Alice. Natigilan siya. Video na hindi kaaya-aya? Bakit siya magkakaroon ng ganon eh birhen pa siya? Sino ang may gawa niyon?
"Paano ako magkakaroon ng ganiyan, Alice?! I'm still a virgin, Alice! Hindi ako iyan!" sigaw niya. Mas lalong nangamba si Keisha ng maisip na baka kalat na iyon sa Showbiz Industry. Hindi puwede! Masisira ang reputasyon niya! Hindi namalayan ni Keisha na may tumulo na palang luha sa sa kaniyang mga mata. Napahikbi siya.
"Calm down, Keisha. Walang mangyayari kung mag-brea-break down. Ang kailangan natin gawin ay ma-trace kung sino ang may gawa nito. I will help you. You overcome this, right? Matatag ka, eh. Hangga't alam mo sa sarili mo na hindi ikaw iyan. Wala kang dapat ikatakot," pagpapalakas ni Alice ng loob ni Keisha. Huminga siya ng malalim. Nagpapasalamat si Keisha dahil may kaibigan siya na kagaya ni Alice.
"Thanks, Alice," sinsero niyang sabi. Hindi man nakikita ni Keisha si Alice pero alam niya na nakangiti ito.
"You're always welcome. So, i'll hang up now. Se you tomorrow. Huwag kang aabsent! Magagalit ako!" nagtatampo nitong sabi. Natawa si Keisha.
"Oo naman!" masigla niyang sabi. Nang mamatay ang tawag. Sumunod na tumawag ang manager ni Keisha kung ano ang video na iyon. Syempre, sinabi niya na walang katotohanan iyon. Nangako rin si Janice, ang manager ni Keisha na gagawa ito ng paraan para malaman kung sino ang nasa likod ng ng video na iyon. Pabagsak na nahiga sa kama si Keisha pagkatapos ng pag-uusap na iyon. Muli, nag-ring ang cellphone niya. Si Landon ang tumatawag. Kaagad iyong sinagot ni Keisha. Kailngan niya ng makakausap ngayon. She feels hopeless. Nang masagot ni Keisha ang tawag, inilagay niya sa taenga ang cellphone. Tumikhim si Landon.
"Naabala ba kita? I just want to check if your okay." Mahihimigan sa boses ni Landon ang pag-aalala. Tuluyan na siyang napahikbi.
"Keisha! What happen? Bakit ka umiiyak?" nag-aalala nitong tanong. Hindi niya maiwasang humanga sa pagdadala nito ng salitang Ingles.
"Puwede ka ba pumunta rito? Kailangan ko ng makakausap," nanghihinang sabi ni Keisha.
"Calm down, Keisha. Pupunta na ako diyan," sagot ni Landon at pinatay na ang tawag. Na kay Keisha na rin ang video na ipinadala ni Alice sa kaniya at pipasa niya sa kaniyang manager na si Janice.
"Wala naman akong ginagawang masama. Naging mabuting tao naman ako. Bakit nangyayari sa 'kin ito?" hindi napigilang itanong sa sarili ni Keisha.

Book Comment (96)

  • avatar
    Jr Eric Palacionardem

    Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko

    07/08/2023

      0
  • avatar
    Sul Choie

    I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam

    11/08

      0
  • avatar
    Nathan Cleo Betito

    ok 👌

    02/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters