Homepage/Compilation Of One Shot 4/
Virgin's Scandal With Kuya Driver (Chapter 8)
Agad na pinaharurot ni Landon ang sasakyan patungo sa bahay ni Keisha. Sobrang nag-aalala siya lalo na kanina ng umiyak ito. Ano ba ang nangyayari? Iniiyakan ba ni Keisha si Aaron? Hindi pa rin ba nakakalimutan ni Keisha si Aaron? Hindi maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib ni landon dahil sa isiping iyon. Pero imposible na si Aaron ang dahilan baka may mas malalim pa na dahilan. Nang makarating si Landon sa bahay ni Keisha. Kaagad niyang binuksan ang gate. May duplicate key siya para kung sakali man na hindi pa gising si Keisha kapag araw ng taping ay siya na ang kusa ng pumapasok sa loob ng silid nito para gisingin ito. Malaki ang tiwala ni Keisha kay Landon at lubos niyang ipinagpapasalamat iyon. Nang makapasok sa loob kaagad siyang nagtungo sa silid ni Keisha. Ndatnan niya itong nakaupo sa kama at mukhang hinihintay siya.
"Landon," nanghihinang bigkas ni Keisha sa kaniyang pangalan. Lumapit siya rito at naupo sa tabi nito saka hinawakan ang malambot nitong mga kamay.
"Ayos ka lang? Anong problema, Keisha?" nag-aalalang tanong ni Landon. Tiningnan siya ni Keisha. Tumulo ang luha sa mga mata nito. Tinuyo iyon ni Landon gamit ang hinlalaki niya.
"Don't cry. Sabihin mo sa 'kin ang problema at sosolusyonan natin."
"I have a video, Landon. Video na may ginagawa akong hindi kanais-nais pero wala pa naman nakakakuha sa pagka-birhen ko. Paano ako magkakaroon ng ganoon? Sino ang may gawa niyon?" malungkot na sabi ni Keisha at mahinang natawa. "Tao nga naman. Kapag nasa itaas ka, pilit kang hinihila pababa. Hindi man lang maging masaya sa tagumpay ng kapwa nila," malamlam ang mga matan sabi ni Keisha.
"Paki-send sa 'kin ang video, Keisha. I will ask help to Sir Carlos Fernandez," sagot ni Landon. Kumunot ang noo ni Keisha.
"Bakit ang galing mo magsalita ng Ingles. I mean iba ang pagkakabigkas mo. Pakiramdam ko hindi ka driver," nagdududa nitong sabi. Ntigilan si Landon. Nagsisisi kung bakit gumamit pa siya ng salitang Ingles.
Huwag mo na pansinin iyon, Keisha. Ang kailangan natin pagtuunan ng pansin ay ang masolusyonan ang problema mo. Puwedeng makaapekto ito sa career mo. I-send mo na sa 'kin," utos ni Landon na para bang hindi siya driver ni Keisha ng mga sandaling iyon. Kaagad naman na tumalima si Keisha. Kinuha ang cellphone at ipinadala iyon true e-mail. Nang matanggap iyon ni Landon, tumayo na siya.
Kailangan mo na magpahinga. You need rest. May taping ka pa bukas," paalam ni Landon pero hinawakan ni Keisha ang kaniyang kamay.
"Please, stay. I need you," pakiusap nito. Ano pa ba ang magagawa ni Landon? Mahina siya pagdating kay Keisha.
"Okay, I'll stay," sagot ni Landon. Nahiga na si Keisha sa kanang bahagi ng kama. Siya naman ay sa kaliwang bahagi.
"Puwede ka ba kumanta?" tanong ni Keisha.
Napatingin si Landon kay Keisha. Nagkatitigan sila. Yes, marunong kumanta si Landon Nagkaroon sila ng banda noon ni Jonas, Baron kasama ang mga kaibigan nila noong college na ngayon ay nasa America na at may kaniya-kaniyang pamilya. Minsan, nagkakaron sila ng bondig kapag umuuwi ang mga ito dito sa Pilipinas o kung minsan naman ay binibisita nila ni Baron at Jonas ang mga ito sa Amerika. Nagtayo ang mga ito ng negosyo. Niyayaya si Landon at Jonas ng mga ito pero may kompanya silang pinamamahalaan.
"Sure. Anong gusto mong kantahin ko?"
"If you're not the one," tugon ni Keisha. Basic iyon kay Landon. Madalas na ipa-request iyon sa kanila noon. Si Landon kasi ang vocalist. Napatingin si Landon sa sulok ng silid at nakita na may gitara doon.
"Puwede ko ba hiramin gitara mo?" tanong ni Landon. Napatingin si Keisha sa tinitingnan ni Landon.
"Sure." Tumayo si Landon at kinuha iyon saka naupo sa kama at si Keisha naman ay naupo rin at isinandal ang katawan sa pader.
"Mahilig ka rin palang mag-gitara?" curious niyang tanong. Ngumiti si Keisha.
"Oo. Noong high school ako tumutugtog ako. Minsan, ginagawa kong stress reliever pag-uwi galing taping." Napatango-tango si Landon at nagsimula ng mag-strum sa gitara at sinimulang kantahin ang "If you're not the one" habang nakatitig kay Keisha. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Landon ang pamumula ng pisngi ni Keisha. Kaya naman ibinaba niya ang tingin sa gitara para hindi mailang si Keisha. Nang nasa kalagitnaan na si Landon ng kanta, napatingin siyang muli kay Keisha. Natawa siya ng mahina ng makitang mahimbing na itong natutulog habang nakasandal sa dingding. Ibinaba ni Landon ang gitara sa sahig at binuhat si Keisha saka inihiga sa kama. Pinakatitigan niya ito at dinampihan ng mabilis na halik sa labi si Keisha.
"Gagawin ko ang lahat matuklasan lang ang may kagagawan ng video na iyon. At sisiguraduhin ko na magsisisi siya dahil kinalaban ka," seryusong sabi ni Landon. Bumaba siya ng kama at nagtungo sa balkonahe ng kuwarto ni Keisha. Kinuha ang cellphone at tinawagan ang Ninong Arthur niya na isang private investigator. Ilang ring lang ay sinagot na ni Arthur ang tawag ni Landon.
"Oh, inaanak! Napatawag ka?" tanong nito.
"Sorry, 'nong kung naistorbo kita. I have a favor," pakiusap niya.
"It's okay. Kakauwi ko lang din galing sa kompaniya," tugon ni Arthur. Nagtratrabaho si Arthur bilang Presidente ng kanilang kompanya at ang pagiging private investigator nito ay iilan lamang ang nakakaalam. Mga malalapit sa buhay. Maaasahan ito sa oras ng kagipitan.
"Kamusta na pala ang kompanya, 'nong?" tanong ni Landon.
"Doing good. Kailan ka ba babalik? Lagi na lang nagrereklamo ang dad mo. Ano ba niyang pinagkakaabalahan mo?" mausisa nitong tanong. Natawa si Landon.
"Hanggang reklamo lang naman iyang si dad. Pinagkakaabalahan ko? Babae, 'nong. Isang napaka-gandang babae ang pinagkakaabalahan ko at babalik ako kpaag naging akin na siya," seryusong sabi ni Keisha at napatingin sa kuwarto kung saan tanaw niya si Keisha na mahimbing na natutulog.
"Naks naman. Akalain mo nga naman na makakahanap ka rin ng katapat mo," biro ni Arthur na ikinatawa ni Landon.
"Syempre, 'nong!" Natawa na lamang si Arthur.
"Okay go back to your favor. Ano iyon?"
"May ipapagawa sana ako sa 'yo, 'nong. Kailangan ko ang tulong mo. Nakatanggap ng video si Keisha Jimenez. Isang video na naglalaman ng hindi maganda. Na may ginagawa siyang hindi maganda kasama ang isang lalaki na hindi naman niya kaan-ano at hindi naman siya ang nasa video. Alam niyo na po ang tinutukoy ko. Gusto kong malaman kung sino ang nasa likod niyon, 'nong. Hindi ako papayag na masira ang career ni Keisha na pinaghirapan niya dahil lamang sa mga taong naiinggit sa kaniya. Please, 'nong. I need your help," pakiusap ni Landon.
"Sure. But I have one question. Si Keisha Jimenez ba ang babaeng tinutukoy mo na pinagkakaabalahan mo?" mapang-usisang tanong ni Arthur. Hindi man nakikita ni Landon pero alam niyang nakangisi na ngayon si Arthur. Bumuntong-hininga siya.
"Yes, 'nong. Siya nga." Natawa ng malakas si Arthur.
"Ang galing mamili ng inaanak ko," biro nito.
"Syempre naman!" nakatawang sabi ni Landon.
"Send me the video and you will have the result within two days," seryuso nitong sabi.
"Copy that, 'nong. By the way, thank you ninong. Tatanawin kong utang na loob ito sa 'yo," buong sinseridad na sabi ni Landon.
"No worries, iho. Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo lang din naman. I have to hang up now. Tinatawag na ako ni Kumander. Good bye and take care," paalam ni Arthur saka pinatay na ang tawag. Nang matapos ang tawag. Seryuso siyang napatingin sa kalangitan.
"Problem soved," bulong niya sa sarili.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (96)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko
07/08/2023
0I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam
11/08
0ok 👌
02/08
0View All